1,888 total views
#Nazareno2023 | ๐๐ค๐๐๐ฉ๐๐ญ ๐ง๐ ๐๐ซ๐๐ฐ โข ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐
๐ ๐ด๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ธ๐๐ธ๐๐ฟ๐ผ. Kung minsan ay napababayaan ka ng Diyos, kung minsa’y uusigin ka ng iyong kapwa at ang lalong masama ay malimit na ‘di ka magkaroon ng kasiyahan sa iyong sarili at hindi ka maaliw at malulunasan ng anumang lunas at pang-aliw; ang kailangan ay magtiis ka hanggat ibig ng Diyos sapagkat ibig ng Diyos na matuto kang magtiis ng hirap na walang kaaliwan at sumailalim ka sa kalooban at magpakumbaba kang lalo sa pamamagitan ng pagtitiis.
Walang sinumang nakaramdam ng taos-pusong hirap ni Kristo kundi yaong dinatnan ng hirap at pagtitiis, na ang Krus ang siyang laging nakahanda at sa iyo ay nag-aantay sa lahat ng dako.
Hindi ka makaiiwas sa kanya saan ka man naroon sapagkat saan man dako at tumungo ay taglay mo at lagi mong masusumpungan.
Tumingala ka, tumungo ka, masok ka sa lahat ng ito ng iyong kilos ay matatagpuan mo ang Krus; kaya’t sa lahat ng dako ay kailangan magkaroon ka ng pagtitiis kung ibig mong magkamit ng katahimikan sa sarili at magtamasa ng walang hanggang ligaya. (Imitacion de Cristo, cap. XII)
Ibigin nati’t ipagdiwang, si Hesus Nazarenong mahal!
[Hango sa Pagsisiyam sa Mahal na Poong Hesus Nazareno, Pintakasi sa Kiyapo, 1984. Larawan mula sa Quiapo Church Social Communications Ministry.]
#VeritasPH