HUWEBES, ABRIL 6, 2023

SHARE THE TRUTH

 2,833 total views

Huwebes Santo sa Paghahapunan ng Panginoon

Exodo 12, 1-8. 11-14
Salmo 115, 12-13. 15-16bk. 17-18

Sa kalis ng pagbabasbas
si Kristo ang tinatanggap.

1 Corinto 11, 23-26
Juan 13, 1-15

Thursday of the Lord’s Supper (White)

UNANG PAGBASA
Exodo 12, 1-8. 11-14

Pagbasa mula sa aklat ng Exodo

Noong mga araw na iyon, sinabi ng Panginoon kina Moises at Aaron, “Mula ngayon, ang buwang ito ang magiging unang buwan ng taon para sa inyo. At sabihin ninyo sa buong pamayanan ng Israel na sa ikasampung araw ng buwang ito, bawat puno ng sambahayan ay pipili ng isang kordero o bisirong kambing para sa kanyang pamilya. Kung maliit ang pamilya at hindi makauubos ng isang buong kordero, magsasalo sila ng kalapit na pamilya, na hindi rin makauubos ng isang buo. Ang dami ng magsasalu-salo sa isang kordero ay ibabatay sa dami ng makakain ng bawat isa. Kailangang ang kordero ay lalaki, isang taong gulang, walang pinsala o kapintasan. Kung walang tupa ay kahit kambing. Aalagaan itong mabuti hanggang sa ikalabing apat ng buwan at sa kinagabihan, sabay-sabay na papatayin ng buong bayan ang kani-kanilang kordero. Kukuha sila ng dugo nito at ipapahid sa mga hamba at sombrero ng pintuan ng bahay na kakainan ng kordero. Sa gabi ring iyon, lilitsunin ito at kakaning kasama ng tinapay na walang lebadura at ng mapapait na gulay. Ganito naman ang magiging ayos ninyo sa pagkain nito: nakabigkis, nakasandalyas at may tangang tungkod; dalidali ang inyong pagkain nito. Ito ang Paskuwa ng Panginoon.

“Sa gabing yaon, lilibutin ko ang buong Egipto at papatayin ang lahat ng panganay na lalaki, maging tao o hayop man. At parurusahan ko ang lahat ng diyus-diyusan sa Egipto. Ako ang Panginoon. Lalampasan ko ang lahat ng bahay na makita kong may pahid na dugo, at walang pinsalang mangyayari sa inyo sa pagpaparusa ko sa buong Egipto. Ang dugo ang siyang magiging palatandaan na Israelita ang nakatira sa bahay na iyon. Ang araw na ito’y ipagdiriwang ninyo magpakailanman bilang pista ng Panginoon.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 115, 12-13. 15-16bk. 17-18

Sa kalis ng pagbabasbas
si Kristo ang tinatanggap.

Sa Diyos ko’t Panginoon, ano’ng aking ihahandog
sa lahat ng kabutihan na sa akin ay kaloob?
Ang handog ko sa dambana, ay inumin na masarap,
bilang aking pagkilala sa ginawang pagliligtas.

Sa kalis ng pagbabasbas
si Kristo ang tinatanggap.

Masakit sa kalooban ng Poon kung may papanaw,
kahit ito ay iisa, labis siyang magdaramdam.
Katulad ng aking ina, maglilingkod akong lubos
yamang ako’y iniligtas, kinalinga at tinubos.

Sa kalis ng pagbabasbas
si Kristo ang tinatanggap.

Ako ngayo’y maghahandog ng haing pasasalamat,
ang handog kong panalangi’y sa iyo ko ilalagak.
Sa templo sa Jerusalem, ay doon ko ibibigay
ang anumang pangako kong sa iyo ay binitiwan.

Sa kalis ng pagbabasbas
si Kristo ang tinatanggap.

