Lunes, Pebrero 23, 2026

SHARE THE TRUTH

 1,828 total reads

Lunes sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda

Levitico 19, 1-2. 11-18
Salmo 18. 8. 9. 10. 15

Espiritung bumubuhay
ang salita ng Maykapal.

Mateo 25, 31-46

Monday of the First Week of Lent (Violet)

UNANG PAGBASA
Levitico 19, 1-2. 11-18

Pagbasa mula sa aklat ng Levitico

Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Sabihin mo sa buong kapulungan ng Israel, “Magpakabanal kayo, sapagkat akong Panginoon ay banal.

“Huwag kayong magnanakaw, manlilinlang o magsisinungaling. Huwag din kayong manunumpa sa aking pangalan nang walang katotohanan pagkat iyon ay paglapastangan sa ngalan ko. Ako ang Panginoon.

“Huwag ninyong dadayain o pagnanakawan ang inyong kapwa. Huwag ninyong ipagpapaliban ang pagbabayad sa inyong pinapagtrabaho. Huwag ninyong aapihin ang mga bingi at lalagyan ng katitisuran ang daraanan ng mga bulag. Matakot kayo sa Diyos. Ako ang Panginoon.

“Huwag kayong hahatol nang walang katarungan upang pagbigyan ang mahirap o suyuin ang mayayaman. Huwag ninyong ipamamalita ang kasiraang-puri ng inyong kapwa ni sasaksi laban sa inyong kapwa upang ipahamak lamang siya. Ako ang Panginoon.

“Huwag kang magtatanim ng galit sa iyong kapwa. Sa halip, pangangaralan mo siya. Sa gayun, hindi ka magkakasala dahil sa kanya. Huwag kang maghihiganti o magtatanim ng galit sa iyong mga kasamahan. Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili. Ako ang Panginoon.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 18, 8. 9. 10. 15

Espiritung bumubuhay
ang salita ng Maykapal.

Ang batas ng Panginoon ay batas na walang kulang,
ito’y utos na ang dulot sa tao ay bagong buhay;
yaong kanyang mga batas ay mapagtitiwalaan,
nagbibigay ng talino sa pahat ng kaisipan.

Espiritung bumubuhay
ang salita ng Maykapal.

Ang tuntuning ibinigay ng Poon ay wastong utos,
liligaya ang sinuman kapag ito ang sinunod;
ito’y wagas at matuwid pagkat mula ito sa Diyos,
pang-unawa ng isipan yaong bungang idudulot.

Espiritung bumubuhay
ang salita ng Maykapal.

Yaong paggalang sa Poon ay marapat at mabuti,
isang banal na tungkulin na iiral na parati;
pati mga hatol niya’y matuwid na kahatulan,
kapag siya ang humatol, ang pasya ay pantay-pantay.

Espiritung bumubuhay
ang salita ng Maykapal.

Nawa’y itong salita ko at ang aking kaisipan,
sa iyo ay makalugod, Panginoon ko’t kanlungan,
O ikaw na kublihan kong ang dulot ay kaligtasan!

Espiritung bumubuhay
ang salita ng Maykapal.

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA
2 Corinto 6, 2b

Ngayo’y panahong marapat,
panahon ng pagliligtas,
Araw ngayon ng pagtawag
upang makamit ang habag
ng Panginoong matapat.

