Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Linggo, Setyembre 15, 2024

SHARE THE TRUTH

 7,900 total views

Ika-24 na Linggo sa Karaniwang Panahon (B)

Isaias 50, 5-9a
Salmo 115, 1-2. 3-4. 5-6. 8-9

Kapiling ko habambuhay
ang Panginoong Maykapal
.

Santiago 2, 14-18
Marcos 8, 27-35

Twenty-fourth Sunday in Ordinary Time (Green)
National Catechetical Day (Catechist’s Sunday)

UNANG PAGBASA
Isaias 50, 5-9a

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Binigyan ako ng pang-unawa ng Panginoon,
hindi ako naghimagsik ni tumalikod sa kaniya.
Hindi ako tumutol
nang bugbugin nila ako,
hindi ako kumibo
nang ako’y kanilang insultuhin.
Pinabayaan ko silang bunutin
ang buhok ko’t balbas,
gayon din nang lurhan nila ako sa mukha.
Ang mga pagdustang ginawa nila’y di ko pinansin,
pagkat ang Makapangyarihang Panginoon
ang tumutulong sa akin.
Handa akong magtiis
pagkat aking batid
na ang sarili ko’y di mapapahiya.
Ang Diyos ay malapit
at siya ang magpapatunay na wala akong sala.
May mangangahas bang maghabla sa akin?
Magharap kami sa hukuman,
at ilahad ang kanyang bintang.
Ang Poon mismo ang magtatanggol sa akin. Sino ang makapagpapatunay na ako ay may sala?

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 115, 1-2. 3-4. 5-6. 8-9

Maaaring ibang salmo ang makikita sa leksyonaryo
dahil sa maling paglilimbag (misprint).

Kapiling ko habambuhay
ang Panginoong Maykapal.

o kaya: Aleluya.

Mahal ko ang Panginoon, pagkat ako’y dinirinig,
dinirinig niya ako, sa dalangin ko at hibik;
ako’y kanyang dinirinig tuwing ako’y tumatawag,
kung ako ay tumatawag sinasagot niya agad.

Kapiling ko habambuhay
ang Panginoong Maykapal.

Noong ako’y mahuhulog sa bingit ng kamatayan,
nadarama ko ang tindi ng takot ko sa libingan;
lipos ako ng pangamba at masidhing katakutan.
Sa ganoong kalagayan, ang Poon ang tinawag ko,
at ako ay nagsumamo na iligtas niya ako.

Kapiling ko habambuhay
ang Panginoong Maykapal.

Mabuti ang Panginoon, siya’y mahabaging Diyos,
tunay siyang mahabagin, at mapagpahinuhod.
Ang Poon ang nag-iingat sa wala nang sumaklolo.
Noong ako ay manganib, iniligtas niya ako.

Kapiling ko habambuhay
ang Panginoong Maykapal.

Ako’y kanyang iniligtas sa kuko ng kamatayan,
tinubos sa pagkatalo, at luha ko’y pinahiran.
Sa harap ng Panginoon doon ako mananahan,
doon ako mananahan sa daigdig nitong buhay.

Kapiling ko habambuhay
ang Panginoong Maykapal.

IKALAWANG PAGBASA
Santiago 2, 14-18

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol Santiago

Mga kapatid, ano ang mapapala ng isang tao kung sabihin man niyang siya’y may pananampalataya, ngunit hindi naman niya pinatutunayan sa gawa? Maililigtas ba siya ng gayong pananampalataya? Halimbawa: ang isang kapatid ay walang maisuot at walang makain. Kung sabihin ng isa sa inyo, “Patnubayan ka nawa ng Diyos. Magbihis ka’t magpakabusog,” ngunit hindi naman siya binibigyan ng kanyang kailangan, may mabuti bang maidudulot sa kanya iyon? Gayun din naman, patay ang pananampalatayang walang kalakip na gawa.

Ngunit may nagsabi, “May pananampalataya ka at may gawa ako.” Sagot ko naman, “Ipakita mo sa akin ang iyong pananampalatayang walang kalakip na gawa, at ipakikita ko naman sa iyo sa pamamagitan ng aking mga gawa ang aking pananampalataya.”

