Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

HUWEBES, MAYO 9, 2024

SHARE THE TRUTH

 31,689 total views

Huwebes sa Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

Mga Gawa 18, 1-8
Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4

Panginoong nagliligtas
sa tanang bansa’y nahayag.

Juan 16, 16-20

Thursday of the Sixth Week of Easter (White)

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 18, 1-8

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Noong mga araw na iyon, umalis si Pablo sa Atenas at nagtungo sa Corinto. Natagpuan niya roon si Aquila, isang Judiong taga-Ponto. Kararating pa lamang nito mula sa Italia, kasama ang kanyang asawang si Priscila. Umalis sila roon sapagkat pinalayas ni Claudio ang lahat ng Judio sa Roma. Nakipagkita sa kanila si Pablo, at doon na nakitira sapagkat sila’y manggagawa ng tolda, tulad niya. At siya’y tumulong sa kanila. Tuwing Araw ng Pamamahinga, nakikipagpaliwanagan siya sa sinagoga, at sinikap niyang mahikayat sa pananampalataya ang lahat, maging Judio o Griego.

Nang dumating sina Silas at Timoteo mula sa Macedonia, iniukol na ni Pablo ang buo niyang panahon sa pangangaral at pagpapatotoo sa mga Judio na si Hesus ang Kristo. Nang siya’y salungatin nila at laitin, pinagpag niya ang alikabok sa kanyang damit bilang babala sa kanila. Sinabi niya, “Kasalanan na ninyo kung kayo’y mapahamak! Hindi ko na sagutin iyon! Mula ngayoy’y tutungo ako sa mga Hentil.” Kaya’t umalis siya roon at tumira sa bahay ng isang nagngangalang Ticio Justo, isang taong may takot sa Diyos; karatig ng sinagoga ang kanyang bahay. Si Crispo na tagapamahala ng sinagoga at ang kanyang sambahayan ay sumampalataya sa Panginoon. Sumampalataya rin naman at nagpabinyag ang marami sa mga taga-Corintong nakikinig kay Pablo.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4

Panginoong nagliligtas
sa tanang bansa’y nahayag.

o kaya: Aleluya!

Umawit ng bagong awit at sa Poon ay ialay,
pagkat yaong ginawa n’ya ay kahanga-hangang tunay!
Sa sariling lakas niya at taglay na kabanalan,
walang hirap na natamo yaong hangad na tagumpay.

Panginoong nagliligtas
sa tanang bansa’y nahayag.

Ang tagumpay niyang ito’y siya na rin ang naghayag,
sa harap ng mga bansa’y nahayag ang pagliligtas.
Ang pangako sa Israel lubos niyang tinutupad.

Panginoong nagliligtas
sa tanang bansa’y nahayag.

Tapat siya sa kanila at ang pag-ibig ay wagas.
Ang tagumpay ng ating Diyos kahit saan ay namalas!
Magkaingay na may galak, yaong lahat sa daigdig;
ang Poon ay buong galak na purihin sa pag-awit!

Panginoong nagliligtas
sa tanang bansa’y nahayag.

ALELUYA
Juan 14, 18

Aleluya! Aleluya!
Kayo’y di ko inulila,
babalik akong talaga,
magdudulot ng ligaya.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 16, 16-20

Ang Mabuting Balita ng Panginoong ayon kay San Juan

Noong panahong iyong, sinabi ni Hesus sa kayang mga alagad: “Kaunting panahon na lamang at hindi na ninyo ako makikita; at pagkaraan ng kaunting panahon pa, ako’y inyong makikita uli.” Nag-usap-usap ang ilan sa mga alagad, “Ano kaya ang ibig niyang sabihin? Bakit niya sinabing kaunting panahon na lang at hindi na natin siya makikita at pagkaraan ng kaunti pang panahon ay makikita uli? Sabi pa niya’y ‘Sapagkat ako’y paroroon sa Ama.’ Ano kaya ang ibig sabihin ng, ‘kaunting panahon na lamang?’ Hindi natin maunawaan!” Naramdaman ni Hesus na ibig nilang magtanong, kaya’t sinabi niya, “Nagtatanungan kayo tungkol sa sinabi kong kaunting panahon na lamang at hindi ninyo ako makikita; at pagkaraan ng kaunting panahonn, ako’y inyong makikita uli. Sinasabi ko sa inyo: tatangis kayo at magdadalamhati, ngunit magagalak ang sanlibutan. Matitigib kayo ng kalungkutan, subalit ito’y magiging kagalakan.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikaanim na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Huwebes

Inihahandog sa atin ng Diyos ang kanyang lakas sa mga panahon ng pangangailangan. Idalangin natin na lagi tayong umasa sa kanya.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Gawin Mo kagalakan ang aming kalungkutan, O Panginoon.

