Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

LUNES, DISYEMBRE 25, 2023

SHARE THE TRUTH

 8,002 total views

Dakilang Kapistahan ng Pasko ng Pagsilang ng Panginoon
(Pagmimisa sa Hatinggabi)

Isaias 9, 1-6
Salmo 95, 1-2a. 2b-3. 11-12, 13

Sa atiโ€™y sumilang ngayon
Manunubos, Kristong Poon.

Tito 2, 11-14
Lucas 2, 1-14

The Nativity of the Lord (Christmas)
Mass During the Midnight (White)

UNANG PAGBASA
Isaias 9, 1-6

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Nakatanaw ng isang malaking liwanag
ang bayang malaon nang nasa kadiliman,
namanaag na ang liwanag
sa mga taong namumuhay sa lupaing balot ng dilim.
Iyong pinasigla ang kanilang pagdiriwang,
dinagdagan mo ang kanilang tuwa.
Tulad ng mga tao sa panahon ng anihan,
tulad ng mga taong naghahati ng nasamsam na kayamanan.
Nilupig mo ang bansang umalipin sa iyong bayan
tulad ng pagkalupig sa hukbo ng Madian.
Binali mo ang panghambalos ng mga tagapagpahirap sa kanila.
Sapagkat ang panyapak ng mga mandirigma,
ang lahat ng kasuutang tigmak sa dugo ay susunugin.
Sapagkat ipinanganak para sa atin ang isang sanggol na lalaki.
Ibinigay ang isang anak sa atin
at siya ang mamamahala sa atin.
Siya ang Kahanga-hangang Tagapayo, ang Makapangyarihang Diyos,
walang hanggang Ama, ang Prinsipe ng Kapayapaan.
Malawak na kapangyarihan at walang hanggang kapayapaan
ang ipagkakaloob sa trono ni David at sa kanyang paghahari
upang matatag ito at papanatilihin
sa katarungan at katwiran
ngayon at magpakailanman.
Isasagawa ito ng Makapangyarihang Panginoon.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 95, 1-2a. 2b-3. 11-12, 13

Sa atiโ€™y sumilang ngayon
Manunubos, Kristong Poon.

Purihin ang Panginoon, awitan ng bagong awit;
ang Poon ay papurihan nitong lahat sa daigdig!

Sa atiโ€™y sumilang ngayon
Manunubos, Kristong Poon.

Awitan ang Panginoon, ngalan niya ay purihin;
araw-araw ang ginawang pagliligtas ay banggitin.
Kahit saaโ€™y ipahayag na ang Poon ay dakila,
sa madla ay ipahayag ang dakila niyang gawa.

Sa atiโ€™y sumilang ngayon
Manunubos, Kristong Poon.

Lupaโ€™t langit ay magsaya, umugong ang kalaliman,
lahat kayo na nilikhang nasa tubig ay magdiwang.
Ang bukirin at ang lahat ng naroon ay sumigaw,
pati mga punongkahoy sa galak ay mag-awitan.

Sa atiโ€™y sumilang ngayon
Manunubos, Kristong Poon.

Ang Poon ay pupurihin, pagkat siya ay daratal,
paririto sa daigdig, upang lahat ay hatulan.
Tapat siya kung humatol at lahat ay pantay-pantay.

Sa atiโ€™y sumilang ngayon
Manunubos, Kristong Poon.

IKALAWANG PAGBASA
Tito 2, 11-14

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo kay Tito

Pinagkamamahal kong kapatid:
Inihayag ng Diyos ang kanyang kagandahang-loob na nagdudulot ng kaligtasan sa lahat ng tao. Ito ang siyang umaakay sa atin upang talikdan ang likong pamumuhay at damdaming makalaman. Kayaโ€™t makapamumuhay tayo ngayon nang maayos, matuwid at karapat-dapat sa Diyos samantalang hinihintay natin ang ating inaasahan โ€“ ang dakilang Araw ng paghahayag sa ating dakilang Diyos at Tagapagligtas na si Hesukristo sa gitna ng kanyang kaningningan. Ibinigay niya ang kanyang sarili upang iligtas tayo sa lahat ng kalikuan at linisin para maging kanyang bayan na nakatalagang gumawa ng mabuti.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Lucas 2, 10-11

Aleluya! Aleluya!
Itoโ€™y Balitang masaya
Manunubos sumilang na
sa atiโ€™y Kristo, Poon sโ€™ya.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 2, 1-14

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, iniutos ng Emperador Augusto na magpatala ang lahat ng nasasakupan ng Imperyo ng Roma. Ang unang pagpapatalang itoโ€™y ginawa nang si Cirenio ang gobernador ng Siria. Kayaโ€™t umuwi ang bawat isa sa sariling bayan upang magpatala.

