Biyernes, Mayo 9, 2025

SHARE THE TRUTH

 3,313 total reads

Biyernes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

Mga Gawa 9, 1-20
Salmo 116, 1. 2

Humayo’t dalhin sa tanan
Mabuting Balitang aral.

Juan 6, 52-59

Friday of the Third Week of Easter (White)

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 9, 1-20

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Noong mga araw na iyon, masidhi ang pagnanais ni Saulo na usigin at patayin ang mga alagad ng Panginoon. Kaya’t lumapit siya sa pinakapunong saserdote, at humingi ng mga sulat para sa mga sinagoga sa Damasco upang madakip niya ang sinumang matagpuan niya roong kaanib sa bagong pananampalataya – maging lalaki, maging babae – at madala sa Jerusalem.

Naglakbay si Saulo patungong Damasco. Nang siya’y malapit na sa lungsod, biglang kumislap sa paligid niya ang isang nakasisilaw na liwanag mula sa langit, anupat nasubasob siya.

At narinig niya ang isang tinig na nagsalita sa kanya, “Saulo, Saulo! Bakit mo ako inuusig?” “Sino po kayo, Panginoon?” tanong niya. “Ako’y si Hesus, ang iyong inuusig,” tugon sa kanya. “Tumindig ka’t pumasok sa lungsod. Sasabihin sa iyo roon kung ano ang dapat mong gawin.” Natilihan ang mga kasama ni Saulo; narinig nila ang tinig ngunit wala silang makitang sinuman. Tumindig si Saulo at idinilat ang kanyang mata ngunit hindi siya makakita, kaya’t siya’y inakay nila hanggang sa Damasco. Tatlong araw na hindi siya nakakita, at hindi kumain ni uminom.

Sa Damasco naman ay may isang alagad na ang pangala’y Ananias. Tinawag siya ng Panginoon sa isang pangitain, “Ananias!” “Ano po iyon, Panginoon?” tugon niya. “Pumunta ka sa kalye Matuwid, sa bahay ni Judas at ipagtanong mo ang isang lalaking taga-Tarso na ang pangala’y Saulo,” sabi ng Panginoon. “Siya’y nananalangin ngayon. Sa isang pangitain, nakita ka niyang pumasok sa kinaroroonan niya at pinatungan mo siya ng kamay upang makakita.” Sumagot si Ananias, “Panginoon, marami na po ang nagbalita sa akin tungkol sa taong ito, tungkol sa mga kasamaang ginawa niya sa iyong mga banal sa Jerusalem. At naparito siya sa Damasco, taglay ang kapangyarihang galing sa mga punong saserdote, upang dakpin ang lahat ng tumatawag sa iyong pangalan.” Ngunit sinabi sa kanya ng Panginoon, “Pumaroon ka! Sapagkat hinirang ko siya upang ipakilala ang aking pangalan sa mga Hentil, sa mga hari, at sa mga anak ng Israel. At ipaaalam ko sa kanya ang lahat ng dapat niyang tiisin alang-alang sa akin.”

Pumunta nga si Ananias. Pumasok siya sa bahay at ipinatong ang kanyang kamay kay Saulo. “Kapatid na Saulo,” wika niya, “pinapunta ako rito ng Panginoong Hesus na napakita sa iyo sa daan nang ikaw ay papunta rito. Sinugo niya ako upang muli kang makakita, at mapuspos ng Espiritu Santo.” Pagdaka’y may nalaglag na tila mga kaliskis mula sa mga mata ni Saulo, at nakakita na siya. Tumindig siya agad at nagpabinyag. Kumain siya at nanauli ang kanyang lakas.

Si Saulo’y ilang araw na kasama-sama ng mga alagad sa Damasco. Pumasok siya sa mga sinagoga at nangaral tungkol kay Hesus. “Siya ang Anak ng Diyos,” wika niya.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 116, 1. 2

Humayo’t dalhin sa tanan
Mabuting Balitang aral.

o kaya: Aleluya.

Purihin ang Poon!
Dapat na purihin ang lahat ng bansa,
siya ay purihin
ng lahat ng tao sa balat ng lupa.

Humayo’t dalhin sa tanan
Mabuting Balitang aral.

Pagkat ang pag-ibig
na ukol sa ati’y dakila at wagas,
at ang katapatan niya’y walang wakas.

