Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

MARTES, ENERO 9, 2024

SHARE THE TRUTH

 7,402 total views

Martes ng Unang Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

1 Samuel 1, 9-20
1 Samuel 2, 1. 4-5. 6-7. 8abkd

Diyos kong Tagapagligtas,
pinupuri kitang wagas.

Marcos 1, 21b-28

Tuesday of the First Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
1 Samuel 1, 9-20

Pagbasa mula sa unang aklat ni Samuel

Noong mga araw na iyon, matapos kumain sa Silo, malungkot na nagtindig si Ana at nanalangin sa Templo. Nagkataong nakaupo sa may pintuan ng Templo si Saserdoteng Eli. Buong pait na lumuluha si Ana at taimtim na nanalangin sa Panginoon. Ganito ang kanyang panalangin: “Panginoon, Diyos na Makapangyarihan sa lahat, kung diringgin ninyo ang inyong abang alipin at inyong kahahabagan, kung hindi ninyo ako pababayaan, bagkus ay pagkakalooban ng isang anak na lalaki, ihahandog ko siya sa inyo habang siya ay nabubuhay; hindi ko ipapuputol ang kanyang buhok.”

Habang nananalangin si Ana, pinagmamasdan siya ni Eli. Kumikibot ang kanyang mga labi ngunit hindi naririnig ang kanyang tinig, sapagkat siya’y nananalangin lamang sa sarili. Dahil dito, inakala ni Eli na siya’y lasing. Kaya, lumapit ito at sinabi, “Tama na ‘yan. Umuwi ka muna! Matulog ka para mawala ang pagkalasing mo!”

“Hindi po ako lasing,” sagot ni Ana. “Ni hindi po ako tumitikim ng alak. Ako po’y aping-api at idinudulog ko lamang sa Panginoon ang aking kalagayan. Huwag po ninyong ipalagay na napakababa ng pagkababae ng inyong alipin. Inihihinga ko po lamang ang aking damdamin.”

Dahil dito, sinabi ni Eli, “Magpatuloy kang mapayapa at nawa’y ipagkaloob ng Diyos ng Israel ang iyong hinihingi.”

Sumagot si Ana, “Magkatotoo po sana ang inyong magandang hangarin para sa akin.” Pagkasabi niyon, nagtindig siya at kumain; wala na ang bigat ng kanyang kalooban.

Kinabukasan, maagang-maaga silang sumamba sa Panginoon at umuwi sa Rama pagkatapos. Sinipingan ni Elcana si Ana at dininig ng Panginoon ang dalangin nito. Naglihi siya at dumating ang araw na siya’y nagsilang ng isang sanggol na lalaki. Samuel ang ipinangalan niya rito sapagkat ang sabi niya, “Siya’y kaloob sa akin ng Panginoon.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
1 Samuel 2, 1. 4-5. 6-7. 8abkd

Diyos kong Tagapagligtas,
pinupuri kitang wagas.

Pinupuri ko kayo, Poon,
dahil sa kaloob ninyo sa akin.
Pinagtatawanan ko ngayon ang aking mga kaaway,
sapagkat iniligtas ninyo ako sa kadustaan.

Diyos kong Tagapagligtas,
pinupuri kitang wagas.

Nagapi ninyo ang mga makapangyarihan,
at pinalakas ninyo ang mahihina.
Kaya, ang dating mayayaman ay nagpapaupa para mabuhay.
Masagana ngayon ang dating maralita.
Ang dating baog, nagsilang ng mga anak,
at ang maraming supling ay sa lungkot nasadlak.

Diyos kong Tagapagligtas,
pinupuri kitang wagas.

Kayo, Poon, ay may kapangyarihang magbigay o bumawi ng buhay.
Maaari ninyo kaming patayin, maaari ring buhayin.
Maaari ninyo kaming payamanin o paghirapin,
maaari ring ibaba o itaas.

Diyos kong Tagapagligtas,
pinupuri kitang wagas.