Mula sa Nazaret, Galilea, si Joseโ€™y pumunta sa Betlehem, Judea, ang bayang sinilangan ni Haring David, sapagkat siyaโ€™y mula sa angkan at lahi ni David. Kasama niyang umuwi upang magpatala rin si Maria na kanyang magiging asawa na nooโ€™y kagampan. Samantalang naroroon sila, dumating ang oras ng panganganak ni Maria at isinilang niya ang kanyang panganay at itoโ€™y lalaki. Binalot niya ng lampin ang sanggol at inihiga sa isang sabsaban, sapagkat wala nang lugar para sa kanila sa bahay-panuluyan.

Sa lupain ding yaon ay may mga pastol na nasa parang, nagpupuyat sa pagbabantay ng kanilang mga tupa. Biglang lumitaw sa harapan nila ang isang anghel ng Panginoon at lumaganap sa paligid nila ang nakasisilaw na kaningningan ng Panginoon. Natakot sila nang gayun na lamang, ngunit sinabi sa kanila ng anghel, โ€œHuwag kayong matakot! Akoโ€™y may dalang mabuting balita para sa inyo na magdudulot ng malaking kagalakan sa lahat ng tao. Sapagkat isinilang ngayon sa bayan ni David ang inyong Tagapagligtas, ang Kristong Panginoon. Ito ang palatandaan: matatagpuan ninyo ang isang sanggol na nababalot ng lampin at nakahiga sa sabsaban.โ€

Biglang lumitaw sa tabi ng anghel ang isang malaking hukbo ng kalangitan, na nagpupuri sa Diyos:
โ€œPapuri sa Diyos sa kaitaasan,
at sa lupaโ€™y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya!โ€

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN

Sa Banal na Gabing ito, sa paggunita natin sa kapanganakan ng Tagapagligtas ng sanlibutan, ipanalangin natin ang mga pangangailangan natin at ng buong sangkatauhan. Manalangin tayo:

Panginoon, Ikaw ang aming Ilaw!

Para sa buong pamayanan ng mga mananampalatayang nag- diriwang sa pagsilang ni Hesus: Nawaโ€™y maghari ang kapayapaan ng gabing ito sa kanilang buong buhay. Manalangin tayo!

Para sa Santo Papa at lahat ng mga pinunong espiritwal sa buong daigdig: Nawaโ€™y mapag-buklod ng kanilang pamumuno sa ngalan ng Diyos, ang lahat ng tao sa tapat na pagtutulungan at pagkakaisa. Manalangin tayo!

Para sa mga bansa at grupong nasa gitna ng digmaan: Nawaโ€™y sa kanyang pagsilang, akayin sila ni Hesus tungo sa pagwawakas sa mga pahirap ng digmaan. Manalangin tayo!

Para sa ating pamilya at lahat ng iba pang pamilya sa ating parokya: Tayo nawaโ€™y maging laging handang tumulong, magpatawad, at magmahal sa isaโ€™t isa. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng may malubha at permanenteng kapansanan: maging sentro nawa sila ng atensyon at kalinga ng buong daigdig at maitayo nawa ang mga institusyong nakalaan sa pagtulong sa kanila. Manalangin tayo!

Salamat, Ama, sa pagkakaloob Mo kay Hesus sa amin. Pahalagahan nawa namin, tulad ni Mariang Kabanal-banalan, ang kanyang pagparito. Isinasamo namin ito sa ngalan ni Hesus na aming Panginoon at Tagapagligtas. Amen!


Dakilang Kapistahan ng Pasko ng Pagsilang ng Panginoon
(Pagmimisa sa Bukang-liwayway)

Isaias 62, 11-12
Salmo 96, 1 at 6. 11-12

Sumilang ang Panginoon,
liwanag sa atin ngayon.

