Kalusugan at Gastos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 524 total views

Kapanalig, isang epektibong sukatan ng kaayusan ng serbisyong pangkalusugan sa bansa ay ang halaga ng gastos ng mamamayan para maka-access nito.

Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), tumaas ang kabuuang gastos pangkalusugan ng bansa. Kaya lamang, ang mga pribadong pamilya o households ang kumarga ng malaking porsyento ng gastos na ito. Ang out of pocket (OOP) medical expenses ng Filipino households ay mahigit pa sa 50 porsyento ng total health expenditure ng bansa noong 2006, at naging 54.3% pa ito noong 2007.  Ito ay higit pa sa 13% at 13.3% na ginastos ng national government at local governments para sa kalusugan noon.

Ayon naman sa Philippine Institute for Development Studies (PIDS), ang karaniwan o average household OOP expenditure ng mga pribadong kabahayan ay umakyat ng 21 percent mula 2009 hanggang 2013.

 

Ang out-of-pocket o OOP expenditures ay anumang pambayad para sa mga health practitioners at para sa gamot o anumang pangangailangan upang maibalik ang kalusugan. Mas maganda sana o ideal na maliit lamang ang OOP expenditures at mabigyan din ng financial protection ang mga mamamayan sa tuwing mayroong kaaanak na may sakit. Hindi kaila sa atin na maraming mga sakit ang mahal ang gamutan at biglaan pa kung dumating. Nakakapulubi ito sa may kaya, paano na lamang kapag maralita?

 

Ayon sa mga eksperto, ang mataas na lebel ng OOP expenditures ay para ring malubhang sakit—nakamamatay. Ito ay nagdudulot ng mas mataas na mortality rates lalo na sa mga may edad dahil pag mas malaki ang gastos, mas marami ang ayaw ng magpadoktor.

 

May mga insidente rin kung saan pati ang kapakanan ng mga malulusog na miyembro ng pamilya ay naapektuhan. Dahil sa laki ng OOP health expenditures, napipilitang tumigil na sa pag-aaral ang ilan at magtrabaho kahit mura pa ang edad.

 

Kailangan din ng pagbabago sa ating health care system, pagbabago na magbibigay atensyon sa gastos na katuwang ng kalusugan, gaya ng outpatient care, gamot at financial protection lalo na sa panahong malaki talaga ang pangangailangan para sa kalusugan.

Kapanalig, ang pagsasa-ayos ng health care system ay pag-galang din sa right to life ng mamamayan. Buhay, kapanalig, ang sentro ng usapin ng health care kaya’t dapat itong pagtuunan ng pansin. Ayon nga sa Laborem Exercens, “Ang mga gastos na katuwang ng kalingang pangkalusugan, kasama ang ma aksidente sa trabaho, ay nangangailangan ng tulong. Mura lamang dapat ito, o di kaya ay libre.” Isipin na lang natin kapanalig, kung di natin babaguhin ang ganitong patakaran sa ating sistemang pangkalusugan, hindi ba’t parang nag-aambag na rin tayo sa hirap at kamatayan ng ating kapwa?

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 197,136 total views

 197,136 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 219,246 total views

 219,246 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 290,393 total views

 290,393 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 278,565 total views

 278,565 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Hindi sapat ang bayanihan

 197,137 total views

 197,137 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 219,247 total views

 219,247 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 290,394 total views

 290,394 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »
Scroll to Top