Noon taong 2021, ipinagdiwang natin ang ika-500 anibersaryo ng pagdating ng Kristiyanismo sa Pilipinas. Ang patuloy na hamon sa atin ay paano natin ipagpapatuloy ang paglago at paglalim ng pananampalataya na ito na binigay sa ating bilang binyagan. Mapapalaganap natin ito sa ating pagiging mabuting katiwala. So we promote being Good Stewards as a way of being disciples of Jesus Christ.
Tayong lahat ay katiwala ng Diyos. Kinikilala natin na ang lahat ng kabutihan ay galing sa Diyos. Ibinigay niya ito sa atin upang ating pangalagaan at palaguin. Kaya katiwala tayo ng buhay, ng pananampalataya, ng kalikasan, ng ating mga talento at ng ating yaman. Ang lahat ng ito ay galing sa Diyos. Bilang katiwala may responsibilidad tayong pangalagaan nang mabuti ang ipinagkatiwala sa atin. Sinisikap natin na ito ay hindi mawala, masira at masayang. Pero hindi lang ito ang ating tungkulin bilang mabubuting katiwala. Sinisikap din natin na ang mga biyaya ay ating gamitin at palaguin.
Sa ating unang pagbasa na galing sa Aklat ng Kawikaan binibigay sa atin ang halimbawa ng isang masipag at maaasahang maybahay. Siya ay mabuting katiwala. Ginagamit niya ang lahat ng pagkakataon at panahon upang pangalagaan ang pangangailangan ng kanyang pamilya. Masipag siya sa mga gawaing bahay. Ginagamit din niya ang kanyang kaalaman na mag-invest ng kanilang ari-arian upang ito ay lumago. Ang nakikinabang sa kanyang kasipagan ay hindi lang ang kanyang pamilya. Nakikinabang din ang mga mahihirap kasi nagbabahagi din siya sa kanila. Kaya ang kahalagahan ng babae ay hindi lang sa kanyang panlabas na ganda kundi sa kanyang pagiging masipag, mapagmalasakit, at pagkakaroon ng maayos na pag-uugali. Mabuting katiwala ang babaeng nilalarawan sa ating unang pagbasa.
Ang mabuting katiwala ay masipag at mapamaraan upang ang ipinagkatiwala sa kanya ay lumago. Pinapakita ito sa talinhaga ni Jesus tungkol sa tatlong pinagkatiwalaan ng isang tao ng kanyang kayamanan sa ating Ebanghelyo. Hindi parepareho ang ibinigay sa kanilang pera. Ang isa ay binigyan ng limang libo, ang pangalawa ng dalawa, at ang huli ng isang libong piso. Isinaalang-alang ng may-ari ang kakayahan ng bawat isa. Noon pagbalik niya, dumating na ang pagsusulit. Natuwa siya sa dalawang nagbigay ng kita sa ibinigay sa kanila – ang nakatanggap ng limang libo ay tumubo ng lima pa, ang nakatanggap ng dalawang libo ay tumubo ng dalawa pa. Natuwa ang may ari sa dalawang ito. Hindi man niya pinuna ang nagbalik ng dalawang libo; hindi niya ito ikinompara sa nakabalik ng limang libo pa. Ang bawat isa ay may sariling kakayahan. Iyan ay kinikilala at ginagalang ng may-ari. Ang hindi niya matanggap ay ang nakatanggap ng isang libo. Ibinaon lang niya ito sa lupa at ibinalik sa may-ari ang kanyang natanggap. Hindi nga ito nasira o nawala, pero hindi naman tumubo. Naghahanap ang Diyos ng increase, ng tubo. Tamad at masamang katiwala ang tawag sa kanya. Ipinatapon siya sa kadiliman sa labas. Ito ay ang impiyerno! Minsan sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: Tinawag ko kayo upang kayo ay magkaroon ng bunga, at bunga na mananatili. Magbubunga ang mga biyaya ng Diyos kung ito ay ginagamit sa kabutihan. Kaya ng Diyos na pasaganain tayo upang tayo ay magkaroon ng sapat sa ating pangangailangan at maging masagana sa pagtulong sa mga nangangailangan. Ang kasaganahan ay hindi lang para sa atin. Pinapasagana tayo upang mas maraming tao ang matutulungan at sa gayon marami ang makapagpasalamat sa Diyos.
Ngayong linggo ay World Day of the Poor. Ito ang Linggo bago ang huling Linggo ng taon ng simbahan na siyang kapistahan natin ng Christ the King. Pinapakita ng World Day of the Poor kung paano natin mapaglilingkuran si Jesus na ating hari. Mapaglilingkuran natin siya sa ating paglilingkod sa mga mahihirap. Huwag natin silang pabayaan. Kaya ang paksa sa Linggong ito ay huwag nating tatalikuran ang mga mahihirap. Gamitin natin ang anumang kakayahang binigay sa atin upang mapaglingkuran ang mga nangangailangan. Sapat ang kakayahan ng mundo na mawala ang kahirapan kung hindi natin pababayaan ang mga mahihirap.