MABUTING BALITA
Mateo 25, 31-46

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Darating ang Anak ng Tao bilang Hari, kasama ang lahat ng anghel, at luluklok sa kanyang maringal na trono. Sa panahong iyon, matitipon sa harapan niya ang lahat ng tao. Sila’y pagbubukud-bukurin niya, tulad ng ginagawa ng pastol sa mga tupa at mga kambing. Ilalagay niya sa kanyang kanan ang mga tupa, at sa kaliwa ang mga kambing. At sasabihin ng Hari sa mga nasa kanan, ‘Halikayo, mga pinagpala ng aking Ama! Pumasok na kayo at manirahan sa kahariang inihanda para sa inyo mula pa nang likhain ang sanlibutan. Sapagkat ako’y nagutom at inyong pinakain, nauhaw at inyong pinainom. Ako’y isang dayuhan at inyong pinatuloy. Ako’y walang maisuot at inyong pinaramtan, nagkasakit at inyong dinalaw; ako’y nabilanggo at inyong pinuntahan.’ Sasagot ang mga matuwid, ‘Panginoon, kailan po namin kayo nakitang nagutom at aming pinakain, o nauhaw at aming pinainom? Kailan po kayo naging dayuhan at aming pinaramtan? At kailan po namin kayo nakitang may sakit o nasa bilangguan at aming dinalaw?’ Sasabihin ng Hari, ‘Sinasabi ko sa inyo: nang gawin ninyo ito sa pinakahamak sa mga kapatid kong ito, ito ay sa akin ninyo ginawa.’

“At sasabihin naman niya sa mga nasa kaliwa, ‘Lumayo kayo sa akin, mga sinumpa! Kayo’y pasaapoy na di mamamatay, na inihanda para sa diyablo at sa kanyang mga kampon. Sapagkat ako’y nagutom at hindi ninyo pinakain, nauhaw at hindi ninyo pinainom. Ako’y naging isang dayuhan at hindi ninyo pinatuloy; ako’y nawalan ng maisuot at hindi ninyo pinaramtan. Ako’y may sakit at nasa bilangguan at hindi ninyo dinalaw.’ At sasagot din sila, ‘Panginoon, kailan po namin kayo nakitang nagutom, nauhaw, naging dayuhan, nawalan ng maisuot, may sakit o nasa bilangguan, at hindi namin kayo pinaglingkuran?’ At sasabihin sa kanila ng Hari, ‘Sinasabi ko sa inyo: nang pagkaitan ninyo ng tulong ang pinakahamak sa mga ito, ako ang inyong pinagkaitan.’ Itataboy ang mga ito sa kaparusahang walang hanggan, ngunit ang mga matuwid ay tatanggap ng buhay na walang hanggan.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Unang Linggo ng Kuwaresma
Lunes

Inihahayag ng Panginoon ang misteryo ng Kaharian ng Diyos sa mga taong buong pagmamahal na kumakalinga sa mga dukha at nagugutom. Idalangin natin na ang Kaharian ng Diyos ay maging tunay sa ating buhay.

Panginoon, dinggin Mo kami.
o kaya
Panginoon, loobin Mong mahalin at paglingkuran ka namin sa aming kapwa.

Ang Simbahan nawa’y maging isang tahanan para sa mga naliligaw ng landas, ulila, mahihina, at bigo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga mayayamang bansa nawa’y taimtim na magsagawa ng mga hakbang upang makatulong sa pag-unlad ng mahihirap na bansa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga napariwara at mga itinakwil ng lipunan nawa’y maakit sa Kaharian ng Diyos sa pamamagitan ng ating pagkakawanggawa, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa ating mga tahanan, lugar ng hanapbuhay, at sa pamayanang ating kinabibilangan nawa’y maipalaganap natin ang paghahari ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y makapasok sa Kahariang inihanda para sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama, nababatid namin ang iyong walang hanggang pag-ibig para sa lahat ng tao, kaya may pagtitiwalang inilalapit namin sa iyo ang aming mga kahilingan sa ngalan ni Jesu-Kristong aming Panginoon. Amen.

Kapag ginagawang sandata ang batas

 32,408 total reads

Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila?

Noong Agosto 3, inaresto sa Dupax del Norte, Nueva Vizcaya ang isang anti-mining leader na si Florentino Daynos II dahil sa mga kasong grave threats at coercion. Ayon sa kanyang abogado, inaresto siya nang hindi man lamang nakatanggap ng subpoena. Kahit na nakapagpiyansa siya kinabukasan, nananawagan ang Council for People’s Development and Governance na ibasura ang walang basehan at mapanupil na mga kaso laban kay Daynos at iba pang mga tagapagtanggol ng kalikasan.