Mapadadakila ninyo kahit ang pinakaaba,
mahahango sa kahirapan kahit ang pinakadukha.
Maihahanay ninyo sila sa mga maharlika,
mabibigyan ng karangalan kahit na ang dustang-dusta.

Diyos kong Tagapagligtas,
pinupuri kitang wagas.

ALELUYA
1 Tesalonica 2, 13

Aleluya! Aleluya!
Tanggapin n’yo ang salita
na di sa tao nagmula
kundi sa D’yos na dakila.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 1, 21b-28

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Sa lungsod ng Capernaum sa Araw ng Pamamahinga, si Hesus ay pumasok sa sinagoga at nagturo. Namangha ang mga tao sapagkat nagturo siya sa kanila na parang isang may kapangyarihan, at hindi tulad ng mga eskriba.

Bigla namang pumasok sa sinagoga ang isang lalaking inaalihan ng masamang espiritu, at sumigaw: “Ano ang pakialam mo sa amin, Hesus na taga-Nazaret? Naparito ka ba upang puksain kami? Kilala kita: ikaw ang Banal mula sa Diyos!” Ngunit iniutos ni Hesus sa masamang espiritu, “Tumahimik ka! Lumabas ka sa kanya!” Pinapangisay ng masamang espiritu ang tao, at sumisigaw na lumabas. Nanggilalas ang lahat, kaya’t sila’y nagtanungan, “Ano ito? Bagong aral? Nauutusan niya pati ang masamang espiritu. At sinunod naman siya!” At mabilis na kumalat sa buong Galilea ang balita tungkol kay Hesus.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Unang Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes

Sa pamamagitan ng Ebanghelyo, nagsasalita sa atin si Kristo nang may walang hanggang kapangyarihan at mga himala ng pagpapagaling. Sa pamamagitan niya, manalangin tayo nang may matibay na paniniwala:

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Diyos na tunay na makapangyarihan, hipuin Mo kami.

Ang Simbahan nawa’y patuloy na ituro ang katotohanan ni Kristo at labanan ang mga kasamaan sa ating panahon, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno sa daigdig nawa’y isulong ang kabutihan sa kani-kanyang gobyerno at maging maalab sa pagbabaklas ng kasamaan sa lipunan na kanilang sinumpaang paglingkuran, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y hindi manghinawa sa ating buhay-pananalangin upang hindi manaig sa ating buhay ang masamang espiritu, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y maging malaya sa kanilang mga pisikal at espiritwal na paghihirap, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y magtamasa ng maliwanag na bukang-liwayway ng buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, nagbubunyi kami sa yaman ng iyong pag-ibig sa amin. Pakatatagin mo ang iyong kapangyarihan sa amin at samahan mo kami sa landas ng aming buhay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Truth Vs Power

 17,043 total views

 17,043 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter. Noon, sa kabila ng kasinungalingan…anuman ang sasabihin ng dating Pangulo Rodrigo Roa Duterte ay katotohanan…hinahangaan natin siya na mga botanteng Pilipino…sinusunod natin anuman ang kanyang utos. Sinasabi nga ng News

Read More »

Heat Wave

 26,378 total views

 26,378 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng nagbabagong klima sa lahat ng panig ng mundo? Ang mainit na panahon na ating kagagawan dahil sa walang habas na pagsira sa kalikasan. Paulit-ulit na ipinapaalala sa ating mananampalataya ng

Read More »

Aangat ang kababaihan sa Bagong Pilipinas?

 38,488 total views

 38,488 total views Mga Kapanalig, “Babae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas!”  Ito ang tema sa paggunita natin ng National Women’s Month sa taóng ito. Sinasalamin nito ang hangarin ng kasalukuyang administrasyon na matamasa ng kababaihan ang kanilang mga karapatan, na ang mga oportunidad na ibinibigay sa mga lalaki ay nakakamit din

Read More »

Plastik at eleksyon

 56,105 total views

 56,105 total views Mga Kapanalig, mala-fiesta na ba sa inyong lugar sa dami ng mga nakasabit na tarpaulins at posters ng mga kandidato? Asahan ninyong darami pa ang mga iyan pagsapit ng opisyal na simula ng kampanya para sa mga tumatakbo sa lokal na posisyon. Sa March 28 pa ito, pero wala pa nga ang araw

Read More »

Sasakay ka ba sa mga resulta ng surveys?

