Linggo, Pebrero 22, 2026

SHARE THE TRUTH

 1,906 total reads

Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda (A)

Genesis 2, 7-9; 3, 1-7
Salmo 50, 3-4. 5-6a. 12-13. 14 at 17

Poon, iyong kaawaan
kaming sa ‘yo’y nagsisuway.

Roma 5, 12-19
o kaya Roma 5, 12. 17-19
Mateo 4, 1-11

First Sunday of Lent (Violet)

Pontifical Work of St. Peter the Apostle (Opus Sancti Pteri)

UNANG PAGBASA
Genesis 2, 7-9; 3, 1-7

Pagbasa mula sa aklat ng Genesis

Nilikha ng Diyos ang tao mula sa alabok, hiningahan sa ilong, at nagkaroon ng buhay.

Naglagay ang Panginoon ng isang halamanan sa Eden, sa dakong silangan, at doon dinala ang taong kanyang nilalang.

Pinasibol niya roon ang lahat ng uri ng kahoy na nakalulugod sa paningin at masasarap ang bunga. Sa gitna ng halamanan, naroroon ang punong nagbibigay-buhay, at ang punong nagbibigay ng kaalaman tungkol sa mabuti at masama.

Ang ahas ang pinakatuso sa lahat ng hayop na nilikha ng Panginoon. Minsa’y tinanong nito ang babae, “Totoo bang sinabi ng Diyos na huwag kang kakain ng anumang bungangkahoy sa halamanan?”

Tumugon ang babae, “Hindi naman! Ipinakakain sa amin ang anumang bunga sa halamanan, huwag lamang ang bunga ng puno na nasa gitna niyon. Pag kami raw ay kumain ng bunga nito o humipo man lamang sa punong iyon, mamamatay kami.”

“Hindi totoo iyan, hindi kayo mamamatay,” wika ng ahas. “Gayon ang sabi ng Diyos, sapagkat alam niyang kung kakain kayo ng bunga niyon, magkakaroon kayo ng pagkaunawa. Kayo’y magiging parang Diyos; malalaman ninyo ang mabuti at masama.”

Napakaganda sa paningin ng babae ang punongkahoy at sa palagay niya’y masarap ang bunga nito. Nabuo sa isipan niya na mabuti ang maging marunong, kaya’t pumitas siya ng bunga at kumain. Kumuha rin siya para sa kanyang asawa, at kumain din ito.

Nagkaroon nga sila ng pagkaunawa matapos kumain. Noon nila nalamang sila’y hubad, kaya kumuha sila ng mga dahon ng igos, pinagtagni-tagni at ginawang panakip sa katawan.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 50, 3-4. 5-6a. 12-13. 14 at 17

Poon, iyong kaawaan
kaming sa ‘yo’y nagsisuway.

Ako’y kaawaan, O mahal kong Diyos,
sang-ayon sa iyong kagandahang-loob;
mga kasalanan ko’y iyong pawiin,
ayon din sa iyong pag-ibig sa akin!
Linisin mo sana ang aking karumhan
at ipatawad mo yaring kasalanan!

Poon, iyong kaawaan
kaming sa ‘yo’y nagsisuway.

Ang pagsalansang ko ay kinikilala,
laging nasa isip ko at alaala.
Sa iyo lang ako nagkasalang tunay,
at ang nagawa ko’y di mo nagustuhan.

Poon, iyong kaawaan
kaming sa ‘yo’y nagsisuway.

Isang pusong tapat sa aki’y likhain,
bigyan mo, O Diyos, ng bagong damdamin.
Sa iyong harapa’y h’wag akong alisin;
ang Espiritu mo ang papaghariin.

Poon, iyong kaawaan
kaming sa ‘yo’y nagsisuway.

Ang galak na dulot ng ‘yang pagliligtas,
ibalik at ako ay gawin mong tapat.
Turuan mo akong makapagsalita,
at pupurihin ka sa gitna ng madla.