Kabilang si Daynos sa mga tumututol sa pagmimina sa Nueva Vizcaya. Banta kasi ang pagmimina sa mga sakahan, pinagkukunan ng tubig, biodiversity, at maging sa mga karapatan ng mga katutubo. Hindi rin daw maituturing na tunay na konsultasyon ang ginagawa ng mga mining corporations para makuha ang tinatawag na free, prior, and informed consent mula sa mga maaapektuhang komunidad.

Noong  2025, binigyan ng gobyerno ang Woggle Corporation ng permit para magsagawa ng mineral exploration sa mahigit 3,100 ektarya sa Dupax del Norte. Pero dahil sa matinding pagtutol ng mga residente, pansamantalang sinuspinde ng Mines and Geosciences Bureau (o MGB) ang exploration permit noong Pebrero 2026.

Taóng 2025 din nang bigyan ng MGB at Department of Environment and Natural Resources (o DENR) ng exploration permit ang North Luzon Mineral Resources Corporation (o NLMRC) upang magsagawa ng paghahanap ng ginto at iba pang mineral sa mahigit 4,000 na ektarya ng lupa sa Kasibu, Nueva Vizcaya. Ang Kasibu ay 39 na kilometro lamang mula sa Dupax del Norte, kung saan matagal nang lumalaban ang mga residente sa mga proyektong pagmimina.

Kapansin-pansin din ang sunod-sunod na paghahain ng mga kaso laban sa mga environmental defenders at iba pang tumututol sa mga mining projects sa Nueva Vizcaya. Naghain ang NLMRC ng cyberlibel complaint laban sa residenteng si Lei Jin Dugay dahil sa isang social media post. Kinasuhan din ng kompanya ang mga abogado ng komunidad na sina Atty. Edgardo Balgos at Atty. Fidel Santos. Maging sina Bishop Jose Elmer Mangalinao at Fr. Christian Dumangeng, na nakiisa sa isang mapayapang community barricade, ay dati ring kinasuhan ng forcible entry. Halimbawa ang mga ito kung paano ginagamit ang batas sa pamamagitan ng pagsasampa ng mga kaso para takutin at patahimikin ang mga kritiko ng pagmimina.

Tinatawag ng mga human rights at legal groups ang ganitong taktika na Strategic Lawsuits Against Public Participation (o SLAPP). Ito ay mga kasong inihahain hindi para makamit ang hustisya, kundi para takutin, pagastusin, at patahimikin ang mga nagsasalita laban sa mga makapangyarihang interes. Ayon sa Human Rights Watch, dapat ibasura ng mga piskal ang ganitong mga reklamo na ginagamit lamang ng mga kompanya para itikom ng mga tao ang kanilang bibig.

Hindi maihihiwalay ang karapatang pantao sa pangangalaga sa kalikasan. Paalala ni Pope Francis na ang tao ay bahagi ng sangnilikha at hindi maaaring iwalay ang dignidad ng tao sa kalagayan ng kapaligiran Kapag nasisira ang kagubatan, mga ilog, at kabundukan, naaapektuhan din ang kabuhayan, kalusugan, at kinabukasan ng mga taong umaasa sa mga ito. Kaya’t ang pagtatanggol sa kalikasan ay pagtatanggol din sa buhay at karapatan ng tao.

Mga Kapanalig, hindi dapat ituring na krimen ang pagtatanggol sa kalikasan. Lalong hindi dapat gamitin ang batas para patahimikin ang mga taong mapayapang ipinaglalaban ang kanilang mga karapatan. Paalala nga ng Kawikaan 17:15: “Ang humahatol sa walang kasalanan at ang umaayon sa kasamaan, kay Yahweh ay kapwa kasuklam-suklam.” Nawa’y manatiling instrumento ng katarungan ang ating mga batas—hindi sandata laban sa mga taong matapang na ipinaglalaban ang tama at makatarungan.

Sumainyo ang katotohanan.

