Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

MARTES, HULYO 16, 2024

SHARE THE TRUTH

 5,187 total views

Paggunita sa Mahal na Birheng Maria ng Bundok del Carmen

Zacarias 2, 14-17
Lucas 1, 46-47. 48-49. 50-51. 52-53. 54-55

D’yos ay Makapangyarihan,
Banal ang kanyang pangalan.

o kaya

Mahal na Birheng Maria,
Ina ng Anak ng Ama.

Mateo 12, 46-50

Memorial of Our Lady of Mount Carmel (White)

UNANG PAGBASA
Zacarias 2, 14-17

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Zacarias

Sinabi ng Panginoon, “Umawit ka sa kagalakan, bayan ng Sion, pagkat maninirahan na ako sa piling mo.”

Sa araw na yaon, maraming bansa ang sama-samang magpupuri sa Panginoon at pasasakop sa kanya. Siya’y maninirahan sa gitna ninyo. Sa gayun, malalaman ninyong sinugo ako ng Panginoon. Muli niyang kukupkupin, ituturing na kanyang sarili, at itatangi ang Jerusalem.

Manahimik sa harapan ng Panginoon ang lahat ng nilalang, pagkat siya’y tumindig mula sa kanyang templo.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Lucas 1, 46-47. 48-49. 50-51. 52-53. 54-55

D’yos ay Makapangyarihan,
Banal ang kanyang pangalan.

o kaya
Mahal na Birheng Maria,
Ina ng Anak ng Ama.

Ang puso ko’y nagpupuri sa Panginoon,
at nagagalak ang aking espiritu dahil sa Diyos na aking Tagapagligtas.

D’yos ay Makapangyarihan,
Banal ang kanyang pangalan.

o kaya
Mahal na Birheng Maria,
Ina ng Anak ng Ama.

Sapagkat nilingap niya ang kanyang abang alipin!
At mula ngayon, ako’y tatawaging mapalad ng lahat ng salinlahi,
dahil sa mga dakilang bagay na ginawa sa akin ng Makapangyarihan —
Banal ang kanyang pangalan!

D’yos ay Makapangyarihan,
Banal ang kanyang pangalan.

o kaya
Mahal na Birheng Maria,
Ina ng Anak ng Ama.

Kinahahabagan niya ang mga may takot sa kanya, sa lahat ng sali’t saling lahi.
Ipinakita niya ang lakas ng kanyang mga bisig,
Pinangalat niya ang mga palalo ang isipan.

D’yos ay Makapangyarihan,
Banal ang kanyang pangalan.

o kaya
Mahal na Birheng Maria,
Ina ng Anak ng Ama.

Ibinagsak niya ang mga hari mula sa kanilang trono,
At itinaas ang mga nasa abang kalagayan.
Binusog niya ng mabubuting bagay ang mga nagugutom,
at pinalayas niyang wala ni anuman ang mayayaman.

D’yos ay Makapangyarihan,
Banal ang kanyang pangalan.

o kaya
Mahal na Birheng Maria,
Ina ng Anak ng Ama.

Tinulungan niya ang kanyang bayang Israel,
bilang pagtupad sa pangako niya sa ating mga magulang,
kay Abraham at sa kanyang lahi, magpakailanman!”

D’yos ay Makapangyarihan,
Banal ang kanyang pangalan.

o kaya
Mahal na Birheng Maria,
Ina ng Anak ng Ama.

ALELUYA
Lucas 11, 28

Aleluya! Aleluya!
Mapalad ang sumusunod
sa salitang buhat sa D’yos
at namumuhay nang angkop.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 12, 46-50

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, samantalang nagsasalita pa si Hesus sa mga tao, dumating ang kanyang ina at mga kapatid. Naghihintay sila sa labas at ibig siyang makausap. May nagsabi sa kanya, “Nasa labas po ang inyong ina at mga kapatid, at ibig kayong makausap.” Ngunit sinabi ni Hesus, “Sino ang aking ina, at sinu-sino ang aking mga kapatid? Itinuro niya ang kanyang mga alagad at sinabi, “Ito ang aking ina at mga kapatid! Sapagkat ang sinumang sumusunod sa kalooban ng aking Amang nasa langit ang siya kong ina at mga kapatid.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Hulyo 16
Birheng Maria ng Carmel

Manalangin tayo sa Diyos Ama habang pinararangalan natin si Maria, ang Birhen ng Carmel.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Sa pamamagitan ng mga panalangin ni Maria, basbasan Mo kami, O Panginoon.

