Sabado, Setyembre 14, 2024

SHARE THE TRUTH

 9,726 total reads

Kapistahan ng Pagtatampok sa Krus na Banal

Mga Bilang 21, 4b-9
Salmo 77, 1-2. 34-35. 36-37. 38

Hindi nila malilimot
ang dakilang gawa ng D’yos.

Filipos 2, 6-11
Juan 3, 13-17

Feast of the Exaltation of the Cross (Red)

UNANG PAGBASA
Mga Bilang 21, 4b-9

Pagbasa mula sa aklat ng mga Bilang

Noong mga araw na iyon, nainip ang mga tao sa pasikut-sikot na paglalakbay. Nagreklamo sila kay Moises, “Inialis mo ba kami sa Egipto para patayin sa ilang na ito? Wala kaming makain ni mainom! Sawa na kami sa walang kuwentang pagkaing ito.” Dahil dito, sila’y pinadalhan ng Panginoon ng makamandag na ahas at sinumang matuka nito ay namamatay. Kaya lumapit sila kay Moises. Sinabi nila “Nagkasala kami sa Panginoon at sa iyo. Idalangin mo sa kanyang paalisin ang mga ahas na ito.” Dumalangin nga si Moises at ganito ang sagot sa kanya ng Panginoon, “Gumawa ka ng isang ahas na tanso. Ilagay mo iyon sa dulo ng isang tikin at sinumang natuklaw ng ahas na tumingin doon ay hindi mamamatay.” Gayun nga ang ginawa ni Moises. Mula noon, lahat ng matuklaw ng ahas ngunit tumingin sa ahas na tanso ay hindi namamatay.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 77, 1-2. 34-35. 36-37. 38

Hindi nila malilimot
ang dakilang gawa ng D’yos.

Kaya ngayon ay makinig sa turo ko, mga anak,
inyong dinggi’t ulinigin, salita kong binibigkas;
itong aking sasabihin ay bagay na talinhaga,
nangyari pa noong una, kaya ito’y mahiwaga.

Hindi nila malilimot
ang dakilang gawa ng D’yos.

Datapwat noong sila’y lilipulin na ng Diyos,
nagsisi ang karamiha’t sa kanya’y nagbalik-loob.
Noon nila nagunitang ang sanggalang nila’y ang Diyos.
Ang Kataas-taasang Diyos ay kanilang Manunubos.

Hindi nila malilimot
ang dakilang gawa ng D’yos.

Kaya’t siya ay pinuri, ng papuring hindi tapat,
pagkat yao’y pakunwari’t balat-kayong matatawag.
Sa kanilang mga puso, naghahari’y kataksilan,
hindi sila nagtatapat sa ginawa niyang tipan.

Hindi nila malilimot
ang dakilang gawa ng D’yos.

Gayun pa man, palibhasa’y Diyos siyang mahabagin
ang masamang gawa nila’y pinatawad niyang tambing;
dahilan sa pag-ibig n’ya’y hindi sila wawasakin,
kung siya ma’y nagagalit, ito’y kanyang pinipigil.

Hindi nila malilimot
ang dakilang gawa ng D’yos.

IKALAWANG PAGBASA
Filipos 2, 6-11

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo
sa mga taga-Filipos

Si Kristo Hesus, bagamat siya’y Diyos ay hindi nagpilit na manatiling kapantay ng Diyos.

Bagkus hinubad niya ang lahat ng katangian ng pagka-Diyos, nagkatawang-tao at namuhay na isang alipin.

Nang maging tao, siya’y nagpakababa at naging masunurin hanggang kamatayan. Oo, hanggang kamatayan sa krus.

Kaya naman, siya’y itinampok ng Diyos at binigyan ng pangalang higit sa lahat ng pangalan.

Anupa’t ang lahat ng nilalang na nasa langit, nasa lupa, nasa ilalim ng lupa ay maninikluhod at sasamba sa kanya.

At ipapahayag ng lahat na si Hesukristo ang Panginoon, sa ikararangal ng Diyos Ama.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA

Aleluya! Aleluya!
Kami’y sumasamba sa’yo
at gumagalang sa krus mo
na kaligtasan ng mundo.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 3, 13-17

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus kay Nicodemo, “Walang umakyat sa langit kundi ang bumaba mula sa langit — ang Anak ng Tao.”

At kung paanong itinaas ni Moises ang ahas doon sa ilang, gayun din naman, kailangang itaas ang Anak ng Tao, upang ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan. Gayun na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Sapagkat sinugo ng Diyos ang kanyang Anak, hindi upang hatulang maparusahan ang sanlibutan, kundi upang iligtas ito sa pamamagitan niya.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ang Pagtatampok sa Krus na Banal

Manalangin tayo sa Diyos Ama na nagmahal nang labis sa mundo kaya’t ibinigay ang kanyang bugtong na Anak upang mamatay sa krus para sa atin.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng krus,
dinggin Mo kami, O Panginoon.

