Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

BIYERNES, AGOSTO 18, 2023

SHARE THE TRUTH

 3,428 total views

Biyernes ng Ika-19 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

Josue 24, 1-13
Salmo 135, 1-3. 16-18. 21-22 at 24

Ang pag-ibig ng Maykapal
ay tunay na walang hanggan.

Mateo 19, 3-12

Friday of the Nineteenth Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Josue 23, 1-13

Pagbasa mula sa aklat ni Josue

Noong mga araw na iyon, tinipon ni Josue sa Siquem ang lahat ng lipi. Pagkatapos, tinawag niya ang matatanda, ang mga hukom, ang mga pinuno at mga tagapangasiwa sa Israel, at sila’y humarap sa Panginoon. Sinabi niya: “Ito ang ipinasasabi sa inyo ng Panginoon, ang Diyos ng Israel: ‘Noong una, ang inyong mga ninuno ay nakatira sa kabila ng Ilog Eufrates. Isa sa mga ito si Tare na ama ni Abraham at ni Nacor. Sumasamba sila sa ibang diyus-diyusan. Tinawag ko si Abraham buhat sa lupaing iyon at dinala ko siya at pinatnubayan sa buong kalawakan ng Canaan. Pinagkalooban ko siya ng maraming inanak at inapo. Naging anak niya si Isaac, at naging anak naman nito si Esau at si Jacob. Ibinigay ko kay Esau ang kaburulan ng Seir bilang bahagi niya. Ngunit si Jacob at ang kanyang mga anak ay nagpunta sa Egipto. Sinugo ko si Moises at si Aaron, at sa tulong ng mga himala’y pinahirapan ko nang katakut-takot ang mga Egipcio. Sa gayong paraan ay hinango ko kayo roon. Inilabas ko sa Egipto ang inyong mga ninuno at nakarating sa Dagat ng mga Tambo. Hinabol sila ng mga Egipcio at itinaboy papunta sa dagat. Ang inyong mga ninuno’y nanalangin sa akin, at pinalatag ko ang dilim sa pagitan nila at ng mga Egipcio. Pinaguho ko sa mga ito ang nahating dagat at sila’y natabunan ng tubig. Nasaksihan ninyo ang mga ginawa ko sa mga Egipcio. At matagal kayong nanirahan sa ilang.

“Pagkatapos, dinala ko kayo sa lupain ng mga Amorreo sa silangan ng Jordan. Binaka nila kayo, at pinapagtagumpay ko kayo sa kanila. Pinuksa ko sila at nasakop ninyo ang kanilang lupain. Nilabanan kayo ng hari ng Moab, ni Balac na anak ni Zipor at sinugo niya si Balaam na anak ni Beor upang sumpain kayo. Ngunit hindi ko dininig si Balaam, sa halip pinagpala niya kayo. Sa gayun, iniligtas ko kayo sa kamay ni Balac. Tumawid ako ng Jordan at sumapit sa Jerico. Nilabanan kayo ng mga taga-Jerico at ng mga Amorreo, Perezeo, Cananeo, Heteo, Gergeseo, Heveo, at Jebuseo. At sila’y nalupig ninyo sa tulong ko. Ipinasalakay ko sa mga pukyutan ang dalawang haring Amorreo at pinalayas ko sila bago kayo dumating. Walang kinalaman sa pangyayaring iyon ang inyong mga tabak at pana. Binigyan ko kayo ng lupaing hindi ninyo binungkal. Pinatira ko kayo sa mga bayang hindi kayo ang nagtayo. Kumakain kayo ngayon ng ubas at olibo na galing sa mga punong hindi kayo ang nagtanim.’”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 135, 1-3. 16-18. 21-22 at 24

Ang pag-ibig ng Maykapal
ay tunay na walang hanggan.

o kaya: Aleluya.

O pasalamatan ang Panginoong Diyos pagkat s’ya’y mabuti,
ang kanyang pag-ibig ay pangwalang-hanggan at mananatili.
Pinakadakilang Diyos ng mga diyos ay pasalamatan,
ang pag-ibig niya ay mananatili at pangwalang-hanggan.
Makapangyarihang higit kaninuman itong Panginoon,
ang kanyang pag-ibig ay mamamalaging panghabang-panahon.

Ang pag-ibig ng Maykapal
ay tunay na walang hanggan.

