Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

LUNES, HULYO 24, 2023

SHARE THE TRUTH

 3,543 total views

Lunes ng Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

o kaya Paggunita kay San Sharbel Makhluf, pari

Exodo 14, 5-18
Exodo 15, 1-2. 3-4. 5-6.

Poon ay ating awitan
sa kinamtan n’yang tagumpay.

Mateo 12, 38-42

Monday of the Sixteenth Week in Ordinary Time (Green)
or Optional Memorial of st. Sharbel Makhluf, Priest (White)

UNANG PAGBASA
Exodo 14, 5-18

Pagbasa mula sa aklat ng Exodo

Noong mga araw na iyon, nang makarating sa Faraon ang balita tungkol sa pag-alis ng mga Israelita, nagbago siya ng isip, pati ang kanyang mga tauhan. Sinabi nila, “Bakit natin pinayagang umalis ang mga Israelita? Di wala nang maglilingkod sa atin!” Ipinahanda ng Faraon ang kanyang mga karwaheng pandigma at kanyang mga kawal. Ang dala niya’y animnaraang piling karwaheng pandigma, kasama ang lahat ng karwahe sa buong Egipto; bawat isa’y may sakay na punong kawal. Ang Faraon ay pinagmatigas ng Panginoon at hinabol niya ang mga Israelita na noo’y naglalakbay na sa pamamatnubay niya. Hinabol nga ng mga Egipcio, ng mga kawal ng Faraon, sakay ng kanilang karwahe. Inabot nila ang mga Israelita, sa tabing dagat, malapit sa Pi-hahirot sa tapat ng Baal-zefon.

Pinagharian ng matinding takot ang mga Israelita nang makita nilang dumarating ang Faraon at ang mga Egipcio. Kaya, dumaing sila sa Panginoon. Sinabi nila kay Moises, “Wala na bang mapaglilibingan sa amin sa Egipto kaya mo kami dinala sa ilang para dito mamatay? Inialis mo kami sa Egipto, tingnan mo ang nangyari! Hindi ba’t bago tayo umalis ay sinabi na namin sa iyo na ganito ang aming sasapitin? Sinabi na namin sa iyo na huwag kaming pakialaman, at pabayaan na kaming manatiling alipin ng mga Egipcio sapagkat ibig pa namin ang manatiling alipin kaysa mamatay dito sa ilang.”

Sumagot si Moises, “Lakasan ninyo ang inyong loob; huwag kayong matakot. Tingnan na lang ninyo kung paano kayo ililigtas ng Panginoon. Hindi na ninyo makikita uli ang mga Egipciong iyan. Ipagtatanggol kayo ng Panginoon, wala kayong gagawing anuman.”

Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Bakit mo ako tinatawag? Palakarin mo ang mga Israelita. Itapat mo sa ibabaw ng dagat ang iyong tungkod; mahahati ang tubig at matutuyo ang lalakaran ninyo. Lalo kong pagmamatigasin ang mga Egipcio at pasusundan ko kayo sa kanila, ngunit doon ko sila lilipulin: ang mga Egipcio, ang mga kawal ng Faraon, pati ang kanilang mga karwahe. Ipakikita ko sa kanila ang aking kapangyarihan. Sa gayon, malalaman ng mga Egipciong iyan na ako ang Panginoon.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Exodo 15, 1-2. 3-4. 5-6.

Poon ay ating awitan
sa kinamtan n’yang tagumpay.

Ang Panginoo’y atin ngayong awitan
sa kanyang kinamtang Dakilang tagumpay;
ang mga kabayo’t kawal ng kaaway
sa pusod ng dagat, lahat natabunan.
Ako’y pinalakas niya’t pinatatag,
siya ang sa aki’y nagkupkop, nag-ingat,
Diyos ng magulang ko, aking manliligtas.

Poon ay ating awitan
sa kinamtan n’yang tagumpay.

Siya’y mandirigma na walang kapantay,
Panginoo’y kanyang pangalan.
Nang ang mga kawal ng Faraon
sa Dagat ng mga Tambo ay mangagsilusong,
ang lahat ng ito ay kanyang nilunod
pati na sasakya’y kanyang pinalubog.

