Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

LUNES, DISYEMBRE 19, 2022

SHARE THE TRUTH

 2,078 total views

Ika-19 ng Disyembre
(Simbang Gabi)

Mga Hukom 13, 2-7. 24-25a
Salmo 70, 3-4a. 5-6ab. 16-17

Lagi kong papupurihan
ang iyong kapangyarihan.

Lucas 1, 5-25

19th of December (Aguinaldo Mass)Β (White)

UNANG PAGBASA
Mga Hukom 13, 2-7. 24-25a

Pagbasa mula sa aklat ng Mga Hukom

Noong mga araw na iyon, sa bayan ng Zora ay may isang lalaking Manoa ang pangalan, kabilang sa lipi ni Dan. Ang asawa niya ay hindi magkaanak. Minsan, napakita sa babae ang anghel ng Panginoon, at sinabi, β€œHanggang ngayo’y wala kang anak. Ngunit hindi magtatagal, maglilihi ka at manganganak. Mula ngayon at huwag kang iinom ng anumang uri ng alak ni titikim ng anumang bawal na pagkain. Kung maipanganak mo na siya, huwag mong papuputulan ng buhok pagkat mula pa sa kanyang pagsilang ay itatalaga ng siya sa Diyos. Siya ang magsisimulang magligtas sa Israel mula sa mga Filisteo.”

Ang babaeng lumapit sa kanyang asawa at kanyang sinabi, β€œNapakita sa akin ang isang propeta ng Diyos, parang anghel. Kinikilabutan ako! Hindi ko tinanong kung tagasaan siya at hindi naman niya sinabi kung sino siya. Huwag daw akong iinom ng alak ni titikim ng anumang bawal na pagkain pagkat ang sanggol na isisilang ko’y itatalaga sa Diyos.”

Dumating ang araw at nanganak ang asawa ni Manoa. Lalaki ang sanggol at pinangalanan nilang Samson. Lumaki ang bata na patuloy na pinagpapala ng Panginoon. Ang Espiritu ng Panginoon ay lumukob kay Samson.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 70, 3-4a. 5-6ab. 16-17

Lagi kong papupurihan
ang iyong kapangyarihan.

Ikaw nawa ang muog ko at ligtas na kakanlungan,
matatag na kublihan ko at matibay na sanggalang.
Sa lahat ng masasama, O Diyos, ako’y ipaglaban.

Lagi kong papupurihan
ang iyong kapangyarihan.

Panginoon, sa iyo ko inilagak ang pag-asa,
maliit pang bata ako, sa iyo’y may tiwala na;
sa simula at mula pa wala akong inasahang
mag-iingat sa sarili, kundi tanging ikaw lamang.

Lagi kong papupurihan
ang iyong kapangyarihan.

Pagkat ikaw, Panginoon, ay malakas at dakila,
ang taglay mong katangia’y ihahayag ko sa madla.
Sapul pa sa pagkabata ako’y iyong tinuruan,
hanggang ngayo’y sinasambit ang gawa mong hinangaan.

Lagi kong papupurihan
ang iyong kapangyarihan.

ALELUYA

Aleluya! Aleluya!
Sanga kang ugat ni Jesse,
taga-akay ng marami,
halina’t tubusin kami.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 1, 5-25

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong si Herodes ang hari ng Judea, may isang saserdote na ang ngala’y Zacarias, sa pangkat ni Abias. At mula rin sa lipi ni Aaron ang kanyang asawang si Elisabet. Kapwa sila kalugud-lugod sa paningin ng Diyos, namumuhay nang ayon sa mga utos at tuntuning mula sa Panginoon. Wala silang anak sapagkat baog si Elisabet, at sila’y matanda na.

Ang pangkat ni Zacariaas ang nanunungkulan noon, at siya’y naglilingkod sa harapan ng Diyos bilang saserdote. Nang sila’y magsapalaran, ayon sa kaugalian ng mga saserdote, siya ang nahirang na maghandog ng kamanyang. Kaya’t pumasok siya sa templo ng Panginoon sa oras ng pagsusunog ng kamanyang, samantalang nagkakatipon sa labas ang mga tao at nananalangin. Walang anu-ano’y napakita sa kanya ang isang anghel ng Panginoon, nakatayo sa gawing kanan ng dambanang sunugan ng kamanyang. Nagulat si Zacarias at sinidlan ng matinding takot nang makita ang anghel. Ngunit sinabi nito sa kanya, β€œHuwag kang matakot, Zacarias! Dininig ng Diyos ang panalangin mo. Kayo ni Elisabet ay magkakaanak ng isang lalaki, at Juan ang ipangangalan mo sa kanya. Ikaw ay matutuwa at magiging maligaya, at marami ang magagalak sa kanyang pagsilang sapagkat siya’y magiging dakila sa paningin ng Panginoon. Hindi siya iinom ng alak o anumang inuming nakalalasing. Sa sinapupunan pa lamang ng kanyang ina, mapupuspos na siya ng Espiritu Santo. Marami sa mga anak ng Israel ang panunumbalikin niya sa kanilang Panginoong Diyos. Mauuna siya sa Panginoon, taglay ang espiritu at kapangyarihan ni Elias, upang pagkasunduin ang mga ama at ang mga anak, at panumbalikin sa daan ng matuwid ang mga suwail. Sa gayon, ipaghahanda niya ng isang bayan ang Panginoon.”

