Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagsuporta sa mga migrante at naghahanap buhay sa iba’t-ibang bansa, tiniyak ng Obispo

SHARE THE TRUTH

 1,244 total views

Tiniyak ni Balanga Bishop Ruperto Santos na mananatili at paiigtingin ng simbahan ang pagsuporta sa mga migranteng naglalakbay at nagha-hanapbuhay sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Ito ang sinabi ng Obispo kaugnay sa pagtatatag ng Diocesan Migrants’ Ministry sa Diyosesis ng Balanga na dinaluhan ni Vatican Migrants’ and Refugees Section undersecretary Fr. Fabio Baggio, CS.

Ito’y upang higit na mapagtuunan at pahalagahan ang pagsasakripisyo ng Overseas Filipino Workers para mabigyan nang magandang buhay ang mga naiwang pamilya sa bansa.

“Alam natin na ang puso ng ating Santo Papa [Francisco] ay puso na malapit sa’ting mga migrants and refugees. Pusong nagmamahal, pusong naglilingkod, at pusong nagmamalasakit para sa kanila… Tulad ng sinabi ng Santo Papa, hindi dapat natin pabayaan ang mga migrante at sa halip, dapat natin silang alagaan at ingatan.” pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Radio Veritas.

Iginiit ni Bishop Santos na mahalagang mapagtuunan ang karapatan ng mga migrante, OFW, maging ang mga refugees upang mapangalagaan sa banta ng diskriminasyon, pang-aabuso at human trafficking.

Nangako naman ang Obispo na gagampanan nang mabuti ng simbahan ang tungkulin upang magsilbing gabay at kaagapay ng mga migrante sa pagsisikap na muling makabangon mula sa anumang pinagdaraanan.

“Para sa ating mga migrants and refugees, especially sa atin ding mga seafarers ay makakaasa kayo na kung saan ang simbahan ay kasama, kapiling at katuwang ninyo. Kami ang inyong kamay at kasangkapan upang sa ganon ay maitaguyod at maitayo namin kayo. At gagawin lahat ng simbahan para sa inyo sapagkat mahal na mahal at mahalaga kayo sa simbahan.” saad ni Bishop Santos.

Sa datos ng United Nations Refugee Agency nasa 82 milyong indibidwal ang napilitang lumikas sa kani-kanilang bansa dahil sa kagutuman, kahirapan at karahasang naranasan.

Nauna nang nanawagan sa mamamayan ang Simbahang Katolika na maging pamilya at taos-pusong tanggapin ang mga migrants at refugee na nangangailangan ng tulong at gabay upang muling makapagsimula ng panibagong buhay.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Witch hunt?

 15,397 total views

 15,397 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 29,357 total views

 29,357 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 46,509 total views

 46,509 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 96,752 total views

 96,752 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 112,672 total views

 112,672 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 38,276 total views

 38,276 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »
Scroll to Top