Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

LINGGO, AGOSTO 27, 2023

SHARE THE TRUTH

 3,678 total views

Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)

Isaias 22, 19-23
Salmo 137, 1-2a. 2bk-3. 6 at 8bk

Pag-ibig mo’y di kukupas,
gawain mo’y magaganap.

Roma 11, 33-36
Mateo 16, 13-20

Twenty-first Sunday in Ordinary Time (A) (Green)

UNANG PAGBASA
Isaias 22, 19-23

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Sinabi ng Panginoon kay Sabnang katiwala sa palasyo:
“Aalisin kita sa iyong katungkulan,
at palalayasin sa iyong kinalalagyan.
Tatawagin ko sa araw na iyon ang aking lingkod,
si Eliaquim na anak ni Helcias.
Siya ang pagsusuutin ko ng iyong buong kasuotan,
ibibigay ko sa kanya ang iyong kapangyarihan,
siya ang magiging pinakaama ng Jerusalem at ng Juda.
Ibibigay ko sa kanya ang susi ng bahay ni David;
ang kanyang buksa’y walang makapagsasara
at walang makapagbubukas ng ipininid niya.
Itatayo ko siyang parang haligi ng tolda
itatayo ko nang matibay sa isang matatag na lugar
at siya’y magiging marangal na luklukan
para sa sambahayan ng kanyang ama.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 137, 1-2a. 2bk-3. 6 at 8bk

Pag-ibig mo’y di kukupas,
gawain mo’y magaganap.

Ako, Poon, buong pusong aawit ng pasalamat,
sa harap ng mga anghel, pupurihin kitang ganap.
Sa harap ng iyong templo ay yuyuko at gagalang,
pupurihin kita roon, pupurihin ang ‘yong ngalan.

Pag-ibig mo’y di kukupas,
gawain mo’y magaganap.

Dahilan sa pag-ibig mo at sa iyong katapatan,
ika’y tunay na dakila, pati iyong kautusan.
Noong ako ay tumawag, tinanggap ko ang tugon mo,
sa lakas mong itinulong ay lumakas agad ako.

Pag-ibig mo’y di kukupas,
gawain mo’y magaganap.

Dakila man ang Poong D’yos, mahal din niya ang mahirap
kumubli ma’y kita niya yaong hambog at pasikat.
Ang dahilan nito, Poon, pag-ibig mo’y di kukupas.
at ang mga sinimulang gawain mo’y magaganap.

Pag-ibig mo’y di kukupas,
gawain mo’y magaganap.

IKALAWANG PAGBASA
Roma 11, 33-36

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma

Napakasagana ng kayamanan ng Diyos! Di matarok ang kayamanan, karunungan at kaalaman ng Diyos! Hindi malirip ang kanyang mga panukala at pamamaraan! Gaya ng nasusulat:

“Sapagkat sino ang nakaalam sa pag-iisip ng Panginoon,
O sino ang nakapagkaloob ng anuman sa Diyos
para siya nama’y gantimpalaan?”

Sapagkat mula sa kanya at sa pamamagitan niya at sa kanya ang lahat ng bagay. Sa kanya ang karangalan magpakailanman! Amen.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Mateo 16, 18

Aleluya! Aleluya!
Ikaw, Pedro, ang saligan
ng aking simbahang banal
na daig ang kamatayan.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 16, 13-20

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, dumating si Hesus sa lupain ng Cesarea ng Filipos. Tinanong niya ang kanyang mga alagad, “Sino raw ang Anak ng Tao, ayon sa mga tao?” At sumagot sila, “Ang sabi po ng ilan ay si Juan Bautista kayo. Sabi naman ng iba, si Elias kayo. At may nagsasabi pang si Jeremias kayo o isa sa mga propeta.” “Kayo naman, ano ang sabi ninyo? Sino ako?” tanong niya sa kanila. Sumagot si Simon Pedro, “Kayo po ang Kristo, ang Anak ng Diyos na buhay.” Sinabi sa kanya ni Hesus, “Mapalad ka, Simon na anak ni Jonas! Sapagkat ang katotohanang ito’y hindi inihayag sa iyo ng sinumang tao kundi ng aking Amang nasa langit. At sinasabi ko naman sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking simbahan, at hindi makapananaig sa kanya kahit ang kapangyarihan ng kamatayan. Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: ang ipagbawal mo sa lupa ay ipagbabawal sa langit, at ang ipahintulot mo sa lupa ay ipahihintulot sa langit.” At mahigpit niyang tinagubilinan ang kanyang mga alagad na huwag sabihin kaninuman na siya ang Kristo.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

 

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 69,268 total views

 69,268 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 77,043 total views

 77,043 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 85,223 total views

 85,223 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 100,836 total views

 100,836 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 104,779 total views

 104,779 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Sabado, Abril 19, 2025

 534 total views

 534 total views Ang Magdamagang Pagdiriwang sa Pasko ng Muling Pagkabuhay Genesis 1, 1-2, 2 o kaya Genesis 1, 1. 26-31a Salmo 103, 1-2a. 5-6. 10 at

Read More »

Biyernes, Abril 18, 2025

 831 total views

 831 total views Biyernes Santo sa Pagpapakasakit ng Panginoon Isaias 52, 13-53, 12 Salmo 30, 2 at 6. 12-13. 15-16. 17 at 25 Ama, sa mga

Read More »

Huwebes, Abril 17, 2025

 1,120 total views

 1,120 total views Huwebes Santo sa Paghahapunan ng Panginoon Exodo 12, 1-8. 11-14 Salmo 115, 12-13. 15-16bk. 17-18 Sa kalis ng pagbabasbas si Kristo ang tinatanggap.

Read More »

Miyerkules, Abril 16, 2025

 1,394 total views

 1,394 total views Miyerkules Santo Isaias 50, 4-9a Salmo 68, 8-10. 21bkd-22. 31 at 33-34 Poon, ako’y iyong dinggin sa panahong ‘yong ibigin. Mateo 26, 14-25

Read More »

Martes, Abril 15, 2025

 1,829 total views

 1,829 total views Martes Santo Isaias 49, 1-6 Salmo 70, 1-2. 3-4a. 5-6ab. 15ab at 17 Patuloy kong isasaysay ang dulot mong kaligtasan. Juan 13, 21-33.

Read More »

Lunes, Abril 14, 2025

 1,899 total views

 1,899 total views Lunes Santo Isaias 42, 1-7 Salmo 26, 1. 2. 3. 13-14 Panginoo’y aking tanglaw, siya’y aking kaligtasan. Juan 12, 1-11 Monday of Holy

Read More »

Linggo, Abril 13, 2025

 2,129 total views

 2,129 total views Linggo ng Palaspas ng Pagpapakasakit ng Panginoon (K) Lucas 19, 28-40 Isaias 50, 4-7 Salmo 21, 8-9. 17-18a. 19-20. 23-24 D’yos ko! D’yos

Read More »

Sabado, Abril 12, 2025

 2,367 total views

 2,367 total views Sabado sa Ika-5 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Ezekiel 37, 21-28 Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na

Read More »

Biyernes, Abril 11, 2025

 2,898 total views

 2,898 total views Biyernes sa Ika-5 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Jeremias 20, 10-13 Salmo 17, 2-3a. 3bk-4. 5-6. 7 Sa kahirapa’y humibik, at ako’y

Read More »

Huwebes, Abril 10, 2025

 2,956 total views

 2,956 total views Huwebes sa Ika-5 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Genesis 17, 3-9 Salmo 104, 4-5. 6-7. 8-9 Nasa isip ng Maykapal ang tipan

Read More »

Miyerkules, Abril 9, 2025

 3,183 total views

 3,183 total views Miyerkules sa Ika-5 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Daniel 3, 14-20. 91-92. 95 Daniel 3, 52. 53. 54. 55. 56 Purihin at

Read More »

Martes, Abril 8, 2025

 3,332 total views

 3,332 total views Martes sa Ika-5 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Bilang 21, 4-9 Salmo 101, 2-3. 16-18. 19-21 Dinggin mo ang aking dasal, pagsamo

Read More »

Lunes, Abril 7, 2025

 3,707 total views

 3,707 total views Lunes sa Ika-5 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Daniel 13, 1-9. 15-17. 19-30. 33-62 o kaya Daniel 13, 41k-62 Salmo 22, 1-3a. 3b-4.

Read More »

Linggo, Abril 6, 2025

 3,660 total views

 3,660 total views Ikalimang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda (K) Isaias 43, 16-21 Salmo 125, 1-2ab. 2kd-3. 4-5. 6 Gawa ng D’yos ay dakila kaya

Read More »

Sabado, Abril 5, 2025

 3,808 total views

 3,808 total views Sabado sa Ika-4 na Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Jeremias 11, 18-20 Salmo 7, 2-3. 9bk-10. 11-12 Panginoon, aking Diyos, pag-asa ko

Read More »
Scroll to Top