Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Linggo, Pebrero 2, 2025

SHARE THE TRUTH

 3,178 total views

Kapistahan ng Pagdadala kay Hesus na Panginoon sa Templo

Malakias 3, 1-4
Salmo 23, 7. 8. 9. 10.

D’yos na makapangyariha’y
dakilang hari kailanman.

Hebreo 2, 14-18
Lucas 2, 22-40
o kaya Lucas 2, 22-32

Feast of the Presentation of the Lord (White)

World Day for Consecrated and Religious Life
Day of Prayer and Awareness against Human Trafficking

UNANG PAGBASA
Malakias 3, 1-4

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Malakias

Ito ang sinabi ng Panginoong Diyos, “Ipadadala ko ang aking sugo upang ihanda ang daraanan ko. At ang Panginoon na inyong hinahanap ay biglang darating sa kanyang templo. Darating ang pinakahihintay ninyong sugo at ipapahayag ang aking tipan.”

Ngunit sino ang makatatagal pagdating ng araw na iyon? Sino ang makakaharap pag siya’y napakita na? Siya’y parang apoy na nagpapadalisay sa bakal at parang matapang na sabon. Darating siya para humatol at dadalisayin niya ang mga saserdote, tulad ng pagdalisay sa pilak at ginto. Sa gayun, magiging karapat-dapat silang maghandog sa Panginoon, at ang mga handog na dadalhin ng mga taga-Juda at Jerusalem ay magiging kalugud-lugod sa kanya, tulad ng dati.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 23, 7. 8. 9. 10.

D’yos na makapangyariha’y
dakilang hari kailanman.

Ang pintuang luma ay buksan nang lubos,
ang dakilang hari ay doon papasok.

D’yos na makapangyariha’y
dakilang hari kailanman.

Ang dakilang haring ito ay sino ba?
Siya ang Poon, dakilang talaga;
Saanmang labanan tagumpay ay kanya.

D’yos na makapangyariha’y
dakilang hari kailanman.

Ang pintuang luma ay buksan nang lubos,
ang dakilang hari ay doon papasok.

D’yos na makapangyariha’y
dakilang hari kailanman.

Ang dakilang hari’y sino bang talaga?
Makapangyarihang Diyos at hari siya!

D’yos na makapangyariha’y
dakilang hari kailanman.

IKALAWANG PAGBASA
Hebreo 2, 14-18

Pagbasa mula sa sulat sa mga Hebreo

Yamang ang mga anak na tinuturing ng Diyos ay tao, naging tao rin si Hesus, tulad nila – may laman at dugo. Ginawa niya ito upang sa pamamagitan ng kanyang kamatayan ay maigupo niya ang diyablo na siyang may kapangyarihan sa kamatayan. Sa gayun, pinalaya niya ang lahat ng naging alipin habang panahon dahil sa kanilang takot sa kamatayan. Hindi ang mga anghel ang kanyang tinutulungan kundi “Ang lahi ni Abraham.” Kaya’t kinailangang matulad siya sa kanyang mga kapatid sa lahat ng paraan. Sa gayun, siya’y naging isang dakilang saserdote, mahabagin at tapat, naglilingkod sa Diyos at naghahandog ng hain sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan ng tao. Sapagkat siya ma’y tinukso at nagbata, kaya ngayo’y matutulungan niya ang mga tinutukso.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Lucas 2, 32

Aleluya! Aleluya!
Para sa lahat ng bansa
liwanag na nagmumula
sa bayan mong dinakila!
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 2, 22-40

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Nang dumating ang araw ng paglilinis sa kanila ayon sa Kautusan ni Moises, si Hesus ay dinala ng kanyang mga magulang sa Jerusalem upang iharap sa Panginoon, sapagkat ayon sa Kautusan, “Ang bawat panganay na lalaki ay nakatalaga sa Panginoon.” At naghandog sila, ayon sa hinihingi ng Kautusan ng Panginoon: “Mag-asawang batu-bato o dalawang inakay na kalapati.”

May isang tao noon sa Jerusalem, ang pangala’y Simeon. Matapat at malapit sa Diyos ang lalaking ito at naghihintay sa katubusan ng Israel. Sumasakanya ang Espiritu Santo na nagpahayag sa kanya na hindi siya mamamatay hangga’t hindi niya nakikita ang Mesiyas na ipinangako ng Panginoon. Sa patnubay ng Espiritu, pumasok siya sa templo. At nang dalhin doon ng kanyang mga magulang ang sanggol na si Hesus upang gawin ang hinihingi ng Kautusan, siya’y kinalong ni Simeon. Ito’y nagpuri sa Diyos, na ang wika,

“Kunin mo na, Panginoon, ang iyong abang alipin,
ayon sa iyong pangako yamang nakita na ng aking mga mata ang iyong tagapagligtas,
na inihanda mo para sa lahat ng bansa:
Liwanag itong tatanglaw sa mga Hentil,
at magbibigay-karangalan sa iyong bayang Israel.”