Ang laman ng mga balita sa mga araw na ito ay ang digmaan sa Israel, sa Ukraine, at sa Iran. Tatlo lang ito sa maraming digmaan na nangyayari sa mundo. Magastos ang mga digmaan. Ang bawat bomba na sumasabog ay nagkakahalaga ng ilang milyong piso. At ilang bomba at missiles ang sumasabog araw-araw! Ang mga sandata, ang mga bala, ang mga tangke, ang mga eroplano, at mga drones ay nagkakahalaga ng bilyon-bilyong pera. At may perang ganito ang binibigay ng mga bansa na tumutulong sa digmaan para pumatay. Kung ang ganitong halaga ay ginamit upang tulungan ang mga tao – gumawa ng ospital, magbigay ng traktora, gumawa ng pagkain, magpagawa ng paaralan – ilang tao ang matutulungan? Pero walang perang ginugugol para tulungan at paunlarin ang mga tao, pero ang laki ng halaga ang ginagamit upang pumatay at sumira! May pera sa mundo -gamitin lang natin ito para makatulong sa nangangailangan at umunlad ang lipunan.
At ang paggawa ng kabutihan ay huwag natin ipasabukas. Kahit kailan darating ang Panginoon at magbibigay tayo ng sulit sa kanya. Bigla ang kanyang pagdating, tulad nga ng pagdating ng magnanakaw. Kaya nga kailangan tayong manatiling gising, laging handa at malinaw ang isip. Gamitin na natin nang maayos ngayon ang anumang biyaya na ipinagkatiwala sa atin.
Habang nananawagan tayo na itigil na ang mga digmaan at patayan, tayo, sa ating sariling makakayanan, ay magsikap na ngayon upang gamitin ang mga biyaya ng Diyos, tulad ng ating kaalaman, ng ating panahon, ng ating kayamanan, na makatulong sa iba. Magbalik handog tayo. Magsikap na palaguin ang mga biyaya, hindi lang upang maging masagana ang buhay natin kundi upang mas lalo din tayong makatulong sa mahihirap. Para din sa kanila ang biyaya ng Diyos sa atin. Binigyan tayo ng biyaya upang maging daluyan tayo ng biyaya para sa iba. Huwag po natin talikdan ang mga nangangailangan.
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.
Saturday, November 14, 2026 11:33 am
4,147 total reads
Homiliya para sa Biyernes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon, 13 Nobyembre 2026
2 Juan 4–9; Lucas 17:26–37
Sa ating unang pagbasa, may babala si San Juan tungkol sa mga taong tinatawag niyang mga manlilinlang o Antikristo. Sino sila? Sila raw ang mga hindi kumikilala na si Hesukristo ay tunay na naging tao.
Nakakagulat, ano? Noong panahon pa pala ni San Juan, mayroon nang mga Kristiyanong nahihirapang tanggapin ang tunay na pagkatao ni Hesus. Madali nilang tanggapin na si Hesus ay Anak ng Diyos. Pero Anak ng Tao? Na ang Diyos ay talagang naging tao, tulad natin?
May lumaganap noon na katuruang tinatawag na Docetism, mula sa salitang Griyego na nangangahulugang “magmukha lamang.” Para sa kanila, nagmukha o nag-anyong tao lang si Hesus. Para bang Diyos siyang nagpanggap na tao. Hindi nila matanggap na naging tunay na tao ang Diyos, dahil iniuugnay nila ang pagiging tao sa kahinaan, karupukan, kasalanan na dahilan ng pagdurusa, at kamatayan.
Parang magandang pakinggan, pero mali. Dahil minamaliit nila ang likas na dangal ng ating pagkatao.Hindi ba’t hanggang ngayon, kapag nagkakamali tayo, ang madalas nating sabihin, “Pasensya na, tao lang.” Para bang napakasamang maging tao. Para bang ang pagiging tao ay katumbas ng pagiging mahina, makasalanan, at palpak.
Pero iba ang ipinahahayag ng ating pananampalataya. Ang Diyos ay naging tao, hindi para maliitin ang ating pagkatao, kundi para itaas ang dangal nito. Hindi siya nagkunwaring tao. Naging tunay siyang tao, maliban sa kasalanan.
At sa pamamagitan niya, binigyan tayo ng Diyos ng isang bagong huwaran ng pagkatao. Kung dati, sina Adan at Eba ang ating iniuugnay sa pagkataong nasira ng kasalanan, ngayon mayroon na tayong bagong Adan, si Hesukristo, na nagtuturo sa atin kung paano tunay na magpakatao.
Ito naman ang koneksyon sa ating Ebanghelyo. Kapansin-pansin na kapag nagsasalita si Hesus tungkol sa kanyang muling pagbabalik, hindi niya ginagamit ang titulong Anak ng Diyos. Ang ginagamit niya ay Anak ng Tao.