Tito 3, 4-7
Lucas 2, 15-20

The Nativity of the Lord (Christmas)
Mass at Dawn (White)

UNANG PAGBASA
Isaias 62, 11-12

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Sa buong daigdig, ipinasabi ng Panginoon:
โ€œIbalita sa mga taga-Jerusalem,
na darating ang Panginoon para sila ay iligtas.
Kasama niya ang lahat ng kanyang iniligtas.โ€
Ikaโ€™y tatawaging โ€œBayang Banal ng Diyos,โ€
โ€˜Bayang iniligtas ng Panginoon.โ€™
Ang Jerusalem ay tatawaging
โ€œLungsod na mahal ng Diyos,โ€
โ€œLungsod na Hindi Itinakwil ng Diyos.โ€

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 96, 1 at 6. 11-12

Sumilang ang Panginoon,
liwanag sa atin ngayon.

Ang Poon ay maghahari, magalak ang kalupaan!
Lahat kayong mga pulo ay magsaya at magdiwang!
Sa langit ay nahahayag yaong kanyang katuwiran,
sa lupa ay makikita ang kanyang kadakilaan.

Sumilang ang Panginoon,
liwanag sa atin ngayon.

Sa tapat ang pamumuhay ay sisinag ang liwayway,
sa dalisay namang puso maghahariโ€™y kagalakan.
Ang matuwid ang gawain ay galak ang masusumpong,
sa maraming kabutihang ginawa ng Panginoon;
ang ginawa niyang itoโ€™y dapat nating gunitain,
at sa Poon ay iukol ang papuring walang maliw!

Sumilang ang Panginoon,
liwanag sa atin ngayon.

IKALAWANG PAGBASA
Tito 3, 4-7

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo kay Tito

Pinakamamahal kong kapatid:
Noong mahayag ang kagandahang-loob at pag-ibig ng Diyos na ating Tagapagligtas, tayoโ€™y iniligtas niya. Natamo natin ito hindi dahil sa ating mabubuting gawa, kundi dahil sa kanyang habag sa atin. Naligtas tayo at ipinanganak na muli sa Espiritu Santo na siyang luminis at nagbigay ng bagong buhay sa atin. Sa pamamagitan ng ating Tagapagligtas na si Hesukristo, ibinubuhos sa atin ng Diyos ang Espiritu Santo upang tayoโ€™y pabanalin ng kanyang pag-ibig at kamtan natin ang buhay na ating inaasahan.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Lucas 2, 14

Aleluya! Aleluya!
Purihin sa kalangitan
Dโ€™yos na kataas-taasan,
sa atiโ€™y kapayapaan!
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 2, 15-20

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong makaalis na ang mga anghel, pabalik sa langit, ang mga pastol ay nag-usap-usap, โ€œTayo na sa Betlehem! Tingnan natin itong ibinalita sa atin ng Panginoon.โ€ At nagmamadali silang lumakad, at nakita nila sina Maria at Jose, at ang sanggol na nakahiga sa sabsaban. Kayaโ€™t isinaysay nila ang mga sinabi ng anghel tungkol sa sanggol na ito; at nagtaka ang lahat ng nakarinig sa sinabi ng mga pastol. Natanim sa isip ni Maria ang mga bagay na ito at kanyang pinagbulay-bulay. Umalis ang mga pastol na nagpupuri sa Diyos at nagpapahayag ng kanyang kadakilaan dahil sa lahat ng narinig nila at nakita na ayon sa ibinalita sa kanila ng anghel.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN

Nagagalak ang ating mga puso ngayong Araw ng Pasko habang ginugunita natin ang Kapan-ganakan ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Hesukristo. Buong pananalig nating ipabatid sa Diyos Ama, na nagbigay sa atin ng Kanyang Bugtong na Anak, ang ating mga kahilingan:

Amang mapagmahal manatili ka sa aming piling!

Para sa Simbahang tahanan ng lahat ng mananampalataya: Nawaโ€™y magtamo siya ng kapayapaan at lumagong sagana ang kabanalan sa lahat ng kanyang mga kasapi. Manalangin tayo!

Para sa Santo Papa, ating Obispo, mga pari sa ating parokya, at sa lahat ng mga tumutulong sa kanila: Nawaโ€™y magdulot ang araw na ito ng kaligayahan sa kanilang mga puso at ng kinakailangang lakas sa paglilingkod sa Diyos. Manalangin tayo!

Para sa mga namumuno sa bayan at lahat ng may hawak ng kapalaran ng napakaraming tao: Nawaโ€™y patnubayan silang lagi ng kapayapaan, pagkakapatiran, at pakikipagkasundong dulot ng Pasko sa kanilang mga pagpapa- siya. Manalangin tayo!

Para sa mga maysakit, matatanda, walang trabaho o tahanan, at lahat ng tila napapabayaan ng lipunan: Nawaโ€™y malasap nila ang pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng pagkakaisa at kabukasang-palad ng lahat ng mananampalataya. Manalangin tayo!