Sinabi ni Zacarias sa anghel, β€œPaano ko po matitiyak na mangyayari ito? Sapagkat ako’y napakatanda na at gayon din ang aking asawa.” Sumagot ang anghel, β€œAko si Gabriel na naglilingkod sa harapan ng Diyos. Sinugo ako upang ihatid sa iyo ang mabuting balitang sinabi ko na sa iyo. At ngayon, mabibingi ka’t hindi makapagsasalita hanggang sa araw na maganap ang mga bagay na ito, sapagkat hindi ka naniwala sa mga sinabi ko na matutupad pagdating ng takdang panahon.”

Samantala, naghihintay naman kay Zacarias ang mga tao. Nagtaka sila kung bakit nagtagal siya nang gayon sa loob ng templo. Paglabas niya ay hindi na siya makapagsalita, mga senyas na lamang ang ginagamit niya; kaya natanto nila na nakakita siya ng pangitain. At siya’y nanatiling pipi.

Nang matapos ang panahon ng kanyang paglilingkod ay umuwi na siya. Hindi nga nagtagal at naglihi si Elisabet, at hindi ito umalis ng bahay sa loob ng limang buwan. β€œNgayo’y nilingap ako ng Panginoon,” wika ni Elisabet. β€œGinawa niya ito upang alisin ang aking kadustaan sa harapan ng mga tao!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
SIMBANG GABI – Ikaapat na Araw

Pinasisigla ng hangarin ng Panginoon sa ating kabutihan, tayo’y dumulog ngayon sa Kanya kasama ng ating mga kahilingan habang nagsusumamo tayong:

Panginoon, nananalig kami sa Iyo!

Para sa lahat ng nananampalataya sa buong mundo: Nawa tanggapin nila ang Salita ng Diyos nang may pakumbabang pananalig at isabuhay nila ito. Manalangin tayo!

Para sa Santo Papa at lahat ng ibang pinunong relihiyoso at sibil: Nawa maging inspirasyon sa lahat ang kanilang halimbawa ng katapatan at bukas-palad na paglilingkod sa kanilang mga pamayanan. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng magulang, guro, at katekista: Nawa makita nila sa lahat ng bata ang mahahalagang biyaya ng Diyos at palakihin at patnubayan sila alinsunod sa kalooban ng Diyos. Manalangin tayo!

Para sa mga matatanda sa ating mga mag-anak at pamayanan: Nawa patuloy silang maghandog ng karunungan at panalangin at kailanman ay di mag-alinlangan sa tanging pagmamahal sa kanila ng Diyos. Manalangin tayo!

Para sa mga mag-asawang walang anak: Nawa isaalang-alang nila ang pag-aampon sa ilan sa libu-libong sanggol na tinatanggihan ng kanilang mga magulang. Manalangin tayo!

Tahimik nating ipanalangin ang ating mga sariling kahilingan.Β (Tumigil sandali.)Β Manalangin tayo!

Panginoon, buksan Mo ang aming mga puso sa pagtang- gap sa Iyong Salita nang buong pananalig, bukas-palad, at naniniwalang hangad Mo ang aming kabutihan at walang imposible sa Iyo. Isinasamo namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.

Amen!

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Buena-mano ng SSS sa bagong taon

 540 total views

 540 total views Mga Kapanalig, kasabay ng pagsalubong sa bagong taon ang dagdag sa buwanang kontribusyon sa Social Security System (o SSS). Epektibo ito simula a-uno ng Enero. Alinsunod sa Republic Act No. 11199 o ang inamyendahang Social Security Act na ipinasa noong 2018, tataas ang kontribusyon ng mga miyembro ng SSS kada dalawang taon. Umakyat

Read More Β»

Pagbabalik ng pork barrel?