Ang Simbahan sa lupa nawa’y magpatuloy sa paglaban patungo sa tagumpay sa ilalim ng bandila ng krus, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga mamamayan ng ibang bansa at kultura nawa’y makatagpo ng kalayaan at kapayapaan sa pamamagitan ni Jesukristong itinaas ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nangangailangan ng habag at pagpapatawad ng Diyos nawa’y makatagpo ng pag-asa sa krus ni Kristo bilang daan sa kapayapaan at pagkakasundo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y makita sa krus ni Kristo ang pag-asa sa lubos na paggaling at panunumbalik ng kalusugan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nahihimlay kay Kristo nawa’y mapatawad sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng dugo ng sakripisyo ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming mapagmahal, nasa krus ang aming pag-asa sa buhay na ito at sa kabila. Ipagkaloob mo ang aming mga kahilingan habang nagpupuri kami sa iyo dahil sa iyong mga awa sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 28,045 total reads

Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure Program o national budget, nagbubunyi ang mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, at Mataas na Kapulungan o Senado. Bakit, dahil sa pork barrel funds na naunang idineklarang unconstitutional ng Korte Suprema noong November 19, 2023 matapos mabunyag ang multi-bilyonng pisong Priority Development Assistance Fund na kinasasangkutan ng mga Senador at Kongresista.

Ang mga sangkot noon na mambabatas ay nakalaya at pinawalang sala. Matapos ang PDAF scam, tuloy ang ligaya ng mga mambabatas, pinapalitan lamang ito ng ibang pangalan kada taon kapag tinatalakay ang national budget sa Kamara at Senado bago lagdaang batas ng pangulo ng Pilipinas ang General Appropriations Act.

Noong nakaraang taon, nabunyag ang mahigit sa 500-bilyong pisong flood control projects scam na nakalagay bilang unprogrammed appropriations na pinalusot ng Kongreso. 5-Senador, maraming kongresista, kanilang mga kakutsaba sa DPWH, at mga kontraktor ang dawit sa katiwalian.

Bakit taon-taon, pinagpipiyestahan ng mga mambabatas, opisyal ng mga ahensiya ng pamahalaan ang pondo ng bayan, ang pera ng taumbayan? Paano, walang napaparusahan, walang system of accountability sa gobyerno. Nagpapatuloy ang katakawan ng mga taong gobyerno at wala ni isa man sa kanila ang maipakukulong, kawawa ang bansa. Lalong maghihirap ang karamihann sa mga Pilipino. Wala nang aasahan sapagkat ang perang para sana sa pagpapaunlad ng bayan ay dinambong na.

Nakakalungkot, ipinahayag ng Korte Suprema na labag sa Konstitusyon ang dagdag na ₱449.5 bilyon sa unprogrammed appropriations sa 2024 national budget, gayundin ang ₱17.99 bilyong dagdag sa Special Road Fund ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa 2025 budget.

Ipinawalang-bisa rin ng Kataas-taasang Hukuman ang ilang probisyon tungkol sa unprogrammed appropriations sa 2026 national budget dahil sa hindi pagsunod ng mga mambabatas sa rekisito ng Konstitusyon at pananggalang sa wastong pamamahala sa pondo ng bayan.

Ngunit huli na Kapanalig, wala ding mapaparusahan sa mga mambabatas na itinago ang pagkakakitaan sa pamamagitan ng unprogrammed appropriations. Sino-sino ang hahabulin, sino-sino ang dapat managot sa katakawan sap era ng taumbayan?

Pagkatapos ng deklarasyon ng Korte Suprema? Ano ang kasunod? Balik na naman sa dating gawi ang ating mga mambabatas, magagaling sa pagnanakaw!

Kapanalig, mahalagang pagnilayan ang sinasabi ng Corinthians 5:10 “For we must all appear before the judgment seat of Christ, so that each of us may receive what is due for us, for the things done while in the body, whether good or bad.”

Ipinapayo din ng Luke 19:5 “Come down from your arrogance and greed. Choose conversion, make restitution, and repair the damage you have caused. There can be no true peace without justice, and no justice without repentance.

Ang problema, kung wala nang konsensiya ang mga opisyal ng bayan., dumidilim ang kinabukasan ng taumbayan at ating bayan.

Sumainyo ang Katotohanan.

A REFRESHING WIND OF CHANGE FROM SERBIA

 3,357 total reads

Amid the wave of student protests sweeping across Europe, some of which have unfortunately turned violent, I find this story from Serbia particularly refreshing.

In an October 21 opinion article in The New York Times, Serbian scholar Filip Balunović describes how a student protest movement that began almost two years ago has grown into a remarkable experiment in participatory democracy.