Tayo nawa’y magbahagi ng pananampalataya ni Maria at sundin ang kalooban ng Diyos nang may kagalakan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang Simbahan nawa’y lukuban ng Banal na Espiritu at punuin ito na pagsunod at pananampalataya at pamumunga ng mabuting gawa, manalangin tayo sa Panginoon.

Kung paanong naging tirahan ng Salita ang katawan ni Maria, nawa’y parangalan din natin ang ating mga sariling katawan bilang mga Templo ng Banal na Espiritu, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating buhay nawa’y ilaan natin sa pag-aaral at pagninilay ng Salita ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namayapa nawa’y makatagpo kay Maria ng isang tunay na kanlungan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, ipadala mo sa amin ang iyong Banal na Espiritu upang marinig namin nang may pananampalataya ang iyong Salita at tuparin ito sa aming buhay. Pagkalooban mo kami ng mga pusong nalulugod at sumusunod sa iyong banal na kalooban. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

 


 

Martes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Isaias 7, 1-9
Salmo 47, 2-3a. 3b-4. 5-6. 7-8

Ang D’yos ang s’yang nagtatanod
sa kanyang banal na lungsod.

Mateo 11, 20-24

Tuesday of the Fifteenth Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Isaias 7, 1-9

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Nang kapanahunan ni Acaz, na anak ni Jotam at apo naman ni Uzias na hari ng Juda, ang Jerusalem ay sinalakay ni Rezin, hari ng Siria, at ni Peka, anak ni Remalias, hari ng Israel. Ngunit hindi sila nagtagumpay. Nakaabot sa sambahayan ni David ang balitang nagkasundo na ang Siria at ang Israel. Kaya’t ang hari, gayun din ang buong bayan, ay nanginig sa takot na animo’y mga punongkahoy na inuugoy ng hangin.

Sinabi ng Panginoon kay Isaias: “Isama mo ang iyong anak na si Sear-Jasub at salubungin ninyo si Acaz. Matatagpuan ninyo siya sa may dulo ng padaluyan ng tubig mula sa Tipunan ng Tubig sa Itaas, sa daang patungo sa Bilaran ng Damit. Ganito ang sabihin mo sa kanya: ‘Humanda ka! Pumanatag ka at huwag matakot. Huwag masisira ang loob mo dahil sa nag-aalab na poot ni Rezin ng Siria at ng anak ni Remalias; ang dalawang iyan ay parang dalawang kahoy na umuusok ngunit di nagdidingas.’ Nagbalak ng masama laban sa iyo ang Siria, ang Israel at ang anak ni Remalias, at kanilang sinabi:

‘Lusubin natin ang Juda,
pasukuin natin at sakupin,
papaghariin natin doon ang anak ni Tabeel.’
Akong Panginoon ang nagsasabing hindi na ito mauulit.
Pagkat ang Siria’y mahina pa sa Damasco na punong-lungsod niya
at ang Damasco’y mas mahina kay Haring Rezin.
Ang Israel naman, mawawasak sa loob ng animnapu’t limang araw.
Malakas pa sa Israel ang Samaria na kanyang punong-lungsod,
at ang Samaria ay hindi lalakas kaysa kay Haring Peka.
Ikaw ay mapapahamak pag hindi nanatili ang iyong pananalig sa Diyos.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 47, 2-3a. 3b-4. 5-6. 7-8

Ang D’yos ang s’yang nagtatanod
sa kanyang banal na lungsod.