Poon ay ating awitan
sa kinamtan n’yang tagumpay.

Sila’y natabunan ng alon sa dagat,
tulad nila’y batong lumubog kaagad.
Ang mga bisig mo ay walang katulad,
wala ngang katulad, walang kasinlakas,
sa isang hampas mo, kaaway nangalat,
nangadurog mandin sa ‘yong mga palad.

Poon ay ating awitan
sa kinamtan n’yang tagumpay.

ALELUYA
Salmo 94, 8ab

Aleluya! Aleluya!
Dinggin ninyong lahat ngayon
ang tinig ng Panginoon
sa loob na mahinahon.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 12, 38-42

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ng ilang eskriba at Pariseo kay Hesus, “Guro, maaari po bang pagpakitaan ninyo kami ng tanda mula sa langit?” Sumagot si Hesus, “Lahing masama at di-tapat sa Diyos! Naghahanap kayo ng tanda ngunit walang ipakikita sa inyo maliban sa palatandaaang inilalarawan ng nangyari kay Propeta Jonas. Kung paanong si Jonas ay tatlong araw at tatlong gabing nasa tiyan ng dambuhalang isda, gayun din ang Anak ng Tao ay tatlong araw at tatlong gabing sasailalim ng lupa. Sa Araw ng Paghuhukom, titindig ang mga taga-Ninive laban sa lahing ito at ito’y hahatulan ng kaparusahan, sapagkat nagsisi sila dahil sa pangangaral ni Jonas; ngunit higit na di-hamak kay Jonas ang naririto! Sa araw na yaon, titindig ang Reyna ng Timog laban sa lahing ito at ito’y hahatulan ng kaparusahan, sapagkat nanggaling siya sa dulo ng daigdig upang pakinggan ang karunungan ni Solomon; ngunit higit na di-hamak kay solomon ang naririto!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Lunes

Natuklasan ni Jonas na walang makatatakas sa Panginoon. Idalangin natin sa Diyos Ama na bigyan tayo ng biyayang makapagbagumbuhay at matatag na manalig kay Kristo na tumatawag sa atin sa pagbabalik-loob.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Diyos ng mga propeta, bigyan Mo kami ng kapangyarihan.

Ang Simbahan nawa’y ipahayag nang walang kapaguran ang mensahe ng Diyos ng pagbabalik-loob sa mga naghahanap sa Panginoon nang may malinis na puso, manalangin tayo sa Panginoon.

Tulad ng mga mamamayan ng Nineve, nawa’y ating itakwil ang masamang pag-uugali at humarap tayo sa Diyos nang may mababang kalooban at nagsisising espiritu, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pamilya at mga komunidad nawa’y maghangad ng kapayapaan, pagkakaisa, at pagkakasundo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y makatagpo ng kasiguruhan at pag-ibig mula sa mga nag-aaruga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y makatagpo ng walang hanggang kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama ng lahat, ibinigay mo sa amin ang tanda ni Jonas upang masalamin ang pagdating ng iyong Anak. Pinakaaasam mo mula pa noong una ang kanyang Muling Pagkabuhay. Isama mo kami sa kanya magpakailanman. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pagsasayang Ng Pera

 6,033 total views

 6,033 total views Pagwawaldas sa pera ng taong bayan.. dahil sa isang pagkakamali. Kapanalig, 73-milyong balota para sa May 2025 national at local elections ang nasayang…nasayang ang pagod at oras. naimprenta na… mauuwi lamang sa basurahan. Ito ay matapos suspendihin ng Commission on Elections (COMELEC) ang pag-imprenta ng opisyal na balota para sa May 2025 mid-term

Read More »