Poon, iyong kaawaan
kaming sa ‘yo’y nagsisuway.

IKALAWANG PAGBASA
Roma 5, 12-19

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma

Mga kapatid:

Ang kasalana’y pumasok sa sanlibutan sa pamamagitan ng isang tao, at ang kamatayan sa pamamagitan ng kasalanan niya. Dahil dito, lumaganap ang kamatayan sa lahat ng tao sapagkat ang lahat ay nagkasala. Nasa sanlibutan na ang kasalanan bago pa ibinigay ang Kautusan, ngunit walang pinananagot sa kasalanan kung walang Kautusan. Gayunman, naghari ang kamatayan mula kay Adan hanggang kay Moises, kahit sa mga tao na ang pagkakasala’y di tulad ng pagsuway ni Adan.

Si Adan ay anino ng isang darating. Ngunit magkaiba ang dalawang ito, sapagkat ang kagandahang-loob ng Diyos ay higit na di hamak kaysa pagsuway ni Adan. Totoo ngang nagdala ng kamatayan sa marami ang pagsuway ni Adan, ngunit malaki ang kahigtan ng kagandahang-loob ng Diyos at ng kaloob na dumating sa napakarami sa pamamagitan ng isang tao – si Hesukristo. Ang kaloob ay higit na di hamak kaysa ibinunga ng pagsuway ni Adan. Nagdala ng hatol na kaparusahan ang kanyang pagsuway, ngunit ang kaloob na dumating sa kabila ng maraming pagsuway ay nagdulot ng kapatawaran. Sa pamamagitan ng isang tao – si Adan – naghari ang kamatayan dahil sa kanyang kasalanan. Ngunit sa pamamagitan din ng isang tao – si Hesukristo – higit ang kinamtan ng mga kinahabagan nang sagana at pinawalang-sala: sila’y maghahari sa buhay. Kay laki ng kahigtan ng pagpapalang ito kaysa kasawiang iyon.

Kaya’t kung paanong nagbunga ng kaparusahan sa lahat ang kasalanan ng isang tao, ang pagkamatuwid naman ng isang tao ay nagdulot ng kapatawaran at buhay sa lahat. Sapagkat sa pagsuway ng isang tao ay marami ang naging makasalanan, gayun din naman, marami ang pawawalang-sala sa pagsunod ng isang tao.

Ang Salita ng Diyos.

o kaya: Maikling Pagbasa
Roma 5, 12. 17-19

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma

Ang kasalana’y pumasok sa sanlibutan sa pamamagitan ng isang tao, at ang kamatayan sa pamamagitan ng kasalanan niya. Dahil dito, lumaganap ang kamatayan sa lahat ng tao sapagkat ang lahat ay nagkasala. Sa pamamagitan ng isang tao – si Adan – naghari ang kamatayan dahil sa kanyang kasalanan. Ngunit sa pamamagitan din ng isang tao – si Hesukristo – higit ang kinamtan ng mga kinahabagan nang sagana at pinawalang-sala: sila’y maghahari sa buhay. Kay laki ng kahigtan ng pagpapalang ito kaysa kasawiang iyon.

Kaya’t kung paanong nagbunga ng kaparusahan sa lahat ang kasalanan ng isang tao, ang pagkamatuwid naman ng isang tao ay nagdulot ng kapatawaran at buhay sa lahat. Sapagkat sa pagsuway ng isang tao ay marami ang naging makasalanan, gayun din naman, marami ang pawawalang-sala sa pagsunod ng isang tao.

Ang Salita ng Diyos.

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA
Mateo 4, 4b

Ang tao ay nabubuhay
hindi lamang sa tinapay
kundi sa Salitang mahal
mula sa bibig na banal
ng Ama nating Maykapal.