Humayo’t dalhin sa tanan
Mabuting Balitang aral.

ALELUYA
Juan 6, 56

Aleluya! Aleluya!
Ang sinumang kumakain
sa katawang aking hain
ay nananahan sa akin.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 6, 52-59

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, nagtalu-talo ang mga Judio. “Paanong maibibigay sa atin ng taong ito ang kanyang laman upang kanin natin?” tanong nila. Kaya’t sinabi ni Hesus, “Tandaan ninyo: malibang kanin ninyo ang laman ng Anak ng Tao at inumin ang kanyang dugo, hindi kayo magkakaroon ng buhay. Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan, at muli ko siyang bubuhayin sa huling araw. Sapagkat ang aking laman ay tunay na pagkain, at ang aking dugo, tunay na inumin. Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay nananahan sa akin, at ako sa kanya. Buhay ang Amang nagsugo sa akin, at ako’y nabubuhay dahil sa kanya. Gayun din naman, ang sinumang kumain sa akin ay mabubuhay dahil sa akin. Ito ang pagkaing bumaba mula sa langit; ang kumakain nito’y mabubuhay magpakailanman. Hindi ito katulad ng kinain ng inyong mga magulang sa ilang; namatay sila bagamat kumain niyon.” Sinabi ito ni Hesus nang siya’y nagtuturo sa sinagoga sa Capernaum.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikatlong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Biyernes

Ibinibigay sa atin ng Ama ang kanyang Anak bilang tunay na pagkain at tunay na inumin sa hapag na ito. Hilingin natin sa kanya ang lahat ng ating mga pangangailangan sa pamamagitan ni Kristo, ang pinagmumulan ng bagong buhay.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, panatilihin Mo ang aming buhay
sa pamamagitan ng Eukaristiya.

Ang Simbahan nawa’y lumago sa pagpapahalaga sa Eukaristiya bilang Tinapay ng Buhay sa pamamagitan ng mas mataimtim na pagdiriwang ng Banal na Misa, manalangin tayo sa Panginoon.

Bilang isang pamayanan nawa’y hindi natin ipagwalang-bahala ang ating buhay-pananampalataya bagkus higit na manalig sa Diyos araw-araw kahit sa ating mga kahirapan at pagdurusa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pamilya, lalo na ang ating mga anak nawa’y lumago sa mga biyayang dulot ng patuloy na pagtanggap ng Eukaristiya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y palakasin ng kanilang pananampalataya sa pamamagitan ng pakikipag-isa ng kanilang mga paghihirap sa pagpapakasakit ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga mahal natin sa buhay na yumao nawa’y magkamit ng buhay na walang hanggan na ipinangako ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, ibinigay mo sa amin ang Katawan at Dugo ng iyong Anak bilang pagkain at inumin sa aming paglalakbay. Marapatin mo na sa aming pakikipag-isa sa kanya, kami ring lahat ay magkaisa bilang mga bahagi ng kanyang Katawan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

TRULY BLESSED

 871 total reads

Gospel Reading for October 12, 2026 – Luke 11: 29-32

TRULY BLESSED

While still more people gathered in the crowd, Jesus said to them, “This generation is an evil generation; it seeks a sign, but no sign will be given it, except the sign of Jonah. Just as Jonah became a sign to the Ninevites, so will the Son of Man be to this generation. At the judgment the queen of the south will rise with the men of this generation and she will condemn them, because she came from the ends of the earth to hear the wisdom of Solomon, and there is something greater than Solomon here. At the judgment the men of Nineveh will arise with this generation and condemn it, because at the preaching of Jonah they repented, and there is something greater than Jonah here.”

————

The Pharisees and Sadducees (Matthew 16:1), as well as the scribes (Matthew 12:38–39), kept demanding miraculous signs from heaven from Jesus to establish his authority, especially when his teachings contradicted theirs. Even the large crowds that followed him did so because of the miracles he had been performing (John 6:26).

What is absurd about this is that Jesus had already performed so many signs: healing the sick, raising the dead, casting out demons, changing water into wine, multiplying bread and fish, among others. Yet, they were still asking for more signs.