IKALAWANG PAGBASA
1 Corinto 11, 23-26

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid:

Ito ang aral na tinanggap ko sa Panginoon at ibinibigay ko naman sa inyo: ang Panginoong Hesus, noong gabing siya’y ipagkanulo ay kumuha ng tinapay, nagpasalamat, at pinaghati-hati ito, at sinabi, “Ito ang aking katawan na inihahandog para sa inyo. Gawin ninyo ito sa pag-alala sa akin.” Gayun din naman, matapos maghapunan ay hinawakan niya ang kalis at sinabi, “Ang kalis na ito ang bagong tipan na pinagtitibay ng aking dugo. Tuwing iinumin ninyo ito, gawin ninyo sa pag-alala sa akin.” Sapagkat tuwing kakain kayo ng tinapay na ito at iinom sa kalis na ito ay ipinahahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon, hanggang sa muling pagparito niya.

Ang Salita ng Diyos.

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA
Juan 13, 34

Ang bagong utos ko’y ito:
mag-ibigan sana kayo
katulad ng ginawa ko
na pagmamahal sa inyo,
ang sabi ni Hesukristo.

MABUTING BALITA
Juan 13, 1-15

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Bisperas na ng Paskuwa. Alam ni Hesus na dumating na ang panahon ng kanyang paglisan sa sanlibutang ito upang bumalik sa Ama. Mahal niya ang kanyang mga tagasunod na nasa sanlibutan, at ngayo’y ipakikita niya kung hanggang saan ang kanyang pag-ibig sa kanila.

Naghahapunan si Hesus at ang mga alagad. Naisilid na ng diyablo sa isip ni Judas, anak ni Simon Iscariote, ang pagkakanulo kay Hesus. Alam ni Hesus na ibinigay na sa kanya ng Ama ang buong kapangyarihan; alam din niyang siya’y mula sa Diyos at babalik sa Diyos. Kaya’t nang sila’y naghahapunan, tumindig si Hesus, naghubad ng kanyang panlabas na kasuotan, at nagbigkis ng tuwalya. Pagkatapos, nagbuhos siya ng tubig sa palanggana, at sinimulang hugasan ang paa ng mga alagad at punasan ng tuwalyang nakabigkis sa kanya. Paglapit niya kay Simon Pedro, tumutol ito. “Panginoon,” sabi niya, “diyata’t kayo pa ang maghuhugas ng aking mga paa?” Sumagot si Hesus, “Hindi mo nauunawan ngayon ang ginagawa ko, ngunit mauunawaan mo rin pagkatapos.” Sinabi sa kanya ni Pedro. “Hinding-hindi ko po pahuhugasan sa inyo ang aking mga paa.” “Kung hindi kita huhugasan, wala kang kaugnayan sa akin,” tugon ni Hesus. Kaya’t sinabi ni Pedro, “Panginoon, hindi lamang po ang mga paa ko, kundi pati ang aking kamay at ulo!” Ani Hesus, “Maliban sa kanyang mga paa, hindi na kailangang hugasan pa ang naligo na, sapagkat malinis na ang kanyang buong katawan. At malinis na kayo, ngunit hindi lahat.” Sapagkat alam ni Hesus kung sino ang magkakanulo sa kanya, kaya sinabi niyang malinis na sila, ngunit hindi lahat.

Nang mahugasan na ni Hesus ang kanilang mga paa, siya’y nagsuot ng damit at nagbalik sa hapag. “Nauunawaan ba ninyo kung ano ang ginawa ko sa inyo?” tanong niya sa kanila. “Tinatawag ninyo akong Guro at Panginoon, at tama kayo, sapagkat ako nga. Kung akong Panginoon ninyo at Guro ay naghugas ng inyong mga paa, dapat din kayong mahugasan ng paa. Binigyan ko kayo ng halimbawa at ito’y dapat ninyong tularan.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Huwebes Santo

Sa Huling Hapunan, ipinagkaloob sa atin ng Panginoong Hesus ang hindi malilimot na halimbawa ng kababaang-loob at malasakit sa lahat ng mananampalataya sa pagtatatag ng Sakramento ng Pagpapari at ng Eukaristiya. Ipanalangin nating maging mabunga ang mga biyayang ito, habang sinasabi:

Panginoon, gawin Mo kaming mga taong Eukaristiko!

