HUWEBES, OKTUBRE 27, 2022

SHARE THE TRUTH

 388 total views

Huwebes ng Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Efeso 6, 10-20
Salmo 143, 1. 2. 9-10

Ang Poon ay papurihan,
siya ang aking sanggalang.

Lucas 13, 31-35



Thursday of the Thirtieth Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Efeso 6, 10-20

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso

Sa wakas, magpakatibay kayo sa pamamagitan ng inyong pakikipag-isa sa Panginoon at sa tulong ng dakilang kapangyarihan niya. Isuot ninyo ang baluting kaloob ng Diyos, upang mapaglabanan ninyo ang mga lalang ng diyablo. Sapagkat ang kalaban nati’y hindi mga tao, kundi mga pinuno, mga maykapangyarihan, at mga tagapamahala ng kadilimang namamayani sa sanlibutang ito – ang mga hukbong espirituwal ng kasamaan sa himpapawid. Kaya’t isuot ninyo ang baluting mula sa Diyos. Sa gayun, makatatagal kayo sa pakikipaglaban pagdating ng masamang araw na iyon, at pagkatapos ng inyong pakikipaglaban ay matatag pa rin kayong nakatayo.

Kaya’t maging handa kayo: gawin ninyong bigkis ang katotohanan, itakip sa dibdib ang baluti ng pagkamatuwid, at isuot ang panyapak ng pagiging handa sa pangangaral ng Mabuting Balita ng pakikipagkasundo sa Diyos. Taglayin ninyong lagi ang kalasag ng pananalig kay Kristo, bilang panangga’t pamatay sa lahat ng nagliliyab na palaso ng Masama. Isuot ninyo ang helmet ng kaligtasan, at kunin ninyo ang tabak na kaloob ng Espiritu, samakatwid, ang Salita ng Diyos. Ang lahat ng ito’y gawin ninyo sa pamamagitan ng mga panalangin at pagsamo. Manalangin kayo sa lahat ng pagkakataon, sa patnubay ng Espiritu. Kaya’t lagi kayong maging handa, at patuloy na manalangin para sa lahat ng hinirang ng Diyos. Ipanalangin din ninyong ako’y pagkalooban ng wastong pananalita upang buong tapang kong maipahayag ang hiwaga ng Mabuting Balita. Dahil sa Mabuting Balitang ito, ako’y sinugo, at ngayo’y natatanikalaan. Kaya’t ipanalangin ninyong maipahayag ko ito nang buong tapang, gaya ng nararapat.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 143, 1. 2. 9-10

Ang Poon ay papurihan,
siya ang aking sanggalang.

Purihin ang Poon, na aking sanggalang,
sa pakikibaka, ako ay sinanay;
inihanda ako, upang makilaban.

Ang Poon ay papurihan,
siya ang aking sanggalang.

Matibay kong muog at Tagapagligtas,
at aking tahanang hindi matitinag;
tagapagligtas kong pinagtitiwalaan,
nilulupig niya ang sakop kong bayan.

Ang Poon ay papurihan,
siya ang aking sanggalang.

O Diyos, may awitin akong bagung-bago,
alpa’y tutugtugin at aawit ako.
Tagumpay ng hari ay iyong kaloob,
at iniligtas mo si David mong lingkod.

Ang Poon ay papurihan,
siya ang aking sanggalang.

ALELUYA
Lucas 19, 38; 2, 14

Aleluya! Aleluya!
Papuri sa Hari natin
na ngayon ay dumarating;
kapayapaan ay kamtin.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 13, 31-35

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Dumating noon ang ilang Pariseo. Sinabi nila kay Hesus, “Umalis ka rito, sapagkat ibig kang ipapatay ni Herodes.” At sumagot siya, “Sabihin ninyo sa alamid na iyon na nagpapalayas ako ngayon ng mga demonyo at nagpapagaling, bukas ay gayun din; sa ikatlong araw, tatapusin ko ang aking gawain. Ngunit dapat akong magpatuloy sa aking lakad ngayon, bukas at sa makalawa; sapagkat hindi dapat mamatay sa labas ng Jerusalem ang isang propeta!

