Typhoon Nina victims, makikibahagi sa traslacion ng Poong Hesus Nazareno

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 460 total reads

Makikibahagi pa rin sa Traslacion ng imahen ng poong Hesus Nazareno ang mga nasalanta ng bagyong Nina sa Bicol Region.

Ito ang tiniyak ni Rev. Fr. Renato Dela Rosa, Social Action Director ng Diocese of Virac kasabay ng patuloy na pagbangon ng kanilang mga mamamayan mula sa epekto ng kalamidad.

Ayon kay Fr. Dela Rosa, lalong tumatag ang pananampalataya ng mga bikolano at marami sa mga naninirahan sa Catanduanes ang deboto ng Hesus Nazareno.

Aminado ang pari na maraming luluwas ng Maynila mula sa kanilang lalawigan para makibahagi sa Traslacion 2017 sa ika-9 ng Enero habang ang ilan naman ay nagsasagawa na ng pagnonovena sa mga parokya.

“Opo marami pa din ang magpa-participate coming from our province. Ang debosyon nariyan pa din patuloy pa din. Ang kagandahan dito bawat parokya mayroon pa rin nanalangin at nagdadarasal.”pahayag ni Fr. Dela Rosa sa panayam ng Veritas 846.

Nanindigan din si Fr. Dela Rosa na ang kanilang ginagawa ngayong pagtulong sa mga naapektuhan ng kalamidad ay walang pinipiling relihiyon.

Aniya, kahit hindi mga katoliko ay kasama sa kanilang gagawing rehabilitation program basta’t ito ay nangangailangan at labis na naapektuhan ng bagyo.

“wala tayong pinipiling relihiyon, basta yun totally damaged at hindi maaring tirhan o partially damaged na bahagi lamang ng kanilang bahay ang nasira kasama pa rin sa on going assessment natin.” Giit ng Social Action Director ng Virac Catanduanes.

Sa tala ng Diocese of Virac, hindi bababa sa 4,500 kabahayan ang nasira ng bagyo sa kanilang nasasakupan.

Magugunitang una nang nagpahayag ang iba’t-ibang institusyon ng Simbahang katolika ng layunin na tumulong sa mga naapektuhan ng kalamidad kung saan ang Caritas Manila ay magpapadala ng P300 libong piso para sa rehabilitasyon ng mga nasirang kabahayan sa nasabing lalawigan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 188,696 total reads

 188,696 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 217,182 total reads

 217,182 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 251,304 total reads

 251,304 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 307,708 total reads

 307,708 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 115,102 total reads

 115,102 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top