Praying to be a cheerful giver

 7,610 total reads

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Monday, Nineteenth Week in Ordinary Time, Year II
Feast of St. Lawrence, Deacon & Martyr, 10 August 2026
2 Corinthians 9:6-10     ><]]]]'> + ><]]]]'> + ><]]]]'>     John 12:24-26
Photo by author, Anvaya Cove, Morong, Bataan, 21 July 2026.
Lord Jesus,
teach me to be a cheerful giver:
teach me to be like St. Lawrence
your deacon and martyr we honor
today who gave himself totally
and cheerfully to you because
he felt strongly the overflowing
abundance of your grace
and blessings to him;
many times we are reluctant 
to give our time, treasures,
and talents because we feel
always lacking;
open our very selves 
to find you and your blessings
within so that 
we freely give and share
whatever we have
to continue serving in your name;
most of all,
teach me to give more of myself
like a grain of wheat that dies
and produces much fruit in you.
Amen.

St. Lawrence, Martyr and Deacon,
pray for us!
“Martyrdom of St. Lawrence, Deacon” by Hipolito de Rioja (16th c.) from commons.wikimedia.org

LANGUAGE

 7,205 total reads

Gospel Reading for August 10, 2026 – John 12: 24-26

LANGUAGE

Jesus said to his disciples: “Amen, amen, I say to you, unless a grain of wheat falls to the ground and dies, it remains just a grain of wheat; but if it dies, it produces much fruit. Whoever loves his life loses it, and whoever hates his life in this world will preserve it for eternal life. Whoever serves me must follow me, and where I am, there also will my servant be. The Father will honor whoever serves me.”

————

The four-letter word that best describes dying to oneself is LOVE. If we look at all the teachings of Jesus and the kind of life he lived, everything ultimately points to one thing: LOVE. It is the LANGUAGE of God, and if we are truly his servants, then it must become our LANGUAGE as well.

As St. Paul beautifully describes in his First Letter to the Corinthians (1 Cor. 13:1–13), LOVE never fails. This is not merely romantic love, but agape LOVE—love that expects nothing in return, love that places the needs of others above one’s own, and philia—brotherly and friendly love that binds people together in genuine care and compassion.

True LOVE bears much fruit: joy, peace, patience, kindness, goodness, faithfulness, gentleness, and self-control. It cannot produce bad fruit, because it comes from God himself.

Lord Jesus, help us to allow this LOVE to shape our thoughts, words, and actions, so we may someday attain eternal life with you. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 32,409 total reads

 32,409 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 68,388 total reads

 68,388 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 122,223 total reads

 122,223 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 184,185 total reads

 184,185 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 251,925 total reads

 251,925 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Biyernes, Agosto 14, 2026

 228 total reads

 228 total reads Dakilang Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit sa Mahal na Birheng Maria Pagmimisa sa Bisperas 1 Cronica 15, 3-4. 15-16; 16, 1-2 Salmo 131,

Read More »

Huwebes, Agosto 13, 2026

 1,610 total reads

 1,610 total reads Huwebes ng Ika-19 na Linggo sa Karaniwang Panahon o kaya Paggunita kina San Ponciano, papa, at San Hipolito, pari, mga martir Ezekiel 12, 1-12

Read More »

Miyerkules, Agosto 12, 2026

 3,239 total reads

 3,239 total reads Miyerkules ng Ika-19 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Santa Juana Francisca de Chantal, namanata sa Diyos Ezekiel 9, 1-7; 10,

Read More »

Martes, Agosto 11, 2026

 4,980 total reads

 4,980 total reads Paggunita kay Santa Clara ng Assisi, dalaga Ezekiel 2, 8 – 3, 4 Salmo 118, 14. 24. 72. 103. 111. 131 O kay

Read More »

Lunes, Agosto 10, 2026

 6,721 total reads

 6,721 total reads Kapistahan ni San Lorenzo, Diyakono at Martir 2 Corinto 9, 6-10 Salmo 111, 1-2. 5-6. 7-8. 9 Ang taong tunay na mat’wid ay

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top