Para sa ating mga mag-anak, lalo na ang may mahigpit ngayong pinagdaraanan: Nawaโ€™y makatulong ang diwa ng Pasko upang matuklasan nilang muli ang ugat ng kanilang pag-ibig at tulutan silang makaraos sa lahat nilang kahirapan. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng may malubha at permanenteng kapansanan: nawaโ€™y gaming sentro sila ng atenshon at kalinga ng lipunan at maitatag ang mga institusyong nakalaan sa kanilang kapakanan. Manalangin tayo!

Panginoong Diyos, bukal ng aming kagalakan at kaligtasan, Ikaw ang dahilan ng aming pag-asa. Magdulot nawa ang Paskong ito sa aming mga puso ng pang-matagalang galak at kapayapaan hanggang sa ipagdiwang namin ito sa langit. Isinasamo namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon na nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan. Amen!


Dakilang Kapistahan ng Pasko ng Pagsilang ng Panginoon
(Pagmimisa sa Araw)

Isaias 52, 7-10
Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4. 5-6

Kahit saaโ€™y namamalas
tagumpay ng Nagliligtas.

Hebreo 1, 1-6
Juan 1, 1-18
o kayaย Juan 1, 1-5. 9-14

The Nativity of the Lord (Christmas)
Mass During the Day (White)

UNANG PAGBASA
Isaias 52, 7-10

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Magmula sa bundok, O kay gandang masdan
ng sugong dumarating upang ipahayag
ang magandang balita ng kapayapaan.
Ipapahayag niya ang tagumpay
at sasabihin:
โ€œSion, ang Diyos mo ay hari.โ€
Narito! Sisigaw ang nagbabantay,
dahilan sa galak, sama-sama silang aawit;
makikita nila ang Panginoon sa Sion ay babalik,
Magsiawit kayo, mga guhong muog nitong Jerusalem;
pagkat ang hinirang ng Diyos na Panginoon
ay kanyang inaliw,
tinubos na niya itong Jerusalem.
Sa lahat ng bansa,
ang kamay ng Poon na tanda ng lakas
ay makikita ng mga nilalang, at ang pagliligtas
nitong ating Diyos tiyak na mahahayag.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4. 5-6

Kahit saaโ€™y namamalas
tagumpay ng Nagliligtas.

Umawit ng bagong awit at sa Poon ay ialay,
pagkat yaong ginawa nโ€™ya ay kahanga-hangang tunay!
Sa sariling lakas niya at taglay na kabanalan,
walang hirap na natamo yaong hangad na tagumpay.

Kahit saaโ€™y namamalas
tagumpay ng Nagliligtas.

Ang tagumpay niyang itoโ€™y siya na rin ang naghayag,
sa harap ng mga bansaโ€™y nahayag ang pagliligtas.
Ang pangako sa Israel lubos niyang tinutupad.

Kahit saaโ€™y namamalas
tagumpay ng Nagliligtas.

Tapat siya sa kanila at ang pag-ibig ay wagas.
Ang tagumpay ng ating Diyos kahit saan ay namalas!
Magkaingay na may galak, yaong lahat sa daigdig;
ang Poon ay buong galak na purihin sa pag-awit!

Kahit saaโ€™y namamalas
tagumpay ng Nagliligtas.

Sa saliw ng mga lira iparinig yaong tugtog,
at ang Poon ay purihin ng tugtuging maalindog.
Tugtugin din ang trumpeta na kasaliw ang tambuli,
magkaingay sa harapan ng Poon na ating hari.

Kahit saaโ€™y namamalas
tagumpay ng Nagliligtas.

IKALAWANG PAGBASA
Hebreo 1, 1-6

Pagbasa mula sa sulat sa mga Hebreo

Noong una, nagsalita ang Diyos sa ating mga ninuno sa ibaโ€™t ibang panahon at sa ibaโ€™t ibang paraan sa pamamagitan ng mga propeta. Ngunit ngayon, siyaโ€™y nagsalita sa atin sa pamamagitan ng kanyang Anak. Sa pamamagitan ng Anak ay nilikha ng Diyos ang sansinukob at siya ang itinalaga niyang magmay-ari ng lahat ng bagay. Ang Anak ang maningning na sinag ng Diyos, sapagkat kung ano ang Diyos ay gayun din ang Anak. Siya ang nag-iingat sa sansinukob sa pamamagitan ng kanyang makapangyarihang salita. Pagkatapos niyang linisin tayo sa ating mga kasalanan, siyaโ€™y lumuklok sa kanan ng Diyos, ang makapangyarihan sa lahat.