MABUTING BALITA
Mateo 4, 1-11

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon: si Hesus ay dinala ng Espiritu sa ilang upang tuksuhin ng diyablo. Doon, apatnapung araw at apatnapung gabi nag-ayuno si Hesus, at siya’y nagutom. Dumating ang manunukso at sinabi sa kaniya, “Kung ikaw ang Anak ng Diyos, gawin mong tinapay ang mga batong ito.” Ngunit sumagot si Hesus, “Nasusulat,
‘Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao,
kundi sa bawat salitang namumutawi sa bibig ng Diyos.”

Pagkatapos nito’y dinala siya ng diyablo sa taluktok ng templo sa Banal na Lungsod. “Kung ikaw ang Anak ng Diyos,” sabi sa kanya, “magpatihulog ka, sapagkat nasusulat,
‘Ipagbibilin niya sa kanyang mga anghel na ingatan ka,’
‘Aalalayan ka nila,
upang hindi ka matisod sa bato.’”

Sumagot si Hesus, “Nasusulat din naman, ‘Huwag mong subukin ang Panginoon mong Diyos.’”

Pagkatapos, dinala din siya ng diyablo sa isang napakataas na bundok. Mula roo’y ipinatanaw sa kanya ang lahat ng kaharian ng sanlibutan at ang kayamanan ng mga ito. At sinabi ng diyablo, “Ibibigay ko sa iyo ang lahat ng ito, kung magpapatirapa ka at sasamba sa akin.” Sumagot si Hesus, “Lumayas ka, Satanas! Sapagkat nasusulat,
‘Ang iyong Diyos at Panginoon ang sasambahin mo;
Siya lamang ang iyong paglilingkuran.’”

At iniwan siya ng diyablo. Dumating ang mga anghel at naglingkod sa kanya.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda (A)

Sa diwa ng Kuwaresma, idulog natin nang may pagtitiwala sa Diyos ang mga pangangailangan ng lahat. Manalangin tayo:

Panginoon, gawin Mo kaming masunurin sa Iyo.

Para sa Simbahan: nawa’y manatili itong tapat sa plano ng Diyos at umiwas sa tukso ng kapangyarihan, kayamanan, at karangalan at magtagumpay tulad ni Hesus. Manalangin tayo.

Panginoon, gawin Mo kaming masunurin sa Iyo.

Para sa Santo Papa, sa mga Obispo, at lahat ng mga namumuno sa atin sa Simbahan: nawa’y malinaw nilang ipahayag ang Salita ng Diyos at maging huwaran sa pamumuhay. Manalangin tayo.

Panginoon, gawin Mo kaming masunurin sa Iyo.

Para sa mga pamilya ng mga migrante: nawa’y patatagin sila ng pananampalataya at pag-asa sa gitna ng kanilang pagkawalay sa kanilang mga kamag-anak. Manalangin tayo.

Panginoon, gawin Mo kaming masunurin sa Iyo.

Para sa ating pamayanan, mga pamilya, at bawat isa sa atin: nawa sa Kuwaresmang ito ay maging handa tayong sumunod sa kalooban ng Diyos at magtagumpay laban sa tukso. Manalangin tayo.

Panginoon, gawin Mo kaming masunurin sa Iyo.

Panginoong Diyos, salamat sa pagkakataong simulan ang Kuwaresma sa alaala ng pagtatagumpay ni Hesus laban kay Satanas. Patnubayan Mo kami at ang lahat ng migrante sa Iyong masuyong kalinga. Sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 65,205 total reads

Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure Program o national budget, nagbubunyi ang mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, at Mataas na Kapulungan o Senado. Bakit, dahil sa pork barrel funds na naunang idineklarang unconstitutional ng Korte Suprema noong November 19, 2023 matapos mabunyag ang multi-bilyonng pisong Priority Development Assistance Fund na kinasasangkutan ng mga Senador at Kongresista.

Ang mga sangkot noon na mambabatas ay nakalaya at pinawalang sala. Matapos ang PDAF scam, tuloy ang ligaya ng mga mambabatas, pinapalitan lamang ito ng ibang pangalan kada taon kapag tinatalakay ang national budget sa Kamara at Senado bago lagdaang batas ng pangulo ng Pilipinas ang General Appropriations Act.