“Jerusalem, Jerusalem! Pinapatay mo ang mga propeta at binabato ang mga sinugo ko sa iyo! Makailan kong sinikap na kupkupin ang iyong mga mamamayan, gaya ng paglukob ng isang inahin sa kanyang mga sisiw, ngunit ayaw mo. Kaya’t lubos kang pababayaan. Sinasabi ko sa iyo, hindi mo na ako makikita hanggang sa dumating ang oras na sasabihin mo, ‘Pagpalain nawa ang dumarating sa pangalan ng Panginoon!’”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.



PANALANGIN NG BAYAN
Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon
Huwebes

Mulat sa ating misyon na magin propeta ng mahabaging pag-ibig ng Diyos, manalangin tayo sa Ama na gawin tayong tapat at matapang sa pagsasagawa ng ating mga tungkulin.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Makapangyarihang Ama, palakasin mo kami
sa kapangyarihan ng iyong pangalan.

Ang Simbahan sa pamamagitan ng kanyang mga pinuno nawa’y maging tapat sa kanyang pagiging propeta na ituro sa mga tao sa ating panahon ang mga tamang bagay na pinahalagahan ng Ebanghelyo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga naghahangad at nagpapagal para sa isang magandang bukas nawa’y hindi panghinaan ng loob o maghinanakit dahil sa mga pagtuligsa at paglaban sa kanila, bagkus, palakasin sila ng pag-ibig para patuloy na sumulong, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang tanggapin nang bukas sa loob ang Salita ng Diyos gaano man ito kahirap o magbibigay lamang ng agam-agam para sa atin, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nag-aalaga ng mga maysakit nawa’y hindi mapagod sa kanilang pagbibigay kalinga na mayroong personal na atensyon at paggalang, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong mga yumao nawa’y gawing malinis ng mapagpagaling na biyaya ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoong Diyos, nabuhay si Jesus tulad ng kanyang ipinangaral. Ibigay mo sa amin ang Banal na Espiritu upang makasunod kami sa kanya nang walang pag-aatubili patungo sa kanyang Kaharian kung saan siya ay Panginoon magpakailanman. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

 21,294 total views

 21,294 total views Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at

Read More »

4Ps ISSUES

 38,707 total views

 38,707 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 53,351 total views

 53,351 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 67,200 total views

 67,200 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 80,307 total views

 80,307 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

Watch Live

RELATED READINGS

Lunes, Hunyo 23, 2025

 496 total views

 496 total views Lunes ng Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Genesis 12, 1-9 Salmo 32, 12-13. 18-19. 20-21 Mapalad ang ibinukod na bansang hinirang ng

Read More »

Linggo, Hunyo 22, 2025

 1,465 total views

 1,465 total views Dakilang Kapistahan ng Kabanal-banalang Katawan at Dugo ng Panginoon (K) Genesis 14, 18-20 Salmo 109, 1. 2. 3. 4 Ika’y paring walang hanggan

Read More »

Sabado, Hunyo 21, 2025

 3,068 total views

 3,068 total views Paggunita kay San Luis Gonzaga, namanata sa Diyos 2 Corinto 12, 1-10 Salmo 33, 8-9. 10-11. 12-13 Magsumikap tayong kamtin ang Panginoong butihin.

Read More »

Biyernes, Hunyo 20, 2025

 3,706 total views

 3,706 total views Biyernes ng Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) 2 Corinto 11, 18. 21b-30 Salmo 33, 2-3. 4-5. 6-7 Mat’wid ay tinutulungan sa lahat

Read More »

Huwebes, Hunyo 19, 2025

 5,798 total views

 5,798 total views Huwebes ng Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Romualdo, abad 2 Corinto 11, 1-11 Salmo 110, 1-2. 3-4. 7-8

Read More »

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Obispo, dismayado sa Duterte Senators

 18,502 total views

 18,502 total views Dismayado si Cubao Bishop Elias Ayuban Jr. CMF sa mga Senador na tahasang nagpahayag at nangako ng suporta kay Vice President Sara Duterte

Read More »
Scroll to Top