Sinasabi niyang darating ang araw ng pagbubunyag ng Anak ng Tao. Isang sandali ng krisis, ng pagsusulit, ng pagbubukod. Tulad noong panahon ni Noe at ni Lot, nagpapatuloy ang mga tao sa kanilang karaniwang pamumuhay—kumakain, umiinom, nag-aasawa, bumibili, nagbebenta, nagtatanim at nagtatayo. Walang kamalay-malay na darating ang sandali ng pagsusulit.
At ano ang magiging batayan ng pagbubukod? Dito mahalagang pakinggan ang sinabi ni Hesus: “Ang sinumang naghahangad na iligtas ang kanyang buhay ay mawawalan nito. Ngunit ang sinumang handang mawalan ng kanyang buhay ay siyang magliligtas nito.”
Ito ang kakaibang prinsipyo ng bagong pagkataong ipinakilala sa atin ni Kristo.
Sa mundong ito, ang madalas nating iniisip ay kung paano natin maililigtas ang ating sarili, paano tayo makakaangat, paano tayo makakalamang sa kapwa. Pero para kay Hesus, ang tunay na pagkatao ay hindi nasusukat sa kung gaano karami ang ating naipon o napakinabangan para sa sarili, kundi sa kung gaano tayo natutong magmahal, maglingkod, at mag-alay ng buhay para sa kapwa.
Hindi sapat ang maging tao. Ang hamon sa atin ay magpakatao. At hindi tayo tunay na makapagpapakatao kung hindi tayo matututong makipagkapwa-tao. Ito ang bagong pagkataong ipinakilala sa atin ng Anak ng Tao.
Habang papalapit tayo sa pagtatapos ng taon ng liturhiya at naghahanda sa panahon ng Adbiyento, ito ang paalala sa atin ng mga pagbasa: Ang kaligtasang hinihintay natin ay hindi lamang tungkol sa pagdating ng Panginoon sa katapusan ng panahon. Tungkol din ito sa ating paghahanda na maging tunay na tao, ayon sa kanyang halimbawa.
Dahil sa huli, ang haharap sa atin bilang Hukom ay walang iba kundi ang Anak ng Tao—si Hesukristo, ang tunay na huwaran ng ating pagkatao. At ang tanong niya sa atin ay hindi lamang, “Naniwala ba kayo sa akin?” kundi, “Natuto ba kayong magpakatao, tulad ng itinuro ko sa inyo?”
Rev. Fr. Jerico Habunal
Saturday, November 14, 2026 11:14 am
4,780 total reads
Gospel Reading for November 14, 2026 – Luke 18: 1-8
PERSISTENCE
Jesus told his disciples a parable about the necessity for them to pray always without becoming weary. He said, “There was a judge in a certain town who neither feared God nor respected any human being. And a widow in that town used to come to him and say, ‘Render a just decision for me against my adversary.’ For a long time the judge was unwilling, but eventually he thought, ‘While it is true that I neither fear God nor respect any human being, because this widow keeps bothering me I shall deliver a just decision for her lest she finally come and strike me.’” The Lord said, “Pay attention to what the dishonest judge says. Will not God then secure the rights of his chosen ones who call out to him day and night? Will he be slow to answer them? I tell you, he will see to it that justice is done for them speedily. But when the Son of Man comes, will he find faith on earth?”
————
Of course, Jesus was not saying that God is like the judge who had no respect for any human being. Jesus was pointing out that if even such a person eventually rendered a just decision to the widow because of her PERSISTENCE, why would the God who loves us so much not listen to our pleas?
Faith and Trust in God are our PERSISTENCE. As long as we continue to have these, we will be able to see when and how God answers our prayers.
Perhaps, for most of us, we did not receive exactly what we asked or hoped for at the time we expected. But time will tell when God finally answers our prayers.
Lord Jesus, help us to always put our Faith and Trust in you. Amen.
47,312 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno
130,340 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang
224,672 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December
286,357 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon. Mayorya ng
443,123 total reads Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Tagapagdiwang: Rev. Fr. Jerome Secillano [fb_plugin video href=https://www.facebook.com/100069518821428/videos/640919728176053] [give_form id=”72114″ show_title=”true” show_goal=”false” show_content=”none” display_style=”onpage”]
443,068 total reads Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Tagapagdiwang: Rev. Fr. Victor Sadaya, CMF [fb_plugin video href=https://www.facebook.com/DZRV846/videos/307434575241976] [give_form id=”72114″ show_title=”true” show_goal=”false” show_content=”none” display_style=”onpage”]
443,051 total reads Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Tagapagdiwang: Rev. Fr. Joel DL. Rescober, CM [fb_plugin video href=https://www.facebook.com/DZRV846/videos/358163723302254] [give_form id=”72114″ show_title=”true” show_goal=”false” show_content=”none”
443,042 total reads Paggunita sa Mahal na Birheng Maria ng Fatima Tagapagdiwang: Rev. Fr. Joel Camaya, SDB [fb_plugin video href=https://www.facebook.com/DZRV846/videos/660940865819605] [give_form id=”72114″ show_title=”true” show_goal=”false” show_content=”none” display_style=”onpage”]