LUNES, ABRIL 24, 2023

SHARE THE TRUTH

 2,095 total reads

Lunes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

o kaya Paggunita kay San Fidel ng Sigmaringen, pari at martir

Mga Gawa 6, 8-15
Salmo 118, 23-24. 26-27. 29-30

Mapalad ang sumusunod
sa utos ng Poong Diyos.

Juan 6, 22-29

Monday of the Third Week of Easter (White)
or Optional Memorial of St. Fidelis of Sigmaringen, Priest and Martyr (Red)

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 6, 8-15

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Noong mga araw na iyon, pinagpala ng Diyos si Esteban at pinuspos ng kapangyarihan, anupat gumawa siya ng maraming himala at kababalaghan sa harapan ng madla. Nakipagtalo sa kanya ang ilang kasapi sa sinagoga ng mga pinalaya, na binubuo ng mga Judiong taga-Cirene, taga-Alejandria, taga-Cilicia, at taga-Asia. Ngunit wala silang magawa sa karunungan ni Esteban na kaloob ng Espiritu. Kaya’t lihim nilang sinulsulan ang ilang lalaki na magsabi ng ganito: “Narinig naming nilalait niya si Moises at ang Diyos.” Sa gayo’y naudyukan nilang magalit kay Esteban ang mga tao, ang matatanda ng bayan at ang mga eskriba. Siya’y sinunggaban nila at iniharap sa Sanedrin. At nagharap sila ng mga bulaang saksi laban kay Esteban. “Ang taong ito,” wika nila, “ay walang tigil ng pagsasalita laban sa banal na Templo at sa Kautusan ni Moises. Narinig naming sinasabi niya na ang Templo’y gigibain nitong Hesus na taga-Nazaret na ito, at papalitan ang mga kaugaliang ipinamana sa atin ni Moises.” Tinitigan si Esteban ng lahat ng nakaupo sa Sanedrin, at nakita nila na ang kanyang mukha’y parang mukha ng anghel.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 118, 23-24. 26-27. 29-30

Mapalad ang sumusunod
sa utos ng Poong Diyos.

o kaya: Aleluya.

Kahit ako ay usigi’t labanan ng pamunuan,
itong iyong abang lingkod sa utos mo’y mag-aaral.
Ang buo mong kautusan sa akin ay umaaliw,
siyang gurong nagpapayo sa lahat kong suliranin.

Mapalad ang sumusunod sa utos
ng Poong Diyos.

Pinatawad mo ang aking mga gawang kamalian,
ituro mo sa lingkod mo ang tuntunin mo at aral.
Ang lingkod ay turuang masunod ang kautusan,
sa utos mong mapang-akit, ako nama’y mag-aaral.

Mapalad ang sumusunod sa utos
ng Poong Diyos.

Sa landas na di matuwid, huwag mo akong babayaan,
pagkat ikaw ang mabuti, ituro ang iyong aral.
Ang pasiya ko sa sarili, ako’y maging masunurin,
sa batas mo, ang pansin ko ay doon ko ibabaling.

Mapalad ang sumusunod sa utos
ng Poong Diyos.

ALELUYA
Mateo 4, 4b

Aleluya! Aleluya!
Ang tao ay nabubuhay
sa Salita ng Maykapal
na pagkaing kanyang bigay.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 6, 22-29

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Kinabukasan, nakita ng mga taong nanatili sa ibayo ng lawa na naroon pa ang isang bangka. Alam nilang si Hesus ay hindi kasama ng mga alagad, sapagkat ang mga ito lamang ang sumakay sa bangka at umalis. Dumating naman ang ilang bangkang galing sa Tiberias at sumadsad sa lugar na malapit sa kinainan nila ng tinapay matapos magpasalamat sa Panginoon. Nang makita ng mga tao na wala na roon si Hesus, ni ang kanyang mga alagad, sila’y sumakay sa mga bangka at pumunta rin sa Capernaum upang hanapin si Hesus.

