Kapangyarihang makaboto, isang biyaya ng Panginoon-Bishop Bagaforo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 651 total reads

Binigyang diin ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission On Social Action, Justice And Peace o Caritas Philippines na ang pagkakataong makaboto ng bawat mamamayan ay dapat na ituring na isang pambihirang biyaya o regalo mula sa Panginoon.

Sa ibinahaging opisyal na commission statement ni Diocese of Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, chairman ng kumisyon ay iginiit ng Obispo ang kahalagahan ng maagang paghahanda ng lahat para sa papalapit na halalan.

Ayon kay Bishop Bagaforo na siya ring National Director ng NASSA/Caritas Philippines, ang matalinong paggamit ng bawat isa sa biyaya ng Panginoon na makapaghalal ng mga opisyal ng bayan ay dapat na ituring bilang isang pambihirang regalo at responsibilidad para sa bansa at sa susunod pang henerasyon.

Ipinaliwanag ng Obispo na sinasalamin ng boto ng bawat isa ang pagpapahalaga sa kapakanan at dignidad ng lahat na isang pundasyon ng panlipunang turo ng Simbahang Katolika.

“Voting is God’s gift to us and how we use that right is our gift to our country. Our choice reflects our values. It is an expression and affirmation of our human dignity, a foundational principle of Catholic social teaching. It is a precious right millions of people in the world do not enjoy. It is a fulfillment of one’s responsibility to participate in and influence the socio-political affairs of our nation.” bahagi ng pahayag ni Bishop Bagaforo.

Inihayag ng Obispo na kinakailangan ng bansa ang mga lider na may puso para sa tunay na paglilingkod at itinuturing ang bawat mamamayan na kawangis ni Hesus na dapat pahalagahan at ganap na paglingkuran.

Iginiit ni Bishop Bagaforo na maituturing na isang tunay na lingkod bayan ang isang halal na opisyal na bukod sa mayroong kaalaman at karanasan ay pinagsisikapan ibigay ang kabutihan sa bawat mamamayan.

Binigyang diin rin ng Obispo, na ang isang tunay na lider ng bayan ay dapat na magbigay daan patungo sa kaunlaran at kasaganahan ng bawat mamamayan na siyang plano ng Diyos para sa bayan.

“We deserve leaders with servant hearts who see Jesus in others and serve everyone selflessly. To be a true and working servant leader requires competence, experience, compassion, kindness, passion and perseverance. A functioning leader provides the direction and inspires God’s family to work tirelessly to help improve the condition of all Filipinos with preferential attention to the marginalized and excluded.” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Pinangunahan ng Caritas Philippines ang paglulunsad ng Halalang Marangal 2022 Coalition.

Read: https://www.veritas846.ph/halalang-marangal-2022-coalition-inilunsad/

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 57,095 total reads

 57,095 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 136,335 total reads

 136,335 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 169,780 total reads

 169,780 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 205,078 total reads

 205,078 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 429,287 total reads

 429,287 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top