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Galacia 6, 14

Aleluya! Aleluya!
Sa krus ni Kristo
dinangal itong ating pamumuhay
na para sa kanya lamang.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 8, 27-35

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, si Hesus, kasama ang kanyang mga alagad, ay nagtungo sa mga nayon ng Cesarea, sakop ni Filipo. Samantalang sila’y naglalakbay, tinanong niya ang kanyang mga alagad, “Sino raw ako ayon sa mga tao?” Sumagot sila, “Ang sabi ng ilan ay si Juan Bautista kayo; sabi naman ng iba, si Elias kayo; at may nagsasabi pang isa kayo sa mga propeta.” “Kayo naman – ano ang sabi ninyo? Sino ako? tanong niya. “Kayo ang Kristo,” tugon ni Pedro. “Huwag ninyong sasabihin kaninuman kung sino ako,” mahigpit na utos niya sa kanila.

Mula noon, ipinaalam na ni Hesus sa kanyang mga alagad na ang Anak ng Tao’y dapat magbata ng maraming hirap. Siya’y itatakwil ng matatanda ng bayan, ng mga punong saserdote at ng mga eskriba at ipapapatay. Ngunit sa ikatlong araw, muli siyang mabubuhay. Maliwanag na sinabi niya ito sa kanila. Kaya’t niyaya siya ni Pedro sa isang tabi at sinimulang pagsabihan. Ngunit humarap si Hesus sa kanyang mga alagad at pinagwikaan si Pedro: “Lumayo ka, Satanas! Ang iniisip mo’y hindi sa Diyos kundi sa tao.”

Pinalapit ni Hesus ang mga tao, pati ang kanyang mga alagad, at sinabi, “Kung ibig ninumang sumunod sa akin, limutin niya ang ukol sa kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus at sumunod sa akin. Ang naghahangad na magligtas ng kanyang buhay ay siyang mawawalan nito; ngunit ang mag-alay ng kanyang buhay alang-alang sa akin at sa Mabuting Balita ay siyang magkakamit niyon.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-24 na Linggo sa Karaniwang Panahon (B)

Ang pagdurusa ay sadyang bahagi na ng ating buhay. Kailangan natin ang biyaya ng Diyos para makilala natin ang tungkulin nito sa ating kaligtasan. Ngunit lalo nating kailangan ang kanyang tulong sa pagpasan natin sa ating mga krus nang buong tiyaga at pagmamahal. Sa harap ng ating kahinaan, manalangin tayo:

Panginoon, tulungan mo kaming pasanin ang aming Krus!

Nawa’y tuwinang pahalagahan ng ating mga pamilyang Katoliko ang kaloob na buhay at patunayan ang kanilang masuyong kalinga sa lahat ng kanilang kapamilya, lalo na sa mga bata, matatanda, at maysakit. Manalangin tayo!

Nawa’y hindi panghinaan ng loob ang mga misyonero sa buong mundo dahil sa pagtatakwil at pag-uusig. Bagkus, puspusin nawa sila ng tiyaga at pananalig ng gaya ng kay Kristong Lingkod ng Panginoon. Manalangin tayo!

Nawa’y ang mga pinuno ng mga grupong relihiyoso at mga pangunahing pamayanang pang-simbahan ay laging maging inspirasyon sa iba pang mga miyembro. Manalangin tayo!

Nawa’y ang mga napilitang lumisan sa kanilang sariling bayan ay agad ding makabalik nang malaya’t marangal sa kanilang katutubong lugar. Manalangin tayo!

Upang tayong lahat ay matutong makinig sa panaghoy ng kalikasan at sa pagtangis ng lahat ng biktima ng mga trahedya sa kalikasan at hagupit ng pagbabago ng klima, at nang lahat ay matuto ring mangalaga para sa daigdig na kinalalagyan natin. Manalangin tayo!

Panginoong Hesus, lingapin ng iyong habag ang lahat ng nagdurusa, lalo na ang mga nagdurusa alang-alang sa pananampalataya. Ipagkaloob mo sa kanila at sa amin ang kasiyahan ng iyong mapagligtas na presensiya. Ikaw na nabubuhay at naghahari magpakailanman.

Amen!