Nang mailabas na’y siya ang kasama habang nasa ilang,
ang kanyang pag-ibig ay mananatili at pangwalang-hanggan.
Pinagpapatay n’ya yaong mga haring may kapangyarihan,
ang pag-ibig niya ay mananatili at pangwalang-hanggan.
Maging mga haring bantog noong una ay kanyang pinatay,
ang kanyang pag-ibig ay hindi kukupas at pangwalang-hanggan.

Ang pag-ibig ng Maykapal
ay tunay na walang hanggan.

Ang lupain nila’y ipinamahagi sa kanyang hinirang,
ang pag-ibig ng Diyos ay mananatili at pangwalang-hanggan.
Ipinamahagi niya sa Israel, kanyang mga lingkod,
hindi kumukupas at mananatili ang pag-ibig ng Diyos.
Nang tayo’y masakop ng mga kaaway, pinalaya tayo,
ang kanyang pag-ibig ay mananatili, hindi magbabago.

Ang pag-ibig ng Maykapal
ay tunay na walang hanggan.

ALELUYA
1 Tesalonica 2, 13

Aleluya! Aleluya!
Tanggapin n’yo ang salita
na di sa tao nagmula
kundi sa D’yos na dakila.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 19, 3-12

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, may mga Pariseong lumapit kay Hesus at tinangkang siluin siya sa pamamagitan ng tanong na ito: “Naaayon ba sa Kautusan na hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa sa kahit anong kadahilanan?” Sumagot si Hesus, “Hindi pa ba ninyo nababasa sa Kasulutan na sa pasimula’y nilalang sila ng Maykapal, lalaki at babae? At sinabi, ‘Dahil dito, iiwan ng lalaki ang kanyang ama’t ina, at magsasama sila ng kanyang asawa; at sila’y magiging isa.’ Kaya’t hindi na sila dalawa kundi isa. Ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao.” Tinanong siya ng mga Pariseo, “Bakit iniutos ni Moises na bigyan ng lalaki ang kanyang asawa ng kasulatan sa paghihiwalay bago hiwalayan iyon?” Sumagot si Hesus, “Dahil sa katigasan ng inyong ulo kaya ipinahintulot ni Moises na hiwalayan ninyo ang inyong asawa. Subalit hindi gayun sa pasimula. Kaya sinasabi ko sa inyo: sinumang lalaking humiwalay sa kanyang asawa sa anumang dahilan liban sa pakikiapid, at mag-asawa sa iba, ay nangangalunya. At ang mag-asawa sa babaing hiniwalayan ay nangangalunya rin.”

Sinabi ng mga alagad, “Kung ganyan po ang kalagayan ng lalaki sa kanyang asawa, mabuti pang huwag nang mag-asawa.” Sumagot si Hesus, “Hindi lahat ay makatatanggap ng simulaing iyan kundi yaon lamang pinagkalooban ng Diyos. Sapagkat may iba’t ibang dahilan kung bakit may mga lalaking hindi makapag-asawa: ang ilan, dahil sa kanilang katutubong kalagayan; ang iba, dahil sa kagagawan ng ibang tao ay nagkagayon sila; mayroon namang hindi nag-aasawa alang-alang sa ikauunlad ng paghahari ng Diyos. Ang makatatanggap ng simulaing ito ay tumanggap nito.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-19 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Biyernes

Nakikilahok sa paglikha ng Diyos ng bagong buhay ang mga asawa at maybahay. Ialay natin ang ating mga panalangin ngayon para sa mga magulang at mga anak.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, punuin mo ng iyong pag-ibig ang aming mga tahanan.

Ang Simbahan nawa’y tunay na maituro sa kanyang mga miyembro ang totoong dangal ng kasal at tulungan ang mga mag-asawa na manatiling magkasama sa banal nilang buhay may-asawa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng gobyerno at mga mambabatas nawa’y magpatupad ng mga batas at tuntunin na nagtatatag ng tahanan at hindi sumisira nito, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga dumaranas ng mga pagsubok sa kanilang buhay may-asawa nawa’y makatanggap ng biyaya na makapagsumikap isabuhay ang kanilang mga pangako, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pamilyang nasira dahil sa diborsyo at paghihiwalay nawa’y makatagpo ng suporta at pang-unawa sa kanilang kapwa tao sa kanilang komunidad, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nating mga kamag-anak at kaibigan nawa’y magtamo ng kaligayahan at kapayapaan sa walang hanggang tahanan ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Diyos ng pag-ibig, nilikha mo kaming lalaki at babae upang ipagpatuloy ang iyong gawaing lumikha. Ang pagmamahal namin sa isa’t isa nawa’y sumalamin sa iyong pananahan sa aming buhay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pagsasayang Ng Pera