Dakila ang Poon, dapat papurihan,
sa lungsod ng Diyos, bundok niyang banal.
Ang Bundok ng Sion, tahanan ng Diyos
ay dakong mataas na nakalulugod.

Ang D’yos ang s’yang nagtatanod
sa kanyang banal na lungsod.

Bundok sa hilaga na galak ang dulot,
sa lahat ng bansa nitong sansinukob.
Sa piling ng Diyos ligtas ang sinuman,
sa loob ng muog ng banal na bayan.

Ang D’yos ang s’yang nagtatanod
sa kanyang banal na lungsod.

Itong mga hari ay nagtipun-tipon,
upang sumalakay sa Bundok ng Sion;
sila ay nagulat nang ito’y mamasdan,
pawang nagsitakas at nahintakutan.

Ang D’yos ang s’yang nagtatanod
sa kanyang banal na lungsod.

Ang nakakatulad ng pangamba nila
ay ang pagluluwal ng butihing ina.
Sa hanging amiha’y kanyang winawasak
ang naglalakihang barkong naglalayag.

Ang D’yos ang s’yang nagtatanod
sa kanyang banal na lungsod.

ALELUYA
Salmo 94, 8ab

Aleluya! Aleluya!
Dinggin ninyong lahat ngayon
ang tinig ng Panginoon
sa loob na mahinahon.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 11, 20-24

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinumbatan ni Hesus ang mga bayang ginawan niya ng maraming kababalaghan sapagkat hindi sila nagsisi’t tumalikod sa kanilang mga kasalanan. “Kawawa ka, Corazin! Kawawa ka, Betsaida! Sapagkat kung sa Tiro at Sidon ginawa ang mga kababalaghang ginawa sa inyo, malaon na sanang nagdaramit ng sako at nauupo sa abo ang mga tagaroon upang ipakilalang sila’y nagsisisi. Ngunit sinasabi ko sa inyo: sa Araw ng Paghuhukom ay higit na mabigat ang sasapitin ninyo kaysa sasapitin ng mga taga-Tiro at taga-Sidon. At ikaw, Capernaum, ibig mong mataas hanggang sa langit? Ibabagsak ka sa Hades! Sapagkat kung sa Sodoma ginawa ang mga kababalaghang ginawa rito sa inyo, sana’y nanatili pa ito hanggang ngayon. Ngunit sinasabi ko sa inyo, sa Araw ng Paghuhukom ay higit na mabigat ang ipaparusa sa inyo kaysa dinanas ng Sodoma.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes

Matiisin ang Diyos at mulat sa ating mga paghihirap. Manalangin tayo sa kanya upang tulungan niya tayo sa daan ng pagbabalik-loob at pagbabagumbuhay.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panibaguhin Mo kami, Panginoon.

Ang Kristiyanong nananalig nawa’y tumugon sa tawag ng pananampalataya at pagbabalik-loob, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y bigyan ng Diyos ng katapangan na italaga ang ating sarili para maging malaya kay Kristo ang mga taong napipiit sa kanilang pagkamakasarili, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong may mga pusong hungkag at nanlalamig nawa’y makatagpo ng kaligayahan sa pag-ibig ng Diyos at ng kanilang kapwa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga may karamdaman sa isip at katawan nawa’y magkaroon ng ganap na kagalingan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namayapa nawa’y masiyahan sa maliwanag na bukang-liwayway ng buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Diyos ng habag at pag-ibig, pakinggan mo ang daing ng mundong nasusukol sa pagdurusa at pagkakasala. Palayain mo nawa kami sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Karapatang pantao tungo sa kabutihang panlahat

 13,858 total views

 13,858 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ngayong araw ang Human Rights Day, na may temang “Our rights, our future, right now”. Sa kanyang mensahe para sa araw na ito, binigyang-diin ng Human Rights Chief ng United Nations (o UN) na si Volker Türk ang papel ng mga karapatang pantao sa pagtataguyod ng kabutihan sa mundo. Magandang