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Hindi sapat ang kasikatan

 2,122 total views

 2,122 total views Mga Kapanalig, ngayong araw, ika-8 ng Oktubre, ang huling araw ng filing of certificate of candidacy (o COC) ng mga tatakbo sa halalan sa susunod na taon. Nagsimula ang pagtanggap ng COMELEC ng mga COC noong unang araw ng buwang ito. May napupusuan na ba kayo sa mga nais maging senador? Sa mga

Read More »

Deserve ng ating mga teachers

 9,437 total views

 9,437 total views Mga Kapanalig, bago matapos ang National Teacher’s Month noong Sabado, ika-5 ng Oktubre, na kasabay din ng World Teachers’ Day, may regalong ibinigay ang Department of Education (o DepEd) sa ating mga pampublikong guro. Sa bisa ng DepEd Order No. 13, maaari nang bigyan ang mga public school teachers ng hanggang 30 vacation

Read More »

Makinig bago mag-react

 59,761 total views

 59,761 total views Mga Kapanalig, nag-trending sa social media noong nakaraang linggo ang isang video kung saan makikitang nagkainitan sina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Juan Miguel Zubiri habang naka-break ang sesyon nila. Makikita sa video ang kanilang sagutan at murahan, na muntikan nang umabot sa pisikalan. Ang kanilang pag-aaway ay kaugnay ng sampung Embo

Read More »

Protektahan ang mga mandaragat

 69,237 total views

 69,237 total views Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 107:23-24, “Mayroong naglayag na lulan ng barko sa hangad maglakbay, ang tanging layunin kaya naglalayag, upang mangalakal. Nasaksihan nila ang kapangyarihan ni Yahweh, ang kahanga-hangang ginawa ni Yahweh na hindi maarok..” Ang salmong nabanggit ay malapít sa mga seafarers at masasabing mapalad sila dahil nakikita nila ang

Read More »

Interesado pa ba ang bise-presidente?

 68,653 total views

 68,653 total views Mga Kapanalig, dahil sa hindi pagsipot ni Vice President Sara Duterte sa deliberasyon ng inihahaing badyet ng kanyang opisina, mukhang hindi na raw interesado ang pangalawang pangulo sa kanyang trabaho. Dahil dito, baka pwede niyang ikonsiderang bumaba na lang sa puwesto. Iyan ang opinyon ni House Deputy Speaker at kinatawan ng ikalawang distrito

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Huwebes, Oktubre 10, 2024

 182 total views

 182 total views Huwebes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Galacia 3, 1-5 Lucas 1, 69-70. 71-72. 73-75 Poong Diyos ay purihin, nilingap n’ya ang Israel. Lucas 11, 5-13 Thursday of the Twenty-seventh Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Galacia 3, 1-5 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galacia Nahihibang na

Read More »

Miyerkules, Oktubre 9, 2024

 596 total views

 596 total views Miyerkules ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kina Obispo San Dionisio at mga kasama, mga martir o kaya Paggunita kay San Juan Leonardo, pari Galacia 2, 1-2. 7-14 Salmo 116, 1. 2 Humayo’t dalhin sa tanan Mabuting Balitang aral. Lucas 11, 1-4 Wednesday of the Twenty-seventh Week in Ordinary Time (Green) or Optional

Read More »

Martes, Oktubre 8, 2024

 1,141 total views

 1,141 total views Martes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Galacia 1, 13-24 Salmo 138, 1-3. 13-14ab. 14k-15 Poon, ako ay samahan sa buhay na walang hanggan. Lucas 10, 38-42 Tuesday of the Twenty-seventh Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Galacia 1, 13-24 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galacia Mga

Read More »

Lunes, Oktubre 7, 2024

 1,417 total views

 1,417 total views Paggunita sa Mahal na Birheng Maria ng Rosario Galacia 1, 6-12 Salmo 110, 1-2. 7-8. 9 at 10k Pangako ng Poon nati’y lagi nating gunitain. Lucas 10, 25-37 Memorial of Our Lady of the Rosary (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Galacia 1, 6-12 Pagbasa

Read More »

Linggo, Oktubre 6, 2024

 1,693 total views

 1,693 total views Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Genesis 2, 18-24 Salmo 127, 1-2. 3. 4-5. 6 Tayo nawa ay basbasan ng Poon magpakailanman. Hebreo 2, 9-11 Marcos 10, 2-16 o kaya Marcos 10, 2-12 Twenty-seventh Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Genesis 2, 18-24 Pagbasa mula sa aklat ng Genesis Sinabi ng Panginoong Diyos: “Hindi

Read More »

Sabado, Oktubre 5, 2024

 1,508 total views

 1,508 total views Sabado ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Santa Maria Faustina Kowalska Job 42, 1-3. 5-6. 12-16 Salmo 118, 66. 71. 75. 91. 125. 130 Tumanglaw ka sa lingkod mo at pagpalain mo ako. Lucas 10, 17-24 Saturday of the Twenty-sixth Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St.

