PPCRV, makikiisa sa voter’s registration ng COMELEC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 464 total views

Tiniyak ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang pakikibahagi sa Commission on Elections (COMELEC) sa pagpapalaganap ng impormasyon kaugnay sa muling pagbubukas ng voter’s registration.

Ayon kay PPCRV Board of Trustee Dr. Arwin Serrano, director ng Voters Education and Volunteer Mobilization, makakaasa ang COMELEC sa kanilang aktibong pakikibahagi para sa panawagang magparehistro ang mga hindi pa botante para sa nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Ipinaliwanag ni Serrano na mahalagang makibahagi ang bawat mamamayan partikular ang mga kabataan sa paghahanda sa nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa ika-5 ng Disyembre ng kasalukuyang taon.

“Magsisimula na din yung voter’s registration campaign so kapag nangyari yan magiging aktibong partner rin kami ng COMELEC with regards to that voter’s registration campaign from July 4 to July 23, maikli lang yan kasi kung related ito for Barangay and SK Elections kaya pinaghahandaan na rin namin yan,” pahayag ni Serrano sa panayam sa Radio Veritas.

Muling binuksan ng COMELEC ang voter’s registration mula ika-4 hanggang ika-23 ng Hulyo, 2022 kung saan inaanyayahan ang lahat ng mga hindi pa nakarehistro na magpatala upang maging isang ganap na botante.

Nananawagan ang PPCRV sa mga kabataang nasa wastong edad na sa nakatakdang eleksyon na magparehistro upang magamit ang kapangyarihan na makaboto.

Unang binigyang diin ng social action arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na mahalaga ang tungkuling ginagampanan ng mga opisyal ng barangay na may direktang ugnayan sa mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 34,996 total views

 34,996 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 34,996 total views

 34,996 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 34,996 total views

 34,996 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 33,834 total views

 33,834 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 30,790 total views

 30,790 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top