435 total views
Ito ang pagninilay at buod ng Circular letter ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga pari at Communities of Consecrated Persons sa pagdiriwang ng Simbahan sa “Solemnity of the Ascension“.
Sinabi ni Cardinal Tagle na hindi maitatanggi na ang mga Filipino ay nahaharap sa krisis ng katotohanan kung saan hindi na matukoy o mapagtanto kung ano ang totoo at fake news.
“Dear Brother Priests and Communities of Consecrated Persons, As we celebrate the Solemnity of the Ascension, we cannot deny that we are facing a crisis of truth. It is almost impossible for us ordinary citizens to know which news is true and which is fake.” bahagi ng circular letter ni Cardinal Tagle
Ikinababahala ni Cardinal Tagle ang magkakasalungat na interpretasyon ng mga eksperto sa Saligang Batas, na aniya ay nagbubunga ngayon ng pagdududa, kawalan ng tiwala at pagkakahati-hati.
“Experts in the constitution give us conflicting interpretations of basic questions of law. The crisis of truth has sown seeds of suspicion, mistrust and fragmentation.” pahayag ni Cardinal Tagle
Iginiit ng kanyang Kabunyian na ang “partisan politics” ay nagiging political “tribalization” kung saan unang naisasakripisyo ang kabutihan sana ng nakararami.
“Partisan politics has turned into political “tribalization”.The common good is one of the first casualties.” bahagi ng circular ni Cardinal Tagle
Kaugnay nito, hinimok ni Cardinal Tagle ang lahat na makiisa sa tinawag niya na “Feasts of truth and love” sa loob ng 12 araw, na magsisimula sa ika-20 ng Mayo, Pentecost Sunday, hanggang sa ika-31 ng Mayo, kung kailan ipinagdiriwang naman ng Simbahan ang kapistahan ng pagbisita ng Birheng Maria sa pinsan na si Elizabeth – mga selebrasyon na nagbibigay-halaga sa katotohanan at pag-ibig.
Ipinaliwanag ng Cardinal na ang hakbang na ito ay bilang tugon sa pagkalat ng fake news at magkakasalungat na katotohanan.
Gagawin ito sa pamamagitan ng 12 araw na pagpapatunog ng kampana sa lahat ng simbahan sa Archdiocese of Manila tuwing alas-3 ng hapon bilang paggunita sa pagkamatay ni Hesus at para hilingin sa Diyos ang pagpapadala ng Banal na Espiritu na magbibigay ng gabay sa mamamayan tungo sa katotohanan sa panahong ito.
Pagkatapos ng pagpapatunog ng mga kampana, sabay-sabay na dadasalin ang Chaplet of the Divine Mercy sa lahat ng simbahan, kapilya, kumbento, paaralan, opisina at tahanan.
Hiniling din ni Cardinal Tagle ang pagpapalakas ng mga programa na nagbibigay-halaga sa pagbabahagi; at nagsusulong ng mga gawain para sa ikabubuti ng nakararami, at sa pagpapanumbalik ng tiwala at pagkakasundo.
Hinikayat din ng Cardinal ang lahat na sabayan ng pag-aayuno ang mga gawaing ito bilang sakripisyo at pagpapahayag ng paninindigan para sa katotohanan.
Read: Cardinal tagle calls for days of prayer, fasting and education for truth