181 total views
Pinapamadali na ng Council of Teachers and Staff of Colleges and Universities in the Philippines o COTESCUP ang Korte Suprema sa pagdedesisyon ukol sa pagsususpendi ng implementasyon ng Kto12 program sa bansa.
Ayon kay Rene Tadle, lead convenor ng COTESCUP, na pinangagambahan na nila ang libong – libong mag – aaral at mga guro na maaapektuhan ng naturang programa.
Ito ay matapos na ibasura muli ng Supreme Court ang kahilingan ng mga petitioner ng oral argument.
“Kung hindi kasi sila magde – decide at papatagalin pa nila uunahin pa nila yung ibang kaso. For example involving political issues I think it will create more injustice to a lot of people.If you will compare ito sa K to 12 issues a lot, hundreds and thousands of teachers and students and parents are affected.Kailangan nila itong pagtuunan ng pansin,” pahayag ni Tadle sa Radyo Veritas
Tiniyak ni Tadle na susundin nila ang kautusan ng Supreme Court na magsumite ng kani – kanilang memoranda sa loob dalawampung – araw na non – extendible period mula sa pagtanggap ng notice.
“We are waiting for a copy of their decision to dismiss the temporary restraining order and at the same time we are still waiting for a copy of their decision or order regarding na kailangang mag – submit kami ng aming memorandum within 20 days. Of course, we are going comply.” giit pa ni Tadle sa Veritas Patrol.
Nauna na ring sinuportahan ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo ang isinampang Temporary Restraining Order ng mga guro matapos nitong pangambahan ang nasa 30,000 mga guro mula sa teaching at non-teaching personnel na mawawalan ng trabaho sa tuluyang pagpapatupad ng K-12 program sa bansa.