 5,153 total views

 5,153 total views Pagwawaldas sa pera ng taong bayan.. dahil sa isang pagkakamali. Kapanalig, 73-milyong balota para sa May 2025 national at local elections ang nasayang…nasayang ang pagod at oras. naimprenta na… mauuwi lamang sa basurahan. Ito ay matapos suspendihin ng Commission on Elections (COMELEC) ang pag-imprenta ng opisyal na balota para sa May 2025 mid-term

Read More »

Education Crisis

 12,640 total views

 12,640 total views Kapanalig, nasa krisis ang edukasyon sa ating bayan. Napakarami ang mga hamon na kailangang harapin sa sektor. Napakatagal ng isyu ito, ang patuloy na pagpapabaya sa problemang kinakaharap ng sektor ng edukasyon ay lalong nagpapahirap sa mga maralita. Ito ay nagpapakita ng ating pagkukulang sa lipunan. Bilang mga magulang.. pangarap at obligasyon mo

Read More »

Buena-mano ng SSS sa bagong taon

 17,965 total views

 17,965 total views Mga Kapanalig, kasabay ng pagsalubong sa bagong taon ang dagdag sa buwanang kontribusyon sa Social Security System (o SSS). Epektibo ito simula a-uno ng Enero. Alinsunod sa Republic Act No. 11199 o ang inamyendahang Social Security Act na ipinasa noong 2018, tataas ang kontribusyon ng mga miyembro ng SSS kada dalawang taon. Umakyat

Read More »

Pagbabalik ng pork barrel?

 23,773 total views

 23,773 total views Mga Kapanalig, inabangan bago matapos ang 2024 ang pagpirma ni Pangulong Bongbong Marcos Jr sa pambansang badyet para sa 2025.  Matapos daw ang “exhaustive and rigorous”—o kumpleto at masinsin—na pagre-review sa panukalang badyet ng Kongreso, inaprubahan ng presidente ang badyet na nagkakahalaga ng 6.35 trilyong piso, kasabay ng paggunita ng bansa sa Rizal

Read More »

Mag-ingat sa fake news

 29,571 total views

 29,571 total views Mga Kapanalig, kung aktibo kayo sa social media, baka napadaan sa inyong news feed ang mga posts na nagbababalâ tungkol sa panibagong pagkalat ng sakit sa ibang bansa. Dumarami daw ang mga pasyenteng dinadala sa mga pagamutan at ospital dahil sa isang uri ng pneumonia. Tumaas din daw ang bilang ng mga kine-cremate,

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Linggo, Enero 19, 2025

 105 total views

 105 total views Kapistahan ng Panginoong Hesus, Ang Banal na Sanggol (K) Isaias 9, 1-6 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4. 5-6 Kahit saa’y namamalas tagumpay ng Nagliligtas. Efeso 1, 3-6. 15-18 Lucas 2, 41-52 Feast of the Sto. Niño (Proper Feast in the Philippines) (White) Holy Childhood Day Week of Prayer for Christian Unity UNANG PAGBASA

Read More »

Sabado, Enero 18, 2025

 105 total views

 105 total views Sabado ng Unang Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Hebreo 4, 12-16 Salmo 18, 8. 9. 10. 15 Espiritung bumubuhay ang salita ng Maykapal. Marcos 2, 13-17 Saturday of the First Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of the Blessed Virgin Mary on Saturday (White)

Read More »

Biyernes, Enero 17, 2025

 108 total views

 108 total views Paggunita kay San Antonio, abad Hebreo 4, 1-5. 11 Salmo 77, 3 at 4bk. 6k-7. 8 Hindi nila malilimot ang dakilang gawa ng D’yos. Marcos 2, 1-12 Memorial of St. Anthony, Abbot (White) Mga Pagbasa mula sa Biyernes ng Unang Linggo sa Karaniwang Panahon (I) UNANG PAGBASA Hebreo 4, 1-5. 11 Pagbasa mula sa

Read More »

Huwebes, Enero 16, 2025

 106 total views

 106 total views Huwebes ng Unang Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Hebreo 3, 7-14 Salmo 94, 6-7. 8-9. 10-11 Panginoo’y inyong dinggin, huwag n’yo s’yang salungatin. Marcos 1, 40-45 Thursday of the First Week of Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Hebreo 3, 7-14 Pagbasa mula sa sulat sa mga Hebreo Mga kapatid, gaya ng sabi ng Espiritu

