LUNES, HULYO 15, 2024

SHARE THE TRUTH

 5,686 total views

Paggunita kay San Buenaventura, obispo at pantas ng Simbahan

Isaias 1, 10-17
Salmo 49, 8-9. 16bk-17, 21 at 23

Ang masunurin sa Diyos
ay sasagipin n’yang lubos.

Mateo 10, 34 – 11, 1

Memorial of St. Bonaventure, Bishop and Doctor of the Church (White)

Mga Pagbasa mula sa
Lunes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

UNANG PAGBASA
Isaias 1, 10-17

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Mga pinuno ng Sodoma,
pakinggan ninyo ang sinasabi ng Panginoon;
mga namamayan sa Gomorra,
pakinggan ninyo ang aral ng ating Diyos.
Ang sabi niya, “Walang halaga sa akin ang dami ng inyong mga handog.
Sawa na ako sa mga tupang sinusunog
at sa taba ng bakang inihahandog;
hindi ako nalulugod sa dugo ng mga toro at mga kambing.
Sino ang may sabi sa inyong magdala niyan sa harap ko?
Sino ang may utos sa inyong magparoo’t parito sa aking templo?
Huwag na kayong maghahandog nang paimbabaw;
nasusuklam ako sa usok niyan,
nababagot na ako sa inyong mga pagtitipon kung Pista ng Bagong Buwan at Araw ng Pamamahinga,
dahil sa pananatili ninyo sa inyong kasalanan.

Labis akong nasusuklam
sa inyong pagdiriwang ng Bagong Buwan
at iba pang kapistahan;
suyang-suya na ako sa mga iyan
at hindi ko na matatagalan.

Kapag kayo’y tumawag sa akin,
ibabaling ko sa malayo ang aking mukha.
Hindi ko kayo papansinin
kahit na kayo’y manalangin nang manalangin.
Hindi ko kayo pakikinggan
sapagkat marami kayong inutang na buhay.
Magpakabuti na kayo, magbalik-loob sa akin;
talikdan na ninyo ang masasamang gawain.
Tumigil na kayo ng paggawa ng masama.
Pag-aralan ninyong gumawa ng mabuti;
pairalin ang katarungan;
itigil ang pang-aapi;
tulungan ang mga ulila;
ipagtanggol ang mga balo.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 49, 8-9. 16bk-17, 21 at 23

Ang masunurin sa Diyos
ay sasagipin n’yang lubos.

Hindi ako nagagalit dahilan sa inyong handog,
ni sa inyong mga haing sa dambana’y sinusunog,
bagaman ang mga toro’y hindi ko na kailangan,
maging iyang mga kambing at ang inyong mga kawan.

Ang masunurin sa Diyos
ay sasagipin n’yang lubos.

Bakit ninyo inuusal yaong aking mga utos?
At bakit ang paksa ninyo ay sa tipan natutungod?
Pag kayo ay tinutuwid, agad kayong napopoot,
at ni ayaw na tanggapin yaong aking mga utos.

Ang masunurin sa Diyos
ay sasagipin n’yang lubos.

Kahit ito ay ginawa hindi kayo alumana,
kaya naman ang akala, kayo’t ako’y magkaisa;
ngunit ngayon, panahon nang kayo’y aking pagwikaan
upang inyong maunawa ang ginawang kamalian.
Ang parangal na nais ko na sa aki’y ihahain,
ay handog ng pasalamat, pagpupuring walang maliw;
akin namang ililigtas ang lahat na masunurin.

Ang masunurin sa Diyos
ay sasagipin n’yang lubos.

ALELUYA
Mateo 5, 10

Aleluya! Aleluya!
Mapalad ang inuusig
sa gawang puspos ng bait,
pagkat may kakamting langit.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 10, 34 – 11, 1

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga apostol, “Huwag ninyong isiping naparito ako upang magdala ng kapayapaan sa lupa; naparito ako upang magdala ng tabak, hindi kapayapaan. Sapagkat naparito ako upang papaglabanin ang anak na lalaki at ang kanyang ama, ang anak na babae at ang kanyang ina, ang manugang na babae at ang kanyang biyenang babae. At ang kaaway ng isang tao’y ang kanya na ring kasambahay.

