As German king and Holy Roman Emperor, Henry was a practical man of affairs. He was energetic in consolidating his rule. He crushed rebellions and feuds. On all sides he had to deal with drawn-out disputes so as to protect his frontiers. This involved him in a number of battles, especially in the south in Italy; he also helped Pope Benedict VIII quell disturbances in Rome. Always his ultimate purpose was to establish a stable peace in Europe.
According to eleventh-century custom, Henry took advantage of his position and appointed as bishops men loyal to him. In his case, however, he avoided the pitfalls of this practice and actually fostered the reform of ecclesiastical and monastic life. He was canonized in 1146.
Rev. Fr. Anton CT Pascual
Wednesday, July 29, 2026 7:00 am
41,546 total views
Mga Kapanalig, sinong ayaw manalo ng pinakabago at pinakasikat na smartphone?
Ganito inakit ng isang sikat na social media influencer ang mahigit 50 milyong social media followers niya kamakailan. Magpapa-raffle daw siya ng 100 smartphones sa 100 niyang followers. Pero may isang kondisyon: kailangang i-follow ang social media page ng online gambling platform na ineendorso niya. Hindi nagtagal, naging viral ang video at umabot ito sa mahigit 280 milyong views, mahigit 8 milyong reactions, at mahigit 7 milyong comments.
Maaaring isipin ng ilan: anong masama sa pag-follow sa social media page ng isang casino kung bagong cellphone ang magiging kapalit? Lisensyado rin naman ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (o PAGCOR) ang naturang online casino, kaya hindi naman iligal sumali sa raffle, โdi ba?
Ang bawat โfollowโ o โlikeโ sa social media page ng isang online gambling platform ay tumutulong para mas lalo pa itong makita ng mas maraming tao, kasama ang mga bata. Dahil sa paraan ng paggana ng mga algorithm sa social media, mas madalas na lalabas sa ating feeds ang mga katulad nitong nilalaman. Unti-unti nitong ginagawang ordinaryong libangan ang pagsusugal online. Pero maraming pag-aaral na ang nagpapakitang ang pagsusugal ay maaaring humantong sa pagkabaรณn sa utang, matinding stress at mental health issues, pagkasira ng pamilya, at pagkalulรณng sa sugal na mahirap nang takasan.
Dito lalong nagiging mahalaga ang papel ng mga influencers. Kamakailan ngna, kinilala pa bilang โBest Public Service Showโ ang programa ng social media influencer na endorser din ng online gambling. Kapag ganito kalaki ang impluwensya ng isang personalidad, mas malaki rin ang pananagutan niyang gamitin ang kanyang plataporma nang may pag-iingat.
Hindi maliit ang problema ng pagsusuggal. Ayon sa PAGCOR, umabot na sa mahigit 32 milyon ang tinatawag na electronic gaming players sa Pilipinas. Tinatayang mahigit 100 bilyong piso ang kinikita ng pamahalaan mula sa online gambling kada taon. Gayunman, kinikilala rin mismo ng PAGCOR ang panganib nitogaya ng iresponsableng pagkaubos ng pera, pinansyal at emosyonal na paghihirap, pagkasira ng pamilya, at matinding kalungkutan. Sinasabi ng gobyernong hinihigpitan nito ang ilang online gambling services, kabilang ang pagtanggal ng in-app gambling access sa ilang mobile payment applications. Naglunsad din ang PAGCOR ng National Problem Gambling Helpline upang magbigay ng libreng counseling sa mga dumaranas ng gambling addiction.ย
Pero sapat na ba ang mga ito kapag nalulong na sa online gambling ang isang tao?
Nananawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) para sa mas mahigpit na aksyon laban sa online gambling. Inilarawan nila ang pagsusugal online bilang isang โmorรกl at panlipunang krisisโ at nagbabalรกng isa na itong bagong virus na sumisira sa mga tao, pamilya, at lipunan. Dagdag pa ng CBCP, kasalanan ang pagsasamantala sa kahinaan ng mga tao para lamang kumita, lalo na kung mga kabataan at mahihirap ang pangunahing naaapektuhan.