Education Crisis

 13,520 total views

 13,520 total views Kapanalig, nasa krisis ang edukasyon sa ating bayan. Napakarami ang mga hamon na kailangang harapin sa sektor. Napakatagal ng isyu ito, ang patuloy na pagpapabaya sa problemang kinakaharap ng sektor ng edukasyon ay lalong nagpapahirap sa mga maralita. Ito ay nagpapakita ng ating pagkukulang sa lipunan. Bilang mga magulang.. pangarap at obligasyon mo

Read More »

Buena-mano ng SSS sa bagong taon

 18,845 total views

 18,845 total views Mga Kapanalig, kasabay ng pagsalubong sa bagong taon ang dagdag sa buwanang kontribusyon sa Social Security System (o SSS). Epektibo ito simula a-uno ng Enero. Alinsunod sa Republic Act No. 11199 o ang inamyendahang Social Security Act na ipinasa noong 2018, tataas ang kontribusyon ng mga miyembro ng SSS kada dalawang taon. Umakyat

Read More »

Pagbabalik ng pork barrel?

 24,653 total views

 24,653 total views Mga Kapanalig, inabangan bago matapos ang 2024 ang pagpirma ni Pangulong Bongbong Marcos Jr sa pambansang badyet para sa 2025.  Matapos daw ang “exhaustive and rigorous”—o kumpleto at masinsin—na pagre-review sa panukalang badyet ng Kongreso, inaprubahan ng presidente ang badyet na nagkakahalaga ng 6.35 trilyong piso, kasabay ng paggunita ng bansa sa Rizal

Read More »

Mag-ingat sa fake news

 30,451 total views

 30,451 total views Mga Kapanalig, kung aktibo kayo sa social media, baka napadaan sa inyong news feed ang mga posts na nagbababalâ tungkol sa panibagong pagkalat ng sakit sa ibang bansa. Dumarami daw ang mga pasyenteng dinadala sa mga pagamutan at ospital dahil sa isang uri ng pneumonia. Tumaas din daw ang bilang ng mga kine-cremate,

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Lunes, Enero 20, 2025

 57 total views

 57 total views Lunes ng Ika-2 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Fabian, papa at martir o kaya Paggunita kay San Sebastian, martir Hebreo 5, 1-10 Salmo 109, 1. 2. 3. 4 Ika’y paring walang hanggan katulad ni Melquisedec. Marcos 2, 18-22 Monday of the Second Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St.

Read More »

Linggo, Enero 19, 2025

 163 total views

 163 total views Kapistahan ng Panginoong Hesus, Ang Banal na Sanggol (K) Isaias 9, 1-6 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4. 5-6 Kahit saa’y namamalas tagumpay ng Nagliligtas. Efeso 1, 3-6. 15-18 Lucas 2, 41-52 Feast of the Sto. Niño (Proper Feast in the Philippines) (White) Holy Childhood Day Week of Prayer for Christian Unity UNANG PAGBASA

Read More »

Sabado, Enero 18, 2025

 163 total views

 163 total views Sabado ng Unang Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Hebreo 4, 12-16 Salmo 18, 8. 9. 10. 15 Espiritung bumubuhay ang salita ng Maykapal. Marcos 2, 13-17 Saturday of the First Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of the Blessed Virgin Mary on Saturday (White)

Read More »

Biyernes, Enero 17, 2025

 166 total views

 166 total views Paggunita kay San Antonio, abad Hebreo 4, 1-5. 11 Salmo 77, 3 at 4bk. 6k-7. 8 Hindi nila malilimot ang dakilang gawa ng D’yos. Marcos 2, 1-12 Memorial of St. Anthony, Abbot (White) Mga Pagbasa mula sa Biyernes ng Unang Linggo sa Karaniwang Panahon (I) UNANG PAGBASA Hebreo 4, 1-5. 11 Pagbasa mula sa

Read More »

Huwebes, Enero 16, 2025

 164 total views

 164 total views Huwebes ng Unang Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Hebreo 3, 7-14 Salmo 94, 6-7. 8-9. 10-11 Panginoo’y inyong dinggin, huwag n’yo s’yang salungatin. Marcos 1, 40-45 Thursday of the First Week of Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Hebreo 3, 7-14 Pagbasa mula sa sulat sa mga Hebreo Mga kapatid, gaya ng sabi ng Espiritu

