282 total views
Ito ang ipinaalala ni Caloocan Bishop Emeritus Deogracias Iniguez matapos na ilabas ng bagong budget Sec. Benjamin Diokno ang P3.3 trillion proposed National Budget para sa taong 2017.
Iginiit pa ni Bishop Iniguez, na bagaman nakalaan ang pondo para sa imprastraktura ay dapat ring itong isakatuparan upang makita ng taumbayan.
Hiniling rin nito na palawigin pa ang proyekto ng pamahalaan lalo na sa mga mahihirap na probinsya sa bansa.
“Marami tayong pangangailangan may mga iba’t ibang priorities pero kung yun ang tingin nila ang infrastructure. Okay lang yun. Kaya lang dun dapat mapunta yung kanilang iaa–lot para doon. Dapat yan sa buong bansa tutal ang kaunlaran naman na dapat na pangalagaan ay ang kaunlaran ng buong bansa. Marami ring dapat gawin sa ibang bahagi ng ating bansa dapat lamang pag–aralan ng husto yan,” bahagi ng pahayag ni Bishop Iniguez sa panayam ng Veritas Patrol.
Nabatid na ang iminungkahing P3.3 budget para sa taong 2017 ay mas mataas ng 10 porsyento kumpara sa 2016 budget ito’y upang palakasin ang infrastructure spending.
Sa panlipunang katuruan ng Simbahang Katolika mainam na laging maisalang – alang ng pamahalaan ang kumun na serbisyo sa bawat mamamayan.