LINGGO, DISYEMBRE 4, 2022

SHARE THE TRUTH

 2,862 total views

Ika-2 Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon (A)

Isaias 11, 1-10
Salmo 71, 2. 7-8. 12-13. 17

Mabubuhay s’yang marangal
at sasagana kailanman.

Roma 15, 4-9
Mateo 3, 1-12

Second Sunday of Advent (Violet)
Catholic Handicapped Day
National AIDS Sunday

UNANG PAGBASA
Isaias 11, 1-10

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Sa araw na iyon:
Sa lahi ni Jesse ay lilitaw ang isang hari,
tulad ng supling mula sa isang tuod.
Mananahan sa kanya ang espiritu ng Panginoon,
bibigyan siya ng katalinuhan at pagkaunawa,
ng kaalaman at kapangyarihan,
ng karunungan at takot sa Panginoon.
Kagalakan niya ang tumalima sa Panginoon.
Hindi siya hahatol ayon sa nakikita
o batay sa narinig sa iba.

Bibigyan niya ng katarungan ang mga dukha,
ipagtatanggol ang karapatan ng mga kawawa.
Ang salita niya’y parang tungkod na ipapalo sa malulupit.

Ang hatol niya’y kamatayan sa masasama.
Katarungan at katapatan ang paiiralin niya sa kanyang pamamahala.
Maninirahan ang asong-gubat sa piling ng kordero,
Matutulog ang leopardo sa tabi ng batang kambing,
Magsasama ang guya at ang batang leon,
at ang mag-aalaga sa kanila’y batang paslit.
Ang baka at ang oso’y magkasamang manginginain,
ang mga anak nila’y magkakatabing matutulog,
kakain ng damo ang leon na animo’y toro.
Maglalaro ang batang pasusuhin sa tabi ng lungga ng ahas,
hindi maaamo ang bata kahit laruin ang ulupong.
Walang mananakit o mamiminsala
sa nasasaklaw ng banal na bundok;
sapagkat kung paanong puno ng tubig ang karagatan,
Laganap sa buong lupain ang pagkakilala sa Panginoon.
Sa araw na iyon, isisilang ang hari mula sa lahi ni Jesse,
ang magiging palatandaan para sa mga bansa.
Ang mga baya’y tutungo sa banal na lungsod upang parangalan siya,
at magiging maningning ang kanyang luklukan.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 71, 2. 7-8. 12-13. 17

Mabubuhay s’yang marangal
at sasagana kailanman.

Turuan mo yaong, haring humatol ng katuwiran,
Sa taglay mong katarungan, O Diyos, siya’y bahaginan;
Upang siya’y maging tapat mamahala sa ‘yong bayan;
at pati sa mahihirap maging tapat siyang tunay.

Mabubuhay s’yang marangal
at sasagana kailanman.

Yaong buhay na mat’wid sa kanyang kapanahunan,
madama ng bansa niya at umunlad habang buhay.
Yaong kanyang kaharian ay palawak nang palawak,
mula sa Ilog Eufrates, sa daigdig ay kakalat.

Mabubuhay s’yang marangal
at sasagana kailanman.

Kanya namang ililigtas ang sinumang tumatawag,
lalo yaong nalimot nang mga taong mahihirap;
sa ganitong mga tao’y siya’y lubhang nahahabag;
sa kanila tumutulong, upang sila ay maligtas.

Mabubuhay s’yang marangal
at sasagana kailanman.

Nawa yaong kanyang ngalan ay h’wag nang malimutan
manatiling laging bantog na katulad nitong araw.
Nawa siya ay purihin ng lahat ng mga bansa,
at sa Diyos, silang lahat dumadalanging:
“Harinawa pagpalain kaming lahat,
tulad niyang pinagpala.”

Mabubuhay s’yang marangal
at sasagana kailanman.

IKALAWANG PAGBASA
Roma 15, 4-9

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma

Mga kapatid:

Anumang nasa Kasulatan noon pang una ay nasulat sa ikatututo natin, sapagkat lumalakas ang ating loob at nagkakaroon ng pag-asa kapag binabasa natin ang mga aral na matatagpuan dito. Loobin nawa ng Diyos na nagpapatatag at nagpapalakas ng loob, na mamuhay kayong may pagkakaisa kay Kristo Hesus. Sa gayun, sama-sama kayong magpuri sa Diyos at Ama ng ating Panginoong Hesukristo.

Kung paanong kayo’y malugod na tinanggap ni Kristo, gayun din ang gawin ninyo sa isa’t isa upang maparangalan ninyo ang Diyos. Sinasabi ko sa inyo: si Kristo’y naging lingkod ng mga Judio upang ipakilala na tapat ang Diyos at tinutupad ang mga pangako niya sa mga patriyarka, at ang mga Hentil nama’y magpuri sa Diyos dahil sa kanyang habang. Ayon sa sinasabi ng Kasulatan, “Kaya’t papupurihan kita sa harapan ng mga Hentil, at aawitan ko ang iyong pangalan.”

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Lucas 3, 4. 6

Aleluya! Aleluya!
Daan ng Poong nar’yan na
t’wiri’t ihanda sa kanya.
Pagtubos n’ya’y makikita.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 3, 1-12

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahaong iyon, si Juan Bautista’y dumating sa ilang ng Judea at nagsimulang mangaral. Sinabi niya, “Pagsisihan ninyo’t talikdan ang inyong mga kasalanan, sapagkat malapit nang maghari ang Diyos!” Si Juan ang tinutukoy ni Propeta Isaias nang sabihin nito,

“Ito ang sabi ng isang sumisigaw sa ilang: ‘Ihanda ninyo ang daraanan ng Panginoon, tuwirin ninyo ang kanyang mga landas!”