Read More »

Miyerkules, Enero 15, 2025

 157 total views

 157 total views Miyerkules ng Unang Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Arnold Jannsen, pari Hebreo 2, 14-18 Salmo 104, 1-2. 3-4. 6-7. 8-9 Nasa isip ng Maykapal ang tipan niya kailanman. Marcos 1, 29-39 Wednesday of the First Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St. Arnold Janssen, Priest (White) UNANG PAGBASA Hebreo

Read More »

Biyernes, Nobyembre 15, 2024

 15,102 total views

 15,102 total views Biyernes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 2 Juan, 4-9 Salmo 118, 1. 2. 10. 11. 17. 18 Mapalad ang sumusunod sa utos ng Poong Diyos. Lucas 17, 26-37 Friday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 2 Juan, 4-9 Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Juan Hirang

Read More »

Huwebes, Nobyembre 14, 2024

 15,251 total views

 15,251 total views Huwebes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filemon 7-20 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Mapalad ang kinukupkop ng Poong Diyos ni Jacob. Lucas 17, 20-25 Thursday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filemon 7-20 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo kay Filemon Pinakamamahal ko, ang iyong pag-ibig

Read More »

Miyerkules, Nobyembre 13, 2024

 15,856 total views

 15,856 total views Miyerkules ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Tito 3, 1-7 Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6 Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop. Lucas 17, 11-19 Memorial of Saint Martin of Tours, Bishop (White) Saturday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (II) UNANG PAGBASA Tito 3, 1-7 Pagbasa mula sa sulat ni

Read More »

Martes, Nobyembre 12, 2024

 16,023 total views

 16,023 total views Paggunita kay San Josafat, obispo at martir Tito 2, 1-8. 11-14 Salmo 36, 3-4. 18 at 23. 27 at 29 Nasa D’yos ang kaligtasan ng mga mat’wid at banal. Lucas 17, 7-10 Memorial of St. Josaphat, Bishop and Martyr (Red) Mga Pagbasa mula sa Martes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA

Read More »

Lunes, Nobyembre 11, 2024

 16,340 total views

 16,340 total views Paggunita kay San Martin ng Tours, obispo Tito 1, 1-9 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa iyo. Lucas 17, 1-6 Memorial of St. Martin of Tours, Bishop (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Tito 1, 1-9 Ang simula ng

Read More »

Linggo, Nobyembre 10, 2024

 11,681 total views

 11,681 total views Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) 1 Hari 17, 10-16 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin. Hebreo 9, 24-28 Marcos 12, 38-44 o kaya Marcos 12, 41-44 Thirty-second Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Hari 17, 10-16 Pagbasa mula sa unang aklat ng mga Hari Noong mga

Read More »

Sabado, Nobyembre 9, 2024

 12,078 total views

 12,078 total views Kapistahan ng Pagtatalaga sa Palasyong Simbahan sa Laterano, Roma Ezekiel 47, 1-2. 8-9. 12 Salmo 45, 2-3. 5-6. 8-9. Sa bayan ng Dakilang D’yos batis n’ya’y may tuwang dulot. 1 Corinto 3, 9k-11. 16-17 Juan 2, 13-22 Feast of the Dedication of the Lateran Basilica in Rome (White) UNANG PAGBASA Ezekiel 47, 1-2. 8-9.

Read More »

Biyernes, Nobyembre 8, 2024

 11,881 total views

 11,881 total views Biyernes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 3, 17 – 4, 1 Salmo 121, 1-2. 3-4a. 4b-5 Masaya tayong papasok sa tahanan ng Poong D’yos. Lucas 16, 1-8 Friday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filipos 3, 17 – 4, 1 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San

Read More »

Huwebes, Nobyembre 7, 2024

 12,031 total views

 12,031 total views Huwebes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 3, 3-8a Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7 Ang may pusong tapat sa D’yos ay may kagalakang lubos. Lucas 15, 1-10 Thursday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filipos 3, 3-8a Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos

Read More »
Scroll to Top