As long as we live on earth, we will never have the chance to see God face-to-face. This is reserved for those who will be with him in the afterlife. But we will always be able to see God through the many signs he gives us, both extraordinary and ordinary, if only we put our COMPLETE FAITH AND TRUST in him. If we allow these signs to show us the way to the Father, we are TRULY BLESSED!

Lord Jesus, help us have eyes that truly see and ears that truly hear. Amen.

It might be you?

 1,084 total reads

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Monday, Twenty-Eighth Week in Ordinary Time, Year II, 12 October 2026
Galatians 4:22-24, 26-27, 31-5:1     <*((((>< + ><))))*>     Luke 11:29-32
Photo by author, Bella Rosa Gardens, Silang, Cavite, 07 October 2026.
Please excuse me, Jesus
as I feel like singing
one of the songs during 
our college days by 
Stephen Bishop 
for the movie "Tootsie"
starring Dustin Hoffman:
Time, I've been passing time
Watching trains go by
All of my life
Lying on the sand
Watching sea birds fly
Wishing there would be
Someone waiting home for me
Something's telling me it might be you
It's telling me it might be you
All of my life
Photo by author, Bella Rosa Gardens, Silang, Cavite, 07 October 2026.
I could hear you speaking
to me today, Jesus:
"This is an evil generation;
it seeks a sign,
but no sign will be given it,
except the sign of Jonah"
(Luke 11:29);
there are times I keep looking
for certainty, asking for a sign
from God for the things I have to do,
for the mission I have to accomplish;
but like your people,
we today fail or refuse to see you,
to find you, Jesus 
when you are
right in front of us,
always beside us;
and it is true, Lord Jesus,
I cannot find you in my life
because I expect something
more obvious or even something
more dramatic like in the movies.

Keep me simple, Jesus,
so that I may find you,
I may recognize you in
the most ordinary,
the simplest occasions
in my life,
among the people I meet daily
especially those I take for granted
or refuse to relate with.
So many quiet walks to take
So many dreams to wake
And with so much love to make, oh
I think we're gonna meet some time
Maybe all we need is time
And it's telling me it might be you
All of my life
I've been saving love songs and lullabies
And there's so much more
No one's ever heard before
Something's telling me it might be you
Yeah, it's telling me it must be you
And I'm feeling it'll just be you
All of my life
Photo by author, Chapel of Our Lady of Ephesus, Bella Rosa Gardens, Silang, Cavite, 07 October 2026.
Yes, it's you, Jesus...
always you every time I wake up
and make that sign of the Cross
first thing in the morning;
it is you, Jesus...
when I see the light
and feel the warmth of
the rising sun;
it is you, Jesus...
when people and kids
smile at me,
when people ask for me,
when people listen and
speak to me;
it is you, Jesus...
when I still hope
and love and desire
for you.
Help me in my unbelief.
Amen.
From YouTube.com.

Ang bigat ng betrayal of public trust

 9,464 total reads

Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Nitong nakaraang linggo, tumutok ang pagdinig sa Article II na inaakusahan ang bise presidente ng pagkakaroon ng hindi maipaliwanag na yaman, pagsusumite ng maling statement of assets, liabilities, and net worth (o SALN), at patuloy na pagkita mula sa mga pribadong negosyo. Iniharap ng prosekusyon ang mga financial experts, bank representatives, at mga tax executives para ipaliwanag ang mga bagay-bagay.

Gaya ng inaasahan, masyadong teknikal ang mga narinig natin mula sa mga ipinresentang witnesses. Pero narito ang ilan sa mga naungkat sa pagdinig.

Una, kinumpirma ng Anti-Money Laundering Council (o AMLC) ang mga suspicious o kahina-hinalang transaksyon na kinasasangkutan ni VP Sara at ng kanyang mister. Umabot sa 4.4 bilyong piso ang halaga ng mga transaksyong ito.

Pangalawa, ipinakita rin ng records mula sa AMLC na nakatanggap ang isang kompanya ng asawa ni VP Sara ng 319 milyong piso mula sa mga kompanyang nakabase sa China. 

Pangatlo, natuklasan sa mga records na ang mga joint accounts nina VP Sara at ng kanyang tatay na si dating Pangulong Digong Duterte ay tumanggap ng mga depositong nagkakahalaga ng 193 milyong piso. Nangyari lang ito sa isang araw!