 6,348 total views

 6,348 total views Mga Kapanalig, inabangan bago matapos ang 2024 ang pagpirma ni Pangulong Bongbong Marcos Jr sa pambansang badyet para sa 2025.Β  Matapos daw ang β€œexhaustive and rigorous”—o kumpleto at masinsinβ€”na pagre-review sa panukalang badyet ng Kongreso, inaprubahan ng presidente ang badyet na nagkakahalaga ng 6.35 trilyong piso, kasabay ng paggunita ng bansa sa Rizal

Read More Β»

Mag-ingat sa fake news

 12,147 total views

 12,147 total views Mga Kapanalig, kung aktibo kayo sa social media, baka napadaan sa inyong news feed ang mga posts na nagbababalΓ’ tungkol sa panibagong pagkalat ng sakit sa ibang bansa. Dumarami daw ang mga pasyenteng dinadala sa mga pagamutan at ospital dahil sa isang uri ng pneumonia. Tumaas din daw ang bilang ng mga kine-cremate,

Read More Β»

Malalim Na Debosyon Kay Jesus Nazareno

 30,706 total views

 30,706 total views Sa nakalipas na (4) centuries, ang makasaysayan at iconic miraculous statue(imahe) ni Jesus Christ na pasan ang kanyang krus ay naging simbulo ng passion, pagsakripisyo at pananampalataya ng mga katolikong Filipino. Ang life-size na imahe ni Hesus ay nakadambana (enshrined) sa tanyag na Quiapo church o Minor Basilica at National Shrine of Jesus

Read More Β»

Sss Premium Hike

 43,937 total views

 43,937 total views Kapanalig, sa 3rd quarter ng taong 2024 survey ng OCTA research, 11.3-milyong pamilyang Pilipino o 43-percent ng kabuuang 110-milyong populasyon ng Pilipinas ang dumaranas ng kahirapan. Naitala naman ng Philippine Statistic Authority noong November 2024 na 1.66-milyong Pilipino ang walang trabaho habang 49.54-milyon naman ang kasalukuyang labor force sa Pilipinas. Dahilan ng kahirapan

Read More Β»

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Biyernes, Nobyembre 15, 2024

 14,402 total views

 14,402 total views Biyernes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 2 Juan, 4-9 Salmo 118, 1. 2. 10. 11. 17. 18 Mapalad ang sumusunod sa utos ng Poong Diyos. Lucas 17, 26-37 Friday of the Thirty-second Week in Ordinary TimeΒ (Green) UNANG PAGBASA 2 Juan, 4-9 Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Juan Hirang

Read More Β»

Huwebes, Nobyembre 14, 2024

 14,554 total views

 14,554 total views Huwebes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filemon 7-20 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Mapalad ang kinukupkop ng Poong Diyos ni Jacob. Lucas 17, 20-25 Thursday of the Thirty-second Week in Ordinary TimeΒ (Green) UNANG PAGBASA Filemon 7-20 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo kay Filemon Pinakamamahal ko, ang iyong pag-ibig

Read More Β»

Miyerkules, Nobyembre 13, 2024

 15,156 total views

 15,156 total views Miyerkules ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Tito 3, 1-7 Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6 Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop. Lucas 17, 11-19 Memorial of Saint Martin of Tours, BishopΒ (White) Saturday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (II) UNANG PAGBASA Tito 3, 1-7 Pagbasa mula sa sulat ni

Read More Β»

Martes, Nobyembre 12, 2024

 15,323 total views

 15,323 total views Paggunita kay San Josafat, obispo at martir Tito 2, 1-8. 11-14 Salmo 36, 3-4. 18 at 23. 27 at 29 Nasa D’yos ang kaligtasan ng mga mat’wid at banal. Lucas 17, 7-10 Memorial of St. Josaphat, Bishop and MartyrΒ (Red) Mga Pagbasa mula sa Martes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA

Read More Β»

Lunes, Nobyembre 11, 2024

 15,642 total views

 15,642 total views Paggunita kay San Martin ng Tours, obispo Tito 1, 1-9 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa iyo. Lucas 17, 1-6 Memorial of St. Martin of Tours, BishopΒ (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Tito 1, 1-9 Ang simula ng

Read More Β»

Linggo, Nobyembre 10, 2024

 11,132 total views

 11,132 total views Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) 1 Hari 17, 10-16 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, β€˜yong purihin ang Panginoong butihin. Hebreo 9, 24-28 Marcos 12, 38-44 o kayaΒ Marcos 12, 41-44 Thirty-second Sunday in Ordinary TimeΒ (Green) UNANG PAGBASA 1 Hari 17, 10-16 Pagbasa mula sa unang aklat ng mga Hari Noong mga