It began with a tragedy in November 2024, when the collapse of a railway station canopy in Novi Sad killed 16 people. The students demanded accountability for what they believed was a disaster caused by corruption and government negligence. Their protests grew into a nationwide movement challenging the government of President Aleksandar Vučić, whose party has dominated Serbian politics for 14 years.

But what is particularly inspiring is how these young people have moved beyond protesting against something to organizing themselves for something.

Instead of rallying behind a charismatic political personality, they developed a system of collective leadership and democratic decision-making. Through consultations, interviews, and deliberations involving thousands of students, they selected a slate of 250 parliamentary candidates—not merely politicians, but professors, scientists, doctors, workers, artists, and ordinary citizens.

And now, in the snap parliamentary elections this coming Sunday, October 25, this student-led movement will face the country’s entrenched political establishment.

What a fascinating David-and-Goliath story!

Of course, the outcome remains uncertain. The students themselves have suffered intimidation, arrests, and violence. But whatever happens on election day, they have already demonstrated something important: Democracy is not just about changing the people in power. It is also about changing the way power is exercised, shared, and held accountable.

I cannot help wondering what our young Filipinos might learn from this experience.

We have a generation of young people who are increasingly disillusioned with corruption, political dynasties, patronage politics, and the apparent inability of our democratic institutions to hold the powerful accountable.

But perhaps Serbia’s students are reminding us that indignation alone is not enough. Neither is merely replacing one set of political personalities with another.
What we need is a deeper renewal of our democratic culture—one that encourages participation rather than dependency, collective discernment rather than personality cults, public accountability rather than blind loyalty, and the common good rather than vested interests.

I find something profoundly hopeful in young people who refuse to surrender either to cynicism or to violence, and who are willing to undertake the patient and difficult work of building democratic institutions.

Perhaps this is the most refreshing lesson from Serbia: The young are not merely the future of democracy. They can already be among its most creative builders today.

And perhaps the real victory of David over Goliath begins long before election day—when ordinary people discover that they need not remain powerless before seemingly invincible political giants.

(Filip Balunović, ⁠The New York Times⁠, October 21, 2026⁠

INEVITABLE

 3,921 total reads

Gospel Reading for October 22, 2026 – Luke 12: 49-53

INEVITABLE

Jesus said to his disciples: “I have come to set the earth on fire, and how I wish it were already blazing! There is a baptism with which I must be baptized, and how great is my anguish until it is accomplished! Do you think that I have come to establish peace on the earth? No, I tell you, but rather division. From now on a household of five will be divided, three against two and two against three; a father will be divided against his son and a son against his father, a mother against her daughter and a daughter against her mother, a mother-in-law against her daughter-in-law and a daughter-in-law against her mother-in-law.”

————

It is ironic to see religions dividing people in today’s world. Worse still, religion can cause division within a family, when it is supposed to bring love and peace to the family. But as Jesus said, he would cause division even within families. This happens when family members are baptized Christians but are merely nominal Christians. When family members do not embrace or live by the teachings of Jesus, division becomes INEVITABLE.

This is even more challenging in interfaith marriages, which, according to some studies, generally experience higher rates of divorce and lower marital satisfaction than marriages between people of the same faith. Issues such as where the children will be baptized, which schools they will attend, and other religious differences can cause unnecessary stress and friction between spouses.

How important it is for family members to be on the same page as Jesus so that the family may be healthy, united, and purposeful.

Lord Jesus, may our families be Christ-centered by listening attentively to your Word and putting it into practice, so that we may enjoy love and peace in our families. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 28,046 total reads

 28,046 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 79,175 total reads

 79,175 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 127,046 total reads

 127,046 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 230,994 total reads

 230,994 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 315,680 total reads

 315,680 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Linggo, Oktubre 25, 2026

 343 total reads

 343 total reads Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Exodo 22, 20-26 Salmo 17, 2-3a 3bk-4. 47 at 51ab Poong aking kalakasan, iniibig kitang tunay. 1

Read More »

Sabado, Oktubre 24, 2026

 2,105 total reads

 2,105 total reads Sabado ng Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Antonio Maria Claret, obispo o kaya Paggunita sa Mahal

Read More »

Biyernes, Oktubre 23, 2026

 3,740 total reads

 3,740 total reads Biyernes ng Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Juan Capistrano, pari Efeso 4, 1-6 Salmo 23, 1-2.

Read More »

Huwebes, Oktubre 22, 2026

 5,423 total reads

 5,423 total reads Huwebes ng Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Juan Pablo II, papa Efeso 3, 14-21 Salmo 32,

Read More »

Miyerkules, Oktubre 21, 2026

 7,492 total reads

 7,492 total reads Kapistahan ni San Pedro Calungsod, Martir Sirak 51, 1-12 (gr. 1-8) Salmo 123, 2-3. 4-5. 7b-8 Tayo’y ibong nakatakas nang ang bitag ay

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top