Namangha ang ama’t ina ng sanggol dahil sa sinabi ni Simeon tungkol sa kanya. Binasbasan sila ni Simeon, at sinabi kay Maria, “Tandaan mo, ang batang ito’y nakatalaga sa ikapapahamak o ikaliligtas ng marami sa Israel, isang tanda mula sa Diyos ngunit hahamakin ng marami kaya’t mahahayag ang kanilang iniisip. Dahil diyan, ang puso mo’y para na ring tinarakan ng isang balaraw.”

Naroon din sa templo ang isang propetang babae na ang pangala’y Ana, anak ni Fanuel na mula sa lipi ni Aser. Siya’y napakatanda na. Pitong taon lamang silang nagsama ng kanyang asawa, nang siya’y mabalo. At ngayon, walumpu’t apat na taon na siya. Lagi siya sa templo at araw-gabi’y sumasamba sa Diyos sa pamamagitan ng pag-aayuno at pananalangin. Lumapit siya nang oras ding iyon at nagpasalamat sa Diyos. Nagsalita rin siya tungkol kay Hesus sa lahat ng naghihintay sa pagpapalaya ng Diyos sa Jerusalem.

Nang maisagawa nila ang lahat ng bagay ayon sa Kautusan, bumalik na sila sa kanilang bayan, sa Nazaret, Galilea. Ang bata’y lumaking malakas, marunong at kalugod-lugod sa paningin ng Diyos.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

o kaya: Maikling Pagbasa
Lucas 2, 22-32

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Nang dumating ang araw ng paglilinis sa kanila ayon sa kautusan ni Moises, si Hesus ay dinala ng kanyang mga magulang sa Jerusalem upang iharap sa Panginoon, sapagkat ayon sa Kautusan, “Ang bawat panganay na lalaki ay nakatalaga sa Panginoon.” At naghandog sila, ayon sa hinihingi ng Kautusan ng Panginoon: “Mag-asawang batu-bato o dalawang inakay na kalapati.”

May isang tao noon sa Jerusalem, ang pangala’y Simeon. Matapat at malapit sa Diyos ang lalaking ito at naghihintay sa katubusan ng Israel. Sumasakanya ang Espiritu Santo na nagpahayag sa kanya na hindi siya mamamatay hangga’t hindi niya nakikita ang Mesiyas na ipinangako ng Panginoon. Sa patnubay ng Espiritu, pumasok siya sa templo. At nang dalhin doon ng kanyang mga magulang ang sanggol na si Hesus upang gawin ang hinihingi ng Kautusan, siya’y kinalong ni Simeon. Ito’y nagpuri sa Diyos, na ang wika,

“Kunin mo na, Panginoon, ang iyong abang alipin,
ayon sa iyong pangako, yamang nakita na ng aking mga mata ang iyong tagapagligtas, na inihanda mo para sa lahat ng bansa:
Liwanag itong tatanglaw sa mga Hentil,
at magbibigay-karangalan sa iyong bayang Israel.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Pebrero 2
Ang Pagdadala kay Jesus sa Templo

Nagniningning si Kristo bilang liwanag ng kaligtasan sa lahat ng bansa at kaluwalhatian ng kanyang bayan. Ilapit natin ang ating mga panalangin sa Ama na nag-alay ng kayang bugtong na Anak para sa atin.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, masinagan nawa kami ng Iyong liwanag.

Ang simbahan sa buong mundo nawa’y ipakita ang tunay na mukha ni Kristo at maging tanda ng kaligtasan sa lahat, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maykapangyarihan nawa’y maglingkod sa lipunan nang may pag-aalay ng sarili, magkaroon ng tapang na magpahayag at kumilos sa ngalan ng katotohanan at katarungan, at maging saksi sa pag-ibig ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y mabigyan ng sigla ng pagiging masunurin ng Birheng Maria at ni San Jose sa laging pagtupad sa mga kautusan ng Simbahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa pamamagitan ng kanilang mga sariling halimbawa, mahikayat ng mga ama at ina ang kanilang mga anak sa pagsunod kay Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumaong mahal natin sa buhay nawa’y humayo sa kapayapaan ng Diyos at magdiwang nang walang katapusan sa piling ni Maria at ng lahat ng mga santo, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoon, nasa kadiliman kami kung wala ka. Magningning nawa sa amin ang iyong liwanag upang sa aming sariling paraan, kami’y maging mga salamin ng iyong liwanag. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Hindi biro ang karahasan at kapansanan