Paalala rin sa atin ng Lucas 12:15: โMag-ingat kayo sa lahat ng uri ng kasakiman, sapagkat ang buhay ng tao ay wala sa dami ng kanyang kayamanan.โ Kapag ang perang dapat sana ay pambili ng pagkain, pambayad ng kuryente, o pampaaral ng mga anak ay napupunta sa pagsusugal, magdurusa ang buong pamilya.
Mga Kapanalig, hindi dapat maging kapalit ng pagkakataong manalo ng isang smartphone ang pagpapakita ng suporta sa online gambling. Kasabay ng malaking impluwensya ay malaking pananagutan. Gamitin sana ng mga influencers na may milyun-milyong followers ang kanilang plataporma sa tunay na mabuti sa halip na gawing pangkaraniwan ang isang gawaing kayang sumira ng buhay. Hindi lahat ng ligal ay tama, kaya hindi natin dapat hayaang maging normal ang online gambling dahil kinabukasan ng maraming Pilipino ang maaaring maging kapalit nito.
Rev. Fr. Anton CT Pascual
Tuesday, July 28, 2026 7:00 am
80,847 total views
Mga Kapanalig, hindi man natin namamalayan, nagiging parte naang artificial intelligence (o AI) ng ating pang-araw-araw na buhay. Pero anong uri ng kinabukasan ang ating binubuo gamit ang AIโat ano ang magiging kapalit nito?ย
Abril ngayong taon nang sumali ang Pilipinas sa Pax Silica, isang inisyatibang pinangungunahan ng Estados Unidos na naglalayong palakasin ang pandaigdigang supply chain para sa AI. Layunin nitong bawasan ang pagdepende sa China, na nangunguna ngayon sa produksyon at pagproseso ng mahahalagang mineral at iba pang materyales na kailangan sa makabagong teknolohiya.
Sa pagsali ng Pilipinas, naglaan ang pamahalaan ng humigit-kumulang 1,620 na ektaryang lupa sa New Clark City sa Tarlacโhalos kasinlaki ng Pasay Cityโpara sa kauna-unahang โAI-native industrial acceleration hub.โ Doon gagawin ang mga semiconductors na gagamitin naman sa mga computer chips na inilalagay sa mga electronics. Doon din ipoproseso ang mga critical minerals nagagamitin sa paggawa ng mga baterya, semiconductor, at iba pang makabagong teknolohiya. Itatalaga ito bilang isang Economic Security Zone (ESZ) sa ilalim ng joint governance framework na kasalukuyang pang isinasapinal ng Pilipinas at US.
Nitong Hulyo, muling umingay ang usapin tungkol sa Pax Silica matapos ihayag ni Finance Secretary Frederick Go na itinuturing ni US Ambassador to the Philippines Lee Lipton na โtop priorityโ ang inisyatiba. Dahil dito, minamadali na nila ang pagbuo ng naturang joint governance framework. Target ng dalawang panig na maisapinal at maisapubliko ito sa ASEAN Summit sa Nobyembre, na inaaasahang dadaluhan ni US President Donald Trump.
Ayon sa pamahalaan, isang pambihirang pagkakataon ang mapasali sa Pax Silica para makasabay ang Pilipinas sa mabilis na pag-unlad ng teknolohiya at AI. Ipinangako rin nitong hindi lamang lilikha ng libu-libong trabaho at magpapasok malaking kita ang inisiyatiba, kundi maghihikayat din ng mas maraming mamumuhunan, kumpanya, at inobasyon.
