VeritasPH

The Word, The Truth

LUNES, NOBYEMBRE 14, 2022

SHARE THE TRUTH

 324 total views

Lunes ng Ika-33 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Pahayag 1, 1-4; 2, 1-5a
Salmo 1, 1-2. 3. 4. at 6

Kakain ang magwawagi
sa puno ng buhay lagi.

Lucas 18, 35-43

Monday of the Thirty-third Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Pahayag 1, 1-4; 2, 1-5a

Ang simula ng aklat ng Pahayag

Ito ang paghahayag ng Diyos kay Hesukristo, at kanya namang inihayag kay Juan na alipin niya, sa pamamagitan ng anghel. Ang layon ng paghahayag na ito’y ipabatid sa mga alipin ng Diyos ang mga bagay na malapit nang maganap. Ito ang patotoo ni Juan sa mga nakita niya – tungkol sa inihayag ng Diyos at pinatunayan ni Hesukristo. Mapalad ang bumabasa ng aklat na ito, ang mga nakikinig sa hulang inihahayag nito, at tumutupad sa nasusulat dito! Sapagkat ang lahat ng ito’y malapit nang maganap.

Buhat kay Juan –
Sa pitong simbahan sa Asia:
Sumainyo ang pagpapala at kapayapaan mula sa Diyos – Diyos sa kasalukuyan, sa nakaraan, at siyang darating – at mula sa pitong espiritung nasa harap ng kanyang trono.

Narinig ko ang Panginoon at sinabi niya sa akin, “Isulat mo sa anghel ng simbahan sa Efeso:

“Ito ang ipinasasabi ng may hawak ng pitong bituin sa kanyang kanang kamay, ang lumalakad sa gitna ng pitong ilawang ginto, ang iyong mga pagpapagal at pagtitiyaga. Alam kong namumuhi ka sa masasama. Sinubok mo ang mga nagpanggap na apostol, at napatunayan mong sila’y bulaan. Alam ko ring matiyaga ka, nagtiis ng maraming hirap alang-alang sa akin, at hindi nanlupaypay. Ngunit ito ang ipinagdaramdam ko sa iyo: nanlalamig ka sa akin – hindi mo na ako mahal tulad ng dati. Alalahanin mo ang dati mong kalagayan, pagsisihan mo at talikdan ang iyong masasamang gawa, at gawin mong muli ang mga ginawa mo noong una.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 1, 1-2. 3. 4. at 6

Kakain ang magwawagi
sa puno ng buhay lagi.

Mapalad ang taong hindi naaakit niyong masasama,
upang sundan niya ang kanilang payo’t maling halimbawa;
hindi sumasama sa sinumang taong ang laging adhika’y
pagtawanan lamang at hamak-hamakin ang Diyos ng dakila.
Nagagalak siyang laging magsaliksik ng banal na aral,
ang utos ng Poon siyang binubulay sa gabi at araw.

Kakain ang magwawagi
sa puno ng buhay lagi.

Ang katulad niya’y isang punongkahoy sa tabing batisan,
sariwa ang daho’t laging namumunga sa kapanahunan,
at anumang gawin ay nakatitiyak na magtatagumpay.

Kakain ang magwawagi
sa puno ng buhay lagi.

Ngunit ibang-iba ang masamang tao; ipa ang kawangis,
siya’y natatangay at naipapadpad kung hangi’y umihip.
Sa taong matuwid ay Panginoon ang s’yang mag-iingat,
ngunit kailanman ang mga masama ay mapapahamak.

Kakain ang magwawagi
sa puno ng buhay lagi.

ALELUYA
Juan 8, 12

Aleluya! Aleluya!
Sinabi ni Hesukristo:
“Ako ang ilaw ng mundo
at buhay ng alagad ko.”
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 18, 35-43

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Malapit na si Hesus sa Jerico, at doo’y may isang lalaking bulag na nakaupo sa tabi ng daan at nagpapalimos. Nang marinig nitong nagdaraan ang maraming tao, itinanong niya kung ano ang nangyayari. “Nagdaraan si Hesus na taga Nazaret,” sabi nila. At siya’y sumigaw, “Hesus, Anak ni David! Mahabag po kayo sa akin!” Sinaway siya ng mga nasa unahan, ngunit lalo pa niyang nilakasan ang sigaw: “Anak ni David, mahabag po kayo sa akin!” Kaya’t tumigil si Hesus, at iniutos na dalhin sa kanya ang bulag. Inilapit nga ito at tinanong ni Hesus, “Ano ang ibig mong gawin ko sa iyo?” “Panginoon, ibig ko po sana’y manumbalik ang aking paningin,” sagot niya. At sinabi ni Hesus, “Mangyari ang ibig mo! Pinagaling ka dahil sa iyong pananalig.” Noon din, nakakita siya at sumunod kay Hesus, at nagpasalamat sa Diyos. Nang makita ito ng mga tao, silang lahat ay nagpuri sa Diyos.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-33 Linggo sa Karaniwang Panahon
Lunes

