330 total views
Magtutulungan ang mga Social Action Center ng simbahan sa bansa at ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-National Secretariat for Social Action (NASSA)/Caritas Philippines, sa mga programang pangmahirap lalo na ngayong panahon ng pandemya.
Ayon kay Fr. Antonio Labiao, Executive Secretary ng CBCP-NASSA/Caritas Philippines, pinaghahandaan nila ang strategy planning para sa mga isasagawang programa na naantala dahil sa krisis pangkalusugan.
Inaasahan ng pari na ang paghahandang ito ay makatutulong upang maisakatuparan ang hangarin ng NASSA/Caritas Philippines na makatulong lalo na ngayong panahon ng pandemya.
“We are preparing for strategy planning pero na delay ito due to pandemic. Hopefully the strategy planning will provide us direction especially during this pandemic and the next 2 years,” pahayag ni Fr. Labiao.
Tinukoy ng pari na ang NASSA/Caritas Philippines ay isang humanitarian arm ng CBCP na nilalayong tulungan ang higit na nangangailangan tulad ng gawain ng Caritas Manila.
“The program of nassa is trying to navigate, first, it’s a humanitarian assistance program. Ang NASSA ay humanitarian arm ng CBCP. Alam ko marami natutulungan ang Caritas Manila na maliliit na Dioceses,” ayon sa pari.
Ibinahagi ng Pari na ang komisyon ay isa ring development arm ng CBCP na tinutulungan ng Caritas Internationalis na layong mapaunlad ang agricultural sector, mapaigting ang peace building and resiliency program.
“Second is development program. Marami[ng] programa na funded by Caritas International Organization. Sustainable agriculture, Peace Building and Resiliency Program and center. Ito ‘yung mga agrarian reform, land rights and the commission is the development arm of CBCP. One of my priority now is development program. Marami na kasi[ng] initiative ang mga communities natin na kailangan lang suportahan lang tulad ng agri-business and others,” ayon kay Fr. Labiao.
Sinabi rin ng opisyal na ang NASSA/Caritas Philippines ay advocacy arm ng CBCP na mayroong tatlong layunin tulad ng pangangalaga sa kalikasan, pagpapatupad ng kaayusan at pangunguna sa pagtuturo ng kahalagahan ng matiwasay at maayos na eleksyon.
“Pangatlo, ang advocacy arm ng CBCP. We have three (3) important advocacy. Una, ecology; there is a move to have an inter-commission to move Laudato Si. Second advocacy is peace and order. The 3rd one is election. NASSA is trying to lead a group for voters education and campaign for registration,” ayon sa opisyal.
Ito ang naging pahayag ni Fr. Labiao sa isinagawang Caritas Suffragan online meeting kasama sina Caritas Manila executive director Fr. Anton CT. Pascual, Manila Suffragan Social Action Directors, at Radio Veritas.