Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

PCSO officials, mag-resign na

SHARE THE TRUTH

 240 total views

Iminungkahi ni dating CBCP President at Lingayen Dagupan Archbishop Oscar Cruz sa Duterte administration na tuluyang buwagin ang operasyon ng jueteng sa bansa.

Ayon kay Archbishop Cruz, kung hindi kayang sugpuin ng mga opisyal ng Philippine Charity Sweepstakes Office ang jueteng ay mainam na magbitiw ang mga ito dahil nasasayang lamang ang suweldong ibinabayad sa kanila ng taumbayan.

Binanggit rin Archbishop Cruz na hindi dapat katakutan ni PCSO General Manager Alexander Balutan ang ilan sa mga malalaking opisyal sa pamahalaan na may kaugnayan sa jueteng dahil nasa panig nito ang Philippine National Police, National Bureau of Investigation at Armed Forces of the Philippines.

“Para sa akin kung hindi nila kayang sugpuin ang isang bagay na iligal ay magbitiw sila. Sapagkat tumatanggap sila ng sweldo ng taumbayan para sa kanilang kabutihan. Kaya naman maraming tao na naloloko at marami namang barangay captain at mga gobernador na yumayaman dahil nga yung mga pobre, pinopobre pa. Mahirap na, niloloko pa.”pahayag ni Archbishop Cruz sa panayam ng Radyo Veritas.

Magugunitang nagsimula ang STL o small town lottery noong 2005 sa layuning wakasan ang jueteng kung saan kumita ng P3 Bilyon sa unang taon nito at nakapagbigay ng trabaho sa 62,500 katao.

Gayunman, sa halip na mabuwag ang jueteng sa pamamagitan ng STL ay lalo pang lumakas ang iligal na sugal.

Samantala, matagal nang tinutuligsa ni Archbishop Cruz ang lahat ng klase ng sugal sa bansa, kabilang na ang jueteng na hanggang ngayon ay talamak pa rin kahit mayroong lotto at Small Town Lottery na parehong pinatatakbo ng PCSO.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bukal ng tubig, bukal ng buhay

 2,623 total views

 2,623 total views Mga Kapanalig, ramdam na ramdam natin ang tindi ng summer heat! Kapag summer, talagang masarap maligo at uminom ng pampalamig, mapawi lang ang

Read More »

Mga hakbang pagkatapos ng halalan

 15,365 total views

 15,365 total views Mga Kapanalig, isang halalan na naman ang nairaos natin. Ikinatuwa o ikinadismaya man natin ang resulta, paano kaya tayo maaaring umusad pagkatapos nito?

Read More »

May magagawa tayo

 35,289 total views

 35,289 total views Mga Kapanalig, Eleksyon 2025 na! Ayon sa Republic Act No. 7166, dapat isagawa ang isang halalan bawat tatlong taon. Ang partikular na eleksyon

Read More »

Transport Reforms

 41,297 total views

 41,297 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 49,563 total views

 49,563 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here

Related Story

Latest News
Veritas Team

Hamon ng Obispo kay BBM, isulong ang kabutihan

 92,024 total views

 92,024 total views Isulong ang kabutihan para sa mas nakakaraming Filipino. Ito ang mensahe at paalala ni Tandag Bishop Raul Dael kay President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos,

Read More »
Latest News
Veritas Team

Robredo, nangunguna sa VTS

 87,936 total views

 87,936 total views Sinu-sino sa mga presidential aspirant ang sumusunod o nagsusulong ng “Catholic values and beliefs” na naka-sentro sa kasagraduhan ng buhay. Tinanong at pinusulsuhan

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top