Ang Simbahan nawa’y buong tapang na magpatotoo at walang takot na magpahayag ng mensahe ni Kristo sa mundo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nabubuhay sa pangungulila at dalamhati nawa’y makaranas ng nakapagpapaginhawang presensya ng pag-ibig ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nalulungkot o namimighati nawa’y makaunawa sa tunay na kahalagahan ng kanilang buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa kanilang kahinaan nawa’y matuklasan ng mga maysakit at may kapansanan ang lakas ni Kristong Muling Nabuhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nang tapat sa Panginoon nawa’y makatagpo ang Manunubos na nagpakasakit para sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming puspos ng kabutihan at pag-ibig, tunghayan mo nang may habag ang iyong bayan dahil sa kanilang mga pagkukulang. Tulungan mo sila sa mga hinaharap nilang pagsubok at hayaan mong lukuban sila ng iyong pag-ibig. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 34,069 total views

 34,069 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 41,550 total views

 41,550 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 54,690 total views

 54,690 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 60,663 total views

 60,663 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 66,415 total views

 66,415 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

LUNES, HULYO 29, 2024

 222 total views

 222 total views Paggunita kina Santa Marta, Santa Maria at San Lazaro 1 Juan 4, 7-16 Salmo 33, 2-3. 4-5. 6-7. 8-9. 10-11. Palagi kong pupurihin ang Dakilang Poon natin. o kaya: Magsumikap tayong kamtin ang Panginoong butihin. Juan 11, 19-27 o kaya Lucas 10, 38-42 Memorial of Sts. Martha, Mary and Lazarus (White) UNANG PAGBASA 1 Juan

Read More »

LINGGO, HULYO 28, 2024

 794 total views

 794 total views Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) 2 Hari 4, 42-44 Salmo 144, 10-11. 15-16. 17-18 Pinakakain mong tunay kaming lahat, O Maykapal. Efeso 4, 1-6 Juan 6, 1-15 Seventeenth Sunday in Ordinary Time (Green) World Day for Grandparents and the Elderly UNANG PAGBASA 2 Hari 4, 42-44 Pagbasa mula sa ikalawang aklat ng mga

Read More »

SABADO, HULYO 27, 2024

 1,661 total views

 1,661 total views Sabado ng Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Jeremias 7, 1-11 Salmo 83, 3. 4. 5-6a at 8a. 11 Ang templo mo’y aking mahal, D’yos na Makapangyarihan. Mateo 13, 24-30 Saturday of the Sixteenth Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of the Blessed

Read More »

BIYERNES, HULYO 26, 2024

 2,048 total views

 2,048 total views Paggunita kina San Joaquin at Santa Ana, mga magulang ng Mahal na Birheng Maria Jeremias 3, 14-17 Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ang Pastol na kumukupkop. Mateo 13, 18-23 Memorial of Sts. Joachim and Anne, Parents of the Blessed Virgin Mary (White) Mga Pagbasa mula sa Biyernes ng Ika-16 na Linggo

Read More »

HUWEBES, HULYO 25, 2024

 2,429 total views

 2,429 total views Kapistahan ni Apostol Santiago 2 Corinto 4, 7-15 Salmo 125, 1-2ab, 2kd-3. 4-5. 6 Ang nagtanim na may luha ay aaning natutuwa. Mateo 20, 20-28 Feast of Saint James, Apostle (Red) UNANG PABGASA 2 Corinto 4, 7-15 Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto Mga kapatid, kaming pinagkalooban ng

Read More »

MIYERKULES, HULYO 24, 2024

 3,056 total views

 3,056 total views Miyerkules ng Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Sharbel Makhluf, pari Jeremias 1, 1. 4-10 Salmo 70, 1-2. 3-4a. 5-6ab. 15ab at 17 Patuloy kong isasaysay ang dulot mong kaligtasan. Mateo 13, 1-9 Wednesday of the Sixteenth Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of st. Sharbel Makhluf, Priest (White)

