Oratio imperata sa sunog sa Navotas landfill, inilabas ni Cardinal David

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 259 total views

Naglabas ng Oratio Imperata si Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David upang hilingin ang tuluyang pag-apula sa umiiral na sunog sa Navotas Sanitary Landfill.

Nagsimulang masunog ang landfill noong Abril 10, 2026, ngunit halos mag-iisang buwan na ay hindi pa rin ito tuluyang naaapula, na patuloy na nagdudulot ng panganib sa kalusugan at kapaligiran sa Metro Manila.

Sa inilabas na panalangin, inilarawan ang matinding epekto ng sunog, kabilang ang nakalalasong usok na nagpaparumi sa hangin at ang pagdaloy ng kontaminadong likido sa mga katubigan na dating palaisdaan sa bahagi ng Manila Bay.

Hiniling din sa panalangin ang kaligtasan ng mga mamamayan, lalo na ang mga bata, nakatatanda, at may karamdaman, gayundin ang agarang pagkilos ng mga ahensya ng pamahalaan upang papanagutin ang mga responsable sa trahedya.

Ipinagdarasal din ang mga bumbero, inhinyero, at mga boluntaryong patuloy na kumikilos upang maapula ang sunog, kasama ang mga dalubhasa na naghahanap ng solusyon sa krisis.

Nanawagan din ang panalangin ng pagbabalik sa responsableng pamamahala ng basura, kabilang ang wastong pagbubukod, pagbawas, at pagre-recycle, bilang bahagi ng pangangalaga sa kalikasan.

Ipinag-utos ni Cardinal David na bigkasin ang Oratio Imperata pagkatapos ng Panalangin ng Bayan sa lahat ng Misa sa Diyosesis ng Kalookan bilang sama-samang panawagan ng pananampalataya at pagkilos para sa kaligtasan ng mamamayan at kapaligiran.

ORATIO IMPERATA
Para sa Pagsawata sa Sunog sa Navotas Sanitary Landfill
(Bibigkasin pagkatapos ng Panalangin ng Bayan sa lahat ng Misa sa Diyosesis ng Kalookan)

Panginoong Diyos,
na Maylikha ng langit at lupa,
ng hangin na aming hinihinga
at ng tubig na aming iniinom,
lumalapít kami sa Iyo nang may kababaang-loob at matinding pangangailangan.

Hanggang ngayon, patuloy pa rin ang pagkalat ng sunog na naglalagablab sa gabundok na basurang itinambak sa may tubigan ng Tanza Navotas.
Patuloy din itong nakakaapekto sa kalusugan ng marami sa mga karatig lungsod at bayan sa buong Metro Manila.
Matinding lason ang idinudulot ng usok nito sa hangin, at nilalason din ng katas nito ang tubigan na dating mga palaisdaan na bahagi ngayon ng mga iresponsableng reclamation projects sa Manila Bay.

Iligtas mo po Panginoon, lalo na ang mga bata, mga nakatatanda, mga may karamdaman at lahat ng mamamayan sa hika at pagbigat ng hininga at iba pang mga sakit na dulot ng kontaminasyon sa hangin at tubig.

Panginoon, antigin mo ang mga ahensyang pang-gubyerno na kumilos at papanagutin ang lahat ng responsable sa matinding trahedyang ito.

Ipinagdarasal namin ang mga bumbero, inhinyero, at mga boluntaryong nagtatrabaho araw at gabi, at lahat ng gumagawa ng paraan para masugpo ang sunog na ito. Gabayan Mo sila. Palakasin Mo sila. Ingatan Mo sila. Bigyan mo ng tagumpay ang kanilang pagpupunyagi.

Ipinagdarasal namin ang mga lingkod-bayan na may mabuting kalooban, gayundin ang mga dalubahasa — ang mga taga-rito at ang mga nanggaling pa sa ibang bansa.