Read More »

Miyerkules, Enero 15, 2025

 108 total views

 108 total views Miyerkules ng Unang Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Arnold Jannsen, pari Hebreo 2, 14-18 Salmo 104, 1-2. 3-4. 6-7. 8-9 Nasa isip ng Maykapal ang tipan niya kailanman. Marcos 1, 29-39 Wednesday of the First Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St. Arnold Janssen, Priest (White) UNANG PAGBASA Hebreo

Read More »

Biyernes, Nobyembre 15, 2024

 15,054 total views

 15,054 total views Biyernes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 2 Juan, 4-9 Salmo 118, 1. 2. 10. 11. 17. 18 Mapalad ang sumusunod sa utos ng Poong Diyos. Lucas 17, 26-37 Friday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 2 Juan, 4-9 Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Juan Hirang

Read More »

Huwebes, Nobyembre 14, 2024

 15,203 total views

 15,203 total views Huwebes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filemon 7-20 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Mapalad ang kinukupkop ng Poong Diyos ni Jacob. Lucas 17, 20-25 Thursday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filemon 7-20 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo kay Filemon Pinakamamahal ko, ang iyong pag-ibig

Read More »

Miyerkules, Nobyembre 13, 2024

 15,808 total views

 15,808 total views Miyerkules ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Tito 3, 1-7 Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6 Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop. Lucas 17, 11-19 Memorial of Saint Martin of Tours, Bishop (White) Saturday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (II) UNANG PAGBASA Tito 3, 1-7 Pagbasa mula sa sulat ni

Read More »

Martes, Nobyembre 12, 2024

 15,974 total views

 15,974 total views Paggunita kay San Josafat, obispo at martir Tito 2, 1-8. 11-14 Salmo 36, 3-4. 18 at 23. 27 at 29 Nasa D’yos ang kaligtasan ng mga mat’wid at banal. Lucas 17, 7-10 Memorial of St. Josaphat, Bishop and Martyr (Red) Mga Pagbasa mula sa Martes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA

Read More »

Lunes, Nobyembre 11, 2024

 16,292 total views

 16,292 total views Paggunita kay San Martin ng Tours, obispo Tito 1, 1-9 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa iyo. Lucas 17, 1-6 Memorial of St. Martin of Tours, Bishop (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Tito 1, 1-9 Ang simula ng

Read More »

Linggo, Nobyembre 10, 2024

 11,633 total views

 11,633 total views Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) 1 Hari 17, 10-16 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin. Hebreo 9, 24-28 Marcos 12, 38-44 o kaya Marcos 12, 41-44 Thirty-second Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Hari 17, 10-16 Pagbasa mula sa unang aklat ng mga Hari Noong mga

Read More »

Sabado, Nobyembre 9, 2024

 12,030 total views

 12,030 total views Kapistahan ng Pagtatalaga sa Palasyong Simbahan sa Laterano, Roma Ezekiel 47, 1-2. 8-9. 12 Salmo 45, 2-3. 5-6. 8-9. Sa bayan ng Dakilang D’yos batis n’ya’y may tuwang dulot. 1 Corinto 3, 9k-11. 16-17 Juan 2, 13-22 Feast of the Dedication of the Lateran Basilica in Rome (White) UNANG PAGBASA Ezekiel 47, 1-2. 8-9.

Read More »

Biyernes, Nobyembre 8, 2024

 11,833 total views

 11,833 total views Biyernes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 3, 17 – 4, 1 Salmo 121, 1-2. 3-4a. 4b-5 Masaya tayong papasok sa tahanan ng Poong D’yos. Lucas 16, 1-8 Friday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filipos 3, 17 – 4, 1 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San

Read More »

Huwebes, Nobyembre 7, 2024

 11,983 total views

 11,983 total views Huwebes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 3, 3-8a Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7 Ang may pusong tapat sa D’yos ay may kagalakang lubos. Lucas 15, 1-10 Thursday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filipos 3, 3-8a Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos

Read More »

Miyerkules, Nobyembre 6, 2024

 12,234 total views

 12,234 total views Miyerkules ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 2, 12-18 Salmo 26, 1. 4. 13-14 Panginoo’y aking tanglaw, siya’y aking kaligtasan. Lucas 14, 25-33 Wednesday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filipos 2, 12-18 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos Mga minamahal, higit na

Read More »
Scroll to Top