PPCRV, nagpaabot ng pasasalamat sa lahat ng mga volunteer ng nagdaang halalang pangbarangay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,470 total reads

Nagpaabot ng pasasalamat ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa lahat ng volunteers na naglingkod sa katatapos lamang na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Ayon kay PPCRV National Chairperson Evelyn Singson, mahalaga ang tungkuling ginampanan ng PPCRV volunteers upang isulong ang pagkakaroon ng C.H.A.M.P elections sa bansa o ang Clean, Honest, Accurate, Meaningful, at Peaceful Barangay and SK Elections.

Pagbabahagi ni Singson, hindi matatawaran ang paglilingkod ng mga PPCRV volunteer sa buong bansa na ibinahagi ang kanilang panahon, kakayahan at maging kaligtasan upang maisakatuparan ang misyon ng PPCRV sa loob ng nakalipas na 32-taon na bantayan ang katapatan, kaayusan at kapayapaan ng halalan sa bansa ng walang hinihintay na kapalit.

“We would like to thank all our PPCRV volunteers nationwide, among them senior citizens and PWDs. Thank you for your spirit of volunteerism and commitment to C.H.A.M.P elections. PPCRV has been guarding the vote for 32 years now and we salute each and every volunteer for their selfless service, dedication, commitment, and love for God and country.” Ang bahagi ng mensahe ni Singson.

Umaasa naman si Singson na maisasabuhay ng mga naihalal na opisyal ng katatapos na halalang pambarangay ang mga katangian ng isang mabuting lingkod bayan-ang pagiging maka-diyos, makabayan, matapat, magalang, masipag, at matulungin.

Paliwanag ni Singson, mahalaga ang tungkulin ng mga opisyal ng barangay at sangguniang kabataan bilang daluyan ng mga programa ng pamahalaan para sa bawat mamamayan.

“PPCRV has been asked about the expectations of the newly elected BSKE officials. In a nationwide poll conducted to determine the key characteristics of a Model Filipino citizen, it was determined by survey respondents that the Model Filipino is MAKA-DIYOS, MAKABAYAN, MATAPAT, MAGALANG, MASIPAG, MATULUNGIN. It is our hope that the newly elected Barangay and SK officials deliver services with these hallmark and stalwart characteristics of a model Filipino citizen.” Dagdag pa ni Singson.

Batay sa tala ng PPCRV, umabot sa mahigit 200,000 ang volunteers mula sa mula sa iba’t ibang mga parokya at diyosesis sa buong bansa -ang pangunahing tagapagbantay ng Simbahan sa naganap na halalang pambarangay.

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 18,710 total reads

 18,710 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nalulugi ang transportasyon

 39,563 total reads

 39,563 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 67,724 total reads

 67,724 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 115,989 total reads

 115,989 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 138,079 total reads

 138,079 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Nagmamahal, Judith

 235,953 total reads

 235,953 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 18,711 total reads

 18,711 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

NAMFREL, dismayado sa pagpapaliban ng BSKE

 23,168 total reads

 23,168 total reads Dismayado ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) sa panibagong pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE, na nakatakda sanang

Read More »
Scroll to Top