 8,951 total views

 8,951 total views Mga Kapanalig, umani ng batikos si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa dahil sa kanyang insensitibong komento sa itsura ni Akbayan Party-list Representative Perci Cendaña. Kasama si Reprepresentaive Cendaña sa grupong nag-endorso ng unang impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte. Kilala namang malapít na kaalyado ng mga Duterte si Senador Bato. Kinutya ng

Read More »

Para sa mga isinasantabi at hindi napakikinggan

 16,785 total views

 16,785 total views Mga Kapanalig, bilang mga mananampalataya, tayo ay inuudyukang “ipagtanggol… ang mga ‘di makalaban, ipaglaban ang kanilang karapatan… at igawad ang katarungan sa api at mahirap,” gaya ng sabi sa Mga Kawikaan 31:8-9.  Ano ang itsura nito sa araw-araw?  Makikita ito sa mga estudyanteng pinoprotektahan ang kanilang kaklase mula sa mga bully, sa mga

Read More »

May katarungan ang batas

 20,740 total views

 20,740 total views Mga Kapanalig, sinasabi sa mga panlipunang turo ng Simbahan na sa isang demokratikong estado, ang mga may pulitikal na kapangyarihan ay nananagot sa taumbayan. Nakasaad din ang prinsipyong ito sa ating Saligang Batas: ang mga pampublikong gampanin o opisina ay mula sa tiwala at kapangyarihan ng taumbayan. Ito ang tinutungtungan ng mga nagsampa

Read More »

Filipino Voters

 35,247 total views

 35,247 total views Matapos mapaltalsik sa panunungkulan ang diktaduryang rehimen ng dating pangulong Ferdinand Marcos Sr., sa pamamagitan ng makasaysayang “EDSA people power” bloodless revolution kung saan may malaking bahagi ang Radio Veritas, Ang Radyo ng Simbahan.. Nawakasan nating mga Pilipino ang martial law at rehimeng Marcos noong January 17,1981 at nai-akda ang 1987 Philippine constitution

Read More »

Anti Agri-Cultural Smuggling Act Of 2016

 41,364 total views

 41,364 total views Ang Republic Act (RA)10845 ay nire-repeal ang RA 12022 o Anti Agricultural Sabotage Act. Kapanalig, bago ma-repeal ang RA 12022 ng RA 10845 may naparusahan na ba sa mga lumabag sa batas na mga cartel at smugglers ng agricultural at fisheries products? Marami na tayong batas laban sa mga rice cartels at profiteering,

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Sabado, Pebrero 22, 2025

 81 total views

 81 total views Kapistahan ng Luklukan ni Apostol San Pedro 1 Pedro 5, 1-4 Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6 Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop. Mateo 16, 13-19 Feast of Chair of St. Peter the Apostle (White) UNANG PAGBASA 1 Pedro 5, 1-4 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pedro Mga pinakamamahal, sa

Read More »

Biyernes, Pebrero 21, 2025

 294 total views

 294 total views Biyernes ng Ika-6 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Pedro Damian, obispo at pantas ng Simbahan Genesis 11, 1-9 Salmo 32, 10-11. 12-13. 14-15 Mapalad ang ibinukod na bansang hinirang ng D’yos. Marcos 8, 34 – 9, 1 Friday of the Sixth Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of

Read More »

Huwebes, Pebrero 20, 2025

 552 total views

 552 total views Huwebes ng Ika-6 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Genesis 9, 1-13 Salmo 101, 16-18. 19-21. 29 at 22-23 Mula sa iyong luklukan, lahat ay ‘yong minamasdan. Marcos 8, 27-33 Thursday of the Sixth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Genesis 9, 1-13 Pagbasa mula sa aklat ng Genesis Si Noe at ang

Read More »

Miyerkules, Pebrero 19, 2025

 791 total views

 791 total views Miyerkules ng Ika-6 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Genesis 8, 6-13. 20-22 Salmo 115, 12-13. 14-15. 18-19 Maghahandog ako sa D’yos ng pagpupuring malugod. Marcos 8, 22-26 Wednesday of the Sixth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Genesis 8, 6-13. 20-22 Pagbasa mula sa aklat ng Genesis Pagkalipas ng apatnapung araw, binuksan

Read More »

Lunes, Pebrero 17, 2025

 1,596 total views

 1,596 total views Lunes ng Ika-6 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita sa Pitong Tagapagtatag ng Orden ng mga Lingkod ng Mahal na Birheng Maria Genesis 4, 1-15, 25 Salmo 49, 1 at 8. 16bk-17. 20-21 Sa D’yos tayo ay maghandog, pasalamat na malugod. Marcos 8, 11-13 Monday of the Sixth Week in Ordinary Time (Green)

Read More »