At kung paanong higit na di-hamak ang pangalang ibinigay ng Diyos sa Anak, gayun din, siyaโ€™y higit na di-hamak sa mga anghel. Sapagkat hindi kailanman sinabi ng Diyos sa sinumang anghel,

โ€œIkaw ang aking Anak!
Ako ang iyong Ama.โ€
Ni hindi rin niya sinabi sa kaninuman sa mga anghel,
โ€œAkoโ€™y magiging kanyang Ama,
at siyaโ€™y magiging Anak ko.โ€
At nang susuguin na ng Diyos ang kanyang bugtong na Anak sa sanlibutan ay sinabi niya,
โ€œDapat siyang sambahin ng lahat ng anghel ng Diyos.โ€

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA

Aleluya! Aleluya!
Banal na araw sumikat
halinaโ€™t sumambang lahat
sa nanaog na liwanag.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 1, 1-18

Ang simula ng Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Sa pasimula paโ€™y naroon na ang Salita. Kasama ng Diyos ang Salita at ang Salita ay Diyos. Kasama na siya ng Diyos sa pasimula pa. Sa pamamagitan niya nilikha ang lahat ng bagay, at walang anumang nalikha nang hindi sa pamamagitan niya. Mula sa kanya ang buhay, at ang buhay ay siyang ilaw ng sangkatauhan. Nagliliwanag sa kadiliman ang ilaw, at hindi ito kailanman nagapi ng kadiliman.

Sinugo ng Diyos ang isang tao na nagngangalang Juan. Naparito siya upang magpatotoo tungkol sa ilaw at manalig sa ilaw ang lahat dahil sa patotoo niya. Hindi siya ang ilaw kundi naparito siya upang magpatotoo tungkol sa ilaw. Ang tunay na ilaw na tumatanglaw sa lahat ng tao ay dumarating sa sanlibutan.

Nasa sanlibutan ang Salita. Nilikha ang sanlibutan sa pamamagitan niya ngunit hindi siya nakilala ng sanlibutan. Naparito siya sa kanyang bayan ngunit hindi siya tinanggap ng kanyang mga kababayan. Ngunit ang lahat ng tumanggap at nanalig sa kanya ay pinagkalooban niya ng karapatang maging anak ng Diyos. Sila ngaโ€™y naging anak ng Diyos, hindi dahil sa isinilang sila ayon sa kalikasan, ni sa pita ng laman o sa kagagawan ng tao. Ang pagiging anak nila ay buhat sa Diyos.

Naging tao ang Salita at siyaโ€™y nanirahan sa piling natin. Nakita namin ang kanyang kapangyarihan at kadakilaan, puspos ng pag-ibig at katapatan. Tinanggap niya mula sa Ama ang kapangyarihan at kadakilaang ito bilang bugtong na Anak.

Nagpatotoo si Juan tungkol sa kanya. At ganito ang kanyang sigaw, โ€œSiya ang tinutukoy ko nang aking sabihin, โ€˜Ang darating na kasunod koโ€™y higit sa akin, sapagkat siyaโ€™y siya na bago pa ako ipanganak.โ€™โ€

Dahil sa siyaโ€™y puspos ng pag-ibig, tayong lahat ay tumanggap mula sa kanya ng abut-abot na kaloob. Sapagkat ibinigay ang Kautusan sa pamamagitan ni Moises ngunit ang pag-ibig at ang katotohanan ay dumating sa pamamagitan ni Hesukristo. Kailanmaโ€™y walang nakakita sa Diyos, subalit ipinakilala siyang bugtong na Anak โ€“ siyaโ€™y Diyos โ€“ na lubos na minamahal ng Ama.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

o kaya: Maikling Pagbasa
Juan 1, 1-5. 9-14

Ang simula ng Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Sa pasimula paโ€™y naroon na ang Salita. Kasama ng Diyos ang Salita at ang Salita ay Diyos. Kasama na siya ng Diyos sa pasimula pa. Sa pamamagitan niya nilikha ang lahat ng bagay, at walang anumang nalikha nang hindi sa pamamagitan niya. Mula sa kanya ang buhay, at ang buhay ay siyang ilaw ng sangkatauhan. Nagliliwanag sa kadiliman ang ilaw, at hindi ito kailanman nagapi ng kadiliman.