Noong nakaraang taon, nabunyag ang mahigit sa 500-bilyong pisong flood control projects scam na nakalagay bilang unprogrammed appropriations na pinalusot ng Kongreso. 5-Senador, maraming kongresista, kanilang mga kakutsaba sa DPWH, at mga kontraktor ang dawit sa katiwalian.

Bakit taon-taon, pinagpipiyestahan ng mga mambabatas, opisyal ng mga ahensiya ng pamahalaan ang pondo ng bayan, ang pera ng taumbayan? Paano, walang napaparusahan, walang system of accountability sa gobyerno. Nagpapatuloy ang katakawan ng mga taong gobyerno at wala ni isa man sa kanila ang maipakukulong, kawawa ang bansa. Lalong maghihirap ang karamihann sa mga Pilipino. Wala nang aasahan sapagkat ang perang para sana sa pagpapaunlad ng bayan ay dinambong na.

Nakakalungkot, ipinahayag ng Korte Suprema na labag sa Konstitusyon ang dagdag na ₱449.5 bilyon sa unprogrammed appropriations sa 2024 national budget, gayundin ang ₱17.99 bilyong dagdag sa Special Road Fund ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa 2025 budget.

Ipinawalang-bisa rin ng Kataas-taasang Hukuman ang ilang probisyon tungkol sa unprogrammed appropriations sa 2026 national budget dahil sa hindi pagsunod ng mga mambabatas sa rekisito ng Konstitusyon at pananggalang sa wastong pamamahala sa pondo ng bayan.

Ngunit huli na Kapanalig, wala ding mapaparusahan sa mga mambabatas na itinago ang pagkakakitaan sa pamamagitan ng unprogrammed appropriations. Sino-sino ang hahabulin, sino-sino ang dapat managot sa katakawan sap era ng taumbayan?

Pagkatapos ng deklarasyon ng Korte Suprema? Ano ang kasunod? Balik na naman sa dating gawi ang ating mga mambabatas, magagaling sa pagnanakaw!

Kapanalig, mahalagang pagnilayan ang sinasabi ng Corinthians 5:10 “For we must all appear before the judgment seat of Christ, so that each of us may receive what is due for us, for the things done while in the body, whether good or bad.”

Ipinapayo din ng Luke 19:5 “Come down from your arrogance and greed. Choose conversion, make restitution, and repair the damage you have caused. There can be no true peace without justice, and no justice without repentance.

Ang problema, kung wala nang konsensiya ang mga opisyal ng bayan., dumidilim ang kinabukasan ng taumbayan at ating bayan.

Sumainyo ang Katotohanan.

A REFRESHING WIND OF CHANGE FROM SERBIA

 7,144 total reads

Amid the wave of student protests sweeping across Europe, some of which have unfortunately turned violent, I find this story from Serbia particularly refreshing.

In an October 21 opinion article in The New York Times, Serbian scholar Filip Balunović describes how a student protest movement that began almost two years ago has grown into a remarkable experiment in participatory democracy.

It began with a tragedy in November 2024, when the collapse of a railway station canopy in Novi Sad killed 16 people. The students demanded accountability for what they believed was a disaster caused by corruption and government negligence. Their protests grew into a nationwide movement challenging the government of President Aleksandar Vučić, whose party has dominated Serbian politics for 14 years.

But what is particularly inspiring is how these young people have moved beyond protesting against something to organizing themselves for something.

Instead of rallying behind a charismatic political personality, they developed a system of collective leadership and democratic decision-making. Through consultations, interviews, and deliberations involving thousands of students, they selected a slate of 250 parliamentary candidates—not merely politicians, but professors, scientists, doctors, workers, artists, and ordinary citizens.

And now, in the snap parliamentary elections this coming Sunday, October 25, this student-led movement will face the country’s entrenched political establishment.

What a fascinating David-and-Goliath story!