Para sa buong Simbahan, ang pamayanan ng mga disipulo ni Kristo: Mangibabaw nawa sa kanya ang pagmamahalan, pakum- babang paglilingkod, at bukas-palad na pagbibigay. Manalangin tayo!

Para sa Santo Papa at ibang mga pinuno ng Simbahan: Tularan nawa nila ang kababaang-loob ni Hesus sa pagtupad sa kanilang tungkulin sa sambayanan ng mga sumasampalataya. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng paring gumugunita sa kanilang paglilingkod bilang pari sa araw na ito: Ang kanila nawang buong buhay ay maging isang paglilingkod na puspos ng kababaang-loob at pagmamahal sa sambayanan, tulad ng kay Kristo. Manalangin tayo!

Para sa mga parokya: Sila nawa ay maging tunay na sambayanang Eukaristiko na nagpapakita ng katangi-tanging pagmamahal sa mga nagdurusa. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng natitipon dito upang ipagdiwang ang sakramento ng pag-ibig ni Kristo: Pangalagaan nawa natin sa ating pang-araw-araw na buhay ang pagkakaisa at pagmamahal na ating pinasisigla sa Hapag ng Panginoon. Manalangin tayo!

Taimtim nating ipanalangin ang ating mga pansariling kahilingan. (Tumahimik sandali.)
Manalangin tayo!

Diyos Ama, ibinigay Mo sa amin si Hesus, ang Tinapay ng Buhay at Walang Hanggang Punong Saserdote. Nawa ang aming buhay ay laging maging salamin ng kanyang buhay, hanggang sumapit ang oras ng pakikibahagi sa Walang Hanggang Piging sa langit, magpasawalang hanggan. Amen!


Huwebes Santo
Pagmimisang may Pagbabasbas ng Langis

Isaias 61, 1-3a. 6a. 8b-9
Salmo 88, 21-22. 25 at 27

Pag-ibig mong walang maliw
ay lagi kong sasambitin.

Pahayag 1, 5-8
Lucas 4, 16-21

Chrism Mass (White)

UNANG PAGBASA
Isaias 61, 1-3a. 6a. 8b-9

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Pinuspos ako ng Panginoon
ng kanyang Espiritu.
Hinirang niya ako
upang ang magandang balita’y
dalhin sa mahihirap,
pagalingin ang sugat ng puso,
palayain ang mga bihag at bilanggo.
Sinugo n’ya ako,
upang ibalitang ngayo’y panahon nang
iligtas ng Panginoon ang mga tao na hinirang niya,
at upang lupigin lahat ang mga kaaway;
Ako ay sinugo upang aliwin ang nangungulila,
upang ang tumatangis
na mga taga-Sion ay paligayahin.
Sa halip ng lungkot,
awit ng pagpuri yaong aawitin;
upang ang langis ng kagalakan ay ihatid sa tanan;
ang Diyos na Panginoon
iingatan sila at kakalingain.
Ngunit kayo nama’y
siyang maglilingkod sa Diyos na Panginoon,
kayo ay gagawin niyang saserdote.
Ang kayamanan ng ibang bansa’y
inyong makakamtan,
aariin ninyong may galak sa buhay.
Ang sabi ng Panginoon:
“Ako’y namumuhi sa pagkakasala at pang-aalipin,
gawang katarungan ang mahal sa akin.
Gagantimpalaan ko ang mga taong tapat sa akin,
walang hanggang tipan ang aking gagawin.
Itong lahi nila
ay makikilala sa lahat ng bansa,
pati anak nila’y
makikilala rin sa gitna ng madla;
sila’y kikilanling anak ng Panginoon saanman makita,
at tatawaging bayang pinagpala, hinirang ng Panginoon.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 88, 21-22. 25 at 27

Pag-ibig mong walang maliw
ay lagi kong sasambitin.