 77,132 total views

 77,132 total views Mga Kapanalig, nagsusulputang parang kabute, lalo na sa social media, ang iba’t ibang surveys na nagpapakita ng ranking ng mga kandidato sa paparating na eleksyon. Sinu-sino nga ba ang nangunguna? Sinu-sino ang malaki ang tsansang manalo kung gagawin ngayon ang halalan? Sinu-sino ang tila tagilid at kailangan pang magpakilala sa mga botante? Bahagi

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Sabado, Marso 15, 2025

 1,006 total views

 1,006 total views Sabado sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Deuteronomio 26, 16-19 Salmo 118, 1-2. 4-5. 7-8 Mapalad ang sumusunod sa utos ng Poong Diyos. Mateo 5, 43-48 Saturday of the First Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Deuteronomio 26, 16-19 Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio Sinabi ni Moises sa mga tao: “Ngayon

Read More »

Biyernes, Marso 14, 2025

 1,366 total views

 1,366 total views Biyernes sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Ezekiel 18, 21-28 Salmo 129, 1-2. 3-4ab. 4k-6. 7-8 Hiling nami’y ‘yong limutin tanang kasalanan namin. Mateo 5, 20-26 Friday of the First Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Ezekiel 18, 21-28 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Ezekiel Sinasabi ng Panginoon: “Kung ang isang

Read More »

Huwebes, Marso 13, 2025

 2,173 total views

 2,173 total views Huwebes sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Ester 4, 17 n. p-r. aa-bb. gg-hh Salmo 137, 1-2a. 2bk-3. 7k-8 Noong ako ay tumawag, tugon mo’y aking tinanggap. Mateo 7, 7-12 Thursday of the First Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Ester 4, 17 n. p-r. aa-bb. gg-hh Pagbasa mula sa aklat ni

Read More »

Miyerkules, Marso 12, 2025

 2,521 total views

 2,521 total views Miyerkules sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Jonas 3, 1-10 Salmo 50, 3-4. 12-13. 18-19 D’yos ko, iyong tinatanggap pakumbaba’t pusong tapat. Lucas 11, 29-32 Wednesday of the First Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Jonas 3, 1-10 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jonas Sinabi ng Panginoon kay Jonas: “Pumunta ka

Read More »

Martes, Marso 11, 2025

 2,945 total views

 2,945 total views Martes sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Isaias 55, 10-11 Salmo 33, 4-5. 6-7. 16-17. 18-19 Mat’wid ay tinutulungan sa lahat ng kagipitan. Mateo 6, 7-15 Tuesday of the First Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Isaias 55, 10-11 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Sinasabi ng Panginoon: “Ang ulan at

Read More »

Lunes, Marso 10, 2025

 2,996 total views

 2,996 total views Lunes sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Levitico 19, 1-2. 11-18 Salmo 18. 8. 9. 10. 15 Espiritung bumubuhay ang salita ng Maykapal. Mateo 25, 31-46 Monday of the First Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Levitico 19, 1-2. 11-18 Pagbasa mula sa aklat ng Levitico Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Sabihin

Read More »

Linggo, Marso 9, 2025

 3,675 total views

 3,675 total views Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda para sa Pasko ng Pagkabuhay (K) Deuteronomio 26, 4-10 Salmo 90, 1-2. 10-11. 12-13. 14-15 Poon ko, ako’y samahan sa dusa at kahirapan. Roma 10, 8-13 Lucas 4, 1-13 First Sunday of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Deuteronomio 26, 4-10 Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio Sinabi ni

Read More »

