Obispo ng Antipolo, Nanawagan ng Mas Matibay na Pagtutulungan para sa Katarungang Panlipunan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,846 total views

Hinimok ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mga Pilipino na mas paigtingin ang pakikiisa sa pagsusulong ng katarungang panlipunan upang patuloy na mapabuti ang kalagayan ng lipunan at ng buong daigdig.

Sa kanyang mensahe para sa paggunita ng World Social Justice Day ngayong Pebrero 20, binigyang-diin ng obispo ang mahalagang papel ng bawat isa sa pagtugon sa mga umiiral na suliraning panlipunan.

“Social justice is the foundation upon which we build an impartial world. It is the guiding principle that calls us to recognize the dignity of every human being, to stand in solidarity with the marginalized, and to strive for a society where everyone has the opportunity to flourish. It is our moral duty to ensure that the voices of the oppressed are heard, and their plight is addressed with urgency and empathy,” bahagi ng mensaheng ipinadala ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Ayon sa obispo, sa kabila ng patuloy na paghihirap ng marami, tungkulin ng bawat isa na palalimin ang kanilang kamalayan upang higit na maunawaan ang mga kinakaharap na hamon ng kanilang kapwa. Sa pamamagitan nito, maaaring simulan ang mga makabuluhang hakbang at inisyatibong tutugon sa pangmatagalang solusyon laban sa kahirapan at kawalan ng katarungan.

Nanawagan din si Bishop Santos sa mga mananampalataya na yakapin at isabuhay ang tema ng World Social Justice Day ngayong taon upang maging mas epektibo ang sama-samang pag-ahon mula sa kahirapan at ang pagsulong ng pantay-pantay na pag-unlad sa lipunan.

“Nawa’y maunawaan ng bawat isa na ang katarungang panlipunan ay hindi isang imposibleng mithiin. Kung tayo ay magtutulungan—kasama ang pamahalaan, mga institusyon, at bawat mamamayan—maaari tayong makabuo ng isang lipunang pinaghaharian ng pagkakaisa, malasakit, at tunay na paggalang sa karapatan ng bawat isa,” dagdag pa ng obispo.

Bilang bahagi ng pandaigdigang paggunita, itinakda ng United Nations ang temang “Empowering Inclusion: Bridging Gaps for Social Justice” ngayong taon. Layunin nitong ipaalam sa buong mundo ang kahalagahan ng bukas at matapat na diyalogo upang mapabuti ang lipunan at maisakatuparan ang tunay na katarungang panlipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 56,281 total views

 56,281 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 52,150 total views

 52,150 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 88,352 total views

 88,352 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 96,772 total views

 96,772 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 121,401 total views

 121,401 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top