PNP-Chaplain Service, humiling ng panalangin kay Papal Nuncio to the Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,935 total views

Ibinahagi ng Philippine National Police – Chaplain Service ang paghingi ng panalangin para sa hanay ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas sa kinatawan ng Santo Papa Francisco sa bansa.

Ito ang ibinahagi ni PNP-Chaplain Service Director Police Brigadier General Msgr. Jason Ortizo sa kanyang personal na pakikipagpulong kay Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown makaraang maanyayahan sa Apostolic Nunciature noong Nobyembre ng nakalipas na taon.

Ayon kay General Ortizo, bilang kinatawan ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas ay ipinaabot ni Archbishop Brown ang kanyang pasasalamat sa maagap at magandang serbisyo na ipinagkakaloob ng PNP upang siya magabayan sa kanyang tungkulin bilang kinatawan ni Pope Francis sa Pilipinas.

“Nainvite po tayo ng ating Papal Nuncio dahil actually nag-express po siya ng pasasalamat sa PNP sa lahat ng mga services na pinoprovide natin sa kanyang opisina sa Nunciature at siya ay tuwang tuwa kasi siya sa ating mga collaboration, sa ating tulong na maipaabot natin sa opisina niya at sa kanya. So that dinner was reserved purposely to express his heartfelt gratitude in behalf of me to the entire PNP organization.”pahayag ni Msgr. Ortizo sa Radio Veritas.

Pagbabahagi ni General Ortizo, nagkaroon rin siya ng pambihirang pagkakataon upang ibahagi sa Papal Nuncio ang mga kasalukuyang programang isinusulong ng PNP partikular ang revitalized KASIMBAYANAN program.

Ayon kay General Ortizo kabilang din sa kanyang ibinahagi kay Archbishop Brown ay ang puspusang isinasagawang internal cleansing campaign upang malinis ang hanay ng PNP mula sa iba’t ibang mga problema tulad ng ilegal na droga.

“Nagkaroon din ako ng panahon to discuss with him [Papal Nuncio] our programs yung KASIMBAYANAN Program ng ating mahal na Chief PNP at yung ating internal cleansing campaign and of course hinihingi din natin yung kanyang patuloy na pagdarasal para sa ating mga kapulisan.” Dagdag pa ni General Ortizo.

Naganap ang dinner meeting noong ika-28 ng Nobyembre, 2022 sa Embassy of the Holy See (Apostolic Nunciature), Taft Ave., Malate, Manila.

Matatandaang pinangangasiwaan ng Philippine National Police – Chaplain Service ang revitalized KASIMBAYANAN Program ng PNP upang paigtingin at pagtibayan ang ugnayan ng mga pulis, komunidad at ng mga faith-based groups.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 19,593 total views

 19,593 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 41,598 total views

 41,598 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 65,940 total views

 65,940 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 89,796 total views

 89,796 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 124,118 total views

 124,118 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top