Hilingin natin sa Diyos Ama na buksan ang ating mga mata upang malinaw nating makita ang kanyang daan at sundan siya nang buong puso.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, sinagan mo kami ng iyong liwanag.

Ang mga pinuno ng Simbahan, sa pamamagitan ng kanilang huwarang pamumuhay, nawa’y maipakita sa atin ang daan patungo sa Kaharian ng Diyos Amang nasa Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa pamamagitan ng ating paggawa ng kabutihan, nawa’y palagi nating bigyan-pansin ang mga hinatulan, tinanggihan, at hindi minamahal sa ating lipunan, manalangin tayo sa Panginoon.

Katulad ng bulag ng Jerico tayo nawa’y magkaroon ng matatag na pananalig sa nakapagpapagaling na presensya ni Jesus at sundan siya sa daan ng buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at mga nagdurusa sa kalabuan ng paningin o pagiging bulag nawa’y makatagpo ng kagalingan at kasiyahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y tumanggap ng walang hanggang kapayapaan at liwanag sa kaluwalhatian ng Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, punuin mo kami ng iyong pagmamahal at pawiin mo ang kadiliman sa aming buhay upang mabuhay kami sa liwanag ni Kristo, ang iyong Anak na nabubuhay at naghahari kasama mo ngayon at magpakailanman. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

BPO industry

 12,631 total views

 12,631 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 20,676 total views

 20,676 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 25,756 total views

 25,756 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 31,463 total views

 31,463 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 40,251 total views

 40,251 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »

Watch Live

DONATE NOW
Shadow

Related Story

MARTES, HULYO 16, 2024

 429 total views

 429 total views Paggunita sa Mahal na Birheng Maria ng Bundok del Carmen Zacarias 2, 14-17 Lucas 1, 46-47. 48-49. 50-51. 52-53. 54-55 D’yos ay Makapangyarihan, Banal ang kanyang pangalan. o kaya Mahal na Birheng Maria, Ina ng Anak ng Ama. Mateo 12, 46-50 Memorial of Our Lady of Mount Carmel (White) UNANG PAGBASA Zacarias 2, 14-17

Read More »

LUNES, HULYO 15, 2024

 1,135 total views

 1,135 total views Paggunita kay San Buenaventura, obispo at pantas ng Simbahan Isaias 1, 10-17 Salmo 49, 8-9. 16bk-17, 21 at 23 Ang masunurin sa Diyos ay sasagipin n’yang lubos. Mateo 10, 34 – 11, 1 Memorial of St. Bonaventure, Bishop and Doctor of the Church (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang

Read More »

LINGGO, HULYO 14, 2024

 1,401 total views

 1,401 total views Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Amos 7, 12-15 Salmo 84, 9ab-10. 11-12. 13-14 Pag-ibig mo’y ipakita, iligtas kami sa dusa. Efeso 1, 3-14 Marcos 6, 7-13 Fifteenth Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Amos 7, 12-15 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Amos Noong mga araw na iyon, hinarap ni Amasias, ang

Read More »

SABADO, HULYO 13, 2024

 1,719 total views

 1,719 total views Sabado ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Enrico o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Isaias 6, 1-8 Salmo 92, 1ab. 1k-2. 5 Panginoo’y naghari na! Ang damit n’ya’y maharlika. Mateo 10, 24-33 Saturday of the Fourteenth Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St.