Sabado, Marso 8, 2025

 3,657 total views

 3,657 total views Sabado kasunod ng Miyerkules ng Abo Isaias 58, 9b-14 Salmo 85, 1-2. 3-4. 5-6 Ituro mo ang ‘yong loob nang matapat kong masunod. Lucas 5, 27-32 Saturday after Ash Wednesday (Violet) UNANG PAGBASA Isaias 58, 9b-14 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Sinasabi ng Panginoon: “Kung titigilan ninyo ang pang-aalipin at pagsuway sa

Read More »

Biyernes, Marso 7, 2025

 4,001 total views

 4,001 total views Biyernes kasunod ng Miyerkules ng Abo Isaias 58, 1-9a Salmo 50, 3-4. 5-6a. 18-19 D’yos ko, iyong tinatanggap pakumbaba’t pusong tapat. Mateo 9, 14-15 Friday after Ash Wednesday (Violet) UNANG PAGBASA Isaias 58, 1-9a Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Ito ang sinasabi ng Panginoon: “Ikaw ay sumigaw nang ubos-lakas, ang sala ng

Read More »

Huwebes, Marso 6, 2025

 4,296 total views

 4,296 total views Huwebes kasunod ng Miyerkules ng Abo Deuteronomio 30, 15-20 Salmo 1, 1-2. 3. 4 at 6 Mapalad ang umaasa sa Panginoon tuwina. Lucas 9, 22-25 Thursday after Ash Wednesday (Violet) UNANG PAGBASA Deuteronomio 30, 15-20 Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio Sinabi ni Moises sa mga tao, “Nasa inyo ngayon ang kapasyahan. Kayo ang

Read More »

Miyerkules, Marso 5, 2025

 4,904 total views

 4,904 total views Miyerkules ng Abo Joel 2, 12-18 Salmo 50, 3-4, 5-6a. 12-13. 14 at 17 Poon, iyong kaawaan kaming sa ‘yo’y nagsisuway. 2 Corinto 5, 20 – 6, 2 Mateo 6, 1-6. 16-18 Ash Wednesday (Violet) UNANG PAGBASA Joel 2, 12-18 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Joel Sinasabi ngayon ng Panginoon: “Mataimtim kayong magsisi

Read More »

Martes, Marso 4, 2025

 4,698 total views

 4,698 total views Martes ng Ika-8 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Casimiro Sirak 35, 1-15 Salmo 49, 5-6. 7-8. 14 at 23 Ang masunurin sa Diyos ay sasagipin n’yang lubos. Marcos 10, 28-31 Tuesday of the Eighth Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St. Casimir, Holy Man (White) UNANG PAGBASA Sirak 35,

Read More »

Lunes, Marso 3, 2025

 4,913 total views

 4,913 total views Lunes ng Ika-8 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Sirak 17, 20-28 Salmo 31, 1-2. 5. 6. 7 Sambayanang tapat sa D’yos ay magpupuring malugod. Marcos 10, 17-27 Monday of the Eighth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Sirak 17, 20-28 Pagbasa mula sa aklat ni Sirak Laging tinatanggap ng Diyos ang nagbabalik-loob, at

Read More »

Linggo, Marso 2, 2025

 5,215 total views

 5,215 total views Ika-8 Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Sirak 27, 5-8 Salmo 91, 2-3. 13-14. 15-16 Totoong kalugud-lugod ang magpasalamat sa D’yos. 1 Corinto 15, 54-58 Lucas 6, 39-45 Eighth Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Sirak 27, 5-8 (gr. 4-7) Pagbasa mula sa aklat ni Sirak Pag niliglig mo ang bistay, maiiwan ang magaspang;

Read More »

Sabado, Marso 1, 2025

 5,738 total views

 5,738 total views Sabado ng Ika-7 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Sirak 17, 1-13 Salmo 102, 13-14. 15-16. 17-18a Pag-ibig mo’y walang hanggan sa bayan mong nagmamahal. Marcos 10, 13-16 Saturday of the Seventh Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Sirak 17, 1-13 Pagbasa mula sa aklat

Read More »
Scroll to Top