Read More Β»

Sabado, Nobyembre 9, 2024

 11,539 total views

 11,539 total views Kapistahan ng Pagtatalaga sa Palasyong Simbahan sa Laterano, Roma Ezekiel 47, 1-2. 8-9. 12 Salmo 45, 2-3. 5-6. 8-9. Sa bayan ng Dakilang D’yos batis n’ya’y may tuwang dulot. 1 Corinto 3, 9k-11. 16-17 Juan 2, 13-22 Feast of the Dedication of the Lateran Basilica in RomeΒ (White) UNANG PAGBASA Ezekiel 47, 1-2. 8-9.

Read More Β»

Biyernes, Nobyembre 8, 2024

 11,341 total views

 11,341 total views Biyernes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 3, 17 – 4, 1 Salmo 121, 1-2. 3-4a. 4b-5 Masaya tayong papasok sa tahanan ng Poong D’yos. Lucas 16, 1-8 Friday of the Thirty-first Week in Ordinary TimeΒ (Green) UNANG PAGBASA Filipos 3, 17 – 4, 1 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San

Read More Β»

Huwebes, Nobyembre 7, 2024

 11,492 total views

 11,492 total views Huwebes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 3, 3-8a Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7 Ang may pusong tapat sa D’yos ay may kagalakang lubos. Lucas 15, 1-10 Thursday of the Thirty-first Week in Ordinary TimeΒ (Green) UNANG PAGBASA Filipos 3, 3-8a Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos

Read More Β»

Miyerkules, Nobyembre 6, 2024

 11,741 total views

 11,741 total views Miyerkules ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 2, 12-18 Salmo 26, 1. 4. 13-14 Panginoo’y aking tanglaw, siya’y aking kaligtasan. Lucas 14, 25-33 Wednesday of the Thirty-first Week in Ordinary TimeΒ (Green) UNANG PAGBASA Filipos 2, 12-18 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos Mga minamahal, higit na

Read More Β»

Martes, Nobyembre 5, 2024

 11,949 total views

 11,949 total views Martes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 2, 5-11 Salmo 21, 26b-27. 28-30a. 31-32 Pupurihin kita, Poon, ngayong kami’y natitipon. Lucas 14, 15-24 Tuesday of the Thirty-first Week in Ordinary TimeΒ (Green) UNANG PAGBASA Filipos 2, 5-11 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos Mga kapatid, magpakababa kayo

Read More Β»

Lunes, Nobyembre 4, 2024

 11,812 total views

 11,812 total views Paggunita kay San Carlos Borromeo, obispo Filipos 2, 1-4 Salmo 130, 1. 2. 3 Sa iyong kapayapaan, D’yos ko, ako’y alagaan. Lucas 14, 12-14 Memorial of St. Charles Borromeo, BishopΒ (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Filipos 2, 1-4 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol

Read More Β»

Linggo, Nobyembre 3, 2024

 11,929 total views

 11,929 total views Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Deuteronomio 6, 2-6 Salmo 17, 2-3a. 3kb-4. 47 at 51ab Poong aking kalakasan, iniibig kitang tunay. Hebreo 7, 23-28 Marcos 12, 28b-34 Thirty-first Sunday in Ordinary TimeΒ (Green) UNANG PAGBASA Deuteronomio 6, 2-6 Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio Sinabi ni Moises sa mga tao: β€œMatakot kayo sa

Read More Β»

Sabado, Nobyembre 2, 2024

 12,188 total views

 12,188 total views Paggunita sa Lahat ng mga Pumanaw na Kristiyano Mga Pagbasa para sa Unang Misa 2 Macabeo 12, 43-46 Salmo 103, 8 at 10. 13-14. 15-16. 17-18. Panginoo’y nagmamahal at maawain sa tanan. Roma 8, 31b-35. 37-39 Juan 14, 1-6 Commemoration of All the Faithful Departed (All Soul’s Day)Β (Violet or White) UNANG PAGBASA 2

Read More Β»

Biyernes, Nobyembre 1, 2024

 12,330 total views

 12,330 total views Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal Pahayag 7, 2-4. 9-14 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa iyo. 1 Juan 3, 1-3 Mateo 5, 1-12a Solemnity of All SaintsΒ (White) UNANG PAGBASA Pahayag 7, 2-4. 9-14 Pagbasa mula sa aklat ng Pahayag Ako’y si Juan, at nakita kong

Read More Β»
Scroll to Top