Ang tunay na ilaw na tumatanglaw sa lahat ng tao ay dumarating sa sanlibutan.

Nasa sanlibutan ang Salita. Nilikha ang sanlibutan sa pamamagitan niya ngunit hindi siya nakilala ng sanlibutan. Naparito siya sa kanyang bayan ngunit hindi siya tinanggap ng kanyang mga kababayan. Ngunit ang lahat ng tumanggap at nanalig sa kanya ay pinagkalooban niya ng karapatang maging anak ng Diyos. Sila ngaโ€™y naging anak ng Diyos, hindi dahil sa isinilang sila ayon sa kalikasan, ni sa pita ng laman o sa kagagawan ng tao. Ang pagiging anak nila ay buhat sa Diyos.

Naging tao ang Salita at siyaโ€™y nanirahan sa piling natin. Nakita namin ang kanyang kapangyarihan at kadakilaan, puspos ng pag-ibig at katapatan. Tinanggap niya mula sa Ama ang kapangyarihan at kadakilaang ito bilang bugtong na Anak.

PANALANGIN NG BAYAN

Nagagalak ang ating mga puso ngayong Araw ng Pasko habang ginugunita natin ang Kapan-ganakan ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Hesukristo. Buong pananalig nating ipabatid sa Diyos Ama, na nagbigay sa atin ng Kanyang Bugtong na Anak, ang ating mga kahilingan:

Amang mapagmahal manatili ka sa aming piling!

Para sa Simbahang tahanan ng lahat ng mananampalataya: Nawaโ€™y magtamo siya ng kapayapaan at lumagong sagana ang kabanalan sa lahat ng kanyang mga kasapi. Manalangin tayo!

Para sa Santo Papa, ating Obispo, mga pari sa ating parokya, at sa lahat ng mga tumutulong sa kanila: Nawaโ€™y magdulot ang araw na ito ng kaligayahan sa kanilang mga puso at ng kinakailangang lakas sa paglilingkod sa Diyos. Manalangin tayo!

Para sa mga namumuno sa bayan at lahat ng may hawak ng kapalaran ng napakaraming tao: Nawaโ€™y patnubayan silang lagi ng kapayapaan, pagkakapatiran, at pakikipagkasundong dulot ng Pasko sa kanilang mga pagpapa- siya. Manalangin tayo!

Para sa mga maysakit, matatanda, walang trabaho o tahanan, at lahat ng tila napapabayaan ng lipunan: Nawaโ€™y malasap nila ang pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng pagkakaisa at kabukasang-palad ng lahat ng mananampalataya. Manalangin tayo!

Para sa ating mga mag-anak, lalo na ang may mahigpit ngayong pinagdaraanan: Nawaโ€™y makatulong ang diwa ng Pasko upang matuklasan nilang muli ang ugat ng kanilang pag-ibig at tulutan silang makaraos sa lahat nilang kahirapan. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng may malubha at permanenteng kapansanan: nawaโ€™y gaming sentro sila ng atenshon at kalinga ng lipunan at maitatag ang mga institusyong nakalaan sa kanilang kapakanan. Manalangin tayo!

Panginoong Diyos, bukal ng aming kagalakan at kaligtasan, Ikaw ang dahilan ng aming pag-asa. Magdulot nawa ang Paskong ito sa aming mga puso ng pang-matagalang galak at kapayapaan hanggang sa ipagdiwang namin ito sa langit. Isinasamo namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon na nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan. Amen!

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pagsasayang Ng Pera

 5,591 total views

 5,591 total views Pagwawaldas sa pera ng taong bayan.. dahil sa isang pagkakamali. Kapanalig, 73-milyong balota para sa May 2025 national at local elections ang nasayangโ€ฆnasayang ang pagod at oras. naimprenta naโ€ฆ mauuwi lamang sa basurahan. Ito ay matapos suspendihin ng Commission on Elections (COMELEC) ang pag-imprenta ng opisyal na balota para sa May 2025 mid-term

Read More ยป

Education Crisis

 13,078 total views

 13,078 total views Kapanalig, nasa krisis ang edukasyon sa ating bayan. Napakarami ang mga hamon na kailangang harapin sa sektor. Napakatagal ng isyu ito, ang patuloy na pagpapabaya sa problemang kinakaharap ng sektor ng edukasyon ay lalong nagpapahirap sa mga maralita. Ito ay nagpapakita ng ating pagkukulang sa lipunan. Bilang mga magulang.. pangarap at obligasyon mo

Read More ยป

Buena-mano ng SSS sa bagong taon

 18,403 total views

 18,403 total views Mga Kapanalig, kasabay ng pagsalubong sa bagong taon ang dagdag sa buwanang kontribusyon sa Social Security System (o SSS). Epektibo ito simula a-uno ng Enero. Alinsunod sa Republic Act No. 11199 o ang inamyendahang Social Security Act na ipinasa noong 2018, tataas ang kontribusyon ng mga miyembro ng SSS kada dalawang taon. Umakyat

Read More ยป

Pagbabalik ng pork barrel?