Ang piniling lingkod na ito’y si David,
aking pinahiran ng banal na langis.
Kaya’t palagi ko siyang aakbayan
at siya’y lalakas sa aking patnubay.

Pag-ibig mong walang maliw
ay lagi kong sasambitin.

Ang pagtatapat ko’t pag-ibig na wagas,
ay iuukol ko’t aking igagawad,
at magtatagumpay siya oras-oras.
Ako’y tatawaging ama niya’t Diyos,
tagapagsanggalang niya’t Manunubos.

Pag-ibig mong walang maliw
ay lagi kong sasambitin.

IKALAWANG PAGBASA
Pahayag 1, 5-8

Pagbasa mula sa aklat ng Pahayag

Sumainyo ang pagpapala at kapayapaan mula kay Hesukristo, ang tapat na saksi, ang unang nabuhay sa mga patay, at Hari ng mga hari sa lupa.

Iniibig niya tayo, at sa kanyang pagkamatay ay pinalaya niya tayo mula sa ating mga kasalanan. Ginawa niya tayong isang liping maharlika upang maglingkod sa Diyos at kanyang Ama bilang mga saserdote. Kay Hesukristo ang kapurihan at kapangyarihan magpakailanman! Amen. Pakatandaan ninyo! Darating siyang nasa mga alapaap, makikita ng lahat, pati ng umulos sa kanyang tagiliran; dahil sa kanya, iiyak ang lahat ng lipi sa lupa. Magkakagayon nga. Amen.

“Ako ang Alpha at ang Omega,” wika ng Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat, Diyos sa kasalukuyan, sa nakaraan, at siyang darating.

Ang Salita ng Diyos.

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA
Isaias 61, 1 (Lucas 4, 18)

Espiritu ng Poong D’yos
sa akin ay lumulukob.
Ako’y sugo niyang lingkod
nang sa dukha’y maidulot
ang balita ng pagtubos.

MABUTING BALITA
Lucas 4, 16-21

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, umuwi si Hesus sa Nazaret na kanyang nilakhan. Gaya ng kanyang kinagawian, pumasok siya sa sinagoga nang Araw ng Pamamahinga. Tumindig siya upang bumasa; at ibinigay sa kanya ang aklat ni Propeta Isaias. Binuksan niya ang aklat sa dakong kinasusulatan ng ganito:

“Sumasaakin ang Espiritu ng Panginoon,
Sapagkat hinirang niya ako upang ipangaral sa mga dukha ang Mabuting Balita.
Sinugo niya ako upang ipahayag sa mga bihag na sila’y lalaya,
at sa mga bulag na sila’y makakikita;
Upang bigyang-kaluwagan ang mga sinisiil,
At ipahayag ang pagliligtas na gagawin ng Panginoon.”

Nilulon niya ang kasulatan, at matapos isauli sa tagapaglingkod, siya’y naupo. Nakatitig sa kanya ang lahat ng nasa sinagoga. At sinabi niya sa kanila: “Natupad ngayon ang bahaging ito ng Kasulatan samantalang nakikinig kayo.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

DONATE NOW
Shadow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Universal Health Care Law

 45,805 total views

 45,805 total views Accessible health care sa mga Pilipino…. Ito ang natatanging hangarin ng UHC law na ipinatupad limang taon na ang nakalipas. Ipinapangako ng UHC law ang accessible at abot kayang serbisyong pangkalusugan para sa mga Pilipino sa alinmang panig ng Pilipinas. Kapanalig, natatamasa mo ba ang benepisyong dulot ng UHC law? Nabuo ang UHC

Read More »

2024 Job Losses

 59,372 total views

 59,372 total views Nakakaalarma… Hindi lamang bumabagal ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas sa unang quarter ng taong 2024, sinabayan pa ito ng “job losses” o mataas na bilang ng mga Pilipinong nawalan ng trabaho. Sa data ng National Economic Development Authority (NEDA), bumagal ang economic growth ng bansa mula 8.1-porsiyento noong unang quarter ng taong