Hinabing balahibo ng kamelyo ang damit ni Juan, at balat ang kanyang pamigkis. Ang kanya namang pagkai’y balang at pulot-pukyutan. At pumunta sa kanya ang mga taga-Jerusalem, taga-Judea, at mga naninirahan sa magkabilang panig ng Jordan. Ipinahayag nila ang kanilang mga kasalanan, at sila’y bininyagan ni Juan sa Ilog Jordan.

Ngunit nang makita niyang marami sa mga Pariseo at mga Saduseo ang lumalapit upang pabinyag, sinabi niya sa kanila, “Kayong lahi ng mga ulupong! Sino ang nagbabala sa inyo upang tumakas sa parusang darating? Ipakilala ninyo sa pamamagitan ng inyong pamumuhay na kayo’y nagsisisi. At huwag ninyong ipangahas na kayo’y anak ni Abraham. Sinasabi ko sa inyo: Ang Diyos ay makalilikha ng mga tunay na anak ni Abraham mula sa mga batong ito. Ngayon pa’y nakaamba na ang palakol sa ugat ng punungkahoy; ang bawat punungkahoy na hindi mabuti ang bunga ay puputulin at ihahagis sa apoy. Binibinyagan ko kayo sa tubig bilang tanda ng pagsisisi ninyo’t pagtalikod sa inyong mga kasalanan; ngunit ang dumarating na kasunod ko ang magbibinyag sa inyo sa Espiritu Santo at sa apoy. Siya’y makapangyarihan kaysa akin, hindi ako karapat-dapat kahit tagadala ng kanyang panyapak. Hawak niya ang kanyang kalaykay upang alisin ang dayami. Titipunin niya sa kamalig ang trigo, ngunit ang ipa’y susunugin sa apoy na di mamamatay kailanman.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-2 Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon

Sa hamon ni San Juan Bautistang patunayan natin ang hangad nating higit na magpakabuti, kailangan natin ang tulong ng Panginoon sa ganitong mahalagang pagsisikap. Buong kababaang-loob at katapatan tayong manalangin:

Panginoon, pakinggan mo kami!

Nawa ang buong Simbahan ay magpatuloy sa diwa ng pagbabagong loob at katapatang makabawi sa mga nagawang kasalanan ng kanyang mga kasapi. Manalangin tayo!

Nawa lahat ng pinuno ng Simbahan ay magtamo ng kagitingan at kababaang loob ni Juan Bautista sa pangangaral sa kanilang mga kawan at gabayan tayo ng kanilang ulirang pamumuhay. Manalangin tayo!

Nawa lahat ng may kapansanang pisikal ay palakasin ng kanilang pananalig sa pag-ibig ng Diyos at maging inspirasyon sila sa iba kung paano magpasalamat sa Diyos sa lahat ng biyayang natatanggap mula sa kanya. Mana- langin tayo!

Nawa ang mga may HIV/AIDS ay patuloy na umasa kay Hesus sa kabila ng kanilang karamdaman, at sila nawa ay bigyan ng pangangalagang tulad ng kay Kristo, ng mga taong nagmamalasakit sa kanila. Manalangin tayo!

Nawa bawat isa sa atin, ang ating mga mag-anak, at mga pangkat na kinabibilangan ay makaiwas sa anumang makaha- hadlang sa ating pagtanggap kay Hesus. Manalangin tayo!

Tahimik nating ipanalangin ang ating mga sariling kahilingan. (Tumigil sandali.) Manalangin tayo!

Diyos Ama, bukal ng lahat ng buti at biyaya, dalisayin ang aming mga layunin at tibayan ang aming mga kalooban upang lahat ng aming gawin sa Adbiyentong ito ay maging para sa higit Mong kaluwalhatian at ikabubuti ng aming mga pamayanan. Isinasamo namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.

Amen!

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pampersonal o pambayan?

 25,312 total views

 25,312 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 67,526 total views

 67,526 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 83,077 total views

 83,077 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 96,276 total views

 96,276 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Pakikiisa sa mga imigrante

 110,688 total views

 110,688 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Huwebes, Hulyo 3, 2025

 483 total views

 483 total views Kapistahan ni Apostol Santo Tomas Efeso 2, 19-22 Salmo 116, 1. 2 Humayo’t dalhin sa tanan Mabuting Balitang aral. Juan 20, 24-29 Feast

Read More »

Miyerkules, Hulyo 2, 2025

 1,098 total views

 1,098 total views Miyerkules ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Genesis 21, 5. 8-20 Salmo 33, 7-8. 10-11. 12-13 Dukhang sa D’yos tumatawag ay kanyang

Read More »

Martes, Hulyo 1, 2025

 1,716 total views

 1,716 total views Martes ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Genesis 19, 15-29 Salmo 25, 2. 3. 9-10. 11-12 Pag-ibig mong walang hangga’y lagi kong

Read More »

Lunes, Hunyo 30, 2025

 2,203 total views

 2,203 total views Lunes ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita sa Mga Unang Martir ng Banal na Sambayanan ng Diyos sa Roma Genesis

Read More »

Linggo, Hunyo 29, 2025

 2,572 total views

 2,572 total views Dakilang Kapistahan nina Apostol San Pedro at San Pablo Mga Gawa 12, 1-11 Salmo 33, 2-3. 4-5. 6-7. 8-9 Ang D’yos ang siyang

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top