127 total views
Umaasa si Dationg Catholic Bishops Conference of the Philippines President Lingayen, Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz na mapapababa ng Duterte administration ang mataas na singil sa kuryente sa bansa.
Inihayag pa ni Archbishop Cruz na dapat pagtuunan ng susunod na pamunuan ang power generation, power transmission at power distribution sa mga negosyanteng humahawak at namamahala sa kuryente sa bansa.
“Ang pinakahihintay ko sana, ewan ko kung mangyayari ay yung power generation. Yung power transmission at power distribution ito ang hinihintay – hintay ko. Ewan ko nag – iisa lang ako dito. Sa buong mundo ang Pilipinas ang pinakamahal ang kuryente, sa buong mundo! Ano kaya ang patakaran ng ating administrasyon sa power generation, power transmission at power distribution,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Cruz sa panayam ng Veritas Patrol.
Binatikos rin nito ang pagiging ganid sa salapi at kita ng halos 50 hanggang 60 porsyento ng electric industry sa bansa ay pagmamay –ari ng mga pribadong kumpanya.
“Lahat yan nasa private hands, private capitals at pumasok pa yung dating aalis na pamunuan na PPP raw public private partnership kasama rin yung mga public hospitals. Ang public funds is for public prefer kaya nagbabayad ang tao ng katakot – takot na buwis para ang gobyerno magamit ang perang yan para sa kabutihan ng mga tao. Ngunit hindi eh gagawing negosyo itong administrasyong darating ewan ko kung saan nakuha yun pero yun ang knyang PPP,” giit pa ni Archbishop Cruz sa Radyo Veritas.
Nauna nang inihayag ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na ang Pilipinas ay kabilang sa limang bansa na may pinakamataas na singil sa kuryente sa buong mundo. Ayon kay TUCP, sa kasalukuyan ay naglalaro na sa 10.52 pesos ang presyo ng kada kilo watt hour ng kuryente sa bansa, ika-lima sa pinaka mahal sa mundo.
Matagal na ring ipinapa – alala nga panlipunang turo ng Simabahang Katolika na laging isaalang – alang ang mga mhihirap sa anumang paggalaw ng presyo sa merkado.