Of course, the outcome remains uncertain. The students themselves have suffered intimidation, arrests, and violence. But whatever happens on election day, they have already demonstrated something important: Democracy is not just about changing the people in power. It is also about changing the way power is exercised, shared, and held accountable.

I cannot help wondering what our young Filipinos might learn from this experience.

We have a generation of young people who are increasingly disillusioned with corruption, political dynasties, patronage politics, and the apparent inability of our democratic institutions to hold the powerful accountable.

But perhaps Serbia’s students are reminding us that indignation alone is not enough. Neither is merely replacing one set of political personalities with another.
What we need is a deeper renewal of our democratic culture—one that encourages participation rather than dependency, collective discernment rather than personality cults, public accountability rather than blind loyalty, and the common good rather than vested interests.

I find something profoundly hopeful in young people who refuse to surrender either to cynicism or to violence, and who are willing to undertake the patient and difficult work of building democratic institutions.

Perhaps this is the most refreshing lesson from Serbia: The young are not merely the future of democracy. They can already be among its most creative builders today.

And perhaps the real victory of David over Goliath begins long before election day—when ordinary people discover that they need not remain powerless before seemingly invincible political giants.

(Filip Balunović, ⁠The New York Times⁠, October 21, 2026⁠

INEVITABLE

 8,289 total reads

Gospel Reading for October 22, 2026 – Luke 12: 49-53

INEVITABLE

Jesus said to his disciples: “I have come to set the earth on fire, and how I wish it were already blazing! There is a baptism with which I must be baptized, and how great is my anguish until it is accomplished! Do you think that I have come to establish peace on the earth? No, I tell you, but rather division. From now on a household of five will be divided, three against two and two against three; a father will be divided against his son and a son against his father, a mother against her daughter and a daughter against her mother, a mother-in-law against her daughter-in-law and a daughter-in-law against her mother-in-law.”

————

It is ironic to see religions dividing people in today’s world. Worse still, religion can cause division within a family, when it is supposed to bring love and peace to the family. But as Jesus said, he would cause division even within families. This happens when family members are baptized Christians but are merely nominal Christians. When family members do not embrace or live by the teachings of Jesus, division becomes INEVITABLE.

This is even more challenging in interfaith marriages, which, according to some studies, generally experience higher rates of divorce and lower marital satisfaction than marriages between people of the same faith. Issues such as where the children will be baptized, which schools they will attend, and other religious differences can cause unnecessary stress and friction between spouses.

How important it is for family members to be on the same page as Jesus so that the family may be healthy, united, and purposeful.

Lord Jesus, may our families be Christ-centered by listening attentively to your Word and putting it into practice, so that we may enjoy love and peace in our families. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 65,206 total reads

 65,206 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 113,677 total reads

 113,677 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 161,549 total reads

 161,549 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 265,494 total reads

 265,494 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 348,484 total reads

 348,484 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Linggo, Oktubre 25, 2026

 2,284 total reads

 2,284 total reads Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Exodo 22, 20-26 Salmo 17, 2-3a 3bk-4. 47 at 51ab Poong aking kalakasan, iniibig kitang tunay. 1

Read More »

Sabado, Oktubre 24, 2026

 4,046 total reads

 4,046 total reads Sabado ng Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Antonio Maria Claret, obispo o kaya Paggunita sa Mahal

Read More »

Biyernes, Oktubre 23, 2026

 5,682 total reads

 5,682 total reads Biyernes ng Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Juan Capistrano, pari Efeso 4, 1-6 Salmo 23, 1-2.

Read More »

Huwebes, Oktubre 22, 2026

 6,802 total reads

 6,802 total reads Huwebes ng Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Juan Pablo II, papa Efeso 3, 14-21 Salmo 32,

Read More »

Miyerkules, Oktubre 21, 2026

 8,871 total reads

 8,871 total reads Kapistahan ni San Pedro Calungsod, Martir Sirak 51, 1-12 (gr. 1-8) Salmo 123, 2-3. 4-5. 7b-8 Tayo’y ibong nakatakas nang ang bitag ay

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top