Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pontificio Collegio Filippino, benepisyaryo ng “eDonate platform” ng BPI

SHARE THE TRUTH

 21,107 total views

Nagpaabot ng pasasalamat ang pamunuan ng Pontificio Collegio Filippino sa Roma sa BPI (Bank of the Philippine Islands) para sa pagpili sa collegio bilang isa sa mga benepisyaryo ng eDonate platform nito.

Ayon sa Pontificio Collegio Filippino na kasalukuyang pinangangasiwaan ni collegio rector Rev. Fr. Gregory Gaston, isang malaking biyaya ang pagkakapabilang sa mga benepisyaryo ng eDonate Platform ng nasabing banko.

Pagbabahagi ng collegio, malaki ang maitutulong ng naturang hakbang para sa patuloy na pagsasakatuparan ng misyong gabayan at hubugin ang mga Pilipinong pari na ipinadadala sa Roma ng kanilang mga Obispo at kongregasyon upang higit na makapag-aral at mapalalim pa ang kanilang bokasyon bilang isang lingkod ng Simbahan.

“BPI (Bank of the Philippine Islands) selects Collegio Filippino as a beneficiary for its eDonate platform. We sincerely thank BPI for this channel and opportunity to create support for the ongoing formation of our Priests in Rome, who are sent by their Bishops to do further studies while residing at the Collegio Filippino…” Bahagi ng pahayag ng Pontificio Collegio Filippino.

Ang Pontificio Collegio Filippino ay itinatag noong 1961 sa pamamagitan ni Pope John XXIII bilang ‘Home in Rome’ ng mga Pilipinong pari na nag-aaral sa mga unibersidad sa Roma.

Taong 1961 nang basbasan ni St. John XXIII ang PCF kung saan umaasa ang dating Santo Papa na maging lugar ng paghuhubog ang gusali para sa higit na paglago ng karunungan ng mga lingkod ng Simbahan na makatutulong sa kanilang misyon bilang pastol ng Simbahan sa Pilipinas.

Sa kasalukuyan may mahigit sa 40 ang mga pari ang naninirahan sa collegio, kabilang na ang mahigit sa 30 mga Filipino habang nasa 10 naman ang mga pari na mula sa mga diyosesis ng Burkina Faso, Cameroon, Congo, Japan, India, Sri Lanka, Taiwan at Vietnam.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO GRADUATES, MAHINA SA RESEARCH

 36,926 total views

 36,926 total views Good News…. Patuloy na dumarami ang mga paaralan sa Pilipinas na nakapasok sa global o international rankings. Sa inilabas na Quacquarelli Symonds (QS)

Read More »

NAGUGUTOM NA PINOY

 59,758 total views

 59,758 total views Tama bang isisi ng kasalukuyang administrasyon sa nararanasang kalamidad ang pagtaas ng bilang ng mga Pinoy na dumaranas ng involuntary hunger? Ang involuntary

Read More »

Trahedya sa Bais Bay

 84,158 total views

 84,158 total views Mga Kapanalig, noong ika-26 ng Oktubre, nagkaroon ng wastewater spill sa Bais Bay sa Negros Occidental.  Ang wastewater spill ay nanggaling sa pasilidad

Read More »

Pagsusulong ng just energy transition

 103,035 total views

 103,035 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ngayong araw ang ika-30 na Conference of the Parties o COP30 ng United Nations Framework Convention on Climate Change

Read More »

Silipin din ang DENR

 122,778 total views

 122,778 total views Mga Kapanalig, nakapangingilabot ang kinahinatnan ng maraming lugar sa probinsya ng Cebu matapos dumaan doon ang Bagyong Tino.  Mistulang binura sa mapa ang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 24,822 total views

 24,822 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Scroll to Top