Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Lunes, Pebrero 3, 2025

SHARE THE TRUTH

 3,548 total views

Lunes ng Ika-4 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

o kaya Paggunita kay San Blas, obispo at martir
o kaya Paggunita kay San Anscar (Oscar), martir

Hebreo 11, 32-40
Salmo 30, 20. 21. 22. 23. 24

Magpakatatag ang tanang
may tiwala sa Maykapal.

Marcos 5, 1-20

Monday of the Fourth Week in Ordinary Time (Green)

or Optional Memorial of St. Blaise, Bishop and Martyr (Red)
or Optional Memorial of St. Ansgar, Bishop (White)

UNANG PAGBASA
Hebreo 11, 32-40

Pagbasa mula sa sulat sa Mga Hebreo

Mga kapatid, magpapatuloy pa ba ako? Kulang ang panahon para isalaysay ko ang tungkol kina Gideon, Barac, Samson, Jefte, David, Samuel, at sa mga propeta. Dahil sa pananalig nila sa Diyos, nakalupig sila ng mga kaharian, gumawa ng matuwid, at nagkamit ng mga ipinangako ng Diyos. Nagpatikom sila ng bunganga ng mga leon, pumatay ng nagngangalit na apoy, at naligtas sa tabak. Sila’y mahihina ngunit binigyan ng lakas upang maging magiting sa digmaan, anupa’t napaurong ang hukbo ng dayuhan. Dahil sa pananalig sa Diyos, ibinalik sa mga babae ang kanilang mga patay matapos buhaying muli.

May mga tumangging palayain, sapagkat pinili nila ang mamatay sa pahirap upang muling buhayin at magtamo ng mas mabuting buhay. Mayroon namang nilibak at hinagupit, at mayroon ding nabilanggong gapos ng tanikala. Sila’y pinagbabato, nilagari nang pahati, pinatay sa tabak. Mga balat ng tupa at kambing ang dinaramit nila. Sila’y mga nagdarahop, aping-api, at pinagmamalupitan. Hindi marapat sa kanila ang daigdig! Nagpagala-gala sila sa mga ilang at kabundukan. Nagtago sila sa lungga at mga yungib sa lupa.

At dahil sa kanilang pananalig sa Diyos, isang kasaysayang di-malilimot kailanman ang kanilang iniwan. Ngunit ang pangako ng Diyos ay hindi natupad sa kanilang kapanahunan sapagkat may lalong mabuting panukala ang Diyos para sa atin – ang tayo’y makasama nila kapag tinupad na niya ang kanyang pangako.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 30, 20. 21. 22. 23. 24

Magpakatatag ang tanang
may tiwala sa Maykapal.

Poon, ang pagpapala mo’y ‘yong ilaan
sa mga anak mong may takot na taglay;
kagilas-gilas malasin ninuman,
ang pagkalinga mo sa mga hinirang
na nangagtiwala sa iyong pagmamahal.

Magpakatatag ang tanang
may tiwala sa Maykapal.

Iyong kinalinga at iningatan mo
laban sa adhika ng masamang tao;
dinala sa ligtas na dakong kublihan,
upang di hamakin ng mga kaaway.

Magpakatatag ang tanang
may tiwala sa Maykapal.

Purihin ang Poon, sa kanyang pag-ibig
na dulot sa akin nang ako’y magipit.

Magpakatatag ang tanang
may tiwala sa Maykapal.

Ako ay natakot, labis na nangamba
sa pag-aakalang itinakwil mo na;
ngunit dininig mo yaong aking taghoy,
nang ako’y humingi sa iyo ng tulong.

Magpakatatag ang tanang
may tiwala sa Maykapal.

Mahalin ang Poon ng mga hinirang;
ng lahat ng tapat na mga nilalang,
ang tapat sa kanya ay iniingatan,
ngunit ang palalo’y pinarurusahan.

Magpakatatag ang tanang
may tiwala sa Maykapal.

ALELUYA
Lucas 7, 16

Aleluya! Aleluya!
Narito at dumating na
isang dakilang propeta
sugo ng Diyos sa bayan n’ya.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 5, 1-20

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, dumating sina Hesus at ang mga alagad sa ibayo ng lawa, sa lupain ng mga Geraseno. Pagkababa ni Hesus sa bangka, siya’y sinalubong ng isang lalaking galing sa libingan. Ang lalaking ito’y inaalihan ng masamang espiritu at sa libingan naninirahan. Hindi siya maigapos nang matagal, kahit tanikala ang gamitin. Malimit siyang ipangaw at gapusin ng tanikala, ngunit pinaglalagut-lagot niya ito at pinagbabali-bali ang pangaw. Talagang walang makasupil sa kanya. Araw-gabi’y nagsisisigaw siya sa libingan at sa kaburulan, at sinusugatan ng bato ang kanyang sarili.

Malayo pa’y natanawan na niya si Hesus. Siya’y patakbong lumapit at nagpatirapa sa harapan niya, at sumigaw nang malakas, “Hesus, Anak ng Kataas-taasang Diyos, ano ang pakialam mo sa akin? Huwag mo akong pahirapan, alang-alang sa Diyos!” Sinabi niya ito, sapagkat iniutos sa kanya ni Hesus, “Masamang espiritu, lumabas ka sa taong ito!” Tinanong siya ni Hesus, “Ano ang pangalan mo?” “Pulutong, sapagkat marami kami,” tugon niya. At mahigpit nilang ipinakiusap kay Hesus na huwag silang palayasin sa lupaing iyon.

