Pope Francis, ipinasailalim sa mapagpagaling na kamay ng Panginoon ng CBCP-ECPCF

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,893 total reads

Ipinapalangin ng tagapangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) – Episcopal Commission on Pontificio Collegio Filippino na mapasailalim sa pangangalaga at mapagpagaling na mga kamay ng Diyos ang Kanyang Kabanalan Francisco na naospital dahil sa respiratory infection.

Bukod sa pananalangin para sa mabilis na paggaling ni Pope Francis ay partikular ding ipinapanalangin ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang bawat miyembro ng medical team na nangangasiwa sa kalagayan at kalusugan ng Santo Papa matapos na maospital sa Agostino Gemelli Polyclinic sa Roma noong February 14, 2025.

Nawa ayon kay Bishop Santos ay kalooban ng Panginoon ng kalakasan ng kaisipan at kagalingan ang lahat ng mga nangangalaga sa kalusugan ng Santo Papa upang mabilis na mapabuti ang kalagayan ng punong pastol ng Simbahan.

“Heavenly Father and merciful God, we come before You with hearts full of gratitude for the gift of Pope Francis, Your faithful servant and shepherd. In this time of his illness, we ask for Your healing touch to be upon him. We pray that You grant him strength and peace as he rests and recovers from this affliction. Lord, guide the hands and minds of the medical team caring for him. Fill them with Your wisdom and skill so that they may bring him comfort and restore his health. Surround Pope Francis with Your divine light, providing him solace and the assurance of Your presence.” Bahagi ng panalangin ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.

Hinihiling din ni Bishop Santos na siya ring Bishop Promoter ng Stella Maris Philippines ang pagbibigay ng Panginoon ng patuloy na kalakasan kay Pope Francis upang kanyang maipagpatuloy ang paglilingkod bilang pastol sa kawan ng Diyos.

“May Your grace uplift him in moments of weakness, and may Your love be a constant source of hope and encouragement. As he continues to serve You and Your people, we ask that You restore him to full health, so he may continue to lead with compassion and wisdom” Dagdag pa ni Bishop Santos.
Sa isinapublikong impormasyon ng Holy See Press Office, dinala ang 88-taong gulang na Santo Papa sa Agostino Gemelli Polyclinic sa Roma upang masuri at maipagpatuloy ang gamutan matapos na makaranas ng bronchitis.

Pagbabahagi ng Vatican, kinakailangan pang dumaan ni Pope Francis sa ilan pang mga serye ng diagnostic tests upang matiyak ang kanyang kalusugan at pangangatawan.
Ang Pontificio Collegio Filippino na nagsisilbing ‘Home in Rome’ ng mga Pilipinong pari na nag-aaral sa mga unibersidad sa Roma ay itinatag noong 1961 sa pamamagitan ni Pope John XXIII na umaasa sa higit na paglago ng karunungan ng mga lingkod ng Simbahan na makatutulong sa pagpapastol ng Simbahan sa Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pahirapang dagdag-sahod

 2,887 total reads

 2,887 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 85,049 total reads

 85,049 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 186,776 total reads

 186,776 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 223,564 total reads

 223,564 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 254,117 total reads

 254,117 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top