Read More »

MARTES, HULYO 23, 2024

 3,474 total views

 3,474 total views Martes ng Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Santa Brigida, namanata sa Diyos Mikas 7, 14-15. 18-20 Salmo 84, 2-4. 5-6. 7-8 Pag-ibig mo’y ipakita, iligtas kami sa dusa. Mateo 12, 46-50 Tuesday of the Sixteenth Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St. Bridget of Sweden, Religious (White) UNANG

Read More »

LUNES, HULYO 22, 2024

 3,140 total views

 3,140 total views Kapistahan ni Santa Maria Magdalena Awit ni Solomon 3, 1-4a o kaya 2 Corinto 5, 14-17 Salmo 62, 2, 3-4, 5-6, 8-9 Aking kinasasabikan, Panginoon, ikaw lamang. Juan 20, 1-2. 11-18 Feast of Saint Mary Magdalene (White) UNANG PAGBASA Awit ni Solomon 3, 1-4a Pagbasa mula sa Awit ni Solomon Gabi-gabi, sa higaan ang mahal

Read More »

LINGGO, HULYO 21, 2024

 3,438 total views

 3,438 total views Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Jeremias 23, 1-6 Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6 Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop. Efeso 2, 13-18 Marcos 6, 30-34 Sixteenth Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Jeremias 23, 1-6 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias Parurusahan ng Panginoon ang mga namumunong walang

Read More »

SABADO, HULYO 20, 2024

 3,656 total views

 3,656 total views Sabado ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Apolinario, obispo at martir o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Mikas 2, 1-5 Salmo 9, 22-23. 24-25. 28-29. 35 Poon, huwag pabayaan ang mga nahihirapan. Mateo 12, 14-21 Saturday of the Fifteenth Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial

Read More »

BIYERNES, HULYO 19, 2024

 3,815 total views

 3,815 total views Biyernes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Isaias 38, 1-6. 21-22. 7-8 Isaias 38, 10. 11. 12abkd. 16 Buhay ko’y ‘yong iniligtas, pag-iral ko’y walang wakas. Mateo 12, 1-8 Friday of the Fifteenth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Isaias 38, 1-6. 21-22. 7-8 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Noong

Read More »

HUWEBES, HULYO 18, 2024

 3,647 total views

 3,647 total views Huwebes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Isaias 26, 7-9. 12. 16-19 Salmo 101, 13-14ab at 15. 16-18. 19-21 Mula sa iyong luklukan, lahat ay ‘yong minamasdan. Mateo 11, 28-30 Thursday of the Fifteenth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Isaias 26, 7-9. 12. 16-19 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Read More »

MIYERKULES, HULYO 17, 2024

 4,151 total views

 4,151 total views Miyerkules ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Isaias 10, 5-7. 13-16 Salmo 93, 5-6. 7-8. 9-10. 14-15 Ang Poo’y di tatalikod sa kanyang hirang na lingkod. Mateo 11, 25-27 Wednesday of the Fifteenth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Isaias 10, 5-7. 13-16 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Ito ang

Read More »

MARTES, HULYO 16, 2024

 4,382 total views

 4,382 total views Paggunita sa Mahal na Birheng Maria ng Bundok del Carmen Zacarias 2, 14-17 Lucas 1, 46-47. 48-49. 50-51. 52-53. 54-55 D’yos ay Makapangyarihan, Banal ang kanyang pangalan. o kaya Mahal na Birheng Maria, Ina ng Anak ng Ama. Mateo 12, 46-50 Memorial of Our Lady of Mount Carmel (White) UNANG PAGBASA Zacarias 2, 14-17

Read More »

LUNES, HULYO 15, 2024

 4,885 total views

 4,885 total views Paggunita kay San Buenaventura, obispo at pantas ng Simbahan Isaias 1, 10-17 Salmo 49, 8-9. 16bk-17, 21 at 23 Ang masunurin sa Diyos ay sasagipin n’yang lubos. Mateo 10, 34 – 11, 1 Memorial of St. Bonaventure, Bishop and Doctor of the Church (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang

Read More »
Scroll to Top