Read More »

Baka makalusot

 54,982 total views

 54,982 total views Kapanalig, sang-ayon po ba kayo na isa ito sa character traits nating mga tao. Ang mali ay pilit ginagawang tama, laganap ito sa alin mang ahensiya ng pamahalaan, local government units, sa pribadong sektor, sa lansangan, sa pamayanan, negosyo maging sa loob ng tahanan. Ang nakakalungkot, madalas itong ginagawa sa executive branch tulad

Read More »

Banta ng red-tagging

 52,699 total views

 52,699 total views Mga Kapanalig, ihinto ang red-tagging!  Ito ang panawagan ng ilang mamamahayag at human rights groups matapos manindigan si Pangulong Bongbong Marcos Jr na hindi niya bubuwagin ang National Task Force to End the Local Armed Conflict (o NTF-ELCAC). Ang red-tagging ay ang pagtatatak sa mga tao o grupong kritikal sa pamahalaan o nagsusulong

Read More »

Pakikilakbay sa mga mag-asawa

 56,960 total views

 56,960 total views Mga Kapanalig, “ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao.” Ang mga salitang ito mula sa Mateo 19:6 ay ang pinakamadalas nating marinig sa tuwing lumulutang ang usapin tungkol sa divorce o diborsyo sa ating bansa. Ginagamit itong battlecry, ‘ika nga, ng mga tutol sa pagkakaroon ng batas na magpapahintulot sa mga

Read More »

Watch Live

Related Story

BIYERNES, MAYO 10, 2024

 14,922 total views

 14,922 total views Biyernes sa Ika-6 ng Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Juan ng Avila, Pari at Pantas ng Simbahan Mga Gawa 18, 9-18 Salmo 46, 2-3. 4-5. 6-7 Hari ng sangkalupaan D’yos na Makapangyarihan. Juan 16, 20-23a Friday of the Sixth Week of Easter (White) or Optional Memorial of St. John of Avila,

Read More »

HUWEBES, MAYO 9, 2024

 15,192 total views

 15,192 total views Huwebes sa Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 18, 1-8 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4 Panginoong nagliligtas sa tanang bansa’y nahayag. Juan 16, 16-20 Thursday of the Sixth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 18, 1-8 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong mga araw na iyon,

Read More »

MIYERKULES, MAYO 8, 2024

 14,822 total views

 14,822 total views Miyerkules sa Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 17, 15. 22 – 18, 1 Salmo 148, 1-2. 11-12ab. 12k-14a. 14bkd Ang kadakilaan ng D’yos sa lupa’t langit ay lubos. Juan 16, 12-15 Wednesday of the Sixth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 17, 15. 22 – 18, 1 Pagbasa

Read More »

MARTES, MAYO 7, 2024

 15,798 total views

 15,798 total views Martes sa Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 16, 22-34 Salmo 137, 1-2a. 2bk-3, 7k-8 Ligtas ako sa ‘yong piling, lakas ko’y sa ‘yo nanggaling. Juan 16, 5-11 Tuesday of the Sixth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 16, 22-34 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong

Read More »

LUNES, MAYO 6, 2024

 16,148 total views

 16,148 total views Lunes sa Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 16, 11-15 Salmo 149, 1-2. 3-4. 5-6a at 9b Panginoo’y nagagalak sa hirang n’yang mga anak. Juan 15, 26 – 16, 4a Monday of the Sixth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 16, 11-15 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga

Read More »

LINGGO, MAYO 5, 2024

 6,528 total views

 6,528 total views Ikaanim na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (B) Mga Gawa 10, 25-26. 34-35. 44-48 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4 Panginoong nagliligtas sa tanang bansa’y nahayag. 1 Juan 4, 7-10 Juan 15, 9-17 Sixth Sunday of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 10, 25-26. 34-35. 44-48 Pagbasa mula sa mga Gawa ng mga Apostol

Read More »

