423 total views
Nakipatulungan ang Union of Metro Manila Cooperatives (UMMC) sa mga pribadong grupo para mas paigtingin pa ang pagpapalawak ng information drive hinggil sa koooeratiba.
Umaasa si UMMC Chairperson Fr. Anton CT Pascual na makatutulong ang inilunsad na ‘The Philippine Journal for COOP Studies’ sa pagpapalago ng sektor ng kooperatiba sa bansa.
“With the ongoing reinvention of the COOP UNION SYSTEM in the country vis-à-vis the benchmarking efforts of the Union of Metro Manila Cooperatives (UMMC) in the National Capital Region, it is my ardent hope that our partnership with PUP-DCDS, PCC and UNECO through this ACADEMIC JOURNAL would contribute as a knowledge resource material in the mission of unification, integration and consolidation of the cooperative sector,” pahayag ni Fr. Pascual.
September 28 nang inilunsad ng UMMC katuwang ang PUP Department of Cooperatives and Social Development (PUP-DCSD), Philippine Cooperative Center (PCC), at Union of Enterprising Cooperatives (UNECO) ang Philippine Journal for COOP Studies na layuning makapaglathala ng mga pagsasaliksik hinggil sa mga kooperatiba sa bansa.
Hangarin ng academic publications ang mahimok ang mga researchers na ilathala ang kanilang mga pagsasaliksik tungkol sa kooperatiba; magkaroon ng mga dokumento sa magagandang programa ng mga kooperatiba; magbahagi ng mga impormasyon hinggil sa kooperatiba na maaring gamiting batayan sa paglikha ng mga polisiya at programa ng kooperatiba; at higit na mahikayat ang mga dalubhasa na makisangkot sa pagsasagawa ng mga pag-aaral sa cooperative management.
Umaasa ang pari na magbukas sa mas malawak na kaalaman sa pagpapalago ng sektor ng kooperatiba ang Human Development, Health, and Sustainability; Social and Cultural Diversity; Economic and Environment Challenges; Digital Technology and Innovation; Good Governance and Transformational Leadership; at Youth Involvement.
Sa datos ng Cooperative Development Authority halos nasa 20 libo ang bilang ng mga rehistradong kooperatiba sa bansa na may 11 milyong miyembro.
Naniniwala si Fr. Pascual na sa pagtutulungan ng mamamayan sa pamamagitan ng kooperatiba ay higit na mapaunlad ang pamumuhay ng mamamayan at maibsan ang kahirapan sa lipunan.