Nakita nila si Hesus sa ibayo ng lawa, at kanilang tinanong, “Rabi, kailan pa kayo rito?” Sumagot si Hesus, “Sinasabi ko sa inyo: hinahanap ninyo ako, hindi dahil sa mga kababalaghang nakita ninyo, kundi dahil sa nakakain kayo ng tinapay at nabusog. Gumawa kayo, hindi upang magkaroon ng pagkaing nasisira, kundi upang magkaroon ng pagkaing hindi nasisira at nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Ibibigay ito sa inyo ng Anak ng Tao, sapagkat siya ang binigyan ng kapangyarihan ng Diyos Ama.” Kaya’t siya’y tinanong nila, “Ano po ang dapat naming gawin upang aming maganap ang kalooban ng Diyos?” “Ito ang ipinagagawa sa inyo ng Diyos: manalig kayo sa sinugo niya,” tugon ni Hesus.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikatlong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Lunes

Ang Diyos Ama lamang ang makatutugon sa pagkagutom ng puso at ng espiritu, kaya’t ilapit natin sa kanya ang ating mga pangangailangan.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panatilihin Mo ang aming espiritu, O Panginoon.

Ang Simbahan nawa’y pukawin sa mga kasapi nito ang pagkagutom at pagkauhaw sa Tinapay ng Buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang maunawaan na ang mga kinasasabikan ng ating puso ay hindi matutugunan sa pamamagitan ng paghahanap ng makamundong tagumpay o kaginhawahang dulot ng mga materyal na bagay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nagsasayang ng kanilang panahon sa paghahanap ng kaligayahan sa maling paraan nawa’y matagpuan ang tamang daan ng buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y makatanggap ng ginhawa at paglingap mula sa mga nangangalaga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namayapa nawa’y makaisa ni Kristo sa bagong buhay na hatid ng Muling Pagkabuhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming makapangyarihan, ipinagkaloob mo sa amin ang tinapay mula sa Langit bilang pagkain para sa aming paglalakbay. Patnubayan mo ang aming mga hakbang patungo sa daan ng katarungan at kapayapaan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

OMNISCIENT

 498 total reads

Gospel Reading for October 08, 2026 – Luke 11: 5-13

OMNISCIENT

Jesus said to his disciples: “Suppose one of you has a friend to whom he goes at midnight and says, ‘Friend, lend me three loaves of bread, for a friend of mine has arrived at my house from a journey and I have nothing to offer him,’ and he says in reply from within, ‘Do not bother me; the door has already been locked and my children and I are already in bed. I cannot get up to give you anything.’ I tell you, if he does not get up to give him the loaves because of their friendship, he will get up to give him whatever he needs because of his persistence.

“And I tell you, ask and you will receive; seek and you will find; knock and the door will be opened to you. For everyone who asks, receives; and the one who seeks, finds; and to the one who knocks, the door will be opened. What father among you would hand his son a snake when he asks for a fish? Or hand him a scorpion when he asks for an egg? If you then, who are wicked, know how to give good gifts to your children, how much more will the Father in heaven give the Holy Spirit to those who ask him?”

————

Prayer has to go with Faith and Trust. Otherwise, if what we ask for does not come according to our timeline, we may start thinking that our prayers are not being heard and that it is useless to keep on praying.

When we pray with true Faith in God, we are sure that he will answer our prayers at the right time and in the right way. God is OMNISCIENT; hence, we have to learn to trust him.

A lot of us have realized that our prayers were answered only when we looked back and saw how our lives and circumstances unfolded—not the way we wanted, but in the way that was best for us.

Lord, may we always put our trust in you!

