212 total views
Hindi kailanman kinakampihan ng Simbahan ang mga kriminal gaya ng bintang ng ilang pumapabor sa uri ng kampanya ng administrasyong Duterte para sugpuin ang bawal na gamot sa bansa.
Ayon kay Rev. Fr. Jerome Secillano, executive director ng CBCP Permanent Committee on Public Affairs, hindi kinakatigan ng Simbahan ang nasa likod ng gawaing ito kundi ang mismong kasalanan.
Sinabi ng pari, biktima ng maling kapaligiran at maling senaryo ang mga lulong sa droga kayat kailangan silang bigyan ng pagkakataon na magbagong buhay sa halip na patayin.
“Ang mga mensahe ko sa mga parokayano ko ang simbahan kinokondena ang paglaganap ng droga, kung kayo ay gumagamit ng droga tiglan na ninyo yan, lalo na ang pagbebenta ng droga mali yan dahil marami kayong winawasak na buhay at pamilya. Kinokondena ng Simbahan ang kasalanan at hindi ang gumagawa nito dahil sila ay biktima ng pagkakataon na nangangailangan ng suporta at gabay para makapag-bagong buhay.” Pahayag ni Fr. Secillano sa Radio Veritas.
Kaugnay nito, ayon pa sa pari, magkasalungat ang layunin ng Simbahan at ng gobyerno ngayon sa kampanya kontra iligal na droga.
Ito’y dahil nais ng Simbahan na makapagbagong buhay ang mga makasalanan habang nais naman ng gobyerno kitilin ang kanilanbg buhay.
Ayon kay Fr. Secillano, ang buhay ang pinoprotektahan ng Simbahan at hindi ang gawainng masama.
“Magkasalungat ang pananaw ng Simbahan dito, ang church nais mabigyang pagkakaton na mabago ang mga lulong sa droga o nagtutulak imbes na patayin, yung makititid ang utak ang lagi nila pinalalabas na pananaw ay ang sinsusuportahan ng Simbahan ay mga kriminal, wala pong sinasabing ganyan ang simbahan, hindi po pinoprotektahan ng Simbahan sila, kundi ang buhay, kailangan din tingnan kung why suddenly ang mga taong ito na-involved sa ganitong kalalakan, may mga problema sa pamilya, relasyon relasyon, so naging dysfunctional ang pagsasama at nagresort sila sa ganitong gawain.” Ayon pa kay Fr. Secillano.
Dagdag ng pari, dahil sa pinangangalagaan ng Simbahan ang buhay, ibat ibang programa na ang kanilang inialay sa mga hinihinalang drug pushers at users na nais magbagong buhay kabilang dito ang pagbibigay ng counseling, spiritual formation, physical intervention at livelihoodprojects.
“Sa Simbaham may mga programa ng ginagawa ang ibat ibang diocese. Sa Archdiocese of Manila may Sanlakbay, may community-based approached para tulungan ang mga lulong sa droga na marehablitate, may psycho spiritual approached, psycho emotional intervention, counseling ibinibgay yan ng simbahan merun ding physical intervention thru sports activities, may livelihood project din na nakahanda kapag sila ay nakapagbago na magiging normal na muli buhay nila, sa pamamagitan ng livelihood ay mas maging normal pa ang kanilang buhay sa piling ng kanilang pamilya.” Ayon pa sa pari.
Sa kasalukuyan, mahigit na sa isang milyon ang mga sumukong drug pushers at users habang higit sa 6,000 ang napatay na simula ng maluklok sa puwesto ang Pangulong Duterte.