3,247 total views
Kapistahan ni Apostol Santiago
2 Corinto 4, 7-15
Salmo 125, 1-2ab, 2kd-3. 4-5. 6
Ang nagtanim na
may luha ay aaning natutuwa.
Mateo 20, 20-28
Kapistahan ni Apostol Santiago
2 Corinto 4, 7-15
Salmo 125, 1-2ab, 2kd-3. 4-5. 6
Ang nagtanim na
may luha ay aaning natutuwa.
Mateo 20, 20-28
Feast of Saint James, Apostle (Red)
UNANG PABGASA
2 Corinto 4, 7-15
Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto
Mga kapatid, kaming pinagkalooban ng kayamanang espirituwal na ito ay hamak — kung baga sa sisidlan ay palayok lamang — upang ipakilalang ang di malirip na kapangyarihan ay sa Diyos, at hindi amin. Ginigipit kami sa kabi-kabila ngunit di nagagapi. Kung minsa’y nag-aalinlangan kami ngunit di nawawalan ng pag-asa. Pinag-uusig kami ngunit di nawawalan ng kaibigan; naibubuwal ngunit di tuluyang nailulugmok. Lagi kong taglay sa aking katawan ang kamatayan ni Hesus upang sa pamamagitan ng katawan ko’y mahayag ang kanyang buhay. Kami’y laging nabibingit sa kamatayan alang-alang kay Kristo upang sa aming katawang may kamatayan ay mahayag ang kanyang buhay. Anupat habang ako’y dahan-dahang namamatay, nagkakaroon naman kayo ng buhay na walang hanggan.
Sinasabi sa Kasulatan, “Nagsasalita ako sapagkat ako’y sumasampalataya.” Bunga ng gayong diwa ng pananampalataya, nagsasalita rin ako sapagkat ako ma’y sumasampalataya. Sapagkat nalalaman kong ang Diyos na muling bumuhay sa Panginoong Hesus ang siya ring bubuhay sa akin kasama niya, at magdadala sa inyo at sa akin sa kanyang piling. Ang lahat ng pagtitiis ko ay sa kapakanan ninyo upang sa pagdami ng mga nakatatanggap ng mga kaloob ng Diyos, lalo namang dumami ang magpapasalamat at magpupuri sa kanya.
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 125, 1-2ab, 2kd-3. 4-5. 6
Ang nagtanim na may luha
ay aaning natutuwa.
Nang lingapin tayo ng Diyos at sa Sion ay ibalik
ang nangyaring kasaysaya’y parang isang panaginip.
Lahat tayo ay natuwa, masasayang nagsiawit.
Ang nagtanim na may luha
ay aaning natutuwa.
Ang sabi ng mga bansang nagmamasid sa paligid,
“Ang ginawa ng Diyos nila ay dakila, anong rikit!”
Dakila ngang masasabi, pambihira ang ginawa,
kaya naman kami ngayon, kagalaka’y di kawasa!
Ang nagtanim na may luha
ay aaning natutuwa.
Kung paanong inuulan yaong mga tuyong batis,
sa sariling bayan namin, kami, Poon, ay ibalik.
Silang mga nagbubukid na nagtanim na may luha,
bayaan mo na mag-aning masasaya’t natutuwa.
Ang nagtanim na may luha
ay aaning natutuwa.
Yaong mga nagsihayong dala’y binhi’t nananangis,
ay aawit na may galak, dala’y ani pagbalik!
Ang nagtanim na may luha
ay aaning natutuwa.
ALELUYA
Juan 15, 16
Aleluya! Aleluya!
Hinirang tayo ni Kristo
upang mamungang totoo
bilang mabubuting tao.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Mateo 20, 20-28
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
Noong panahong iyon, lumapit kay Hesus ang asawa ni Zebedeo, kasama ang kanyang mga anak. May ibig siyang hilingin, kaya’t lumuhod siya sa harapan ni Hesus. “Ano ang ibig mo?” Tanong ni Hesus. Sumagot siya, “Sana’y ipagkaloob ninyo sa dalawa kong anak na ito ang karapatan na makaupong katabi ninyo sa inyong kaharian — isa sa kanan at isa sa kaliwa.” “Hindi ninyo nalalaman ang inyong hinihingi,” sabi ni Hesus sa kanila. “Mababata ba ninyo ang hirap na babatahin ko?” “Opo,” tugon nila. Sinabi ni Hesus, “Ang hirap na babatahin ko’y batatahin nga ninyo. Ngunit wala sa akin ang pagpapasiya kung sino ang mauupo sa aking kanan at sa aking kaliwa. Ang mga luklukang sinasabi ninyo’y para sa mga pinaghandaan ng aking Ama.”
Nang marinig ito ng sampung alagad, nagalit sila sa magkapatid. Kaya’t pinalapit sila ni Hesus at sinabi sa kanila, “Alam ninyo na ang pinuno ng mga Hentil ay naghahari sa kanila, at ang mga dinadakila ang siyang nasusunod. Ngunit hindi ganyan ang dapat umiral sa inyo. Sa halip, ang sinuman sa inyo na ibig maging dakila ay dapat maging lingkod. At sinumang ibig maging pinuno ay dapat maging alipin ninyo, tulad ng Anak ng Tao na naparito, hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod at ialay ang kanyang buhay upang matubos ang marami.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
PANALANGIN NG BAYAN
Hulyo 25
San Tiago, Apostol
Si San Tiago, kapatid ni Juan, ay tinawag mula sa pagsusursi ng kanyang lambat upang sumunod kay Kristo. Sa tulong ng Apostol na natutong maglingkod sa iba, manalangin tayo.
Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, basbasan Mo ang Iyong bayang itinatag sa mga Apostol.
Ang mga lingkod ng Simbahan nawa’y gampanan ang kanilang tungkulin sa diwa ng paglilingkod at paglalaan ng sarili, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga naglilingkod sa bayan nawa’y makatupad sa kanilang tungkulin nang may katapatan at pag-aalay, manalangin tayo sa Panginoon.
Magkaroon nawa ng maraming kabataang bukas-loob na tutugon sa tawag para sa pagpapari at buhay-relihiyoso, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga maysakit nawa’y matutong makibahagi sa kalis ng paghihirap ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga yumao nawa’y tanggapin sa kagalakan ng Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.
Diyos na aming Ama, tulungan nawa kami ng mga panalan`gin ni San Tiago sa paglalapit namin sa iyo ng aming mga kahilingan. Nawa ang paglalakbay naming ito sa buhay ay mamukod sa paglilingkod sa iba. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.