Ipinaaalala sa Catholic social teaching ni Pope Leo XIV na Magnifica Humanitas na ang paggamit ng AI ay hindi โpurely technical” lamang. Kapag ang proseso sa likod ng AI ay negatibo nang nakaaapekto sa ating buhay, lipunan, at kapaligiran, hindi na sumasapat ang anumang pangako na trabaho, pamumuhunan, at inobasyon.ย
Pinangangambahan kasi ang negatibong epekto ng mga data centers na kailangan sa AI. Ang mga data centers na nagsisilbing โutakโ ng AI ay kailangang palamigin gamit ang hanggang limang milyong galon ng tubig kada arawโkatumbas ng pang-araw-araw na pangangailangan ng isang munisipalidad na may 10,000 hanggang 50,000 residente! Siyempre, gagamit din ang mga data centers ng maraming kuryente. Kapos na nga tayo ngayon sa tubig at kuryente, heto at aagawan pa tayo ng mga data centers! Dapat itong linawin ng mga nagsusulong ng Pax Silica.ย
Lubos na nakababahala rin ang epekto ng AI sa ating likas na yaman. Pinangangambahang lalawak ang pagmimina ng mga critical minerals na kailangan sa paggawa ng mga teknolohiyang nagpapatakbo sa AI. Marami na sa ating mga kabundukan at kagubatan ang nakalbo dahil sa pagmimina. Ibang usapan pa ang paglawak ng mga minahan sa mga lupang ninuno ng ating mga katutubo. Ano pa ang matitira kung lalo pang lalawak ang mga ito?
Mga Kapanalig, paalala sa atin sa Genesis 2:15 na inilagay ng Panginoong Diyos ang tao sa Eden upang ito ay alagaan at pagyamanin. Hindi ipinagkatiwala sa atin ang kalikasan para ubusin, kundi para pangalagaan para sa kasalukuyan at sa mga susunod na henerasyon. Ang pangangalaga sa sangnilikha ay hindi hadlang sa pag-unlad. Ito pa nga ang nagsisiguro na ang pag-unlad ay makakamit natin. Kaya manindigan tayo para sa isang pag-unlad na may pananagutan sa kalikasan, dahil ang kalikasang winawasak natin ngayon ang siya ring magtatakda ng hangganan ng ating pag-unlad bukas.
Rev. Fr. Jerico Habunal
Monday, July 27, 2026 9:07 am
16,175 total views
Gospel Reading for July 27, 2026 – Matthew 13: 31-35
SINCE THE BEGINNING
Jesus proposed a parable to the crowds. โThe Kingdom of heaven is like a mustard seed that a person took and sowed in a field. It is the smallest of all the seeds, yet when full-grown it is the largest of plants. It becomes a large bush, and the โbirds of the sky come and dwell in its branches.โโ He spoke to them another parable. โThe Kingdom of heaven is like yeast that a woman took and mixed with three measures of wheat flour until the whole batch was leavened.โ All these things Jesus spoke to the crowds in parables. He spoke to them only in parables, to fulfill what had been said through the prophet: I will open my mouth in parables, I will announce what has lain hidden from the foundation of the world.
โโโโ
In short, the Kingdom of heaven is certain to grow, even if it begins as small as a mustard seed. Jesusโ words about the Kingdom of heaven give us hope that, despite the evil around us, every good thing we do is never lost. The Kingdom of heaven will never cease, for it has existed SINCE THE BEGINNINGโthe eternal dwelling place of God.
Let us not waste the time God has given us on things that have no lasting value in heaven. Our journey begins here on earth, but the ultimate goal of every Christian is to reach heaven.
Lord Jesus, help us to bring a foretaste of heaven to earth by living according to your will. Amen.
41,547 total views Mga Kapanalig, sinong ayaw manalo ng pinakabago at pinakasikat na smartphone? Ganito inakit ng isang sikat na social media influencer ang mahigit 50
80,848 total views Mga Kapanalig, hindi man natin namamalayan, nagiging parte naang artificial intelligence (o AI) ng ating pang-araw-araw na buhay. Pero anong uri ng kinabukasan
117,384 total views Mga Kapanalig, sa pagtatapos ng pagdinig ng impeachment court sa Article 4 na may kaugnayan sa pagbabanta umano ni Vice President Sara Duterte
232,726 total views โA Filipino culture ruined by politics, of indifference, ideology, self-interestโ. Kapanalig, likas sa ating mga Pilipino ang kultura ng pakikipagkapwa o pakikitungo sa
258,894 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, โNASAAN ANG SIMBAHANโ? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS