Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

LINGGO, AGOSTO 4, 2024

SHARE THE TRUTH

 6,124 total views

Ika-18 Linggo sa Karaniwang Panahon (B)

Exodo 16, 2-4. 12-15
Salmo 77, 3 at 4bk. 23-24. 25 at 54

Panginoon ang nagbigay
ng pagkaing bumubuhay.

Efeso 4, 17. 20-24
Juan 6, 24-35

Eighteenth Sunday in Ordinary Time (Green)
St. John Baptiste Marie Vianney Sunday

UNANG PAGBASA
Exodo 16, 2-4. 12-15

Pagbasa mula sa aklat ng Exodo

Noong mga araw na iyon, ang mga Israelita’y nagreklamo kina Moises at Aaron. Sinabi nila, “Mabuti pa sana’y pinatay na kami ng Panginoon sa Egipto. Doon, nakakakain kami ng karne at tinapay hanggang gusto namin. Dito naman sa ilang na pinagdalhan ninyo sa amin, mamamatay kami sa gutom.” Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Pauulanan ko kayo ng tinapay mula sa langit. Araw-araw, palalabasin mo ng bahay ang mga tao para mamulot ng kakanin nila sa maghapon. Sa pamamagitan nito’y susubukin ko kung hanggang saan nila susundin ang aking mga tagubilin. Narinig ko ang reklamo ng mga Israelita. Sabihin mo sa kanila na pagtatakip-silim, bibigyan ko sila ng karne. Sa umaga, bibigyan ko sila ng tinapay hanggang gusto nila. Sa gayo’y malalaman nilang ako ang Panginoon, ang kanilang Diyos.”

Nang magtakip-silim, dumagsa sa kampo ang napakaraming pugo. Kinaumagahan naman ay makapal na makapal ang hamog sa paligid ng kampo. Nang mapawi ang hamog, nakita nilang ang lupa’y nalalatagan ng maliliit at, maninipis na mga bagay na animo’y pinipig. Hindi nila alam kung ano iyon, kaya nagtanungan sila, “Ano kaya ito?”

Sinabi ni Moises, “Iyan ang tinapay na bigay sa inyo ng Panginoon.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 77, 3 at 4bk. 23-24. 25 at 54

Panginoon ang nagbigay
ng pagkaing bumubuhay.

Ito’y aming narinig na, kaya naman aming alam,
nagbuhat sa aming nuno na sa ami’y isinaysay.
Totoong kahanga-hanga ang tinutukoy na bagay,
mga ginawang dakila ng Panginoong Maykapal.

Panginoon ang nagbigay
ng pagkaing bumubuhay.

Gayun pa man, itong Diyos nag-utos sa kalangitan,
at ang mga pinto nito’y agad-agad na nabuksan.
Bunga nito, ang pagkai’y bumuhos na parang ulan,
ang pagkain nilang manna, sa kanila’y ibinigay.

Panginoon ang nagbigay
ng pagkaing bumubuhay.

Ang kaloob na pagkai’y pagkain ng mga anghel,
hindi sila nagkukulang, masagana kung dumating.
Inihatid sila ng D’yos na banal niyang lupain,
sa bundok niyang inagaw sa kalabang naniniil.

Panginoon ang nagbigay
ng pagkaing bumubuhay.

IKALAWANG PAGBASA
Efeso 4, 17. 20-24

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso

Mga kapatid, sa ngalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko’t iginigiit: huwag na kayong mamuhay na gaya ng mga Hentil. Walang kabuluhan ang kanilang iniisip. Hindi ganyan ang natutuhan ninyo kay Kristo – kung talagang pinakinggan ninyo ang aral niya at naturuan kayo ng katotohanang na kay Hesus. Iwan na ninyo ang dating pamumuhay. Hubarin na ninyo ang dating pagkatao, na napapahamak dahil sa masasamang pita. Magbago na kayo ng diwa at pag-iisip; at ang dapat makita sa inyo’y ang bagong pagkatao na nilikhang kalarawan ng Diyos, kalarawan ng kanyang katuwiran at kabanalan.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Mateo 4, 4b

Aleluya! Aleluya!
Ang tao ay nabubuhay
sa Salita ng Maykapal
na pagkaing kanyang bigay.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 6, 24-35

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, nang makita ng mga tao na wala na si Hesus, ni ang kanyang mga alagad, sa lugar na kinainan ni Hesus ng tinapay, sila’y sumakay sa mga bangka at pumunta rin sa Capernaum upang hanapin si Hesus.

Nakita nila si Hesus sa ibayo ng lawa, at kanilang tinanong, “Rabi, kailan pa kayo rito?” Sumagot si Hesus, “Sinasabi ko sa inyo: hinahanap ninyo ako, hindi dahil sa mga kababalaghang nakita ninyo, kundi dahil sa nakakain kayo ng tinapay at nabusog. Gumawa kayo, hindi upang magkaroon ng pagkaing nasisira, kundi upang magkaroon ng pagkaing hindi nasisira at nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Ibibigay ito sa inyo ng Anak ng Tao, sapagkat siya ang binigyan ng kapangyarihan ng Diyos Ama.” Kaya’t siya’y tinanong nila, “Ano po ang dapat naming gawin upang aming maganap ang kalooban ng Diyos?” “Ito ang ipinagagawa sa inyo ng Diyos: manalig kayo sa sinugo niya,” tugon ni Hesus. “Ano pong kababalaghan ang maipakikita ninyo upang manalig kami sa inyo? Ano po ang gagawin ninyo?” tanong nila. “Ang aming mga magulang ay kumain ng manna sa ilang, ayon sa nasusulat, ‘Sila’y binigyan niya ng pagkaing mula sa langit,’” dugtong pa nila. Sumagot si Hesus, “Dapat ninyong malamang hindi si Moises ang nagbigay sa inyo ng pagkaing mula sa langit, kundi ang aking Ama. Siya ang nagbibigay sa inyo ng tunay na pagkaing mula sa langit. Sapagkat ang pagkaing bigay ng Diyos ay yaong bumaba mula sa langit at nagbibigay-buhay sa sanlibutan.” “Ginoo,” wika nila, “bigyan po ninyo kaming lagi ng pagkaing iyon.” “Ako ang pagkaing nagbibibgay-buhay,” sabi ni Hesus. “Ang lumalapit sa akin ay hindi na magugutom, at ang nananalig sa akin ay hindi na mauuhaw kailanman.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Ika-18 Linggo sa Karaniwang Panahon (B)

Yamang tayo’y nananalig na ang Diyos ay totoong mapagbigay at laging nagdudulot ng buhay sa Kanyang bayan, tayo’y dumulog at manalangin sa Kanya sa pag-asang tayo’y Kanyang pakikinggan. Sama-sama tayong manalangin:

Panginoon, dinggin Mo kami!

Para sa Simbahang Katoliko, ang peregrinong bayan ng Diyos: Nawa’y maihatid niya ang mga tapat sa makalangit na kaharian bilang kasangkapan ng pag-ibig ng Diyos na siyang nangalaga sa mga Israelita sa kanilang paglalakbay sa disyerto. Manalangin tayo!

Para sa Santo Papa, mga obispo at lahat ng namumuno sa bayan ng Diyos: Nawa’y pasiglahin at palakasin nila ang kanilang mga kawan bilang mga tagapaghatid ng maraming biyaya ng Diyos. Manalangin tayo!

Para sa mga naaakit ng materyalismo: Nawa’y mapaglabanan nila ang mga panghalina ng materiyal na pakinabang at magsikap sila para sa pagkaing nagdudulot ng buhay na walang hanggan. Manalangin tayo!

Para sa ating kura paroko at sa mga katulong niya: Nawa’y manatili silang malusog at maipag-taguyod ang kanilang malasakit at pagmamahal ng mga pinamumunuan nila. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng mga Kristiyano: Nawa’y masaisantabi natin ang ating “dating pagkatao” at ang ating mga makasalanang paghahangad at sa halip ay magsumikap na mamuhay sa kalinisan at kabanalan. Manalangin tayo!

Para sa ating lahat: Nawa’y magkaroon tayo ng isang mapitagang pag-ibig sa Eukaristiya at magsumikap na tanggaping lagi si Hesus sa Banal na Pakikinabang. Manalangin tayo!

Amang nasa langit, ang pananampalataya sa Iyong Anak na si Hesus ay siyang handog Mo sa amin. Tulungan Mo kaming lubos na magtiwala sa kanya upang ang kanyang buhay sa amin ay patuloy na sumigla. Ikaw na nabubuhay at naghahari magpasa walang hanggan.

Amen!

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO GRADUATES, MAHINA SA RESEARCH

 63,552 total views

 63,552 total views Good News…. Patuloy na dumarami ang mga paaralan sa Pilipinas na nakapasok sa global o international rankings. Sa inilabas na Quacquarelli Symonds (QS)

Read More »

NAGUGUTOM NA PINOY

 86,384 total views

 86,384 total views Tama bang isisi ng kasalukuyang administrasyon sa nararanasang kalamidad ang pagtaas ng bilang ng mga Pinoy na dumaranas ng involuntary hunger? Ang involuntary

Read More »

Trahedya sa Bais Bay

 110,784 total views

 110,784 total views Mga Kapanalig, noong ika-26 ng Oktubre, nagkaroon ng wastewater spill sa Bais Bay sa Negros Occidental.  Ang wastewater spill ay nanggaling sa pasilidad

Read More »

Pagsusulong ng just energy transition

 129,555 total views

 129,555 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ngayong araw ang ika-30 na Conference of the Parties o COP30 ng United Nations Framework Convention on Climate Change

Read More »

Silipin din ang DENR

 149,298 total views

 149,298 total views Mga Kapanalig, nakapangingilabot ang kinahinatnan ng maraming lugar sa probinsya ng Cebu matapos dumaan doon ang Bagyong Tino.  Mistulang binura sa mapa ang

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Setyembre 30, 2025

 34,897 total views

 34,897 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Zacarias 8, 20-23 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling

Read More »

Lunes, Setyembre 29, 2025

 35,128 total views

 35,128 total views Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael Daniel 7, 9-10. 13-14 o kaya Pahayag 12, 7-12a Salmo 137, 1-2a, 2bk-3, 4-5

Read More »

Linggo, Setyembre 28, 2025

 35,623 total views

 35,623 total views Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Amos 6, 1a. 4-7 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Read More »

Sabado, Setyembre 27, 2025

 25,898 total views

 25,898 total views Paggunita kay San Vicente de Paul, pari Zacarias 2, 5-9. 14-15a Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na kumukupkop.

Read More »

Biyernes, Setyembre 26, 2025

 26,007 total views

 26,007 total views Biyernes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Cosme at San Damian, mga martir Ageo 1, 15b – 2,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top