Gabayan Mo po ang kanilang mga kamay at isipan tungo sa mga solusyong magdadala ng mabilis na kaginhawaan sa aming mga pamayanan.

Panginoon, sa bisa ng iyong mapaglikhang kapangyarihan, hayaan mong kumilos ang mga likas na puwersa ng hangin at ulan upang mapawi ang hindi kayang pawiin ng lakas ng tao lamang.
Ibalik Mo ang malinis na hangin sa aming mga kapitbahayan.
Ibalik Mo ang kalusugan sa mga nagkakasakit.
Ibalik Mo ang pag-asa sa mga nawawalan nito.

At sa katiwasayang darating pagkatapos ng krisis na ito, bigyan Mo kami ng karunungan na huwag nang bumalik sa aming mga dating gawi, na maging responsable kami para sa aming mga basura, na maisakatuparan namin ang tamang pagbubukod, pagbawas at pag-recycle ng aming mga panapon, na mapangalagaan namin ang kalikasang ipinagkatiwala Mo sa amin, na ingatan namin ang lahat ng Iyong nilikha sa lupa, sa tubig at sa hangin.

Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni HesuKristong Muling Nabuhay at Panginoon ng bagong sangnilikha, kasama ng Espiritu Santong nagpapabago ng lahat ng bagay.

Amen.

San Roque, Patron ng Kalookan, Ipanalangin mo Kami.
San Bartolome, Patron ng Malabon, ipanalangin mo Kami.
San Jose, Patron ng Navotas, ipanalangin mo kami.
Mahal na Ina ng Inmaculada Concepcion, Ipanalangin mo kami.

English version:
ORATIO IMPERATA
For the Extinguishing of the Fire at the Navotas Sanitary Landfill
(To be recited after the Prayer of the Faithful at all Masses in the Diocese of Kalookan)

Lord God,
Creator of heaven and earth,
of the air we breathe
and the water we drink,
we come before You in humility and in urgent need.

To this day, the fire continues to rage across the mountains of waste dumped along the waterways of Tanza, Navotas.
It continues to affect the health of many in the neighboring cities and towns throughout Metro Manila.
The smoke it releases poisons the air with toxic fumes, and its runoff likewise poisons the waters that were once thriving fishponds — waters that are now part of irresponsible reclamation projects in Manila Bay.

Save us, Lord — most especially the children, the elderly, the sick, and all citizens — from the asthma, the labored breathing, and the many other illnesses brought about by the contamination of our air and water.

Lord, move the government agencies to act and to hold accountable all those responsible for this grave tragedy.

We pray for the firefighters, engineers, and volunteers who work day and night, and for all who are finding ways to put out this fire. Guide them. Strengthen them. Protect them. Grant success to their every effort.

We pray for public servants of goodwill, as well as for the experts — both from our own country and those who have come from abroad. Direct their hands and minds toward solutions that will bring swift relief to our communities.

Lord, through the power of Your creative might, let the natural forces of wind and rain act to extinguish what human strength alone cannot put out.
Restore clean air to our neighborhoods.
Restore health to those who are ill.
Restore hope to those who have lost it.

And in the safety that will come after this crisis has passed, grant us the wisdom never to return to our old ways — to be responsible for the waste we produce, to practice proper sorting, reduction, and recycling of what we throw away, to care for the nature You have entrusted to us, and to protect all that You have created on land, in water, and in the air.

We ask this through Jesus Christ, Risen Lord and Master of the new creation, together with the Holy Spirit who renews all things.

Amen.

Saint Roque, Patron of Kalookan, pray for us.
Saint Bartholomew, Patron of Malabon, pray for us.
Saint Joseph, Patron of Navotas, pray for us.
Our Lady of the Immaculate Conception, pray for us.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 5,861 total views

 5,861 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 27,866 total views

 27,866 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 52,208 total views

 52,208 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 76,383 total views

 76,383 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 111,822 total views

 111,822 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top