Read More »

Biyernes, Oktubre 4, 2024

 1,926 total views

 1,926 total views Paggunita kay San Francisco de Asis Job 38, 1. 12-21; 40, 3-5 Salmo 138, 1-3. 7-8. 9-10. 13-14ab Poon, ako ay samahan sa buhay na walang hanggan. Lucas 10, 13-16 Memorial of St. Francis of Assisi (White) Mga Pagbasa mula sa Biyernes ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Job 38,

Read More »

Huwebes, Oktubre 3, 2024

 2,049 total views

 2,049 total views Huwebes ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Job 19, 21-27 Salmo 26, 7-8a. 8b-9abk. 13-14 Makikita ang Maykapal sa kanyang lupang hinirang. Lucas 10, 1-12 Thursday of the Twenty-sixth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Job 19, 21-27 Pagbasa mula sa aklat ni Job Sinabi ni Job: “Aking mga kaibigan, ako’y

Read More »

Miyerkules, Oktubre 2, 2024

 3,459 total views

 3,459 total views Paggunita sa mga Anghel na Tagatanod Job 9, 1-12. 14-16 Salmo 87, 10bk-11. 12-13. 14-15 Panginoon, ako’y dinggin sa pagsamo ko’t dalangin. Mateo 18, 1-5. 10 Memorial of the Holy Guardian Angels (White) Mga Pagbasa mula sa Miyerkules ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) at Hanay ng mga Banal UNANG PAGBASA Job

Read More »

Martes, Oktubre 1, 2024

 4,492 total views

 4,492 total views Paggunita kay Santa Teresita ng Sanggol na si Hesus, dalaga Job 3, 1-3. 11-17. 20-23 Salmo 87. 2-3. 4-5. 6. 7-8 Panginoon, ako’y diggin sa pagsamo ko’t dalangin. Lucas 9, 51-56 Memorial of St. Therese of the Child Jesus (White) Mission Day for Religious Sisters Mga Pagbasa mula sa Martes ng Ika-26 na Linggo

Read More »

Lunes, Setyembre 30, 2024

 5,360 total views

 5,360 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Job 1, 6-22 Salmo 16, 1. 2-3. 6-7 Daing ko’y ‘yong dinirinig tuwing ako’y humihibik. Lucas 9, 46-50 Memorial of St. Jerome, Priest and Doctor of the Church (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Job

Read More »

Sabado, Setyembre 14, 2024

 8,837 total views

 8,837 total views Kapistahan ng Pagtatampok sa Krus na Banal Mga Bilang 21, 4b-9 Salmo 77, 1-2. 34-35. 36-37. 38 Hindi nila malilimot ang dakilang gawa ng D’yos. Filipos 2, 6-11 Juan 3, 13-17 Feast of the Exaltation of the Cross (Red) UNANG PAGBASA Mga Bilang 21, 4b-9 Pagbasa mula sa aklat ng mga Bilang Noong mga

Read More »

Biyernes, Setyembre 13, 2024

 9,252 total views

 9,252 total views Paggunita kay San Juan Crisostomo, obispo at pantas ng Simbahan 1 Corinto 9, 16-19. 22b-27 Salmo 83, 3. 4. 5-6. 12 Ang templo mo’y aking mahal, D’yos na Makapangyarihan. Lucas 6, 39-42 Memorial of St. John Chrysostom, Bishop and Doctor of the Church (White) Mga Pagbasa mula sa Biyernes ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang

Read More »

Huwebes, Setyembre 12, 2024

 9,631 total views

 9,631 total views Huwebes ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Kamahal-mahalang Ngalan ng Birhen 1 Corinto 8, 1b-7. 11-13 Salmo 138, 1-3. 13-14ab. 23-24 Poon, ako ay samahan sa buhay na walang hanggan. Lucas 6, 27-38 Thursday of the Twenty-third Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of the Holy Name of Mary (White)

Read More »

Miyerkules, Setyembre 11, 2024

 9,808 total views

 9,808 total views Miyerkules ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 7, 25-31 Salmo 44, 11-12. 14-15. 16-17 O kab’yak ng hari namin, ang payo ko’y ulinigin. Lucas 6, 20-26 Wednesday of the Twenty-third Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 7, 25-31 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa

Read More »
Scroll to Top