Linggo, Pebrero 16, 2025

 1,844 total views

 1,844 total views Ika-6 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Jeremias 17, 5-8 Salmo 1, 1-2. 3. 4 at 6 Mapalad ang umaasa sa Panginoon tuwina. 1 Corinto 15, 12. 16-20 Lucas 6, 17. 20-26 Sixth Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Jeremias 17, 5-8 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias Ito ang sinasabi ng

Read More »

Sabado, Pebrero 15, 2025

 2,047 total views

 2,047 total views Sabado ng Ika-5 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Genesis 3, 9-24 Salmo 89, 2. 3-4. 5-6. 12-13 Poon, amin kang tahanan noon, ngayon at kailanman. Marcos 8, 1-10 Saturday of the Fifth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Genesis 3, 9-24 Pagbasa mula sa

Read More »

Biyernes, Pebrero 14, 2025

 2,269 total views

 2,269 total views Paggunita kina San Cirilo, monghe, at San Metodio, obispo Genesis 3, 1-8 Salmo 31, 1-2. 5. 6. 7 Mapalad ang pinagbigyang mahango sa kasalanan. Marcos 7, 31-37 Memorial of Sts. Cyril, Monk and Methodius, Bishop (White) Mga Pagbasa mula sa Biyernes ng Ika-5 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) UNANG PAGBASA Genesis 3, 1-8 Pagbasa

Read More »

Huwebes, Pebrero 13, 2025

 2,473 total views

 2,473 total views Huwebes ng Ika-5 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Genesis 2, 18-25 Salmo 127, 1-2. 3. 4-5 Mapalad ang sumusunod na taong may takot sa D’yos. Marcos 7, 24-30 Thursday of the Fifth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Genesis 2, 18-25 Pagbasa mula sa aklat ng Genesis Sinabi ng Panginoon Diyos, “Hindi mainam

Read More »

Miyerkules, Pebrero 12, 2025

 2,332 total views

 2,332 total views Miyerkules ng Ika-5 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Genesis 2, 4b-9, 15-17 Salmo 103, 1-2a. 27-28. 29bk-30 Panginoo’y papurihin, aba kong sariling buhay. Marcos 7, 14-23 Wednesday of the Fifth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Genesis 2, 4b-9, 15-17 Pagbasa mula sa aklat ng Genesis Nang likhain ng Panginoon ang lupa at

Read More »

Martes, Pebrero 11, 2025

 2,508 total views

 2,508 total views Paggunita sa Mahal na Birheng Maria ng Lourdes Isaias 66, 10-14k Judith 13, 18bkde. 19 Pinupuri kang lubusan ng lahat sa ating bayan. Juan 2, 1-11 Memorial of Our Lady of Lourdes (White) UNANG PAGBASA Isaias 66, 10-14k Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Magalak ang lahat, magalak kayo dahil sa Jerusalem, ang

Read More »

Lunes, Pebrero 10, 2025

 2,709 total views

 2,709 total views Paggunita kay Santa Escolastica, dalaga Genesis 1, 1-19 Salmo 103, 1-2a. 5-6. 10 at 12. 24 at 35k Ang Poon ay natutuwa sa kanyang mga nilikha. Marcos 6, 53-56 Memorial of St. Scholastica, Virgin (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-5 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) UNANG PAGBASA Genesis 1, 1-19 Ang simula

Read More »

Linggo, Pebrero 9, 2025

 1,665 total views

 1,665 total views Ika-5 Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Isaias 6, 1-2a. 3-8 Salmo 137, 1-2a. 2bk-3. 4-5. 7k-8 Poon, kita’y pupurihin sa harap ng mga anghel. 1 Corinto 15, 1-11 o kaya 1 Corinto 15, 3-8. 11 Lucas 5, 1-11 Fifth Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Isaias 6, 1-2a. 3-8 Pagbasa mula sa aklat ni

Read More »

Sabado, Pebrero 8, 2025

 3,142 total views

 3,142 total views Sabado ng Ika-4 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita ka San Jeronimo Emiliano o kaya Paggunita kay Santa Josefina Bakhita, dalaga o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Hebreo 13, 15-17. 20-21 Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6 Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop. Marcos 6, 30-34 Saturday of

Read More »

Biyernes, Pebrero 7, 2025

 3,320 total views

 3,320 total views Biyernes ng Ika-4 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Hebreo 13, 1-8 Salmo 26, 1. 3. 5. 8b-9abk Panginoo’y aking tanglaw, siya’y aking kaligtasan. Marcos 6, 14-29 Friday of the Fourth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Hebreo 13, 1-8 Pagbasa mula sa sulat sa Mga Hebreo Mga kapatid, magpatuloy kayong nag-iibigan bilang

Read More »
Scroll to Top