“Ang umiibig sa ama o sa ina nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. At ang umiibig sa anak na lalaki o babae nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. Ang hindi nagpapasan ng kanyang krus at sumusunod sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. Ang nag-iingat ng kanyang buhay ay siyang mawawalan nito, at ang nawawalan ng kanyang buhay dahil sa akin ay magkakamit nito.

“Ang tumatanggap sa inyo ay tumatanggap sa akin, at ang tumatanggap sa akin ay tumatanggap sa nagsugo sa akin. Ang tumatanggap sa isang propeta dahil sa siya’y propeta ay tatanggap ng gantimpala ukol sa propeta. At ang tumatanggap sa isang taong matuwid dahil sa siya’y matuwid ay tatanggap ng gantimpalang nauukol sa taong matuwid. At sinumang magbigay ng kahit isang basong tubig na malamig sa isa sa maliliit na ito dahil sa ito’y alagad ko – tinitiyak ko sa inyong tatanggap siya ng gantimpala.”

Matapos tagubilinan ang labindalawang alagad, umalis si Hesus upang magturo at mangaral sa mga bayang malapit doon.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon
Lunes

Kung tapat tayo kay Kristo, huwag natin asahan na magiging sikat tayo. Nawa’y hubugin ang ating mga hangarin ng hiwagang ito ng Kaharian ng Langit.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, ikaw ang aming buhay.

Ang mga miyembro ng Simbahan nawa’y maging matapang at lagi nang tapat sa pananampalataya sa gitna ng pakikipagtunggali at pag-uusig, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga magulang nawa’y magkaroon ng lakas at tapang upang gabayan ang kanilang mga anak sa daan ng pananampalataya at Kristiyanong pamumuhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga kabataan nawa’y magkaroon ng lakas na mapaglabanan ang impluwensya ng kasamaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit, mga nalulumbay, mga naliligalig at yaong nagdurusa sa isip at katawan nawa’y hipuin ng Panginoon, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong mga namayapa nawa’y maging masayang walang hanggan sa Kaharian ng Diyos Ama, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming Diyos, ipinadala mo ang iyong Anak upang tulungan kami sa aming mga pakikibaka sa buhay. Bigyan mo kami ng kapanatagan sa kabila ng aming pagdurusa, at bigyan mo kami ng lakas na kumilos nang mayroong pananalig sa iyong salita. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 22,875 total views

 22,875 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 97,489 total views

 97,489 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 177,568 total views

 177,568 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 220,707 total views

 220,707 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 220,416 total views

 220,416 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Biyernes, Hulyo 17, 2026

 1,508 total views

 1,508 total views Biyernes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Isaias 38, 1-6. 21-22. 7-8 Isaias 38, 10. 11. 12abkd. 16 Buhay ko’y ‘yong iniligtas,

Read More »

Huwebes, Hulyo 16, 2026

 3,048 total views

 3,048 total views Huwebes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Isaias 26, 7-9. 12. 16-19 Salmo 101, 13-14ab at 15. 16-18. 19-21 Mula sa iyong

Read More »

Miyerkules, Hulyo 15, 2026

 4,501 total views

 4,501 total views Paggunita kay San Buenaventura, obispo at pantas ng Simbahan Isaias 10, 5-7. 13-16 Salmo 93, 5-6. 7-8. 9-10. 14-15 Ang Poo’y di tatalikod

Read More »

Martes, Hulyo 14, 2026

 5,193 total views

 5,193 total views Martes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Camilo ng Lellis, pari Isaias 7, 1-9 Salmo 47, 2-3a. 3b-4.

Read More »

Lunes, Hulyo 13, 2026

 5,843 total views

 5,843 total views Lunes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Enrico Isaias 1, 10-17 Salmo 49, 8-9. 16bk-17, 21 at 23

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top