 24,211 total views

 24,211 total views Mga Kapanalig, inabangan bago matapos ang 2024 ang pagpirma ni Pangulong Bongbong Marcos Jr sa pambansang badyet para sa 2025.ย  Matapos daw ang โ€œexhaustive and rigorousโ€โ€”o kumpleto at masinsinโ€”na pagre-review sa panukalang badyet ng Kongreso, inaprubahan ng presidente ang badyet na nagkakahalaga ng 6.35 trilyong piso, kasabay ng paggunita ng bansa sa Rizal

Read More ยป

Mag-ingat sa fake news

 30,009 total views

 30,009 total views Mga Kapanalig, kung aktibo kayo sa social media, baka napadaan sa inyong news feed ang mga posts na nagbababalรข tungkol sa panibagong pagkalat ng sakit sa ibang bansa. Dumarami daw ang mga pasyenteng dinadala sa mga pagamutan at ospital dahil sa isang uri ng pneumonia. Tumaas din daw ang bilang ng mga kine-cremate,

Read More ยป

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Lunes, Enero 20, 2025

 34 total views

 34 total views Lunes ng Ika-2 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kayaย Paggunita kay San Fabian, papa at martir o kayaย Paggunita kay San Sebastian, martir Hebreo 5, 1-10 Salmo 109, 1. 2. 3. 4 Ikaโ€™y paring walang hanggan katulad ni Melquisedec. Marcos 2, 18-22 Monday of the Second Week in Ordinary Timeย (Green) orย Optional Memorial of St.

Read More ยป

Linggo, Enero 19, 2025

 140 total views

 140 total views Kapistahan ng Panginoong Hesus, Ang Banal na Sanggol (K) Isaias 9, 1-6 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4. 5-6 Kahit saaโ€™y namamalas tagumpay ng Nagliligtas. Efeso 1, 3-6. 15-18 Lucas 2, 41-52 Feast of the Sto. Niรฑo (Proper Feast in the Philippines) (White) Holy Childhood Day Week of Prayer for Christian Unity UNANG PAGBASA

Read More ยป

Sabado, Enero 18, 2025

 140 total views

 140 total views Sabado ng Unang Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Hebreo 4, 12-16 Salmo 18, 8. 9. 10. 15 Espiritung bumubuhay ang salita ng Maykapal. Marcos 2, 13-17 Saturday of the First Week in Ordinary Timeย (Green) orย Optional Memorial of the Blessed Virgin Mary on Saturdayย (White)

Read More ยป

Biyernes, Enero 17, 2025

 143 total views

 143 total views Paggunita kay San Antonio, abad Hebreo 4, 1-5. 11 Salmo 77, 3 at 4bk. 6k-7. 8 Hindi nila malilimot ang dakilang gawa ng Dโ€™yos. Marcos 2, 1-12 Memorial of St. Anthony, Abbotย (White) Mga Pagbasa mula sa Biyernes ng Unang Linggo sa Karaniwang Panahon (I) UNANG PAGBASA Hebreo 4, 1-5. 11 Pagbasa mula sa

Read More ยป

Huwebes, Enero 16, 2025

 141 total views

 141 total views Huwebes ng Unang Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Hebreo 3, 7-14 Salmo 94, 6-7. 8-9. 10-11 Panginooโ€™y inyong dinggin, huwag nโ€™yo sโ€™yang salungatin. Marcos 1, 40-45 Thursday of the First Week of Ordinary Timeย (Green) UNANG PAGBASA Hebreo 3, 7-14 Pagbasa mula sa sulat sa mga Hebreo Mga kapatid, gaya ng sabi ng Espiritu

Read More ยป

Miyerkules, Enero 15, 2025

 137 total views

 137 total views Miyerkules ng Unang Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kayaย Paggunita kay San Arnold Jannsen, pari Hebreo 2, 14-18 Salmo 104, 1-2. 3-4. 6-7. 8-9 Nasa isip ng Maykapal ang tipan niya kailanman. Marcos 1, 29-39 Wednesday of the First Week in Ordinary Timeย (Green) orย Optional Memorial of St. Arnold Janssen, Priestย (White) UNANG PAGBASA Hebreo