SABADO, MAYO 4, 2024

 6,359 total views

 6,359 total views Sabado sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 16, 1-10 Salmo 99, 2. 3. 5 Purihin ng lahat ang D’yos, parangalan s’yang malugod. Juan 15, 18-21 Saturday of the Fifth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 16, 1-10 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong mga araw na

Read More »

BIYERNES, MAYO 3, 2024

 6,238 total views

 6,238 total views Kapistahan nina Apostol San Felipe at Santiago 1 Corinto 15, 1-8 Salmo 18, 2-3. 4-5 Laganap na sa daigdig ang kanilang mga tinig. Juan 14, 6-14 Feast of Saints Philip and James, Apostles (Red) UNANG PAGBASA 1 Corinto 15, 1-8 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto At ngayo’y

Read More »

HUWEBES, MAYO 2, 2024

 5,995 total views

 5,995 total views Paggunita kay San Atanasio, obispo at pantas ng Simbahan Mga Gawa 15, 7-21 Salmo 95, 1-2a. 2b-3. 10 Sa lahat ay pinahayag gawa ng Poong nagligtas. Juan 15, 9-11 Memorial of St. Athanasius, Bishop and Doctor of the Church (White) Mga Pagbasa mula sa Huwebes sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay UNANG PAGBASA

Read More »

MIYERKULES, MAYO 1, 2024

 5,861 total views

 5,861 total views Paggunita kay San Jose, manggagawa Genesis 1, 26 – 2, 3 o kaya Colosas 3, 14-15. 17. 23-24 Salmo 89, 2. 3-4. 12-13. 14 at 16 Poon kami’y pagpalain at iyong pagtagumpayin. Mateo 13, 54-58 Memorial of Saint Joseph the Worker (White) UNANG PAGBASA Genesis 1, 26 – 2, 3 Pagbasa mula sa aklat ng

Read More »

MARTES, ABRIL 30, 2024

 7,866 total views

 7,866 total views Martes sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Pio V, Papa Mga Gawa 14, 19-28 Salmo 114, 10-11. 12-13ab. 21 Talastas ng mga tao, dakilang paghahari mo. Juan 14, 27-31a Tuesday of Fifth Week of Easter (White) or Optional Memorial of St. Pius V, Pope (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 14, 19-28

Read More »

LUNES, ABRIL 29, 2024

 8,088 total views

 8,088 total views Paggunita kay Santa Catalina de Siena, dalaga at pantas ng Simbahan Mga Gawa 14, 5-18 Salmo 113 B, 1-2. 3-4. 15-16 Dapat nating papurihan ang pangalan ng Maykapal. Juan 14, 21-26 Memorial of St. Catherine of Siena, Virgin and Doctor of the Church (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes sa Ika-5 Linggo ng Pasko

Read More »

LINGGO, ABRIL 28, 2024

 8,360 total views

 8,360 total views Ikalimang Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (B) Mga Gawa 9, 26-31 Salmo 21, 26b-27. 28 at 30. 31-32 Pupurihin kita, Poon, ngayong kami’y natitipon. 1 Juan 3, 18-24 Juan 15, 1-8 Fifth Sunday of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 9, 26-31 Pagbasa mula sa mga Gawa ng mga Apostol Noong mga araw

Read More »

SABADO, ABRIL 27, 2024

 8,651 total views

 8,651 total views Sabado sa Ika-4 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 13, 44-52 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4 Kahit saa’y namamalas tagumpay ng Nagliligtas. Juan 14, 7-14 Saturday of the Fourth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 13, 44-52 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Apostol Nang sumunod na Araw ng Pamamahinga, halos

Read More »

BIYERNES, ABRIL 26, 2024

 9,326 total views

 9,326 total views Biyernes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 13, 26-33 Salmo 2, 6-7. 8-9. 10-11 Anak ng Diyos kailanman sa simula pa sumilang. Juan 14, 1-6 Friday of the Fourth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 13, 26-33 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong mga araw

Read More »
Scroll to Top