State of the Archdiocese Address ni Archbishop Uy, pinuri

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,753 total reads

Ikinatuwa ng pamunuan ng Dilaab Foundation sa pangunguna ni Fr. Carmelo Diola ang pagkilala ni Cebu Archbishop Alberto Uy sa kanilang gawaing pagmimisyon sa lipunan.

Sa kauna-unahang State of the Archdiocese Address (SotAA) na ginanap noong April 28 sa Cebu Metropolitan Cathedral, bukod sa mga pastoral na direksyon ng arkidiyosesis, binanggit din ni Archbishop Uy ang mga kasalukuyang programa ng lokal na simbahan na malaking hakbang sa pagpapaigting ng paghuhubog ng mananampalataya.

Sa Commission on Service, kinilala ni Archbishop Uy ang mga gawain ng Dilaab Foundation na nakatuon sa paghuhubog sa iba’t ibang sektor ng lipunan.

“In the same spirit, we gratefully acknowledge the mission of the Dilaab Foundation, under the leadership of Fr. Melo Diola. Inspired by the Word of God, they continue to form and enlighten consciences in various sectors of society, including our police and uniformed personnel,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Uy.

Tinukoy din ng arsobispo ang mga programa ng Dilaab Foundation sa larangan ng pakikipag-ugnayan sa publiko lalo na sa mga usaping panlipunan.

“They also provide meaningful socio-political formation for students, leaders, and the wider public, helping guide them toward truth, integrity, and responsible service,” dagdag ng arsobispo.

Itinatag ni Fr. Diola ang Dilaab Foundation 25 taon ang nakalilipas na isang faith-based civil society organization na may layuning pag-alabin ang kamalayan ng mamamayan sa pananampalataya at responsableng pakikilahok sa lipunan.

Ito rin ay tugon sa pangangailangan ng mas matibay na ugnayan ng Simbahan at lipunan, lalo na sa usapin ng mabuting pamamahala, etikal na pamumuno, at matalinong pagboto.

Ilan sa mga gawain ng Dilaab ang voters’ education, leadership formation, at iba’t ibang forum na nag-uugnay sa pananampalataya at mga usaping panlipunan, kabilang na ang pagsusulong ng integridad sa pamahalaan at pakikilahok ng mamamayan sa demokratikong proseso.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 32,995 total reads

 32,995 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 68,934 total reads

 68,934 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 122,769 total reads

 122,769 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 184,701 total reads

 184,701 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 252,441 total reads

 252,441 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top