Read More ยป

Biyernes, Nobyembre 15, 2024

 15,082 total views

 15,082 total views Biyernes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 2 Juan, 4-9 Salmo 118, 1. 2. 10. 11. 17. 18 Mapalad ang sumusunod sa utos ng Poong Diyos. Lucas 17, 26-37 Friday of the Thirty-second Week in Ordinary Timeย (Green) UNANG PAGBASA 2 Juan, 4-9 Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Juan Hirang

Read More ยป

Huwebes, Nobyembre 14, 2024

 15,231 total views

 15,231 total views Huwebes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filemon 7-20 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Mapalad ang kinukupkop ng Poong Diyos ni Jacob. Lucas 17, 20-25 Thursday of the Thirty-second Week in Ordinary Timeย (Green) UNANG PAGBASA Filemon 7-20 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo kay Filemon Pinakamamahal ko, ang iyong pag-ibig

Read More ยป

Miyerkules, Nobyembre 13, 2024

 15,836 total views

 15,836 total views Miyerkules ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Tito 3, 1-7 Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6 Pastol koโ€™y Panginoong Dโ€™yos, hindi ako magdarahop. Lucas 17, 11-19 Memorial of Saint Martin of Tours, Bishopย (White) Saturday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (II) UNANG PAGBASA Tito 3, 1-7 Pagbasa mula sa sulat ni

Read More ยป

Martes, Nobyembre 12, 2024

 16,003 total views

 16,003 total views Paggunita kay San Josafat, obispo at martir Tito 2, 1-8. 11-14 Salmo 36, 3-4. 18 at 23. 27 at 29 Nasa Dโ€™yos ang kaligtasan ng mga matโ€™wid at banal. Lucas 17, 7-10 Memorial of St. Josaphat, Bishop and Martyrย (Red) Mga Pagbasa mula sa Martes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA

Read More ยป

Lunes, Nobyembre 11, 2024

 16,320 total views

 16,320 total views Paggunita kay San Martin ng Tours, obispo Tito 1, 1-9 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa iyo. Lucas 17, 1-6 Memorial of St. Martin of Tours, Bishopย (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Tito 1, 1-9 Ang simula ng

Read More ยป

Linggo, Nobyembre 10, 2024

 11,661 total views

 11,661 total views Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) 1 Hari 17, 10-16 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalulโ€™wa ko, โ€˜yong purihin ang Panginoong butihin. Hebreo 9, 24-28 Marcos 12, 38-44 o kayaย Marcos 12, 41-44 Thirty-second Sunday in Ordinary Timeย (Green) UNANG PAGBASA 1 Hari 17, 10-16 Pagbasa mula sa unang aklat ng mga Hari Noong mga

Read More ยป

Sabado, Nobyembre 9, 2024

 12,058 total views

 12,058 total views Kapistahan ng Pagtatalaga sa Palasyong Simbahan sa Laterano, Roma Ezekiel 47, 1-2. 8-9. 12 Salmo 45, 2-3. 5-6. 8-9. Sa bayan ng Dakilang Dโ€™yos batis nโ€™yaโ€™y may tuwang dulot. 1 Corinto 3, 9k-11. 16-17 Juan 2, 13-22 Feast of the Dedication of the Lateran Basilica in Romeย (White) UNANG PAGBASA Ezekiel 47, 1-2. 8-9.

Read More ยป

Biyernes, Nobyembre 8, 2024

 11,861 total views

 11,861 total views Biyernes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 3, 17 โ€“ 4, 1 Salmo 121, 1-2. 3-4a. 4b-5 Masaya tayong papasok sa tahanan ng Poong Dโ€™yos. Lucas 16, 1-8 Friday of the Thirty-first Week in Ordinary Timeย (Green) UNANG PAGBASA Filipos 3, 17 โ€“ 4, 1 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San

Read More ยป

Huwebes, Nobyembre 7, 2024

 12,011 total views

 12,011 total views Huwebes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 3, 3-8a Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7 Ang may pusong tapat sa Dโ€™yos ay may kagalakang lubos. Lucas 15, 1-10 Thursday of the Thirty-first Week in Ordinary Timeย (Green) UNANG PAGBASA Filipos 3, 3-8a Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos

Read More ยป
Scroll to Top