Read More »

Pueblo Amante de Maria

 22,568 total views

 22,568 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang natin ngayon ang Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi ng Mahal na Birheng Maria o Immaculate Conception. Ang Birheng Maria ang pangunahing patrona ng ating bansa. Itinalaga ni Pope Pius XII ang Immaculate Conception bilang principal patroness ng Pilipinas noong taong 1942. Ngayong 2024 naman ang ika-170 taóng anibersaryo ng pagkakatatag

Read More »

POGO’s

 31,327 total views

 31,327 total views TOTAL shutdown of Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), ito ay bahagi ng 2024 State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang POGO ay parang kabute na nagsusulputan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa para i-cater ang mga Chinese gambler.. Bukod sa online gambling, pinasok na rin ng POGO ang financial

Read More »

Culture Of Waste

 39,720 total views

 39,720 total views Isa ang Pilipinas sa mga 3rd world countries o mga bansang mataas ang poverty rate., Batay sa 2024 Global Hunger Index (GHI), 67 ang rank ng Pilipinas mula sa 127-bansang may mataas na hunger rate. Sa survey ng Social Weather Station (SWS) sa unang quarter ng taong 2024, natuklasan na 14.2-percent o 3.5-milyon

Read More »

Trustworthy

 47,737 total views

 47,737 total views Servant leader (mabuting katiwala) mapagkakatiwalaan, maaasahan…Ang totoong public servant ay nararapat TRUSTWORTHY., walang bahid ang pagkatao;incorruptible, …mabuting katiwala ng mamamayan sa pagpapadaloy ng serbisyong publiko. Umiiral pa ba ang katangiang ito sa kasalukuyang mga kawani, opisyal ng mga ahensiya ng pamahalaan at mga halal na opisyal? Kapanalig, aminin man natin o hindi.., bahagi

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Biyernes, Nobyembre 15, 2024

 6,065 total views

 6,065 total views Biyernes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 2 Juan, 4-9 Salmo 118, 1. 2. 10. 11. 17. 18 Mapalad ang sumusunod sa utos ng Poong Diyos. Lucas 17, 26-37 Friday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 2 Juan, 4-9 Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Juan Hirang

Read More »

Huwebes, Nobyembre 14, 2024

 6,214 total views

 6,214 total views Huwebes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filemon 7-20 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Mapalad ang kinukupkop ng Poong Diyos ni Jacob. Lucas 17, 20-25 Thursday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filemon 7-20 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo kay Filemon Pinakamamahal ko, ang iyong pag-ibig

Read More »

Miyerkules, Nobyembre 13, 2024

 6,799 total views

 6,799 total views Miyerkules ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Tito 3, 1-7 Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6 Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop. Lucas 17, 11-19 Memorial of Saint Martin of Tours, Bishop (White) Saturday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (II) UNANG PAGBASA Tito 3, 1-7 Pagbasa mula sa sulat ni

Read More »

Martes, Nobyembre 12, 2024

 6,983 total views

 6,983 total views Paggunita kay San Josafat, obispo at martir Tito 2, 1-8. 11-14 Salmo 36, 3-4. 18 at 23. 27 at 29 Nasa D’yos ang kaligtasan ng mga mat’wid at banal. Lucas 17, 7-10 Memorial of St. Josaphat, Bishop and Martyr (Red) Mga Pagbasa mula sa Martes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA

Read More »

Lunes, Nobyembre 11, 2024

 7,309 total views

 7,309 total views Paggunita kay San Martin ng Tours, obispo Tito 1, 1-9 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa iyo. Lucas 17, 1-6 Memorial of St. Martin of Tours, Bishop (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Tito 1, 1-9 Ang simula ng

Read More »

Linggo, Nobyembre 10, 2024

 5,931 total views

 5,931 total views Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) 1 Hari 17, 10-16 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin. Hebreo 9, 24-28 Marcos 12, 38-44 o kaya Marcos 12, 41-44 Thirty-second Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Hari 17, 10-16 Pagbasa mula sa unang aklat ng mga Hari Noong mga

