Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Privatization ng EDSA Carousel Bus System, tinututulan ng transport groups

SHARE THE TRUTH

 1,328 total views

Tinutulan ng The Passenger Forum (TPF) ang planong privatization ng EDSA Carousel Bus System.

Ayon kay TPF Convenor Primo Morillo, ang pagtutol ay bunsod ng pangambang itaas ng pribadong mamamahala sa EDSA Carousel sa 70-pesos ang pasahe.

Nangangamba rin ang grupo na malalaking mall operators ang makabili ng bus system na papabor sa kanilang mga negosyo.

“So hindi po kami kampante kapagka mall operators ang nakakuha ng ganitong klase ng operasyon kasi ang nasa isip nila ay papaano i-embudo ang mga tao papunta doon sa kanilang mga malls,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Morillo.

Nanawagan naman si Ira Cruz, Transport Planner ng Move as one Coalition (MAOC) at Atty. Ariel Inton, Pangulo ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LFCSP) sa pamahalaan na masusing pag-aaralan ang hakbang.

Iginiit ng transport groups na maisulong ang kapakanan at interes ng mga commuters sa halip na interes ng mayayamang negosyante.

“Ang amin pong stand diyan ay pag-aralan pong mabuti ng DOTr yang balak na pag-pribado ng EDSA Carousel sa kasalukuyan kasi ang mga buses na kasama diyan sa biyahe ng EDSA Carousel ay mga private buses, so ibig sabihin yung pag-privatize niyan you just change who are in private operators that will operate the EDSA Carousel,” paliwanag ni Inton sa Radio Veritas.

Nais naman ni Cruz na, “We look forward to DOTr sharing specifics of the planned privatization; In particular, the roles and responsibilities between the private companies and the government, and how this will translate to better services for the commuting public.”

Batay sa datos ng DOTr, aabot sa mahigit 390-libong mga commuters ang gumagamit ng EDSA Carousel araw-araw

Una na ring nananawagan ang Living Laudato Si Philippines sa pamahalaan na pairalin ang katarungan panlipunan upang tugunan ang mga suliranin ng transport sector.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Witch hunt?

 15,842 total views

 15,842 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 29,802 total views

 29,802 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 46,954 total views

 46,954 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 97,182 total views

 97,182 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 113,102 total views

 113,102 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Online gambling, kinundena ng CBCP

 30,582 total views

 30,582 total views Kinundena ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang paglaganap ng online gambling sa Pilipinas. Ayon sa kalipunan ng mga Obispo, salot

Read More »
Scroll to Top