Read More »

BIYERNES, HULYO 12, 2024

 2,182 total views

 2,182 total views Biyernes ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Oseas 14, 2-10 Salmo 50, 3-4. 8-9. 12-13. 14 at 17 Pupurihin ko kailanman ang dakila mong pangalan. Mateo 10, 16-23 Friday of the Fourteenth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Oseas 14, 2-10 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Oseas Ito ang sinasabi

Read More »

HUWEBES, HULYO 11, 2024

 2,563 total views

 2,563 total views Paggunita kay San Benito, abad Oseas 11, 1-4. 8k-9 Salmo 79, 2ak at 3b. 15-16 Poon kami’y ‘yong iligtas at tanglawan ng ‘yong sinag. Mateo 10, 7-15 Memorial of St. Benedict, Abbot (White) Mga Pagbasa mula sa Huwebes ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Oseas 11, 1-4. 8k-9 Pagbasa mula

Read More »

MIYERKULES, HULYO 10, 2024

 2,293 total views

 2,293 total views Miyerkules ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Oseas 10, 1-3. 7-8. 12 Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7 Hanapin ang Poon lagi, sa harap n’ya manatili. Mateo 10, 1-7 Wednesday of the Fourteenth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Oseas 10, 1-3. 7-8. 12 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Oseas Ang

Read More »

MARTES, HULYO 9, 2024

 2,665 total views

 2,665 total views Martes ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Agustin Zhao Rong, pari at martir, at mga Kasama, mga martir Oseas 8, 4-7. 11-13 Salmo 113 B, 3-4. 5-6. 7ab-8. 9-10 Israel na bayan ng D’yos, papurihan mo s’yang lubos. Mateo 9, 32-38 Tuesday of the Fourteenth Week in

Read More »

LUNES, HULYO 8, 2024

 3,228 total views

 3,228 total views Lunes ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Oseas 2, 16. 17b-18, 21-22 Salmo 144, 2-3. 4-5. 6-7. 8-9 Pag-ibig ng D’yos ay ganap, sa tanan s’ya’y nahahabag. Mateo 9, 18-26 Monday of the Fourteenth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Oseas 2, 16. 17b-18, 21-22 Pagbasa mula sa aklat ni propeta

Read More »

SABADO, HULYO 6, 2024

 3,428 total views

 3,428 total views Sabado ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Santa Maria Goretti, dalaga at martir o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Amos 9, 11-15 Salmo 84, 9. 11-12. 13-14 Ang Poo’y nagsasalita na bayan n’ya’y papayapa. Mateo 9, 14-17 Saturday of the Thirteenth Week in Ordinary Time (Green) or Optional

Read More »

BIYERNES, HULYO 5, 2024

 3,409 total views

 3,409 total views Biyernes ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Antonio Maria Zacarria, pari Amos 8, 4-6. 9-12 Salmo 118, 2. 10. 20. 30. 40. 131 Ang tao ay nabubuhay sa Salita ng Maykapal. Mateo 9, 9-13 Friday of the Thirteenth Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St. Anthony Zaccaria,

Read More »

HUWEBES, HULYO 4, 2024

 3,629 total views

 3,629 total views Huwebes ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Santa Isabel na taga-Portugal Amos 7, 10-17 Salmo 18, 8. 9. 10. 11 Matuwid ang kahatulan ng Panginoon ng tanan. Mateo 9, 1-8 Thursday of the Thirteenth Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St. Elizabeth of Portugal, Married Woman, Queen (White) UNANG

Read More »

MIYERKULES, HULYO 3, 2024

 3,430 total views

 3,430 total views Kapistahan ni Apostol Santo Tomas Efeso 2, 19-22 Salmo 116, 1. 2 Humayo’t dalhin sa tanan Mabuting Balitang aral. Juan 20, 24-29 Feast of St. Thomas, Apostle (Red) UNANG PAGBASA Efeso 2, 19-22 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso Mga kapatid, hindi na kayo dayuhan o taga-ibang bansa, kundi

Read More »

MARTES, HULYO 2, 2024

 3,002 total views

 3,002 total views Martes ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Amos 3, 1-8; 4, 11-12 Salmo 5, 5-6. 7. 8 Poon, ako’y pangunahan nang landas mo’y aking sundan. Mateo 8, 23-27 Tuesday of the Thirteenth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Amos 3, 1-8; 4, 11-12 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Amos Pakinggan ninyo,

Read More »

LUNES, HULYO 1, 2024

 2,879 total views

 2,879 total views Lunes ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Amos 2, 6-10. 13-16 Salmo 49, 16bk-17. 18-19. 20-21. 22-23 Tinig ng D’yos dapat dinggin kahit ng ayaw pumansin. Mateo 8, 18-22 Monday of the Thirteenth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Amos 2, 6-10. 13-16 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Amos Ito ang

Read More »
Scroll to Top