36,330 total views
Nakapahirap maghanap ng trabaho., mas lalong mahirap makapasok ng trabaho…
Ito ang katotohanan… ang nangyayari… ito ang reyalidad sa Pilipinas, Kapanalig.
Ang nakakadismaya lamang Kapanalig, ang katotohanang ito ay ayaw aminin ng pamahalaan., nang kasalukuyang administrasyon ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr… Sinasabi ng pamahalaan na walang krisis sa trabaho sa bansa., ang lumalabas na statistics ay dulot lamang ng “schooling at household activities”. Malabnaw na katwiran ito ng pamahalaan., isisi mo ang kawalan ng trabaho sa pag-aaral at pagiging abala sa mga gawaing bahay?
Kapanalig, lumabas sa March 2025 labor force survey (LFS) na 1.1-milyon ang nawalan ng trabaho habang tumaas naman ng 1-milyon ang underemployment sa bansa.
Sinasabi ng IBON foundation na ang bumababang bilang ng employment at mataas na bilang ng underemployment ay indikasyon na hindi pa rin natutugunan sa kasalukuyan ng administrasyong Marcos ang krisis sa trabaho sa Pilipinas.
Iginiit ng IBON na ang resulta ng LFS ay patunay na isinasantabi o hindi inaaksyunan ng administrasyong Marcos ang ugat ng job crisis at naninindigan ang Philippine Statistic Authority na ito ay isang “skills mismatch problem” lamang.
Kapanalig, ang pagbaba ng labor force ng 1.1-milyon mula sa 49.2.milyon noong March 2024 sa 48-milyon ngayong March 2025 ay hindi dapat ipinagkipit balikat lamang ng pamahalaan. Nakakabahala ito!
Ang LFS ay nangangahulugan na ginawa ng maraming Pilipino ang lahat, nagpakahirap sa paghahanap ng trabaho kahit hindi ito akma o naaangkop sa kanilang tinapos na karere sa kolehiyo o college degree… Pero, wala talaga, walang bakanteng trabaho… bagsak sa job interview, nag-aagawan sa isang bakanteng puwesto, mahina o mababa lamang ang job prospect sa job market… ang resulta, nawalan na ng pag-asa, naging “discourage job seekers” na ang milyong Pilipino.
Ang sinasabi ng pamahalaan 69,000 lamang na unemployed ay isang kabalintunaan. Hindi isinama ng pamahalaan sa bilang ang 3.2 million unpaid family workers na nagta-trabaho sa kanilang family-operated farm o negosyo na maituturing na unemployed.
Tinukoy ng IBON na lumalala ang kawalan ng trabaho sa agriculture at industrial sector na pangunahing pinagmumulan ng sustainable jobs. Biruin mo Kapanalig, ang share ng agriculture sa GDP noong 2024 ay nasa 8-percent lamang, pinakababa ito sa kasaysayan ng bansa. Habang ang manufacturing ay 17.6-percent lang din-pinakamababa ding share sa GDP sa nakalipas na 7-dekada. Sa mga sektor na ito ang pinakamaraming nawalan ng trabaho, Kapanalig.
Kapanalig, sa kabila ng kapabayaan ng pamahalaan..nang lipunan., huwag tayong mawalan ng pag-asa… patuloy tayong magpunyagi.
Isaisip natin ang katuruan sa Ecclesiastes 9:10- “Whatever your hand finds to do, do it with your might, for there is no work or thought or knowledge or wisdom in Sheol, to which you are going.”
Sumainyo ang Katotohanan.