Doon naman sa libis ng bundok ay may malaking kawan ng mga baboy na nanginginain. Nagmakaawa kay Hesus ang masasamang espiritu na ang wika, “Papasukin mo na lang kami sa mga baboy.” At sila’y pinahintulutan niya. Lumabas sa tao ang masasamang espiritu at pumasok nga sa mga baboy. Ang kawan, na may dalawanlibo, ay sumibad ng takbo tungo sa pampang ng lawa, nahulog sa tubig at nalunod.

Nagtatakbo ang mga tagapag-alaga ng kawan at ipinamalita ito sa bayan at sa mga nayon; kaya’t pumaroon ang mga tao upang tingnan kung ano nga ang nangyari. Paglapit nila kay Hesus ay nakita nila ang lalaking inalihan ng mga demonyo. Nakaupo ito, may damit at matino na ang isip. At sila’y natakot. Isinalaysay sa kanila ng mga nakakita ang nangyari sa inalihan ng mga demonyo at ang sinapit ng mga baboy. Kaya’t ipinamanhik nila kay Hesus na umalis sa kanilang lupain.

Nang sumasakay na si Hesus sa bangka, nakiusap ang inalihan ng mga demonyo na isama siya, ngunit hindi pumayag si Hesus. Sa halip ay sinabi niya, “Umuwi ka at sabihin mo sa iyong mga kasambahay ang lahat ng ginawa sa iyo ng Panginoon, at kung paanong nahabag siya sa iyo.” Umalis ang taong iyon at ipinamalita sa Decapolis ang ginawa sa kanya ni Hesus. At nanggilalas ang lahat ng nakarinig niyon.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikaapat na Linggo sa Karaniwang Panahon
Lunes

Natitipon kay Kristo na lumulupig sa kasamaan, ilapit natin sa Ama nang may pananalig ang ating mga panalangin.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Kataas-taasang Diyos, ipag-adya Mo kami.

Ang Santo Papa, ang mga obispo, mga pari, at mga diyakono nawa’y matulungan tayong manatiling matatag sa ating pananampalataya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga Kristiyanong mananampalataya nawa’y magkaroon ng tapang na makapagsalita nang may katatagan sa ngalan ni Jesu-Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga naging manhid na sa pagkakasala nawa’y hipuin ng Espiritu ng Diyos upang magsisi at magbago sila ng pamumuhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga naghihinanakit dahil sa hirap at pagdurusa nawa’y maalalayan natin nang walang pag-aalinlangan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga mahal na yumao nawa’y makauwi nang matiwasay sa kalipunan ng mga banal kay Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Makalangit na Ama, nagbubunyi kami sa iyong nag-uumapaw na pag-ibig para sa amin, paghariin mo ang iyong kapangyarihan sa amin at maging kasa-kasama ka namin sa landasin ng buhay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kaunlarang may katarungan

 81,312 total views

 81,312 total views Mga Kapanalig, nagdiriwang ang mga vendors ng Baguio City Public Market matapos umatras ang SM Prime Holdings sa planong redevelopment ng pamilihan. Patunay

Read More »

Panalo para sa edukasyon?

 105,097 total views

 105,097 total views Mga Kapanalig, ngayong 2026, naglaan ang pamahalaan ng mahigit isang trilyong piso para sa Department of Education (o DepEd) at mga attached agencies

Read More »

Kasakiman at karahasan

 117,332 total views

 117,332 total views Mga Kapanalig, ilang araw pa lang nang salubungin ng buong mundo ang taóng 2026, binulaga ang lahat ng tinatawag na “large-scale strike” ng

Read More »

Lingkod-bayan, hindi idolo

 302,651 total views

 302,651 total views Mga Kapanalig, ano ang isasagot ninyo sa tanong na ito: maaari bang pakisabi kung gaano kalaki o kaliit ang inyong pagtitiwala kay Pangulong

Read More »

Bumaba naman ang mga nasa itaas

 332,520 total views

 332,520 total views Mga Kapanalig, sinasabi sa Mga Kawikaan 15:1: “Ang malumanay na sagot, nakapapawi ng galit, ngunit sa tugóng marahas, poot ay hindi mawawaglit.” Ipinahihiwatig

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Setyembre 30, 2025

 76,817 total views

 76,817 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Zacarias 8, 20-23 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling

Read More »

Lunes, Setyembre 29, 2025

 77,048 total views

 77,048 total views Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael Daniel 7, 9-10. 13-14 o kaya Pahayag 12, 7-12a Salmo 137, 1-2a, 2bk-3, 4-5

Read More »

Linggo, Setyembre 28, 2025

 77,602 total views

 77,602 total views Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Amos 6, 1a. 4-7 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Read More »

Sabado, Setyembre 27, 2025

 58,238 total views

 58,238 total views Paggunita kay San Vicente de Paul, pari Zacarias 2, 5-9. 14-15a Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na kumukupkop.

Read More »

Biyernes, Setyembre 26, 2025

 58,347 total views

 58,347 total views Biyernes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Cosme at San Damian, mga martir Ageo 1, 15b – 2,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top