Pang-apat, lumabas sa mga bank records nina VP Sara at kanyang asawa na meron silang 59 milyong piso noong 2022, pero hindi ito inilagay ng bise presidente sa kanyang SALN.

Panghuli, nakatanggap si VP Sara ng suweldo mula sa Davao City LGU kahit pa bise presidente na siya. May mga tinanggap din siyang kabayaran at mga cash holdings na lampas-lampas sa kanyang suweldo.

Malinaw ang ating Saligang Batas: “Public office is a public trust.” Ang mga pinuno at mga kawani ng gobyerno ay kinakailangang laging nananagot sa taumbayan. Dapat silang maglingkod nang may pinakamataas na integridad, dangal, katapatan, at kahusayan. Dapat taglay nila sa pagtupad ng kanilang tungkulin ang pagkamakabayan at katarungan. Inaasahan din silang mamuhay nang buong kapakumbabaan. 

Sa unang araw ng kanilang pag-upo sa posisyong ipinagkatiwala sa kanila ng pinakamaraming botante, nanumpa silang tutupdin ang itinakdang ito ng Konstitusyon. Sa araw na iyon, pumasok sila sa isang kasunduan sa taumbayan. Hindi natin dapat kalimutan ang kasunduang iyon, at dito papasok ang impeachment trial. Ito ang tamang paraan para papanagutin (o gawing accountable) ang mga lider na hindi tumupad sa ating kasunduan sa kanila. Ito ang tamang paraan para sabihin sa ating mga pinuno na binabantayan natin sila at na mahalaga sa atin ang katotohanan. Sabi nga sa Mga Efeso 5:13-14, “Ang lahat ng nalalantad sa liwanag ay nakikilala kung ano talaga ang mga iyon, at nalalantad ang lahat dahil sa liwanag.” Liwanag ang dala ng impeachment trial.

Pinahahalagahan maging ng ating Simbahan ang pagpapanagot sa ating mga lider. Ang paglilingkod sa bayan ay hindi tungkol sa pagkakaroon ng kapangyarihan at pribilehiyo. Ito ay isang morál na obligasyon ng pagsisilbi, at salungat na salungat dito ang pagtataksil sa tiwala ng bayan o betrayal of public trust. Pinagtataksilan ng mga pinuno ng pamahalaan ang tiwalang ito kapag meron silang itinatagong yaman, kapag kumikita sila labás sa kanilang trabaho, at kapag may iba pa silang interes maliban sa pagsisilbi sa bayan. 

Mga Kapanalig, kapag sariling interes ang inuuna ng mga nasa gobyerno, napagkakaitan ang publiko ng tapat na serbisyo at epektibong solusyon sa mga problema. Ganito kabigat ang betrayal of public trust—ang pagtataksil sa tiwala ng taumbayan. Ito sana ang makita ng mga kababayan nating patuloy na nagogoyo ng pakitang-tao ng mga pulitiko, nakukuntento na lang sa panandaliang ayuda, at nabubulag sa pagkapanatiko. 

Sumainyo ang katotohanan. 

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 9,465 total reads

 9,465 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 237,836 total reads

 237,836 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 131,302 total reads

 131,302 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 225,331 total reads

 225,331 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 269,212 total reads

 269,212 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Miyerkules, Oktubre 14, 2026

 979 total reads

 979 total reads Miyerkules ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Calixto I, papa at martir Galacia 5, 18-25 Salmo 1,

Read More »

Martes, Oktubre 13, 2026

 2,142 total reads

 2,142 total reads Martes ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Galacia 5, 1-6 Salmo 118, 41. 43. 44. 45. 47. 48 Ipahayag mo sa akin

Read More »

Lunes, Oktubre 12, 2026

 4,282 total reads

 4,282 total reads Lunes ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Galacia 4, 22-24. 26-27. 31 – 5, 1 Salmo 112, 1-2. 3-4. 5a at 6-7

Read More »

Linggo, Oktubre 11, 2026

 4,639 total reads

 4,639 total reads Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Isaias 25, 6-10a Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5, 6 Lagi akong mananahan sa bahay ng Poong mahal.

Read More »

Sabado, Oktubre 10, 2026

 6,821 total reads

 6,821 total reads Sabado ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Galacia 3, 22-29 Salmo 104, 2-3.

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top