People’s summit, isasagawa para kay President Rody

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 299 total views

Magsasagawa ng isang People’s Summit ang Bagong Alyansang Makabayan bago ang opisyal na panunumpa sa katungkulan ni incoming President Rodrigo Duterte sa ika-30 ng Hunyo.

Ayon kay Renato Reyes Jr.,Secretary-General ng BAYAN, layunin ng isasagawang People’s Summit na makabuo ng People’s Agenda mula sa iba’t ibang sektor sa lipunan na siyang isusulong at babantayan sa unang 100-araw ng panunungkulan ng administrasyong Duterte.

“Kami naman po ay medyo positibo naman yung tingin natin dito sa incoming Duterte Presidency. Sa katunayan magkakaroon ng People’s Summit sa June 29 para buuin yung People’s Agenda for the 1st 100 days ni Duterte Presidency at magbigay ng kongretong mga proposals para sa makabayan at progresibong pagbabago, matapos noon may isang martyang isasagawa sa a-trenta ng Hunyo kasabay ng inauguration may martya bilang suporta sa Peace Talks, bilang suporta sa pagpapalaya ng political prisoners at bilang suporta doon sa People’s Agenda para sa pagbabago…”pahayag ni Reyes.

Inihayag ni Reyes na magma-martsa ang iba’t-ibang sektor sa araw ng inagurasyon upang ipaabot ang pagsuporta sa mga plano ng bagong administrasyon partikular na ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng mga komunista at ang pagpapalaya sa mga bilanggong politikal o political prisoners sa bansa.

Batay sa tala ng Karapatan (Alliance for the Advancement of Poeple’s Rights) mula sa 509 na political prisoners, 18 ang naitalang mga peace consultants ang National Democratic Front of the Philippines, 88 ang may karamdaman, 48 naman ang mga matatanda habang tinatayang nasa 74 na mga detainees naman sa buong bansa na nananatiling walang hatol sa higit na 10-taon.

Unang inihayag ng Kanyang Kabanalan Francisco na ang lahat ay tinatawagan para sa kapayapaan, pagkakaisa at pagtutulungan sa lipunan na hindi lamang nakakaapekto sa bayan kundi higit sa mga mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 86,233 total views

 86,233 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 86,233 total views

 86,233 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 86,233 total views

 86,233 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 83,621 total views

 83,621 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 76,349 total views

 76,349 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top