Read More »

Sabado, Nobyembre 9, 2024

 6,427 total views

 6,427 total views Kapistahan ng Pagtatalaga sa Palasyong Simbahan sa Laterano, Roma Ezekiel 47, 1-2. 8-9. 12 Salmo 45, 2-3. 5-6. 8-9. Sa bayan ng Dakilang D’yos batis n’ya’y may tuwang dulot. 1 Corinto 3, 9k-11. 16-17 Juan 2, 13-22 Feast of the Dedication of the Lateran Basilica in Rome (White) UNANG PAGBASA Ezekiel 47, 1-2. 8-9.

Read More »

Biyernes, Nobyembre 8, 2024

 6,225 total views

 6,225 total views Biyernes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 3, 17 – 4, 1 Salmo 121, 1-2. 3-4a. 4b-5 Masaya tayong papasok sa tahanan ng Poong D’yos. Lucas 16, 1-8 Friday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filipos 3, 17 – 4, 1 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San

Read More »

Huwebes, Nobyembre 7, 2024

 6,378 total views

 6,378 total views Huwebes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 3, 3-8a Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7 Ang may pusong tapat sa D’yos ay may kagalakang lubos. Lucas 15, 1-10 Thursday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filipos 3, 3-8a Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos

Read More »

Miyerkules, Nobyembre 6, 2024

 6,622 total views

 6,622 total views Miyerkules ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 2, 12-18 Salmo 26, 1. 4. 13-14 Panginoo’y aking tanglaw, siya’y aking kaligtasan. Lucas 14, 25-33 Wednesday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filipos 2, 12-18 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos Mga minamahal, higit na

Read More »

Martes, Nobyembre 5, 2024

 6,830 total views

 6,830 total views Martes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 2, 5-11 Salmo 21, 26b-27. 28-30a. 31-32 Pupurihin kita, Poon, ngayong kami’y natitipon. Lucas 14, 15-24 Tuesday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filipos 2, 5-11 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos Mga kapatid, magpakababa kayo

Read More »

Lunes, Nobyembre 4, 2024

 6,697 total views

 6,697 total views Paggunita kay San Carlos Borromeo, obispo Filipos 2, 1-4 Salmo 130, 1. 2. 3 Sa iyong kapayapaan, D’yos ko, ako’y alagaan. Lucas 14, 12-14 Memorial of St. Charles Borromeo, Bishop (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Filipos 2, 1-4 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol

Read More »

Linggo, Nobyembre 3, 2024

 6,818 total views

 6,818 total views Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Deuteronomio 6, 2-6 Salmo 17, 2-3a. 3kb-4. 47 at 51ab Poong aking kalakasan, iniibig kitang tunay. Hebreo 7, 23-28 Marcos 12, 28b-34 Thirty-first Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Deuteronomio 6, 2-6 Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio Sinabi ni Moises sa mga tao: “Matakot kayo sa

Read More »

Sabado, Nobyembre 2, 2024

 7,067 total views

 7,067 total views Paggunita sa Lahat ng mga Pumanaw na Kristiyano Mga Pagbasa para sa Unang Misa 2 Macabeo 12, 43-46 Salmo 103, 8 at 10. 13-14. 15-16. 17-18. Panginoo’y nagmamahal at maawain sa tanan. Roma 8, 31b-35. 37-39 Juan 14, 1-6 Commemoration of All the Faithful Departed (All Soul’s Day) (Violet or White) UNANG PAGBASA 2

Read More »

Biyernes, Nobyembre 1, 2024

 7,211 total views

 7,211 total views Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal Pahayag 7, 2-4. 9-14 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa iyo. 1 Juan 3, 1-3 Mateo 5, 1-12a Solemnity of All Saints (White) UNANG PAGBASA Pahayag 7, 2-4. 9-14 Pagbasa mula sa aklat ng Pahayag Ako’y si Juan, at nakita kong

Read More »
Scroll to Top