Bewitched

 959 total reads

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Thursday, Twenty-Seventh Week in Ordinary Time, Year II, 08 October 2026
Galatians 3:1-5     ><))))*> + ><))))*> + ><))))*>     Luke 11:5-13
Photo by Mr. Raffy Tima, GMA News, Batanes, October 2018.
Your words today,
O Lord through St. Paul
speak directly to us in this
time too:

O stupid Galatians! Who has bewitched you, before whose eyes Jesus was publicly portrayed as crucified? (Galatians 3:1)

O how we your people
hate to hear those words
these days because they are
hurtfully true -
it is plain stupidity
on our part to abandon all
your teachings to adopt 
all these strange ideas
about life that overstretch
our rights without any regard
to what is true and good;
to insist that only matter matters
without accepting the fact that
the most profound realities in life
are those felt than seen; and,
to believe more in ourselves
than in you, Lord Jesus Christ.
We have been so bewitched,
enthralled, and amazed by new 
ideas and beliefs that are clearly
self-serving and untrue,
"budol" or fake in every sense,
totally forgetting how you have never
left nor abandon us all these years
through thick and thin,
doing only what is best and good
for us only to follow the fascinating
special effects of those trash
peddled in social media, 
fabricated by AI.
Awaken us,
dear Jesus to the realities
of your loving presence
in us, in our lives,
to follow our hearts where
we find peace and joy
despite pains and sacrifices
than follow our flesh 
and whims
of pleasures and convenience
so temporary,
ephemeral,
most of all
superficial;
ignite our hearts
to seek and follow you
in a life of prayer
that changes primarily 
us, not the situations.
Amen.
Photo by a friend at Seabrook, Washington, 06 September 2026.

BRIDGING THE GAP

 1,869 total reads

Gospel Reading for October 07, 2026 – Luke 11: 1-4

BRIDGING THE GAP

Jesus was praying in a certain place, and when he had finished, one of his disciples said to him, “Lord, teach us to pray just as John taught his disciples.” He said to them, “When you pray, say:

Father, hallowed be your name, your Kingdom come. Give us each day our daily bread and forgive us our sins for we ourselves forgive everyone in debt to us, and do not subject us to the final test.”

————

In this Gospel reading, Jesus teaches us the elements of prayer. We must first recognize whom we are supplicating: the Father. He is not just an ordinary father because he is the Father above all fathers. He is holy, and he has a Kingdom that is not only in heaven but is already on earth. Because he is the Father, he is our provider; hence, we ask him to grant us our needs.
But it is not enough to ask for our temporal needs. We need to ask him to forgive us for our wrongdoings. We must also be willing to forgive those who have wronged us. Finally, we ask him to protect us from all the tests of the evil one.

It is good that the disciples asked Jesus to teach them how to pray. We now benefit from Jesus’ lesson on prayer.

Lord Jesus, thank you for BRIDGING THE GAP created by sin between God and ourselves. Thank you for teaching us to communicate with him. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 221,663 total reads

 221,663 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 253,394 total reads

 253,394 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 355,218 total reads

 355,218 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 395,779 total reads

 395,779 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 407,575 total reads

 407,575 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Sabado, Oktubre 10, 2026

 1,010 total reads

 1,010 total reads Sabado ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Galacia 3, 22-29 Salmo 104, 2-3.

Read More »

Biyernes, Oktubre 9, 2026

 2,668 total reads

 2,668 total reads Biyernes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kina San Dionisio, obispo, at mga Kasama, mga martir o kaya Paggunita kay San

Read More »

Huwebes, Oktubre 8, 2026

 4,366 total reads

 4,366 total reads Huwebes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Galacia 3, 1-5 Lucas 1, 69-70. 71-72. 73-75 Poong Diyos ay purihin, nilingap n’ya ang

Read More »

Miyerkules, Oktubre 7, 2026

 5,714 total reads

 5,714 total reads Paggunita sa Mahal na Birheng Maria ng Rosario Galacia 2, 1-2. 7-14 Salmo 116, 1. 2 Humayo’t dalhin sa tanan Mabuting Balitang aral.

Read More »

Martes, Oktubre 6, 2026

 6,749 total reads

 6,749 total reads Martes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Bruno, pari Galacia 1, 13-24 Salmo 138, 1-3. 13-14ab. 14k-15 Poon,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top