160 total views
Ito ang naging saloobin ni Caritas Philippines director at Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona matapos hindi matugunan ng pamahalaan ang pangangailan ng mga magsasaka na apektado ng kagutuman dahil sa tag–tuyot sa Mindanao maging sa Luzon at Visayas.
Matapos rin na hindi magamit ang nasa P19 na bilyong pisong calamity fund na inilaan ng pamahalaan para sa mga maaapektuhan ng El Niño.
“Number one dapat ang gobyerno, pro–active alam ng may crisis na ganyan dapat noon pa yan. Dapat continous, masusi silang papansinin at aasikasuhin na pre–emptive yun dapat ang government pro –active. So we need a government that responds to the crisis that would help all sectors of the Filipino labor, fisher folk and everything. Hindi yung kikilos lang kapag may krisis na,” pahayag ni Archbishop Tirona sa Radyo Veritas.
Pinapaimbestigahan rin ni Archbishop Tirona ang insidente sa Kidapawan na ikanawi ng 3 magsasaka at siyang nagpapakita ng incompetency ng pamahalaan.
Ikinainis rin nito ang ilang pulitiko na ginagamit ang naturang insidente upang mangibabaw ngayong halalan.
Naiintindihan rin ng Arsobispo ang mga magsasakang nag – rally na lamang dahil sa hindi nai-abot ang serbisyong nararapat para sa kanila.
“Dapat talaga imbestigahin, kaya lang naiinis ako diyan grand standing ang mga pulitiko riyan. Dapat inaksyunan talaga yan hindi na dapat hinintay yung ganyang sitwasyon another example of ineptitude na naman yan. We condemn the violence na nangyari dun hindi dapat at yung reason na kapag may nagugutom, may hinaing maximum tolerance dapat pakinggan dapat nandun ang gobyerno. Hindi ina–anticipate ang needs ng tao,” giit pa ng arsobispo sa Veritas Patrol.
Isinailalim naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, sa state of calamity ang mga lalawigan ng Isabela, Quirino, Bukidnon, Davao del Sur, Cotabato, Maguindanao at Basilan.
Nabatid na dahil sa El Niño, aabot na sa P19 million ang halaga ng pinsala ng tagtuyot sa mga pananim sa Davao City pa lamang.